Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAG-OORGANISA TUNGO SA PAGKAKAISAPagsasamasama ng Buong Komunidadni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Lina G. CosicoTraining HandoutKaraniwan sa isang komunidad ang pagkakaroon ng paghihiwalay ng iba't ibang miyembro ng lipunan.Sa mga naunang pahina, nakita natin na dapat nating siguraduhin ang pagdalo ng mga kababaihan sa mga miting ng komunidad ( maliban na lamang sa mga komunidad ng konserbatibong Muslim). Kasama din sa stratehiya ng pag-oorganisa sa pagkakaisa ng komunidad ang pag-iimbita sa mga may kapansanan, kabataan, may edad, mga mahihirap, mga palaboy at patapon ng lipunan, pati na ang mga mahiyain at hindi mahilig makihalubilo. Tingnan Pag-oorganisa Tungo sa Pagkakaisa. Ang bawat komunidad ay may mga bagay-bagay na nagtutulak sa pagkakawatak-watak nito. Maaaring base ito sa pagkakaiba ng angkan, lahi, relihiyon, klas, kasarian, edad, edukasyon, pisikal o mental na kakayahan, okupasyon, kinikita, yaman, usaping lupain (may-ari, kasama, iskwater, atbp. ) at iba pang mga katangian na naghihiwalay sa mga tao. Tingnan Pagkakahiwalay ng Lipunan. Bilang isang tagapagpakilos o mobiliser, mahalaga na ikaw ay neutral (tulad ng referee), hindi kumikiling sa kanino mang grupo. Nararapat na kilalanin mong mabuti ang komunidad. Kapag madalas kang kasama ng isang grupo, iisipin ng iba na ikaw ay may pinapaboran. Huwag kang matakot na magsabi ng tungkol sa mga pagkakaiba at mga grupo-grupo sa komunidad, ngunit agaran mong ipaliwanag sa kanila na wala kang kinikilingan. Alalahanin mo rin na hindi mo nilalayong maging pare-pareho ang miyembro ng komunidad sapagkat ang pagkakaisa ng komunidad ay nangangahulugan na ang lahat ng grupo nito ay matapat sa komunidad, at ang mga tao ay may konsiderasyon, pang-unawa at respeto sa isa't-isa kahit na magkakaiba ang kanilang relihiyon, klas, angkan, lahi, kasarian, abilidad, yaman, pananalita o edad. Bago matukoy ang isa sa mga pangunahing suliranin at layunin ng komunidad, kailangan munang magkaisa ito. ––»«––Pag-aambag ng Komunidad: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pagsisimula |