Tweet Mga Salin
Català |
PAGKATAPOS NANG SAKUNAAng Pagbabago Galing sa Agarang Tulong Patungo sa Pagpapaunladni Phil Bartle, Doktor ng PilosopiyaIsinalin ni Gerasmo G. PonoPapel na PamamaraanPaano baguhin ang isang programa galing sa pagbibigay nang agarang tulong patungo sa maasahang pag-uunladPagbabago: Galing sa Pagiging Maasahin Patungo sa Pagtayo nang Kanilang Mga Sarili: Ang sakuna ay maaring isang digmaan o labanan nang kapwa mga tao, o isang napakalaking sakuna tulad nang paglubog nang isang maliit na isla doon sa malalim na dagat, o labanan nang mga tao, at pilit na nagtulak nang mga ito upang lumipat sa ibang bansa. Na ang mga tao ay mawalan nang kanilang kabahayan, mapagkunan nang kita o pagkain, at kanilang hanapbuhay, mga magulang at mga anak, nang kanilang pagkatao, ang kanilang mga ginagawa na magtulong sa kanila pagkilala kung sino sila, at ngayon sila ay nakaligtas nang sakuna na sinasabi sa babasahing ito. Ang isang programa sa pagtulong na binasi sa agarang pagbigay nang sagot sa isang sakuna ay nakahanda na, may mga taong nakalagay, at kumikilos. Ang pangunahing pangangailangan para mabuhay ang mga tao ay nasagot na, at ang pamayanan ay nang doon nasa katayuan sa pagbabago galing sa tagabigay nang libring tulong patungo sa katayuan na ang tulong sa pagbibigay kakayahan ay kinakailangan. Ang tulong para sa pagpapaunlad nang pamayanan ay siyang magdala nang mga tao sa pagiging matatag, at mabuhay nang kanilang sariling pagsisikap. Tingnan ang Pagbibigay Kakayahan nang Pamayanan. Ang babasahing ito ay tumutingin kung ano ang kailangang pagbabago sa isang programa sa pagbibigay nang agarang tulong, at ang pagbabago na kailangan nang ahensiya na nagpapatupad nito. Ito ay para sa tagapagpakilos at Namamahala. Ang Pangangailangan sa Pagbabago nang Programa: Ang panahon ay nagbabago. Ang oras para sa pagbigay nang agarang tulong ay tapos na, at nandito na tayo sa pagbibigay nang tulong para sa maasahang pag-unlad. Ang ahensiya na magbigay nang tulong ay dapat marunong makibagay sa pagbabago nang panahon. Sa paggawa nito, dapat ito ay may mga tao na may alam sa paniniwala tungkol sa pagbabago nang katauhan, kaunlaran nang pamayanan, pagtayo nang kanilang sariling mga paa, maasahan at pagbibigay kakayahan, at pagkaroon nang pagpayag, kakayahan at grupo na kayang baguhin ang kanyang sarili upang masagot ang mga pagbabago nang pangangailangan. Ang layunin nang paksang ito ay ang pag aralang muli ang mga paniniwala na nakatuon doon sa bagong pamamaraan, pagbibigay nang gabay kung paano suriin ang kakayahan nang mga kawani upang makagawa nang pagbabago at para sa pagbibigay nang gabay sa kailangang pagbabago na kailangan sa pagpapatupad nang programang pangkaunlaran. Ang mga kawani ay mayron nang kaalaman tungkol sa kakayahan, kahinaan, pagkakataon at panganib (KKPP). Ang layunin nang gawing ito ay upang dalhin ang kanilang pagsusuri doon sa pagkabuohang pag-alam: Dapat bang magpapatuloy ang ahensiya sa kaanilang dating programa? Sila bay dapat magsara? Gumawa nang bagong programa? o Pumunta sa ibang lugar? Ang pasiyang ito ay kayang sagutin nang KKPP na sesyon. Panimula; Simbolo nang Paggamot Ang simbolo ay may maraming kahinaan. Sa kalagayang ito, walang makapagsabi na ang pamayanan na nakaranas at nakaligtas nang sakuna ay magkapantay sa mga taong nagkaroon nang aksidente. Bagamat, ang mahalaga ay mayrong kahawig sa pagbibigay nang tulong sa sandaling tapos na ang agarang tulong at ngayon ay oras na sa mabagal, at di gaanong masayang pagpabalik nang lakas at paglaki. Pag ang isang tao ay naaksidente, tulad nang mabalian nang buto sa kanyang kamay, sa ganitong pangyayari, ang kailangan ay agarang tulong. Ang gawin nang manggagamot ay ayusin kaagad ang mga nabaling buto at ang kamay ay e semento upang di magalaw at mapanatili ang ayos nito. At bigyan nang gamot pang pawala nang sakit na naramdaman. Pagkatapos nang ilang oras, ang pagbigay nang gamot na tulad nito ay itigil upang ang pasyente ay hindi laging umaasa nito. Ang katawan nang pasyente ay bumuo nang bagong laman upang hawakan ang buto na nabali, ngunit ang laman ay maging mahina pag ito ay hindi magamit nang matagal na panahon. Pagkatapos nang anim na linggo, sa sandaling tuluyan nang nabuo ang nabaling buto, tatanggalin na ang semento. Pag hindi tanggalin ang semento, ang mga laman ay masira at ang kanyang kamay ay maging mahina. Ang pagiging maasahin nang pasyente doon sa semento ay dapat tigilin, upang siya ay makagalaw ulit at maging malakas. Ngayon ay ang panahon sa mabagal at mahirap na pagpapagaling upang ang mga laman at buto ay mapakilos muli katulad nang hindi pa nangyari ang aksidente. Ang pamayanan na nakaranas nang sakuna na kagagawan nang tao o kalikasan, sa ibang pamamaraan ay katulad nang pasyenteng iyan. Dahil sa di inaasahng sakuna at masamang dulot nito, ang libring tulong ay ibinigay kaagad upang sila ay mabuhay. Ngunit darating ang panahon na ang libring tulong ay nakakapagod na at dapat na palitan ito nang pagbibigay kakayahan upang sila ay mabuhay sa pamamagitan nang kanilang sariling pagsisikap. Tulad nang laman nang pasyente, ang paggawa nang pasiya at pagtanggap nang mga gawain sa pagpapaunlad nang pamayanan ay maaring makasira sapagkat di pa sila sanay sa paggawa nito. Tingnan ang Pagiging Maasahin. Ang mga nagbibigay nang tulong ay dapat mahinahon at matatag. Mayrong pagkakataon na ikaw ay maakit sa pagbigay nang libring tulong sa mahabang panahon, at ito ay makapagpahina nang pamayanan, dahil ito ay napakadaling gawin, at baka mayrong mga pag-iisip nang pansariling kapakanan sa pagpapatuloy nito, o baka ang mga nangulo ay walang pananaw sa hinaharap. Ang mga nagbibigay tulong ay dapat matuto at alam kung kailan tanggalin ang semento at umpisahan ang pagpapalakas, kailangang tigilin ang libring tulong, at isunod tuloy ang pagbibigay kakayahan. Ito ay mahirap gawin at kadalasan mayrong pag ayaw galing sa mga tao at mga tauhan na nagbibigay nang tulong. Ang programa ay dapat magbago. Ang tagabigay tulong ay dapat magbuo at magpapatupad nang pagbabago; isang hamon na tulad nang pagiging isang bayani. Ang Pagbigay nang Tuloy na Tulong ay hindi Talaga Nangangahulugang Patuloy: Sa mga dalubhasa at mga ahensiya na nagbibigay nang tulong , ito ay tinatawag na "pagbibigay nang tuluyang tulong". Ang salitang "Pagbibigay nang Tuluyang Tulong", ay minsan nakakalito. Ito ay nangangahulugang pagpapatuloy o ang pantay na pagbabago sa pagitan nang pagbibigay nang libring tulong at pagbibigay nang kakayahan, tulad nang kasabihang "pagpalit nang lakas nang sasakyan" sa pagitan nang unang lakas patungo sa panglawang lakas. Ngunit sa totoo, ay walang karaniwang pagpapatuloy, at ang pagbibigay nang patuloy na pagbabago ay nakasalalay doon sa kakayahan nang mga tao nang ahensiya na nagbibigay nang tulong. Samantalang ang pagbabago ay dapat pantay hanggat maari, at dapat pahinain ang sakit at pagkabigla, ito ay mas malapit sa simbolo nang "pagpalit nang lakas pabalik" o patungo sa unahan. Ang pagbigay nang libring tulong doon sa biktima nang sakuna ay kailangan upang sila ay mabuhay, ngunit ito ay magpapahina rin sa kanila. Ang mga taong na aksidente, nasaktan man o hindi, ay hindi kailangang panatilihin nang matagal doon sa loob nang ambulansiya. Ang pagbibigay nang libring tulong ay madaling gawin (pag ang mga kagamitan at mga bagay ay nandoon) nang mga taong tumutulong at madaling tanggapin nang mga biktima (pagsemento nang kamay at pagbigay nang nang lunas para sa sakit na naramdaman). Ang pagtulong nang mga tao sa pagpili, pagplano at pagkilala nang mga kailangang bagay, sa kabilang dako, ay mabagal at mahirap gawin (tulad nang pagpapakilos). Asahan ang pag-ayaw nang ganitong pagbabago galing sa mga nagbibigay kakayahan at nang mga biktima. Ang Pamamaraan na Kasali ang Lahat: Ang mga gawain na hinaharap natin ngayon ay ang pagbago nang programa nang ahensiya, at ang pagsasanay at pagturo ulit nang mga tauhan galing sa pagbibigay nang "libring tulong" patungo sa "pagbibigay kakayahan" na pamamaraan. Ang pagbabagong ito ay mangyayari lamang kung mayrong aktibo at buong pagsali nang mga kawani (sa loob at labas) nang bansa. Pag ang mga tauhani ay hindi sang ayon at hindi maniniwala, sabihin nilang ito ay mahirap mangyayari, guguluhin ang pagpapatupad nito, at kanilang siguraduhin na tama ang kanilang mga paniniwala. Ngunit sa kabilang dako, pag sila ay kasali sa paggawa nang pasiya, at pagplano sa kailangang pagbago nang balangkas, malamang isipin nilang sila ay kasali sa pananagutan (minsan tinatawag na "pag-aari") sa binabagong programa, at kanilang gawin ang lahat upang magtagumpay ito. Ang pagtulong nang libri ay magbigay sa ibang mga tauhan nang mga biyaya labis pa sa kanilang sahod at ang sarap nang pakiramdam na makatulong sa mga taong muntik nang mamatay; ito ay maaring mapagkunan nang pansariling pananagutan, lakas at karangalan (pansariling kapakanan). Ito ay dapat tingnan at banggitin, sapagkat ang pamamaraan sa pagbibigay kakayahan, na salungat sa "libring tulong" na paraan, ay hindi nagbibigay nang ganyang klaseng biyaya. Ang ganitong pansariling kapakanan ang dahilan kung bakit ang ibang taohan ay hindi papayag sa pagbabago nang programa. Ito ay dapat sagutin nang ibat ibang pamamaraan, sa pamamagitan nang pagbibigay nang payo nang taohang iyon, at minsan sa isang malubhang kalagayan ang pagtanggaL nito sa trabaho. Ang pagsali nang buong mga taohan sa pagkilala nang mga bagay na kailangan sa pagbabago, pagpapaliwanag sa mga maaring mangyayari sa pinaplanong pagbabago, paggawa nang pasiya (na kasali ang lahat) tungkol sa kailngang pagbabago, at pagplano (kalakip ang paggawa nang talaan nang mga bagay na ipapatupad, bagong mga gawain ukol sa trabaho, mga dokumento nang programa, balasahan nang mga taohan), lubos at taos pusong pag-uunawa at pagtalakay sa lahat nang mga sinasabing pag-aayaw sa inimungkahing pagbabago, at pagsali nang mga tauhan sa paghahanap nang sagot sa inasahang suliranin, tumutulong sa pagpahina at pagtugon nang pansariling kapakanan, na sumasalungat sa pagbabago nang ahensiya at programa. Alam natin na ang pagsali nang mga tao sa pamayanan sa pagpasiya, pagplano, at pagpapatupad nang proyekto ay makatulong sa pagiging maasahan, malinaw, mabuting pamamahala, at tagumpay nang proyekto. Ang mga bagay na ito ay katulad din sa pagsali sa pagbabago nang mga tauhan sa loob nang bansa. Mga Susi at Mahalagang Paksa: Ano pa ang mga mahalagang kaalaman para sa mga tauhan upang kanilang maintindihan ang pagbabago galing sa libring tulong patungo sa pagbibigay kakayahan? Ang mga kaalaman tungkol sa pagbabago nang kataohan, kaunlaran at katatagan nang pamayanan ay ang ibinigay dito. Para sa ibang talaan nang mga paksa, mga babasahin para sa pagsasanay sa paksang ito, pag aralnag muli ang mga paksa at paniniwala na mahalaga sa pagsuporta at pagpapaunlad na programa. Mapa nang Dako Ang pagsasanay nang mga tauhan ay dapat hindi katulad nang pag-aaral nang silid aralan (sapagkat may maraming pweding babasahin at mga gawain nang klase). Ito ay dapat binasi nang karapatdapat na paniniwala ukol sa katauhan at nakadugtong doon sa makatotohanan na pangyayari. Ito ay nangangailangan nang pag-uunawa doon sa pananaw nang mga tao doon sa totong buhay nang pamayanan at ang kaugnayan sa pagitan nang pamayanan at mga tao, at ang pamamaraan sa pagbabago. Ang pagtuturo ukol sa kaunlaran ay dapat nakatuon doon sa mga paniniwala sa pagbibigay kakayahan, pagpahina/pagtigil sa kahirapan (hindi panandalian), kaunlaran (hindi pagiging maasahin), at pagsasanay sa pamamahala na angkop sa pagbibigay kakayahan patungo sa kaunlaran nang pamayanan. Ito ay dapat magbigay nang pansin doon sa pamamaraan sa pagpapatatag nang pamayanan at dahan dahang iwasan ang pagbibigay nang libring tulong. Ang paniniwala ukol sa katatagan ay binasi doon sa pamamaraan na nakasisiguro, sa isang kalagayan pagkatapos nang sakuna, na ang agarang tulong ay kailanganag baguhin patungo sa pagtulak nang pagtayo nang kanilang sariling mga paa(ngunit patuloy pa rin ang mga gawain ukol sa mapagkunan nang pagkain at ibang pangangailangan pagkatapos nang gulo). Ito ay hindi sapat na pag-aralan mo lang ang mga mahalagang bagay , ngunit ito rin ay nangangailangan nang pagtalakay nang ibang suliranin na may kaugnay nang mga pangangailangan tulad nang: pagbibigay kakayahan, pagtayo nang kanilang mga sarili, libring tulong, kataohan, pagsali, pamahalaan, pamayanan at iba pa. Tingnan ang: Mga Susing Salita Umpisahan ang mga programa sa Pagbabago sa Pamamagitan nang Pagsusuri nang mga Pangangailangan: Kadalasan ang isang ahensiya na nagbigay nang tulong sa pagpapaunlad nang pamayanan ay mag-umpisa doon sa mga sektor na pamamaraan. "Mayron kami ditong mga mangagamot at guro; at kami ay magbigay nang tulong para sa pag-aalaga nang kalusugan at pagbibigay nang karunungan. Itoy magbubunga nang hindi maayos at hindi pantay na pagbibigay nang tulong doon sa pamayanan. Ang pagtulong ay nakabasi sa pangangailangan nang ahensiyang nagbibigay nang tulong at hindi sa kalagayan nang mga taong dapat tulungan. Ang pagplano sa pagtulong pangkaunlaran ay kailangan nakabasi doon sa kalagayan nang pamayanang nangangailangan nang tulong. Ito ay dapat mag-umpisa sa pagsusuri nang pangangailangang pangkaunlaran, isang pamamaraan sa pagsusuri na kasali ang lahat - na ang mga tao at ang ahensiya na nagbibigay nang tulong ay magtulungan sa isat isa. Ang pagsusuri ay dapat magkilala, kung anong mga tulong ang kailangan na makapag patuloy nang katatagan nang pamayanan, maka-ahon sa kahirapan, pagsali nang mga tao sa ibat ibang pagkikilos ukol sa mga isyu, pagpapabuti nang kalagayan nang kalusugan, pantay na karapatan nang babae at lalaki, mabuting pamamahala, at ibang mga layunin patungo sa kaunlaran. Pagbabago nang Katauhan: Ang pagbabago nang katauhan, ay isang proseso, at hindi lang binuo nang mga pagbabago nang bawat tao. Ang mga tao at pamayanan, na kahit binuo nang mga tao, ay hindi magkapareho ang bawat isa, hindi kumikilos katulad nang ibang tao, at hindi lumaki o nagbabago katulad nang ibang tao. Ang paniniwala"Magaling na Kalikasan"nangangahulugang ang pamayanan ay malaki pa kung ihambing sa isang tao; ang buo ay mas malaki pa kung iipunin ang lahat nang kanyang parte. Tingnan ang Kultura. Ang mga tao ay mabuhay at mawala sa pamamagitan nang panganganak, pagkamatay at pagpunta sa ibang lugar, ngunit ang mga tao at pamayanan ay magpapatuloy. Ang sistema nang pamayanan ay binuo nang mga natutunang ugali at paniniwala, pamamaraan sa pakikipag salamuha sa kapwa tao at mga inaasahan. Ang bawat isa sa pagbabago at pagpaparami ang ang simbolo at hindi gumagawa nang tao. Tingnan ang Pamayanan. Ang anim na sukat nang tao ay naglakip nang: (1) teknolohiya/puhunan, (2) ekonomiya/kayamanan, (3) politika/kapangyarihan, (4) mga tao/mga ahensiya, (5) pananampalataya/pinagbigyan nang halaga, at(6) paniniwala/pananaw sa mundo. Ang bawat sukat na ito ay magkadugtong, at ang pagbago nang kahit isa ay naka apekto nang iba. Ang mga mag-aaral ukol sa tao ay gumagamit nang ibang pamamaraan upang alamin ang pagbabago nang mga tao, mula nang buhay pa si Marx, na siyang nagsabi na ang pagbabago nang teknolohiya at ekonomiya na mga sukat ay ang unang mangyayari at siyang dahilan sa pagbabago nang ibang apat mga sukat. Si Max Veber sa kabilang dako, ay nagsabi na ang pagbabago nang mga bagay na pinagbigyan nang halaga at paniniwala ay ang unang mangyayari at ang dahilan sa pagbabago sa natitirang apat. Ang ibang mga bagong dalubhasa ay nagsasabi na ang pagbabago ay isang napakalaking bagay at ang lahat na anim na mga sukat ay kasali sa buong pagbabago. Ang mga tao at pamayanan ay palaging nagbabago; walang mananatili. Ang ating nakitang "balangkas" nang pamayanan ay katulad nang "hubog" nang isang tubig galing sa batisan; ang kanyang "katatagan" ay ang inyong makikita kaysa iyong mahahawakan. Sa kahalagahan, ang mga tao na gumagawa nang pagbabago nang pamayanan, tagapagpakilos, at tagasanay, kalakip ang mga pribadong grupo na nagpapatupad nang pagbabago at mga ahensiya nang pamahalaan, ay hindi ang dahilan sa pagbabago nang pamayanan. Sila, ang mga tao at ang pamayanan ang gumawa nito sa kanilang mga sarili. Ang maaring magagawa nang tagapagpakilos ay ang pagkilos bilang daanan o paraan patungo sa pagbabagong iyon, at siguro sa maliit na epekto sa kalakasan at patutunguhan. Upang maging mabisa, dapat alam nang tagapagpakilos, ang kaibahan nang kilos nang isang tao doon sa pamayanan, at ang pagbabago sa buong pamayanan. Kung ang pamayanan ay nagbabago palibot nang isang tao, ang epekto ay katulad nang isang tao na pumunta sa bagong pamayanan; hindi mapalagay sa kanyang kinaroroonan, ang kalagayang ito ay tinatawag na "Pagkabigla nang Kultura". Para sa isang ahensiya upang makakilos nang mabisa sa palaging nagbabagong pamayanan o mga tao, ang mga tauhan nang ahensiya ay dapat marunong magkilala at tumingin sa hinaharap sa mga pagbabago nang mga tao, at maaring gumawa nang plano o pagbago nang mga plano. Kaunlaran: "Walang sino man ang makapagpaunlad nang isang pamayanan; ang mga tao ang siyang gumagawa nito". Julius Nyerere Ang kaunlaran ay hindi karaniwang nangangahulugang pagiging mayaman, o makakuha nang malaking halaga. Ang kaunlaran ay nangangahulugang pagbago at paglaki. Ito ay ang pagbabago nang pamayanan sa anim na sukat sa pagbabago nang isang tao. Ang pagpapaunlad nang pamayanan, sa dakong ito, ay hindi ang pagbigay nang serbisyong pantao, ngunit ito ay ang pagbigay nang pamamaraan na magtulak, maggabay, at maaring magdala sa sinasabing pagbabago nang mga tao doon sa pamayanan. Kung ang isang acorn ay mabuhay at lumaki, ito ay hindi lang maging isang malaking acorn, ang kanyang hugis ay magbago din, at magkaroon nang bagong mga sanga at maging isang oak na kahoy. Katulad din nang isang pamayanan, ang kaunlaran ay isang pagbabago nang kataohan, at hindi lang ang pagiging paglaki nito. Ang kadalasang patutunguhan nang pagbabago nang pamayanan ay ang pagiging pagdami nang mga gawain, at ang paglaki nang samahan, ay isang halimbawa nang kaunlaran. Kung ang isang samahan ay nabuo, o pag may mga bagong papel o mga gawain ay idagdag doon sa kasalukuyang samahan, sa ganitong pagkakataon ang mga gawain nang mga tao ay dumadami din. Ang tagapagpakilos ay maaring may ibang layunin kaysa mga tao doon sa pamayanan o sa mga taong pagbibigyan nang tulong. Ito ay kailangan na ang tagapagpakilos ay dapat malinaw sa kanyang mga layunin at pinagbigyan nang halaga (ang bawat tao ay may pinagbigyan nang halaga; bawat tao at grupo ay mayron nito). Ang pag-uusap at paggawa nang kasunduan ay kailangan upang ang tagapagpakilos at ang pamayanan ay magkaintindihan at malayang tanggapin ang kanilang pinagbigyan nang halaga. Ang ahensiya na nagbibigay nang tulong ay may sariling layunin pangkaunlaran tulad nang: pag ahon nang kahirapan, pagiging malinaw, pagiging pantay nang babae at lalaki at kasapi nang mga tribu, pagsali nang mga tao sa pagpasiya, kapayapaan, karunungan, pagpapaunlad nang kakayahan, mabuting kalusugan, katatagan, pagsali nang mga kilosan, pagiging mahinahon, pagkakaisa nang buong pamayanan at bansa, pagbibigay kakayahan, pagrespeto nang karapatang pantao, pagtataguyod nang batas, pagtutulungan nang mga tao, malayang pananampalataya, at iba pang nakapaloob sa programa at layuinin nang proyekto. Ang pamayanan ay maaring nagkaroon din nang mga paniniwalang ito, ngunit maaring di gaano kalaki ang pagbibigay nang halaga nito. Di natin masabi na ang mga paniniwalang ito ay kinikilala nang lahat nang mga tao. Ngunit ang mahalaga ay, bilang kasali sa pagbuo at pagbago nang ahensiya (ang kanyang mga tauhan at ahensiya) na ang elemento sa gustong nating mangyayaring pagbabago ay nakilala, malinaw, at masulat. At ganito rin ang dapat gawin nang pamayanan. Pag walang paglilinaw at pag iintindihan sa pagitan nang pamayanan at nang ahensiya, sila ay maaring kumikilos sa magkaiibang daan, at magbunga nang hidwaan sa bawat isa. Tingnang ang: Nakatagong. Katatagan: Walang pamayanan ang mananatili sa kasalukuyang anyo; ang pagbabago ay maasahan, palaging nandoon at patuloy. Minsan ang pagbabago ay mabilis tulad nang pakikipag-ugnayan nang mga taong laban sa pamahalaan, digmaan, pagpunta sa ibang lugar, at malaking pagbabagong pampolitika (paglusob nang ibang bansa), ito ay maaring marahas at nakakikilabot. Ang pagbabago ay hindi maiwasan, ngunit ang mahalaga na paghandaan ito at gumawa nang mga hakbang upang mabigyan nang kasiguruhan ang mga tao sa masamang dulot nang mabilis at marahas na pagbabago. Maaasahang mapagkunan nang pagkain ay isa lang nang mga parte nito; ang ibang pangangailangan upang mabuhay (tulugan, kalusugan, kaligtasan, kasiguraduhan) ay mahalaga din. Ang mga pangangailangan upang mabuhay (maasahang mapagkunan nang pagkain, tulugan, at iba pa) ay ang pinakamalaking dahilan sa pagiging mapayapa ligtas na pamayanan. Sa mga sakunang nangyayari (kagagawan man nang tao o kalikasan), ang mabilis na pangangailangan ay malunasan sa agarang tulong, at ito ay binase sa pagbibigay nang "libring tulong" (sapagkat ang mga tao ay kailangang mabuhay, at ito ay sagot nang ahensiya na nagbibigay nang tulong). Ang hindi magandang dulot nito ay; ang gawaing ito ay mahirap ipagpatuloy sa nagbibigay nang tulong. Upang mapanatili ang kalagayang ito, dalawang bagay ang kailangan: (1) dapat mayrong pagbibigay kakayahan upang sila ay mabuhay nang kanilang sariling pagsisikap, at ang pamayanan ay may sapat na lakas upang makatayo nang kanilang sariling mga paa, at (2) paligid na kalikasan ay kayang makapagbigay nang mga pangangailangan upang ang pamayanan ay mabuhay. Para sa isang ahensiya na nais tumulong para sa isang maasahang pagkabuhay at kaligtasan nang pamayanan, ito ay nangangailangan nang malakas na "pagbago nang takbo", galing sa libring tulong patungo sa pagpapaunlad na paraan. Ang pagbabago ay maling tinatawag na"pagpapatuloy nang tulong", na ang libring tulong na pamamaraan ay kailangang baguhin patungo sa pagbibigay kakayahan upang maging matatag (ngunit patuloy parin ang pagtugon nang maasahang mapagkunan nang pagkain at ibang pangangailangan pagkatapos nang gulo). Upang mapanatili ang ang pagiging matatag at maitulak ang pagbabago nang pamayanan patungo sa kaligtasan sa pagkabuhay, ang "pagbibigay kakayahan" na paraan ay kailangan, na ang pagiging maasahin ay sagutin sa pamamagitan nang pagsali nang pamayanan sa pagpasiya at pagplano nang kanilang sariling pagbabago. Ang maasahang matatag na kaunlaran ay nangangailangan nang pamamaraan nang pagbibigay nang kakayahan. Ang libring tulong (tulad nang pagbigay nang mga bagay at kagamitan doon sa mga tao)ay lalong nagtulak sa kanila upang maging maasahin. Pag ang tao ay kumilos at gamitin ang kanilang mga lakas upang mabuhay, sila ay maging matatag. Sa pagpapatuloy nang paraan sa pagpadami nang pagkain, samakatuwid, ang pagiging matatag - ay nangangailangan nang pagbibigay kakayahan, pagpapaunlad nang kakayahan at pagpapatatag, at hindi ang libring tulong na magtulak nang mga tao sa pagiging mahina, kahirapan, at maasahin na magresulta sa kabuohan na mahina. Ang Apat na Tanong sa Pamamahala: Sa pamamaraan nang pagbibigay kakayahan upang itulak ang pamayanan sa pagbabago nang kanyang sarili, ang pagbago nang pagsasanay sa pamamahala ay ang paraan na makatulong sa pagsali nang mga tauhan sa kanillang sariling programa sa pagbabago at sa pagtulak sa isang maasahang tagumpay sa pagbabago. Ang pinakagitna sa lahat nang pagplano at pamamahala, kalakip ang paglikha nang mga dokumento tulad nang plano nang mga gawain, balangkas nang proyekto, balangkas nang programa, at panahon nang paggawa nang ulat at pagsubaybay) ay kalakip sa apat na susing tanong:
Ang unang tanong ay naglakip nang katayuan, kahulugan nang problema at pagkilala nang mga pangkalahatan at maliliit na layunin. Ang pangalawang tanong ay ang pagsusuri nang kalagayan, pagkilala nang mga kayamanan at mga utang (hinawakan o maaring kunin), mga gawain at mga hadlang. Ang pangatlong tanong ay naglakip nang paglalarawan nang mga pangkalahatan at angkop na mga pamamaraan kung kailan ipapatupad ang mga gawain, pagbabago nang grupo (para sa pagpasiya at pagkilos) at ang inimungkahing balangkas. Ang pag apat na tanong ay naglakip nang pamamaraan sa pagsusubaybay at pagsusuri nang mga gawaing ipapatupad at mga inaasahang mangyayari at kinalabasan. Sa pagsali nang mga tauhan sa pagbabago nang isang ahensiya galing sa pagbibigay nang agarang tulong patungo sa pagbibigay kakayahan, at kung ang pamayanan ay isali sa pagkilala at pagplano nang kanilang pagbabago, ang apat na tanong na ito ay magamit sa pagpapadali nang kinakailangang pagsasali. Samantalang ang pangunahing pakay nang ahensiya ay ang pagbago nang kanilang pambansang programa galing sa agarang tulong patungo sa pagtulong sa pamamagitan nang pagpapaunlad , sa ibang dako naman, ang pakay nang bawat tauhan ay kadalasan nakatuon sa kanilang pansariling kapakanan tulad nang kasiguraduhan at pag-asa nang pagtaas nang kanilang posisyon). Ito ay lumalabas na salungat doon sa pakay nang ahensiya, lalo na pag hindi ito naipalabas at napag-usapan nang mabuti. Ang ilan sa mga tauhan ay maaring makaramdam nang panganib sa planong pagbabago (siguro dahil ang kanilang gawain ay di na kailangan). Pag ang mga pangangambang ito ay maipalabas sa pagbibigayan nang kaalaman na sesyon nang mga tauhan, ang lunas ay maaring makilala at mabuo. Ito ay naglakip nang pagsanay ulit nang mga tauhan, mga pagbabago sa pamamaraan at nakasanayan, at ilang balasahan nang mga tauhan, na maaring magaan, mahina, malinaw at padagdag. Ang ibang mga tauhan ay maaring magpasiya na sila ay hindi handa sa pagtanggap nang pagbabago, at maghanap nalang nang ibang maaring mapasukan kaysa manatili at pigilan ang pamamaraan sa pagbabago. Tingnan ang: ../../cmp/modules/mnt-4.htm – Apat na Susing Tanong. Pagsusuri nang Kakayahan: Kakayahan (kalakasan, lakas) ay ang lakas sa paggawa nang isang bagay. Dito ang "isang bagay" ay ang pinagpasiyahang gawin nang buong tao nang pamayanan (sa paksa nang pagsasanay sa pagbabago nang grupo na nagbibigay nang agarang tulong patungo sa pagbibigay kakayahan nang grupo, ang "isang bagay" ay ang kakayahan sa paggawa nang pagbabago). Sa pagpapaunlad nang pamayanan, ang "isang bagay" ay ang kakayahan sa pagkilala nang kanyang gustong patutunguhan. Pagpapaunlad nang kakayahan (pagpapatatag, pagbibigay kakayahan) ay ang pamamaraan sa pagpalaki nang lakas nang isang samahan o pamayanan. Sa pagsukat nang mga pagbabagong iyan, ang pamaraan na kasali ang lahat ay ang angkop na ipapatupad. Ang kakayahan ay mayrong labing anim na elemento:mapagbigay, tulong para sa lahat, pakikipag-usap, tiwala sa sarili, pananaw, kaalaman, paggawa, pagpangulo, pakikipag-ugnayan, samahan, lakas, bagay na pinagbibigyan nang halaga sa lahat, mga kakayahan, tiwala, pagkaisa, kayamanan. Kung ang lahat nang mga tauhan o ang buong pamayanan ay kasali sa pagsusuri nang kalagayan sa bawat isa nang labing anim na elemento, at ang pagbabago nang bawat isa, sa ganun ang isang mahalagang susi nang kalagayan (at ang pagbabago nang kakayahan) ay maaring mabuo. Sa pagkuha nang ganyang pagsali, ang tagasanay ay dapat gumamit nang pamamaraan sa pagkuha nang mga sariling nakikita nang bawat tauhan at pagkatapos ay ihalo ito sa isang pagsusuri. Sa pagkuha nang sukat nang paglaki nang kakayahan, dapat ipaliwanag nang tagasanay ang bawat elemento, at paano ang bawat sinasanay makagawa nang pagsusuri sa kasalukuyang hinahawakang kakayahan at paglaki nang kakayahan sa loob nang panahon. Bilang kasali nang proseso, maaring ihalo nang tagasanay ang lahat nang pagsusuri upang gumawa nang sukat nang kakayahan at ang paglaki nang kakayahan. Kung maari tingnan ang: ../../cmp/cap-mea.htm- Pagsukat nanag Kakayahan. Ang pagsukat nang kakayahan nang isang samahan ay magkatulad nang pamamaraan sa pagsukat nang pagbibigay kakayahan nang isang pamayanan. Ang gawain nang mga tauhan nang ahensiya sa gawaing ito ay ang pagsukat nang kakayahan nang ahensiya sa loob nang bansa upang ito ay magbago nang kanyang programa galing sa agarang tulong patungo sa pagtulong nang pamayanan upang maging maasahan at matatag. Ano ang kailangan nang mga tauhan at nang programa upang mabago ang kanilang mga sarili? Gamitin ang Apat na Suisng Tanong sa Pamamahala. Ano ang kanilang kakayahan ngayon upang magawa ang pagbabago? Ang Bawat Programa ay Magkaiba: Ang dokumento sa pagsasanay tulad nito ay hindi makapagsabi sa lahat nang katangian nang isang programa; bawat ahensiya at bawat programa nang isang bansa ay may sariling ibang katangian. May ibang pangyayari na maaring makilala, at sila ay maaring mapakita dito. Ang isang mabuting agarang tulong na programa ay maaring gawing madalas, maaring bawat anim na buwan, mga pagbabalik aral na naglakip nang mga nakikita at pagsusuri nang mga tauhan ang tinatalakay sa kanilang pagtitipon. Kung ito ay hindi nangyayari, mas mabuti na dapat umpisahan na ngayon. Sa pagtitipon nang mga tauhan, gumawa nang KKPP na sesyon. KKPP ay nangangahulugang kakayahan, kahinaan, pagkakataon at panganib. Sa paggawa nito, ay anyayahan nang tagasanay ang mga tauhan na isulat ang mga katangian na magamit doon sa programa binasi sa apat na klase nang tanong. Kung ang "panganib " ay masyadong malakas na salita, ito ay maaring palitan nang "hadlang" o mga 'suliranin". Pagkatapos ay tawagin nang tagasanay ang ma tauhan, at ilagay ang kanilang mga sagot doon sa pisara (tingnan ang Pagbibigayan nang Kaalaman na sesyon), ipunin ang mga sagot at kilalanin ang mga mahalagang bagay. Ito ay maaring pag-isahin nang isang taga-ulat at ang natapos na dokumento ay maaring ipamigay doon sa mga tauhan at dapat pag-aralang mabuti nang mga gumagawa nang plano at mga namamahala. Pag ang pinakamahalagang bagay na lumalabas ay ang ang pagbago nang programa galing sa agarang tulong patungo sa pagbibigay kakayahan nang pamayanan, kung ganun ang mga tauhan ay dapat tanungin na dapat linawin nang mabuti ang kakayahan, kahinaan, pagkakataon at panganib na may kaugnayan sa pagbago nang programa galing sa agarang tulong patungo sa pagpapaunlad nanag pamayanan. Malamang makita mo na ang programa, tauhan at ahensiya ay mas gustong hawakan ang mga tauhan na may kakayahan at karanasan nang mga bagay tulad nang pagbilang (gaano karami ang mga tao), paghawak nang mga bagay at gamit, at pagbibilang nang mga bagay at gamit. At mahirap mong makita ang mga taong may kakayahan sa paglikha nang kita, pagpapakilos nang pamayanan, pagsasanay sa pamamahala (kung ang agarang tulong na programa ay nakapaloob ang tulong nang pagbibigay kakayahan nang pamayanan; ito ay mas mabuti, ngunit mahirap mangyayari). Ang magandang mangyayari, at tiyak na iniisip rin nang mga tauhan na nakaramdam nang hindi maganda sa planong pagbabago, ay yung mga may lakas, kaalaman, mapagkatiwalaan at may mabuting katangian sa pagpapatakbo nang agarang tulong na programa, ay may pagkakataon para isalang sa isang bagong pagsasanay na kailangan sa pagbago nang programa. Ang kailanganin lang nila ay ang pagiging bukas at pagpayag na matuto nang bagong kaalaman sa bagong pamamaraan. At ang mga tauhang hindi nagkaroon nang mga katangiang yan ay maaring maghanap nang ibang trabaho. Ang kakayahan at pamamaraan ay makikita sa dakong ito. Ang mga paksa ay sinasabi nasa itaas, at ipinaliwanag nang buo sa ibang mga dokumento at dakong ito. Ang kinakailangan ngayon ay ang malinaw at pamamaraan na kasali ang lahat para sa paglipat patungo sa programa nang pagbibigay kakayahan, na kasali ang buong tauhan. Ang namamahala nang ahensiya ay kailangang gamitin ang pamamaraan na kasali ang lahat sa pagbalangkas nang mga bagong programa. Pagpapalaki nang Kakayahan: May maraming mga angkop na bagay na magtulak sa pagpapalaki nang kakayahan nang isang samahan o pamayanan. Ang magandan pag umpisahan ay ang paggamit nang labing anim na elemento na ginagamit sa pagsusuri nang kakayahan at sa isang sesyon nang isang grupo kilalanin kung ano ang pinaka angkop sa kasalukuyan, at magbunga nang magandang kinalabasan at mas kinakailangan. Sa bawat isa nito, ang pagbibigayan nang kaalaman na sesyon ay maaring gamitin pamamaraan na ksali ang lahat upang makilala at mapili ang pinakamagandang paraan. Tingnan ang:../../cmp/modules/cap-dev.htm Ang Pagpapaunlad nang Kakayahan. Ang pinakahalaga sa labing anim na elemento ay ang "kakayahan". Ang isang pamamaraan na kasali ang lahat ay mahalaga sa pagbuo nang isang programa na magbibigay nang isang pagsasanay at kakayahan. Ngunit dapat kang mag-ingat na ang pagsasanay ay maging sariling katapusan, maaring ang mga tauhan ay gustong magkaroon nang pagsasanay upang mapaunlad ang kanilang sariling kakayahan, at hindi para sa kapakanan nang kanilang ahensiya. Ang hindi pormal, diritsong paggawa, na ang "paggawa" ay mas mahalaga kaysa pagbabasa at pakikinig nang mga pagtuturo, ay mas mahalaga at mabisa sa pagpapaunlad nang kakayahan. Ang isang mahalagang paraan ay ang pagkilala nang isang mahalagang pangangailangan at tulungan ang mga tao sa pagpili, pagplano, pagpapatupad at pagsusubaybay nang kanilang mga gawain (tulad nang pagkilos at proyekto). Sa pamamagitan nito at "ang pag-aaral sa pamamagitan nang paggawa" na pamamaraan, ang pamayanan at samahan ay makapgpaunlad nang kanilang kakayahan. Tingnan ang: Mga Babasahin sa Pagbibigayan nang Kaalaman nang Tagasanay Tandaan na ang bawat may buhay ay maging mahina kung ang lahat nang bagay ay madaling makuha; at maging matatag kung sila ay mahihirapan sa pagkuha nito. alam nang isang tagasanay nang manlalaro na ang isang tao ay nangangailangan nang maraming ehersisyo upang mapalakas ang kanyang mga laman at katawan. alam nang isang guro na ang kanyang mag-aaral ay nangangailangan nang pasulit upang maging matalas ang kanilang pag-iisip. Ang isang pamayanan o samahan ay hindi maging malakas, kung ang lahat ay madali para sa kanila, ngunit pag ito ay nagsisikap, sila ay maging matatag. Sa paggamit nang nang pamamaraan na kasali ang lahat , paano mapalaki ang kakayahan nang isang ahensiya upang mabago ang kanyang programa galing sa agarang tulong patungo sa tulong pangkaunlaran bilang pagtuolng sa maasahang pagbibigay kakayahan nang pamayanan? Panghuli: Pagkatapos nang sakuna, mayrong pagkakataon sa pagbibigay nang agarang tulong. Talagang mayrong pag-ayaw sa pagbabago lalo nasa mga taong hindi alam kung paano ito makapagbigay nang biyaya sa kanila. Hindi lang na ang libring tulong ay hindi na kailangan, sapagkat ang pagpapatuloy nito ay magtulak lang sa patuloy na kahirapan at makahadlang sa pagpapaunlad. Ang isang ahensiya na kasali sa pagbibigay nang agarang tulong, at pumili na manatili sa susunod na hakbang sa pagpapagaling, paglunas, at pagpapaunlad ay hindi maaring gumamit sa parehong paraan na ginamit sa umpisa at dapat gumamit nang bagong pamamaraan sa pagbabago. Ang mga kaalaman na kailangan upang maintindihan ang mga binigay na pamamaraan ay makita dito at sa ibang dokumneto sa pagsasanay sa dakong ito. Ang mgs tauhan ay di dapat palitan, dapat sila ay sanayin ulit para sa pagpapatakbo nang bagong programa at marami sa kanilang kinakailangang dokumento ay makita sa dakong ito. Ang kailangang pagbabago sa isang ahensiya, paglagay nang tauhan, ang kanyang mga balangkas, at ang mga kinalabsan ay kayang makuha kung ginawa sa malinaw pamamaraan at kasali ang lahat, at ang gabay para sa paggawa nito ay kasali sa babasahin sa pagsasanay sa pamamahala na makita sa dakong ito. Tingnan ang mapa nang dako. ––»«––Pagdating nang Sakuna: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Sakuna |