Tweet Mga Salin
中文 / Zhōngwén |
KAKAYAHAN, KAHINAAN, PAGKAKATAON AT PANGANIB PARA SA PAGBABAGOni Phil Bartle, Doktor ng PilosopiyaIsinalin ni Gerasmo G. PonoBabasahinMga kakayahan, kahinaan, pagkakataon, at panganib (KKPP). Mga tulong galing nang mga may kaugnayang grupo, tagapagpakilos,mga bulontaryong gumagawa, at mga kasapi nang pamayanan na mahalaga sa pagbuo nang pananaw para sa isang samahan at kanang mga gawain, at para sa pagkilala sa kanyang mga katangian na maaring baguhin.Panimula: Ang KKPP na sesyon ay pamamaraan sa pagkuha galing sa mga sinasanay o grupo nang mga nakikita at inaasahang mangyayari na mahalaga sa pagplano. Ito ay maaring gamitin sa mga pagtitipon, na ang mga partisipante ay manggaling sa ibat ibang lugar at samahan. Ito ay maaring gamitin sa pamamayanan na ang mga kasapi ay boluntaryo at ang pagiging miyembro ay dahil sila ay nakatira doon. Ito ay maaring gamitin sa mga grupo, tulad nang mga pribadong grupo, ahensiya nang gobyerno, o ahensiyang pribado na sinalihan nang kanyang mga tauhan. Ang dokumento sa pagsasanay na ito ay naglalarawan sa KKPP na sesyon na maaring gamitin sa isang grupo na tumutulong (pribadong grupo, tulong na proyekto o grupo, o ahensiya nang pamahalaan) na nais baguhin ang kanyang mga programa galing sa pagtulong nang libre, patungo sa pagbibigay nang tulong sa pagpapaunlad, ginamit ang pamamaraan nang pagbibigay kakayahan. Tingnan ang: Galing sa Pagiging Maasahin Patungo sa Pagiging Matatag. Hindi kalakip ang klase nang gusto nating sagot, ang KKPP ay maaring magamit sa ibang bagay labis pa sa programa sa pagbabago at ipinapayo na gamitin sa taonan o bawat anim na buwan na pagtitipon upang balikan ang mga nangyayari. Ang KKPP ay nangangahulugan para sa: Kakayahan, Kahinaan, Pagkakataon at Panganib. Mahalagang Kaalaman: Kakayahan sa ano? Kaninong kahinaan? Ang mga tao (kawani, mga tauhan na walang sahod, mga kasamahan, mga mamamayan, balangkas nang grupo (pamamaraan at balangkas), ang programa o talaan nang mga gawain (pinaplano, o hindi) ang namamahala, paglabas na mga bagay, ang daloy nang mensahe, pamamaraan sa paggawa nang pasiya, ang katayuan (tao, pisikal, politikal,pagkabuhay, ukol sa batas, pamamahala, ekonomiya); ang lahat na ito ay mayrong kalakasan at kahinaan. Ano ito? Pagkakataon Para sa Ano? Panganib sa ano? Saan patungo ang mga samahan, programa at mga tao galing dito? Ano ang makatulong na bagay upang makarating doon ? Ano ang hadlang sa patutunguhang daan. Siyempre, sa di pa umpisahan ang pagplano, ang pananaw, ay mahalagang gawin. Kung ito ay masyadong malaki, at napakahirap tuparin, ito ay mahirap na magawa at hindi mangyayari. Ngunit pag ito ay binase sa mga nakikita na mga katangian na makatulong sa tagumpay, at makatotohanang pagkilala nang mga hadlang sa daang patutunguhan, sa pamamaraang ito malamang magtagumpay. Ang makatotohanang pananaw ay binasi sa mga nakikitang ito. Ang pinakamahalagang pinagmulan nang mga kaalaman ay ang mga grupo tulad nang mga kasamahan, mga kawani, mga tauhan na walang sahod, at mga kasapi nang pamayanan? Ang Pamamaraan na Kasali ang Lahat: Ang KKPP na sesyon ay pamamaraan sa pagkuha nang mga kaalaman galing nang mga partisipante. Ang mga bagay na iyon ay naglakip nang mga nakikita at pagsusuri sa mga bagay na iyon nang mga partisipante. Tulad nang pagbibigayan nang mga kaalaman, ang sesyong ito ay isang pamamaraan na kunin nang tagasanay ang mga ideya nang lahat nang mga kasapi, lalo na yung mga tao na di masyadong nagbigay nang mga kaalaman tungkol sa nangyayari araw araw. Sa paggawa nito, parang gustong kunin ang mga bagay na sinasabi nang mga taong di nagsasalita sa isang makatotohanang paraan, bilang isang mahalagang bagay. Ang sesyon ay mahalagang gawin kung ang mga sumali ay may pinag aralan at marunong magsulat nang kanilang mga sagot. Kung ang iba ay di marunong magsulat, ang sesyon ay maaring mabago, na ang kanilang mga anak o apo ay makasama sa kinala bilang tagatulong, talakayin ang kanilang mga nakita sa tahimik na paraan at pagkatapos isulat ito nang kanilang mga kasama. Sa talakayan (sinalihan nang buong partisipante) isulat nang tagasanay ang apat na salita doon sa pisara: kalakasan, kahinaan, pagkakataon, at panganib. Ang talakayan ay susunod. Pag ang gusto nang ahensiya ay baguhin ang kanyang anyo galing sa pagbigay nang libring tulong patungo sa pagbibigay kakayahan para sa pagpapaunlad nang pamayanan, kung ganun ang tagasanay ay maaring magbigay nang mga katangian sa gusto nilang maging grupo at hilingin doon sa mga partisipante na tingnan ang kalakasan at kahinaan na makatulong o makahadlang sa pagbabago patungo sa ganyang klasing grupo. Kung ang grupo ay magkaroon nang taonan o bawat anim na buwan na pagsusuri, sa ganun ang mga pakay at dapat gawin nang samahan ay dapat malaman, at maaring pag isahin sa pagkakataong iyon. Dapat siguraduhin nang tagasanay na ang mga kaalaman na kailangan ay unawain nang lahat, sa pamamagitan nang pagtatalakay, nang ito ay banggitin nang mga sinasanay, o sa pamamagitan nang pagsasabi nito sa lahat na nandoon. At pagsabihan nang tagasanay ang mga kasali sa pagsulat nang kanilang sagot sa apat na papel, isa sa dapat klase at huwag isulat ang kanilang mga pangalan. Ang ibang paggawa sa pamamaraang ito, ay ang grupo ay hatiin sa maliliit na grupo na binuo nang apat o anim ka tao, bigyan nang papel at pangsulat, at sila ay pagsabihan na gumawa nang mga sagot. Sa ganitong klase, ang maliit na grupo ay dapat piliin na di magkasunod. Ang isang di maganda dito ay ang ibang mahiyain ay ayaw magsalita sa harap nang kanilang mga kaibigan, ka trabaho, tagapamahala o tagamasid ; ang bentaha ay ang mga sagot ay di na masyadong marami sapagkat maiwasan na ang sagot na magkapareho at ang ibang mga tao ay gagawa nang maraming sagot sa harap nang ibang tao kaysa pagsulat doon sa papel. Ang pagsulat doon sa papel, na walang pangalan ay nagbigay nang proteksiyon sa nagsulat at ang mahalagang bagay tungkol sa mga maseselang isyu ay maipakita sa pamamaraang ito. Ang hangarin ay mabuo ang isang sitwasyon na ang kasali ay malayang magbibigay nang mga sagot at walang pag-alinlangan hanggat maari, lahat nang kalakasan, kahinaan, pagkakataon at panganib na kanilang maiisip. Ang KKPP na sesyon ay partisipatori sapagkat lahat nang mga kasali ay hinikayat na magbigay nang kanilang mga sagot doon sa panghuling resulta. Ito ay tulad nang ginawa sa "Pagbibigayan nang Mga Kaalaman" na sesyon, na binasi doon sa" Apat na Tanong sa Pamamahala,"ngunit ito ay mas angkop sa malaking paghanda nang isang grupo sa pagbabago, o sa kasalukuyang pangyayari tulad sa paggawa nang taonan o pang anim n a buwang pagsusuri. Ang"Pagbibigayan nang Kaalaman" ay ang magandang gawain sa pag-umpisa nang bagong proyekto, at angkop sa maliliit na grupo kung ihambing sa KKPP na sesyon, at mas mabisang gamitin sa pamamaraang pagbabago sa maliit na grupo na binuo nang mga namamahala. Pag-iipon nang mga Kaalaman: Nang maisulat na ang sagot sa apat na papel, ito ay dapat buohin. Ang mga tumutulong ay maaring ipunin ang mga papel at ilagay doon sa apat na lalagyan, isa sa bawat klasing sagot. Ang tagasanay, ginamit ang pisara ay buohin ang mga sagot, iipunin ang mga sagot na magkapareho. Sa paggawa nito, sabihin nang tagasanay na ito ay nilikha nang buong grupo, at hindi gawa gawa lang nang iilang mga tao. Ito ay mahalaga lalo na pagmayrong gawing pagbabago doon sa grupo at sa mga nilalaman nang kanyang programa; ang lahat na kasali ay dapat maniniwala na ito ay isang grupong pamamaraan, at hindi ginawa lang nang iilang mga tao o maliit na grupo. Ipaliwanag na ang sagot ay gamitin sa pagbuo nang papel na "Pananaw" para sa pagbago nang mga programa, o para sa mga pagbabago dahil sa ginagawang pagsusuri. Ito ay hindi gawaing walang kahalagahan, sa halip ito ay mahalagang tulong sa pamamaraan sa pagplano at pamamahala. Sa pagbibigayan nang mga kaalaman, ang sagot sa bawat tanong ay binigyan nang kabigatan kung gaano ito kahalaga. Ito ay hindi pinipilit sa KKPP na sesyon, ngunit ito ay makatulong sa pagkuha nang pangkalahatang pagsusuri sa buong kaalaman. Ito ay mahalaga sa isang tagasanay na kaya niyang talakayin ito nang buo, sa tulong nang mga sinasanay, ang mga nakikita sa KKPP na gawain. Tukuyin na ang ibang kalakasan sa ibang mga pakay ay kahinaan para sa ibang mga pakay, ang mga pagsusuri sa mga nakikita ay makatulong sa pagbuo nang pananaw para sa hinaharap nang grupo. Katulad din, nang mga pagkakataon ay maging panganib para sa ibang gawain. Sabihin mo rin na ang kinalabasan ay isusulat, at ito ay gamitin sa pagbuo nang 'Pananaw", na kung saan ang samahan, at ang kanyang mga tao at programa ay magmumula dito. Dapat gawin mo ang inyong sinasabi. Huwag mong pabayaan na ito ay nakatago lang; gamitin mo ito upang gumawa nang buong ulat kalakip ang resulta nang pagsusuri, para ipamigay sa buong partisipanti, pagkatapos nang isang linggo. Ang mga Inaasahang Makikita: Ang mga sagot nang mga sinasanay ay hindi maglakip nang mga bagay na makabigla doon sa tagasanay at tagabuo nang programa at sa mga namamahala sa ahensiya. Ang kakayahan ay naglakip nang mga kaalaman at karanasan na natutunanan nang mga tauhan. Ilan sa kanilang mga kakayahan ay mahalaga para sa pagpapatuloy nang kanilang ginagawa, ngunit maaring maging hadlang sa pagbabago nang programa. Halimbawa, ang programa para sa pagbibigay nang kaagad na tulong ay nangangailangan nang taong may malawak na kaalaman at karanasan sa paggawa nang talaan nang mga pamamaraan at kailangang mga bagay, at sa pagpasiya binasi sa dami nang tao at ilang paraan sa pag-alam - sa parte nang biktima o mga nangangailangan nang tulong. Ito ay maaring kalakasan nang isang kawani na makalipat nang kanyang kakayahan sa pag alam doon sa mga tao. At ito ay maging kahinaan sa paglipat nang isang programa kung ang pagpasiyang iyon ay ginagawa nang mga tao at hindi sa ahensiya na tumutulong nang pamayanan. Sa kabuohan, kung ang isang tauhanay marunong maglipat nang kanilang natutunan doon sa iba, at magkaroon nang pamamaraan upang mabitiwan ang mga gawain sa pamamahala nang ahensiya, sa ganun may marami nang pagkakataon ang ahensiya upang baguhin ang kanyang programa galing sa pagbibigay nang tulong na libre patungo sa pagbibigay kakayahan. Ang ibang mga tauhan na hindi magawang baguhin ang kanilang mga asal, kakayahan at pamamaraan, at silay maaring pumunta sa ibang ahensiya na nagbibigay nang libring tulong , o pumunta sa ibang lugar na mayrong grupo na nagbibigay nang libring tulong para sa mga may matitinding pangangailangan. Kung marami sa mga yauhan ang di kayang gagawin ito, maaring ang ahensiya ay magpasiya na magsara, dahil hindi na kailangan ang mga libring tulong, at bigyan nang pagkakataon ang programa nang ibang ahensiya na pumasok, o lilipat sa ibang lugar na ang ahensiya ay maaring magpapatuloy nang mga libring tulong. Ang mga namamahala, taga gawa nang mga plano, at ang mga tagamasid nang mga ahensiya at dapat pagmasdan nang mabuti ang kilabasan nang KKPP na sesyon sa pagbuo nang pasiya, tungkol sa pagbabago nang programa, magsarado, ipagpatuloy ang inumpisahan, o pumunta nang ibang lugar. Panghuli: Ang KKPP na sesyon ay pamamaraan na sinalihan nang lahat na ang kinalabasan ay mahalaga sa pagbuo nang taonang plano o pagpasiya sa pagbago nang isang programa. Ang kanyang kahalagahan ay nasa likuran nang pinaggalingan nang mga kaalaman - mga tauhan, mga gumagawa na walang sahod, mga nakatanggap nang tulong at mga kasamahan - ay binuo upang magbigay nang katayuang hindi mapanganib at makakuha, kahit mga maseselang mga bagay na maaring hindi lumlabas sa pangkaraniwang pamamaraan. Ang buong makikita tungkol sa kalakasan, kahinaan, pagkakataon at panganib, ay maaring pag-ipunin at suriin, upang tanggalin ang magkaparehong sagot na mahalaga sa paggawa nang papel na "Pananaw" na magbigay nang makabuluhang patutunguhan nang isang grupo (tauhan, mga gumagawa na walang sahod, mga kasama, balangkas at programa) na maaring makatulong sa pagbuo nang malaking pagbabago, o kung gusto niyang ibasi ang kanyang hinaharap doon sa mga pangyayari sa dumadaang taon. ––»«––Isang Pagsasanay ukol sa Kakayahan, Kahinaan, Pagkakataon at Panganib: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Sakuna |