Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
MGA PAMAMARAAN NG PAGPAPALAKAS NG LOOBGabay sa halip na Kritisismoni Phil Bartle, PhDisinalin ni May VirolaInihahandog kay Gert LüdekingSanggunian ng TagapamahalaAng mga tauhan(ng administrasyon), mga miyebro ng komunidad (para sa mga tagapagpakilos) ay kailangan ding mahikayat. Ang maayos na paghawak sa mga kritisismo ay mahalaga upang maiwasan ang pagkasira ng loob o kawalang pag-asa.Mahalaga na malaman na ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ay ang kawalan ng lakas ng loob. Kapag ang mga manggagawa o mga miyembro ng komunidad ay nawawalan ng lakas ng loob, ang aksyon ay mabagal (minsan ay tumitigil o natitigil). Ito ay isang bagay na maaaring maiwasan. Ayon sa karanasan, ang pangunahing sanhi ng kawalan ng lakas ng loob ay ang kritisismo. Ang kritisismo ay hindi kailangan at kadalasan ay may roong negatibong resulta sa anumang aksyon. Sa pagsasanay sa pamamahala, may isang slogan na makakapaglarawan sa importansya ng prinsipyong ito, ¨Hindi mo kailangan maging masama upang maging mas magaling.¨ Ito ay nangangahulugan na kahit sino ay may kakayahang mapabuti ang sarilii, kung ipapakita sa iyo kung paano gawin ang isang bagay, na hindi sinasabihan na ikaw ay hindi magaling. Nais nating lahat na mapabuti ang paggawa ng ating mga kliyente, mga pinag-uukulang grupo at mga manggagawa. ang mahalaga ay mapalakas natin ang loob nila at matulungan silang magbago na hindi pinupuna ang kanilang mga kakulangan. Kapag nagbibigay puna o katugunan, maaaring gamitin ang prinsipyong ito sa maraming paraan. Ang una ay ang paglista ng mga titulo o paksa na maaaring maging gabay sa pagsulat ng katugunan na iuulat o iba pang mga gawain na isusumite: Ang mga ito ay isang pangkat at ang lima ay dapat na magkakasama. Ang isang tao ay mas makikinig sa ating mga suhestiyon na nakakabuti kung itutuon muna ang pansin sa mga magaganda o tamang nagawa.
Kapag ang kliyente, boluntaryo, o tauhan ay may ginawa na hindi natin sinasang-ayunan o hindi dapat maulit, maaari pa rin tayong gumawa ng aksyon. Kung maaari, iwasan ang mga magagaspang na mga salita, pero maaari nating ibigay ang tinatawag na ¨"sh!t sandwich" sa pagsasanay sa pamamahala. (Maaaring hindi kayo sang-ayon sa terminolohiya, subalit dapat alalahanin ito.) Sa ganitong uri ng sanwits, ang nasa magkabilaang parte ay ang hindi natin gusto (on either side of the part we do not like is the bread (ito ang ating gusto). Ano ang ibig sabihin nito?: (a) umpisan ng nagbibigay ng makatutuhanan na papuri, tutukan ang mga magagandang bagay, (b) magbigay ng mga suhestyon kung paano ito mapapabuti o mapapaganda, at sabihin kung bakit, pagkatapos (c) magbigay ulit ng karagdagang papuri. Mas madali para sa isang kliyente o tauhan ang makining at tanggapin and hindi maganda "(b)" kung ito ay nakapagitna sa "(a)" and "(c)." ––»«––Pagpupuri, Bigyang Pansin at Gabayan; Hindi Kritisismo: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pakikilahok na Pamamahala |