Tweet Pagsasalinwika:
Català |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke2. Bumuo ng Sariling Pamamaraan at Laman Base sa mga Prinsipyo ng Pagsasakapangyarihan: Ang dalawang pangunahing tanong na dapat sagutin kapag nagpaplano, kumakatha o nag-di-disenyo ng kurso sa literasiya, ay "Ano ang ituturo (laman)?" at "Paano ito ituturo (paraan)?" Ang nararapat na nilalaman ng iyong pagsasanay ay mga salita, parirala at talata na may kabuluhan sa katayuan ng mga kasapi. Ang pagkaka-alam kung paano isulat ang mga pangalan at presyo ng iba't ibang isda ay maaaring importante sa mga tao ng pamayanang tabing-dagat na umaasa sa pangingisda, ngunit hindi ito gaanong makakatulong sa pamayanang pagalagala na umaasa sa pag-aalaga ng mga hayop. Ang pamayanang ito ay mas interesado sa pangalan ng iba't ibang klase ng mga kamelyo o baka, depende sa kung anong hayop ang nasa kanilang kawan. Ang mga naninirahan sa maralitang dako ng lungsod ay mas interesado sa mga pamilihang lokal, presyo ng pagsakay ng bus, o murang libangan, imbis na sa balita tungkol sa pangingisda o pag-aalaga ng hayop. Dahil tayong lahat ay mas madaling matuto sa paggawa kaysa pakikinig, humanap ng mga paraan upang makisali ang mga kasapi sa pagtukoy ng mga salitang may kaugnayan sa kanilang buhay at katayuan. Sa pamayanang mangingisda, halimbawa na lang, ang magandang insayo, kasama ang apat hanggang walong miyembro, ay maaaring isang lakad sa tabing-dagat kung saan dinadala at binibili ang mga isda, at ihanda ang listahan ng iba't ibang pangalan, sukat, at presyo ng isda. Ang kaalamang ito ay maaaring gawing isang patalastas o 'booklet' ng grupo, at maaaring may praktikal na layon ito. Gamitin ang iyong imahinasyon. Para naman sa grupong galing lungsod, ang lakad ay naiiba naman, ang pagtutukoy ng iba't ibang mga karatula o babala: karatula sa harap ng tindahan, babala tungkol sa trapiko, paunawa tungkol sa paliko-liko ng daan, karatula ng mga pangalan ng kalye. Bigyang-pansin na ang paraang ito ay isang anyo ng "pagkilos," kung saan ang mga kasapi ay nakikisali sa gawain ng isang bagay na praktikal o kapaki-pakinabang, kaysa pakikinig sa isang panayam o panonood ng isang palabas. Katulad sa 'gym,' ang ehersisyo (pagkilos) ay magbubunga ng lakas. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |