Tweet Pagsasalinwika:
Bahasa Indonesia |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke15. Iwasan ang Tradisyonal at Walang Silbing Mga Paksa (eg Abakada, Tulain, Banyagang Drama): Sa kalakaran ng paaralan, karaniwan ang pagtuturo ng buong alpabeto sa mga estudyante. Ngunit ano nga ba ang alpabeto o baybayin? Ito ay isang grupo ng mga simbolo, ang bawa't isa ay may kakaibang anyo, at kung saan ang bawa't isa ay kumakatawan ng sariling tunog o pangkat ng tunog. Ang alpabeto at ang mga titik nito ay hindi nagbibigay pakinabang o gamit sa buhay ng mga kasapi. Ito ay alanganin isaulo, at walang tiyak na kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay nila. Huwag ituro ang alpabeto. Ituro lamang ang mga titik na matatagpuan sa mga salitang napili at natunton na praktikal at kapaki-pakinabang na pag-aralan (mag-iiba ito para sa bawa't pamayanan, at mag-iiba din para sa sarisaring grupo ng isang pamayanan). Pagtagal, maaaring matutunan ng mga kasapi ang buong alpabeto, o ang iilan lamang na kanilang gagamitin. At ano nga ba ang panunula? Ang panunulang tinuturo sa mga paaralan ay sinala na at "sinang-ayunan na maganda" para sa mga estudyante. Madalas ito ay may kalaliman, at palaging hindi angkop. Ano ang halaga ng tula sa mga taong nag-aaral ng basikong literasiya? Paano naman ang ibang uri ng literatura? Oo, maaaring masarap basahin ang mga ito - para sa ibang tao. Kung hindi ito angkop sa kasalukuyang pangangailangan, kung hindi ito may kaugnayan at hindi magagamit ng iyong mga kasapi, huwag isali sa iyong programa. Kung ang isa sa mga kasapi ay magpapakita ng interes, magbigay sigla at tulong, at imungkahi na siya ay mag-aral ng tulain, drama, sulat tuluyan o iba pang sining ng kaalaman, sa ibang kapaligiran. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |