Tweet Mga Salin
বাংলা / Baṅla |
SIMULAIN NG INCOME GENERATIONni Phil Bartle, PhDisinalin ni Sheila MendozaIntroduksyon sa Mga ModuloMga dokumentong kasama rito sa Paggawa nang Kita na Modulo
Ang modyul na nakasaad dito ay naglalayong ipakita ang katwiran sa likod ng IG.Kung bakit kailangan maintindihan ang mga simulain Ang lahat ng kasama sa pagbibigay kakayahan sa mahihirap na komunidad at mga miyembro nito ay inaanyayahang suriin ang dahilan ng kahirapan at kung ano ang mga bagay na makatutulong paano ito masupil. Ang di makataong dulot ng kahirapan ay nalalaman na ng ating mundo araw-araw. At habang marami sa atin ang namumulat sa salot ng kahirapan, mas maraming tao ang naghahangad na tumulong sa mga programang nagnanais malabanan ito. Kasama ng dumaraming programa para malabanan ang kahirapan, nakakalungkot isiping marami dito ay hindi praktikal at mali ang pamamaraan kung paano labanan ang kahirapan. Karamihan ay hindi rin alam kung ano ang nararapat na gawin. Marami sa mga may kapangyarihan (na nangagasiwa sa mga programang pangkahirapan) ay sumasang-ayon sa mga maling pamamaraan at sa mga programang mas lalong nagpapalala ng kahirapan at hindi ang malabanan ito. Ang mga materyal dito sa website ay para sa mga manggagawang nais labanan ang kahirapan. Ito ay may dalawang bahagi, (1) kahirapan sa komunidad dahil sa kawalan ng payak na kagamitan at serbisyo tulad ng ospital at paaralan, at (2) personal na kahirapan dahil walang kita at sariling yaman (at lahat na pag-uugali at kulturang panlipunan na nagpapalala ng kahirapan.). Ang kumita ng pera ay nasa pangalawang bahagi. Sa kabuuan, ang materyal ukol sa pagsasanay ay nagbibigay diin sa mga pamamaraan at kaalaman ng mga manggagawang kalahok dito. Dahil sa maling pananaw tungkol sa kahirapan at sa pagtulong na kumita ng pera, kailangang bigyang linaw at ideya ang iba't ibang pamamaraan at kaalaman na nakasaad dito para sa mga taong manggagawa. Kaya ang modyul na ito ay naglalayong makatulong sa mga taong manggagawa na mabigyan ng kakayahan at malinawanagan sa mga maling pananaw ukol sa kahirapan. Ito ay hindi isang teoriya lamang, sapagkat ang mga nakasaad dito ay hindi base sa mga haka lamang. Ito ay nagpapahalaga sa mga prinisipyo ng sosyolohiya at ekonomiya na may ugnay sa kahirapan at mga aksyong kailangan upang malabanan ang kahirapan. Ang mga dokumento sa modyul na ito ay ipinapakita kung bakit ang Income Generation (kumita ng pera) ay pinahahalagahan ang pagpautang kumpara sa pag gawad ng pondo. Kung bakit ito nagpapataw ng interes na naaayon sa merkado, kung bakit kailangan ng pagsasanay kaakibat ng pagpapautang, kung bakit pinipili ang mga taong may pinakamababang kita sa komunidad at kung bakit ginagabayan ang mga organisasyon (katulad ng kooperatiba) na siyang namamahala ng pagpapautang na ginagawa ng mga taong kasama sa programa (marahil kasama rin ang pamilya). Nakapaloob sa modyul na ito ay ang mga sumusunod: Paggawa nang Kita (kumita ng pera), Kahirapan at Yaman, mga tala ng tagasanay tungkol sa simulain ng paglikha ng yaman base sa pang-unawa na ang yaman ay hindi lamang pera, na mahalaga ang mamuhunan upang mapalago ang perang kinita, na ang problema ng kahirapan ay problemang panlipunan. Pagsalarawan ng Paggawa nang Kita, kasama rito ang mga larawan tungkol sa mga programa ng income generation. Maaari itong i-download at gamitin sa paghanda ng materyal sa pagsasanay na nakasalin sa sariling wika. Gawad, Pautang at Pagsupil ng Kahirapan, ito ay mga tala para sa tagapangasiwa. Ito ay nagbibigay diin sa pautang at hindi ang pagbibigay gawad. Kailangan rin na ang mga pautang ay may karampatang interes na batay sa merkado. Ang pag-unawa sa mga simulaing ito ay makatutulong sa mga manggagawa upang maipaliwanag (sa lokal na pamahalaan, sa awtoridad, manunulat at nakikinabang) kung bakit ang pagkakawang-gawa ay nagpapalala ng kahirapan. Ito rin ay nagbibigay linaw kung bakit mas makakatutulong ang pagbigay ng kakayahan sa mahihirap sa pamamagitan ng pautang upang unti-unting malabanan ang kahirapan hanggang sa tuluyan itong masupil. ––»«––
Karagdagang Modyul: Income Generation (Kumita ng pera), Organisasyong nagpapautang, Pagsasanay sa maliit na negosyo.
Paggawa ng langis = Paglikha ng Yaman = Kumita ng Pera: Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing Pahina |