Pangunahing Pahina
 Preparasyon



Mga Pagsasalin:

'العربية / al-ʿarabīyah
বাংলা / Baṅla
Български език
Català
Cebuano / Sugboanon
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
Română
Русский
सिन्धी / Sindhi
Af Soomaali
తెలుగు /Telugu
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu
Èdè Yorùbá

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Alamin ang Komunidad na Iyong Pinupuntirya

Sino ang Makikinabang sa iyong mga Gawain?

sinulat ni Phil Bartle

Isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Bilang isang panlipunang mananaliksik at manunuri; Ang isang magaling na magpapalayok ay alam ang mga katangian ng putik

Ang isa pang salawikain na ginagamit namin sa pagpapaunlad ng komunidad ay, "Ang isang magpapalayok." Isipin mong bilang magpapalayok, ang putik ang nagsisilbing komunidad.  Ninanais mong hubugin ito, gawing isang bagay na matatag.

Upang maisagawa ito, kailangang marami ang nalalaman mo tungkol sa isang komunidad (gayundin ang mga katangian ng mga komunidad sa pangkalahatan). Kinakailangan mong alamin hangga't maaari ang ang panlipunang organisasyon nito, ekonomiya, mga lengguwahe, mapa, mga suliranin o problema, pulitika, at ekolohiya.

Ang iyong pagsasaliksik ay hindi dapat ang pagkuha lamang ng isang listahan ng mga impormasyon o bagay na hindi magkakaugnay; kinakailangan mong suriin ang mga ito upang maintindihan ang mga katangian ng isang komunidad bilang isang panlipunang sistema. (Tingnan sa Ano ang Komunidad? at Panlipunang Pagsasaliksik).

Isipin mo kung paano nagkakaugnay-ugnay ang iba't ibang mga elemento.

Ang magandang panimula ay ang paggawa ng isang mapa. Saan nakatira ang mga tao? Anu-ano ang mga pasilidad na mayroon ang isang komunidad? (tulad ng kalsada, mga daanan, pinagkukunan ng tubig, klinika, paaralan, sanitasyon, palengke at iba pang mga pasilidad at serbisyong matatagpuan sa isang komunidad).

Pagkatapos, kapag pinamumunuan mo na ang mga miyembro ng komunidad para sa isang pagsusuri ng sitwasyon ng mismong komunidad (pinagkukunang-yaman, mga pangangailangan,mga oportunidad, mga suliranin o problema); gagabayan mo sila upang gumawa ng isang mapa ng komunidad. Ang paggawa mo ng mapa para sa iyong sarili sa ngayon ay makakatulong upang mapaghandaan mo ang susunod na pakikilahok na gawain.

Ilagay mo ang iyong mga sulatin sa iyong kuwaderno o talaarawan. Gumawa ng mga obserbasyon tungkol sa komunidad: panlipunang organisasyon, ekonomiya, mga lengguwahe, pulitika, mga kaugalian, tradisyon, pati na ang relasyon nito sa pisikal na kapaligiran (ekolohiya).

Ipagpatuloy mong suriin kung papaano nagkakaugnay-ugnay ang iba't ibang mga elemento.

Matututunan mo na ang isang komunidad ay hindi lamang pangkat ng mga tao, kundi isang sistema na lagpas pa sa mga tao.  Bilang isang sistema, mayroon itong mga iba't ibang dimensiyon, pang-teknolohiya, pang-ekonomiya, pampulitika, pang-institusyon, pang-ideolohiya at pang-konsepto.Ang mga tao ay labas-masok sa isang komunidad, sa pamamagitan ng pagsilang, kamatayan at paglilipat ng tirahan, ngunit ang sistema ay nagpapatuloy. At nananatili itong nagbabago.

Ang iyong gawain ay unawain ang nasabing sistema upang maituro mo ang patuloy na pagbabago nito sa mga ninanais na direksiyon (ayon sa iyong mga layuning nabanggit).

Napakarami mong matututunan sa iyong pinupuntiryang komunidad, huwag kang huminto at ipagpatuloy mo ito.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Preparasyon