Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat




Pagsasalinwika:

Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Kalamanan:

Kalamanan:


PAGSUSULAT NG ULAT

para sa mga Tagapangasiwa at Tagapamahala ng mga Programa ng Sambayanan

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper


Mga Gabay

Kabuuran:

Ang modulong ito ay para sa mga tagapagpakilos, tagapangasiwa, tagapamahala, tagapagbalak, mga opisyal ng ministeryo o may-kapangyarihan sa pampook na sambayanan na may kapanagutan para sa mga programa at mangagawa na nagsisikap na turuan ang mga maralitang komunidad upang malutas ang kanilang suliranin, suriin ang anumang mapagkukunan, at magbalak ng sarili nilang pagkakabutihan.

Ang modulong ito ng pagsasanay ay nagbibigay ng paliwanag sa mga sumusunod na tanong: “Bakit kailangan na maghanda ng ulat?”, “Para kanino itong ulat?”, “Anong paksa ang dapat talakayin sa ulat?”, at “Paano makakapaghanda ng magaling na ulat para ito ay maging mabisa?”.

Ang mga gabay at payo sa modulong ito ay unang tinalakay sa mga mangagawa sa larangan, sa pag-asang matulungan silang magsulat ng sarili nilang ulat at mabigyan sila ng gabay para sa pagsasanay ng mga organisasyon na pansambayanan sa paghanda ng ulat tungkol sa kaunlaran ng kanilang proyekto.

Ang mga dokumento na narito ay dapat gamitin ng mga tagapangasiwa hindi lamang para sa pagsusulat ng kanilang ulat, kundi gayon din sa pagsasanay ng mga mangagawa sa larangan upang makapaghanda sila ng ulat tungkol sa kanilang kaunlaran.

Panimula:

Ang dokumentong ito ay para sa mga tagapagpakilos, upang:

Makasulat sila ng ulat tungkol sa kanilang mga aktibidad, at
Tulungan ang mga mangagawa sa larangan sa pagsusulat ng kanilang ulat.
Isang katangihan na kailangang tandaan ay ang kalamanan ng ulat. Ang mga maaaring isali ay:

Ulat ng pagbibida tungkol sa kaunlaran (na kaugnay sa layunin ng programa); at
Ulat tungkol sa pananalapi at pananagutan.

Unang Bahagi: Bakit kailangan na maghanda ng Ulat?

Ugnay sa Unang Bahagi: Bakit kailangan na maghanda ng Ulat?

Karamihan ng mga dahilan na nabanggit sa dokumentong ito ay nanggaling sa mga tagapagpakilos sa larangan, subali’t lahat ay nararapat din para sa mga tagapamahala ng purok o ng pambansang tanggapan, kahit na bahagi sila o hindi ng pamahalaan.

Ikalawang Bahagi: Sino ang dapat tumanggap ng Ulat?

Ugnay sa Ikalawang Bahagi: Sino ang dapat tumanggap ng Ulat?

Ang tagapangasiwa ay may mahalagang tungkulin na magbigay ng ulat sa himpilan, sa mga nag-abuloy (kasama iyong mga nag-hahati ng pondo ng ministeryo), at sa mga mangagawa sa larangan.

Ikatlong Bahagi: Paano makakapaghanda ng Ulat?

Ugnay sa Ikatlong Bahagi: Paano makakapaghanda ng Ulat.

Ang tagapangasiwa ay dapat na tumanggap at magtipon ng mga ulat na galing sa mga mangagawa sa larangan upang makapaghanda sila ng ulat tungkol sa kaunlaran ng kanilang programa. Ang kapamigatan ay tungkol sa kinalabsan ng mga aktibidad batay sa layunin ng proyekto.

Ikaapat na Bahagi: Paano makakapaghanda ng magaling na Ulat?

Ugnay sa Ikaapat na Bahagi: Paano makakapaghanda ng magaling na Ulat.

Sumulat ng ulat na tiyak na babasahin; maging maikli nguni’t lubos at madaling unawain. Anumang ulat na hindi binasa ay walang bisa. Ang mga payo na binanggit para sa mga tagapagpakilos ay nararapat din para sa mga tagapangasiwa.

Konklusyon:

Ang pagsusulat ng ulat ay isang mahalagang tungkulin. Ito ay pangunahin para sa maliwanag na pakikipag-usap. Lahat ng mga payo at gabay na binanggit sa modulong ito ay mahalaga para sa mga mangagawa sa larangan o maski sa himpilan.

Iwasan na maging walang-tiyak sa inyong tinig. Dapat ninyong kilalanin ang mga taga-pakinig at alamin ang kanilang pangangailangan. Gumamit din kayo ng balangkas at maiigsing pamagat sa inyong ulat. Maging maikli nguni’t lubos sa pagsusulat para madaling unawain. Sumulat sa pang-karaniwang salita lamang.

Ang magaling na ulat ay sukdulan ang halaga, samantalang ang ulat na hindi magaling ay iyong hindi binabasa. Gamitin ang mga payo dito upang pagalingin ang inyong kahusayan sa pagsusulat ng ulat, at sa pagsasanay at pamamahala ng mga mangagawa sa larangan.

––»«––

Pagsusubaybay ng Pagpapakilos at Pagsasa-ayos:


Pagsusubaybay ng Pagpapakilos at Pagsasa-ayos

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat