Pangunahing Pahina
 Pamamaraan ng Pagsasanay




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Mga laman:

Mga laman:

Mga laman:

Mga laman:

MGA PAMAMARAAN NG KOMUNIKASYON

Iba't-Ibang Paraan ng Pagsasaad ng Mensahe

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni May M. Virola


Gabay sa Pagsasanay

Anong teknolohiya ang mainam gamitin sa komunidad at sa mga ibang nagsasanay?

Mobilisasyon, Pagsasanay at Komunikasyon:

Karamihan ng trabaho ng mobilisasyon ay nangangailangan ng pagpapabatid ng tiyak na mensahe sa mga grupo.

Bilang isang tagataguyod, sa maraming paraan ikaw ay ang tagapagsanay ng mga miyembro ng komunidad. Kung ikaw ay gumagamit ng pahinang elektroniko na ito para magsanay ng mga tagataguyod, kailangan mong konsiderahin ang mga similar na isyus. Marami sa mga pamamaraang ito ay epektibong rin para sa pagsasanay ng mga tagamobilisa o tagataguyod gayun din sa paghihikayat sa komunidad.

Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa mga pamamaraan ng komunikasyon. Dapat mong isaalang-alang ang lahat ng ito. Subukang gamitin ang anumang sa palagay mo ay praktikal. Laging tumingin ng mga bago at malikhaing paraan ng pakikipagtalastasan.

Tandaan na kapag ang mga kasali ay nahikayat na makilahok (hindi lang nakikinig at nanonood) sila ay mas magbibigay atensyon, mas matatandaan ang mga impormasyon, at mas gaganda ang pagbubuo ng pagtingin sa sarili at tiwala sa sarili.

Mga Sesyon sa Pagreresolba ng mga Problema

Makipulong sa mga miyembro ng komunidad. Sa pulong, magbigay ng suhestyion sa mga miyembro na magbigay sila ng mga possibleng solusyon sa mga problema ng komunidad. Ito ay hindi isang tahasang struktured na sesyon gaya ng Brainstorming. Hayaang ang mga miyembro ang magbigay iba't-ibang possibleng solusyon.

Panatiliing praktikal ang mga ito, iwasan ang tinatawag ng ¨¨wishful thinking¨¨. Kung ang isang miyembro ay magbigay ng solusyon na nangangailangan na iba ang gumawa o magbigay, ipakita na dapat siya ang gumawa o magbigay at ipaalala na hindi nila kontrol and ibang tao. Marapat lamang na ang mga solusyon ay mga bagay na kaya nila mismong gawin, hindi kung ano ag dapat gawin ng ibang tao. Hikayatin ang mga tahimik na miyembro na magbahagi ng kanilang mga ideya.

Pampublikong Libangan

Kung nais ng isang malaking pulong pangkomunidad (kasama ang mga rally) kung saan nais mong marami rin ang makilahok, maaaring makatulong ito sa iyo sa pag-oorganisa ng iilang libangan. Ang mga lokal na asosasyong pangkultura gaya ng mga grupong sumasayaw, choirs, drum clubs, drama clubs o mga marionnette, ay magandang mapagkunan ng libangan.

Ang pagkakaraon ng pagtatanghal ay maaaring makahikayat ng mas maraming miyembro ng komunidad at samakatwid, mas marami and makikilahok sa mga seryosong sesyon na bahagi ng agenda. Bukod pa roon, marami sa mga grupong amateur ay may mga repertoire na maaaring magsalarawan ng mga prinsipyo at ngmga isyu na nais mong ipabatid sa komunidad bilang isang tagamobilisa o tagataguyod.

Ang iba ay maari ring bukas na makipagtulungan sa iyo sa paggawa ng mga skript, lyriko, at mga eksena para magslarawan sa mga isyuna nais mong ipresenta. Ang ilan sa mga grupong ito ay nasa proseso ng pagbubuo ng profesyonal na stado, at maaaring mas nanaisin ang patisipasyon sa maliit na Honorarium sa halip na bayad na malaki.

Bagama't ito ang rekomenasyon sa pagpapakilala at isingit ang iba pang agenda ng pagpupulong ng komunidad, makikita rin na magandang gumamit ng ganitong mga klase ng grupo sa mga workshop ng pagsasanay na inoorganisa para sa mga tagataguyod. Ang dramatisasyon ng mga isyu ay malaking tulong sa mga kalahok upang matandaan ang konsepto kahit tapos na ang pulong o workshop.

Mga Kasabihan at mga Kwento:

Ang mga kasabihan at mga kwneto ay mainam na gamit pangkomunikasyon sa agbibigay ng pagsasanay at mobilisasyon. Ang mga ito ay naglalarawan ng mga prinsipyo, isyu, at mga konsern na nais mong ipabatid ukol sa pag-oorganisa ng komunidad at sa pagsasanay ng mga tagataguyod.

Sa modulo ngmga Pamamaraan ng Pagsasanay, makikita ang dokumento sa mga Kasabihan kung saan may mga detalye ukol sa mga tradisyonal na kasabihan at kaalaman na maaaring gamitan para ilahad ang iyong pakay. Gayundin, tignan ang dokumento ukol sa mga Kwento, na binibigyan diin din na ang mga ito ay hindi lamang para libangin ang mga kalahok, kung di ginagamit din sila para isalarawan at binibigyang importansya ng mga ito ang mga prinsipo ng pagbibikay kakayahan at paglilinang ng tiwala sa sarili.

Pagganap ng Karakter:

Laging binibigyang diin sa site na ito na ang pakikilahok ay isa sa mga pinaepektibong paraan ng pag-aaral. Ang pagganap ng karakter ay isang pamamaraan ng komunikasyon kung saan ang mga kalahok ay hinahayang gumanap ng mga karakter ng iba't-ibang aktor na karaniwang nakikita sa mga situation sa proseso ng pagbibigay kakayahan o pagsasakapangyarihan.

Dito inirerekomenda rin na ito ay isang paraan na mabisa sa pagsasanay ng mga tagataguyod at pati narin sa pagmomobilisa ng mga komunidad. Ang mga kalahok ay binibigyan ng iba't-ibang karakter batay sa mga situation na initala. Maaaring isulat ang plot o eksena para sa kanila, pero mas ganap na epektibo kung hahayaan silang gumawa ng sariling dialogo (ad lib) o kaya bigyan sila ng pagkakataon ng mag-isip kung ano ang kanilang saasabihin.

Tignan ang dokumento na tumututok sa Pagganap ng Karakter.

Audio-Bisual na Pamamaraan

Iba't-ibang uri ng elektroniko o makinaryang elektroniko ay maari ring gamitin para mapabuti ang komunikasyon. Ang mga maiiksing pelikula o ¨¨slide shows¨¨ ay ilan sa mga lumang gamit. Sa kabuuan, ito ay mas epektibo sa mga pulong na ginagawa sa loob ng silid, ito ay hindi masyadong epektibo sa mga malalaking pulong na ginaganap sa labas.

Ito ay mas angkop gamitin sa pagsasanay ng mga tagataguyod at pulong pangkumunidad ng mga tagapamahala kaysa sa mga malalaking pulong pangkomunidad ukol sa mga pamamaraan ng mobilisasyon. Isang malaking suliranin ay and technolohiya ay naluluma(napapalitan ito ng mga ¨¨digital¨¨ na tecknolohiyang audio-bisual) at minsan ay hindi ito matatagpuan sa mga mahihirap na bansa.

Ilan sa mga makabagong teknolohiya ang mga video tapes, at (minsan) DVD compact disks. Dagdag pa rito, ang mga ito ay mas epektibo sa mga maliliit na grupo at kung ang aktibidad ay ginagawa lamang sa loob ng silid.

Para sa mas malaking populasyon, ang mga pelikula ay mas epektibong gamitin. Ang mga pelikula at mga prodyektors minsan ay hindi agad makukuha, subalit hindi rin naman sila masyadong mura, kaya maaaring makabili and mga ahensyang pang-international kumpara sa lokal na departamento ng gobyerno o lokal na NGO sa mga bansang mahihirap. Ang mga prodyektors na dinisenyo para kumuha ng maliliit na larawan, gaya ng video machines at compyuter, ay mas mahal at maaaring hindi kaya ng badyet ng mga ahensya.

Mga Larawan at Bideo

Ang mga larawan ay maaring gamitin para isalarawan, gaya ng mga guhit, sketches o mga ¨¨cut-outs¨¨. Kung ikaw ay may teknikal na kapasidad, maaaring mas mapabuti ang mobilisasyon ng komunidad at ang pagsasanay sa mga tagataguyod o tagakilos kung hahayaan silang magdebelop ng mabilisan, at gumamit ng mga larawan kung saan and mga kalahok ay nakikita ang kanilang sarili.

Maaari rin, halimbawa, gumawa ng ¨¨scrapbuk¨¨ kung saan ang mga kalahok ay gumaganap ng mga karakter sa ginawa nilang eksena bilang parte ng sesyon sa Pagganap ng Karakter. Maaaring ipakita ito at gamitin bilang pag-udyok ng pakikipagtalastasan sa parehong workshop. Gamit ang mga digital na larawan, hindi na dapat magdebelop ng film, i-download na lamang ang mga larawan mula sa kamera sa kompyuter at ilathala and mga ito.

Gamit naman ang bidyo kamera, maaaring irekord ang sesyon sa Pagganap ng Karakter (halimbawa, ang tagataguyod ay kinakausap and mga kalahok na animo'y sila ang mga miyembro ng komunidad), pagkatapos hayaan ang pribado at personal na panonood ng kanilang pamamaraan ng pagsasalita para sa pansariling kritik at pansariling pagwawasto. Matapos ito, maaring burahin ang tape para maiwasang mapanood ito ng publiko.

Overheads:

Kung makakakuha ng ¨¨overhead prodyektor¨¨, maaari ring gumawa ng mga ¨¨overhead transparencies¨¨ gamit ang sulat kamay upang magdisenyo ng mga guhit at mga pang-ukulang pansin para sa workshop, depende ito sa mga kontribusyon ng mga kalahok. Kung mayroong kompyuter, printer, at blankong transparencies, maaring gawin angmga materyales habang ginagawa ang workshop.

Ang mga materyales na ginawa ng mga kalahok sa mga maliit ng sesyong panggrupo ay maaring kopyahin sa mga blankong transparencies at ipakita sa overhead. Maaaring i-type at ilathala and mga pang-ukulan pansin, o gumuhit ng sketch (gawa ng mga guhit linyang black and white sa website) itago sa kompyuter, ilathala ang mga ito sa transparencies at ipakita sa mga kalahok.

Alin mang paglalarawan (larawan, dayagram, kartun, o linyang guhit) ay maaaring kopyahin sa blankong tranparency para magamit sa presentasyon.

Pisarang Pranela:

Isa sa mga paraan ng komunikasyon na tila hindi binibigyang pansin ngayon ay ang pagamit ng pisarang pranela. Nirerekomenda kong gamitin ito. Ang maganda sa pisarang ito ay ang paggamit sa pranela, kung saan ito ay madaling makuha sa kahit saang tindahan ng tela, at maaari kang gumawa ng sarili mong pisarang pranela.

Ang pranela ay isang malambot at makapal na tela. Marami ang mga kulay na mapagpipilian. Ang isang piraso ng pranela ay dumidikit ng madali sa pisarang gawa sa pranela (pero hindi kasing higpit ng Velcro), at madali din itong tanggalin.

Maaaring gumawa ng pisara gamit ang isang malapad na materyal. Kung ikaw ay laging nagbibiyahe, marahil ay gumamit ng puting pisara gaya ng mga makikita sa mga ¨¨¨flip charts¨¨. Ang puting pisara ay maaaring gamitin ng walang pranela, gumamit ng dry markers na madaling nabubura habang gigawa ang sesyon sa pagsasanay sa pakikilahok para isulat ang mga kontribusyon, bayabayin ang mga bagong salita o gumawa ng gabay ng presentasyon.

Maaaring lagyan ito ng pranela na higit na malaki kaysa sa puting pisara at aspilihan sa likod. Ito ngayon ay magsisilbing duyo kung saan ilalawawan ang mga kwento.

Kailangan mo rin ng mga pigura na ilalagay sa iyong duyo. Iguhit ang mga ito at kulayan ng krayola o pintura. Maaari ring kumuha at gumupit galing sa mga katalogo o magasin. Pumili ng mga larawan galing sa iba't-ibang paksa na may relasyon sa mga liksyon o kwento na nais ilarawan.

Pagkatapos, gupitin ang pranela sa hugis ng mga larawan na iginuhit o ginupit. Idikit gamit ang glu (o gumamit ng panara) ang mga piraso ng pranela sa likod ng mga illustrasyon.

Ang mga ilustrasyon ay didikit na sa pranelang pisara, at maaaring galaw-galawin ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng iyong presentasyon. Gamitin ngayon ang pranelang pisara para isalarawan ang iyong kwento, leksyon o sitwasyon.

Sa mga workshop para sa mga tagapagtaguyod, maaari ring mag-organisa ng isang hapon para sa nagsasanay maging tagapagtaguyod para gumawa ng pranelang pisara. Bigyan sila ng mga alternatibong materyales, katalogo, magasin,gunting, panara, glu, malalaki at maliliit na piraso ng pranela namay iba't-ibang kulay, pisara na mapaglalagyan ng duyong pranela, mga aspile, para madikit ang pranela sa pisara.

Hatiin ang mga kalahok sa maliit na grupo na may lima o anim na katao para gumawa ng kanilang pranelang pisara. Pagkatapos, bigyan ng gawain ang mga grupo para isalarawan ang mga prinsipyo ng mobilisasyon. Hayaan silang maghanda ng magdamag para sa liksyon at sa mga kailangang ilustrasyon.

Sa susunod na hapon, sa parehong workshop, bawat grupo ay mag-uulat ng kanilang kwentong isinalarawan.

Magkahalong Pamamaraan:

Konsiderahing ipaghalo and (1) audio-bisual na presentasyon, (2) mga presentasyong oral at (3) kontribusyon habang nakikilahok ang mga nagsasaanay. Ito ay mas lalong makakapagpabuti sa paglalahad ng mensahe, at makakadagdag sa mas mainam na pagpapanatili sa alaala ng mga kalahok.

Pagpalit-palitan ang pamamaraan ng ginagamit, magprisenta ng bidyo, magsaad ng mga salita, o dili kaya'y tanungin ang mga kalahok. Di hamak na pinakamadali ang dumawa ng audio-bisual na presentasyon. Subalit ito ay para sa mga tamad na tagapagsanay.

Ang pagpapalit-palit ng pamamaraan ay makakatulong upang mapanatiling alerto nakatutok and mga kalahok sa mga paksa na nais mong ipabatid. Hindi kinakailangan gumamit ng higit sa isang audio-bisual na presentasyon (pero maaring gawin ito kung iyon ang nais) sa kabilang banda, maaaring magpalit-palit ng paraan at pagsasalita at pakikilahok ng mga nagsasanay.

Ikaw ay maaaring gumamit ng higit sa isang pamamaraan. Ito ay mas mainam.

––»«––

Isang Sesyon ng Pagsasanay


Isang Sesyon ng Pagsasanay

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pamamaraan ng Pagsasanay