Mga Pagsasalin
Ibang mga Pahina:
|
GABAY SA PAGSASANAY SA PAMAMAHALA
ni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiya
isinalin ni Gerasmo G. Pono
Para kay Gert Lüdeking
Babasahin sa Pagsasanay
Isang maikling talaan nang mga gabay sa pagpapaunlad nang pamayanan
- Tayong
lahat ay nangangailangan nang pananaw. Ang buong pamayanan ay dapat magpasiya kung
ano ang gusto natinggawin. May maraming maaring gawing mga pakay, ngunit ang pamayanan
ay dapat magka-isa at dapat pumili nang gustong gagawin nito. Ang tagasanay ay maaring
gumamit sa kasabihan ni Alice nang Wonderland upang ipaliwanag ito, "Kung hindi natin
alam ang ating patutunguhan, kahit anong daan ay maaring gamitin." (Lewis Caroll).
Kung ang pamayanan ay walang pananaw kung saan ito patungo, ito ay maaring manatili
sa kanyang kasalukuyang anyo (walang pakialam, kahirapan, sakit at walang kapayapaan).
- Sa
sandaling ang isang pakay at patutunguhan ay napili na, ito ay kailangan na gumawa
nang pagpasiya sa pagplano kung paano maabot ang ating gusto. Ito ay maaring maipakita
sa oras nang pagsasanay sa paggamit nang kasabihan: "Kung tayo ay hindi gumawa nang
pagplano, tayo ay nagplano upang mabigo". (Tingnan din Ang
Mga Kasabihan").
Kung ang tagumpay o pagwagi ay nangangahulugang pagkamit nang mga pakay, ito ay kailangan
na gumawa nang pagplano upang makamit ang ating mga layunin.(At siyempre, ang pakay,
ay maaring magbago sa habang ang mga gawain ay ipinapatupad, at kung ito ay nakamit
na).
- Maaring
ipaliwanag nang tagasanay doon sa grupo na ang pagplano ay nangangahulugang sunod
sunod na mga gawain na magdala nang grupo sa kasalukuyang anyo, hanggang sa katayuan
na nais maabot nito. Ang mga gawain na ito ay dapat may kaugnayan at maasahan, na
magdala sa kasalukuyang katayuan patungo sa nais nating mangyayari sa hinaharap.
Maari itong banggitin sa tagasanay sa pamamagitan nang pagsabi na:" Tayo ay nagplano
pabalik sa taon (Mag umpisa sa huli, at magtapos sa unahan)." Mag umpisa sa pagplano
sa pamamagitan nang pag-iisip sa anyo na nais nating mangayari sa hinaharap, at kilalanin
kung ano ang mga hakbang na kailangan upang maabot natin ito. Ang bawat hakbang na
ating gagawin ay dapat magkaugnay sa sunod na mga hakbang hanggang ating maabot ang
ninanais natin.
- Sa
mga sandaling pagkilala at pagpili nang mga pamamaraan, ang grupo ay inanyayahang
gumamit nang pinakamabisang paraan sa paggamit nang kanilang mga kakayahan upang
makuha ang kanilang gusto. Hindi sinasabi dito na ang pagiging mabisa ay isantabi,
kahit ito ay maaring intindihin sa maraming paraan. Ang pagiging mabisa ay maaring
sabihing "Pagkaroon nang maraming bunga sa kunting paggawa" Ang isa pang kasabihan
ukol dito ay "Huwag kang mag-aksaya nang oras sa pagtrabaho, ang mas kailangan ay
ang resulta". Dito ang minimithi nating"pagtrabaho nang husto" (ang ating ginagawa)
ay ipinakita na hindi masyadong mahalaga kung ihambing sa resulta (bunga). Ngunit
ito ay hindi ibig sabihin na kinonsenti natin ang pagiging tamad, ngunit ang pagpapakita
sa tamang paggamit nang mga kakayahan (kalakip ang ating oras), at sa salaysay dito
ang pagiging mabisa.
- Ang
partisipatori at ang paggawa nang pagpasiya na kasali ang lahat sa pamamaraan ay
maaring makakuha nang mga kakayahan na nakatago, na maaring mawala kung ang gagamitin
na pamamaraan ay ang pag-uutos. Laging ituro nang tagasanay "ang pagsali nang lahat
sa pamamaraan nang pagpasiya'. Ang isang tao ay hindi buo, kahit siya ang pangulo
o namamahala, siay ay may maliit na kaalaman, karanasan, pananaw, kung ihambing sa
buong pamayanan - kalakip na ang mga mahiyain ngunit maraming kaalaman. Sa pagiging
demokrasya, ito ay karapatan nang bawat miyembro nang pamayanan sa pagsali nang pagpasiya;
sa pamamagitan nang paggamit nang lakas nang mga tao, pagkilala nang mga kakayahan,
at pagkilala nang mga malikhaing paraan na kadalasan di pinagbigyang halaga, ang
pagsali sa lahat ay bumuo nang isang magaling na pamamahala.
- Ang
tagasanay ay dapat paalahanan ang pamayanan na sila ay dapat "Marunong tumayo nang
kanilang sariling mga paa". Ang pagiging maasahin, at pagtanggap nang mga tulong
sa labas, at kahit paghingi nang payo, ay di maasahan (sapagkat sila aalis pagkatapos
nang iilang taon), at isang kahinaan. Itulak ang pagiging matatag; ito ay isang gawain
at karapatan bilang kasapi nang pamayanan.Ang isa pang mahalagang kasabihan ay: "Kung
sisihin mo ang iba, isinuko mo ang iyong kakayahan sa pagbabago", (Ray Anthony).
Ang tagasanay ay dapat hindi maniwala sa mga nakakaawang mga salita tulad nang,
" Kami ay masyadong mahirap at nangangailangan nang tulong galing sa labas". Ang
bawat samahan o pamayanan, gaano man ito kahirap ay may mga tao, at may mga kakayahan
na maaring magamit, at kadalasan mga nakatago. Ang totoong paghihirap ay ang kawalang
alam na ito ay nasa kanila, at hindi na wala silang magagawa.
- Walang
libring pananghalian (ang wala ay para sa wala). Ang pagtulong na walang bayad at
bigay nang mga tao, kahit hindi sa pamamagitan nang pera, ay dapat bayaran. Ang
pamamaraan sa pagbayad ay sa pamamagitan nang pagkilala, pagtutulak, papuri at pasasalamat
doon sa maramong mga tao sa mga pagtitipon. Ang mga tagasanay sa mga malalaking
korporasyon ay nagsasabi na kahit ang gawain na may bayad ay hindi magbubunga nang
marami sa pamamagitan lang nang pagtanggap nang sahod; ang pagkilala, pagpuri at
ang pagsuporta ay kasali sa pagkamit nang magandang kinalabasan nang mga gawain,
may bayad man o wala. Kilalanin ang mga tulong, taos pusong pagpapasalamat, banggitin
ang ma magandang bagay at kalimutan ang mga mali, huwag kang maghukom.
- Tayo
ay hinid manatiling nakatayo. Kung tayo ay hindi pupunta sa harapan, tayo ay babalik
sa likuran. Ang mga tao ay palaging kumikilos, palaging nagbabago. Napakahirap
lutasin ang mga problema, kahit paano (ngunit yan ay hindi totoo). Sa ngayon, ang
maaring nakikita nating lunas nang mga problema, at wala tayong ginagawa, bukas ito
ay maging suliranin.
Siyempre
marami tayong mga nakukuha at mga prinsipyo sa pagsasanay sa pamamahala. Ang dakong
ito ay hindi makapagsasabi sa lahat. Ikaw ay inanyayahan na maghanap pa nang iba.
Sa
paggawa nito, idagdag ito sa inyong mga natutunan sa pagpapakilos nang pamayanan,
at ipamamahagi sa inyong mga kasamahan.
––»«––
Pagpapakilos
nang Pamayanan; Paggawa nang Hukay
© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 10.05.2011
|