Pangunahing Pahina
 Tubig




Pagsasalinwika:

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


TUBIG BILANG PUHUNAN NG KOMUNIDAD

Malinis na Tubig at ang Pagpapababa sa Kahirapan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Pamela Marvilla


Modulo ng Pagsasanay

Pagpapalagay sa Pasalungat; Hindi Libre ang Tubig

Introduksyon

sa dokumento Prinsipyo ng Pagkakaroon ng Kita Naisaad na mayroong tatlong bagay na maaring magawa sa maski anong bagay (bilihin o serbisyo) na may halaga (tulad ng kayamanan). Ito ay maaring (1) makonsumo (2) maitabi (maimbak) o (3) pamuhunan

Ang kayamanan, samantala, ay bagay na may gamit at relatibong kakulangan; hindi ito kapareho ng pera na maaring maitabi, ipagpalit o panukat ng yaman. Ang kayamanan ay mas may halaga kung ito ay mas kulang at/o mas may paggagamitan

Itong mga depinisyon ay mukhang pang-akademya, at mapagmaalam, pero sila ay esensyal sa pagiintindi kung paano lalabanan ang kahirapan at mabigyang kapangyarihan ang komunidad

Ikaw bilang tagapagpakilos ay mayroong tungkuling pag-isahin ang komunidad, hikayatin ang komunidad na alamin ang mga problemang prayoridad, humanap ng solusyon dito bilang layunin, gumawa ng plano para maaksyunan ito, upang maging malakas ang komunidad. Tingnan Mobilisasyon Ngayon, habang lalong nagiging gipit ang tubig dahil na rin sa pagtaas ng populasyon, ang mga komunidad, rural at nasa lungsod, ay tumataas ang pagpili sa maiinom na tubig bilang kanilang pangunahing alintana

Puhunan o Bilihin

Kapag may hawak tayong maiinom na tubig sa ating mga kamay, at pinaagos natin ito sa ating mga lalamunan, malinaw na kumukunsumo tayo ng tubig. Itong larawan na ito ay maaring makapagpalabo ng ating pagtingin sa tubig bilang sosyal na puhunan imbis na maliwanagan ito, gaano man kalinaw ang tubig. Sa sawing palad, ang tubig ay nakikita bilang bilihin ng mga peryodista, politiko at mga donor na opisyal ang pagpapagawa (o pagbabalik sa nagagamit na kalagayan) ng patubigan samantala, ay hindi konsumo kung hindi puhunan. Ito ay importante para sa iyo bilang tagapagkilos, at kailangan ang iyong pagsasaalangalang pagiaayos ang iyong istratehiya

Ang mga kayamanan na maari mong magabayan ang komunidad para makuha ay mapaparami sa pamamagitan ng pagbabago ng maling pagkakaintindi, at pagpapakita na ang suplay ng tubig ay totoong puhunan at hindi isang bagay na pangkonsumo lamang

Ang ginagampanan ng malinis ng tubig sa pagpapababa ng sakit Tubig at Pangunahing Pag-aalaga sa Kalusugan ay isang aspeto ng pagsusuplay ng tubig bilang isang puhunan. Sa pagpapababa ng sakit, bumababa rin ang kahirapan. Gayon pa man, isaisip na hindi ito magagawa magisa: kailangan ng (1) pagbabago sa paguugali para mahinto ang mga sakit na dala ng tubig (2) pampublikong pagpapaintindi kung paano at bakit ang pagbabago sa ugali ay kinakailangan sa pagbawas ng mga sakit. Ang implikasyon, ay iyong pagbabago sa paguugali ay nagiimplay ng pangangailangan sa sanitaryong pasilidad. Ang tubig ay kailangan pero hindi sapat para mabawasan ang sakit at samakatuwid mabasawan ang kahirapan

Ang isa pang hindi pang-medikal na aspeto ng tubig bilang puhunang pangsosyal, ay ang kabuuang oras at enerhiyang ginagamit ng komunidad sa pagkolekta ng hindi kontaminadong tubig. Importante and distansya dito

Kung iinom ang mga tao ng tubig na kinolekta sa labak at kontamindong batis, ito ay isang isyung pangkalusugan, ang kahirapan at sakit ay magpapatuloy. Kung naiintindihan ng mga tao ang uri ng mga sakit na galing sa tubig at mga dumi na galing sa mga parasito, ang pag-iwas sa labak at kontaminadong batis, o kung tag tuyo ay walang mapagkukunan ng tubig, samakatuwid and isyu ay nagiging ang distansya ng suplay ng tubig

Sa maraming parte ng rural na Afrika at iba pang bahagi ng mundo, kinakailangang maglakad ng sampung kilometro o higit pa para makakuha ng tubig. Ayon sa nakaugalian at kasaysayan, itong gawaing ito ay karaniwang ginagawa ng mga babae o bata. Kapag ang apat o limang oras sa isang araw ang nailalaan sa pagkuha ng kaunting litro ng tubig, iyong apat o limang oras na iyon ay hindi nalalaan sa mas produktibong gawain sa bahay, bukid o komunidad. Pinapababa nito ang abeylabol na resors na tao at dumadagdag sa kahirapan

Sa pagtatayo ng bagong pasilidad ng magsusuplay ng tubig, o pagpapalik sa ayos ng isa, ang oras at ang enrhiya na kinakailangan sa pagkuha ng tubig ay drastikong maibababa

Ang pamumuhunan ay nangangahulugang hindi muna paglalagay ng kayamanan sa kaagad na konsumpsyon kung hindi ang pagpalago at dami ng kayamanan sa hinaharap. Kinakailangan ng mga resors ang pagpapagawa o pagrehabilita ng pasilidad na magsusuplay ng tubig ngunit sulit ito sapagkat mas malaki ang makukuhang yaman dito. Ito ay isang puhunan

Ang aktwal na probisyon ng tubig (para makonsumo) ay isang minor na aspeto sa pagpapababa ng kahirapan. Ang pagpapakawala ng mga resors na ginagamit para makakolekta ng tubig, at ang pagpapababa ng sakit (kung kasama ang ibang aspeto), ay ang dalawang importanteng aspeto sa pagpapababa ng kahirapan at pagpapataas ng pagpapalakas ng komunidad

Ang trabaho para sa iyo bilang tagapagpakilos samakatuwid, ay humanap ng pamamaraan upang baguhin ang kadalasang persepsyon ng tubig bilang bilihin at ipakita na ang pasilidad ng suplayan ng tubig ay importante at mahalagang puhunan. Ang pagtaas sa kayamanan ng pagkakaroon ng kumbinyenteng panggagalingan ng tubig ay minor na pagpapababa sa kahirapan. Ang malaking halaga (oras ng tao at enerhiya) na hindi na magugugol na dulot ng pagpapaikli ng distansya sa pagkukunan ng tubig ay ang malaking halaga ng pinuhunan at malaking kontribusyon sa laban sa kahirapan

Hindi mo lamang dapat pagsikapan maimpluwensyahan ang desisyon ng mga lokal na awtoridad, politiko, donor at mamahayag, bilang tagapagpakilos, kailangan mo ring pukawin at gabayan ang komunidad sa paggawa ng ganitong klase ng pagiimpluwensya. Pinapalakas mo ang komunidad sa pamamagitan ng pagtulak sa kanila ng kumilos; at pinapahina mo naman sila kung ikaw ang gumagawa ng trabaho ng miyembro ng komunidad. Umasal ng paraan kung paano ka kumilos sa ibang mga proyekto ng komunidad

Kung nakikita ng mga miyembro ng komunidad ang malinis na pasilidad ng patubigan bilang kanilang pangunahing adhikain, at walang abeylabol na lokal na resors, wag mong ibigay ang mga resors sa kanila Pukawin at gabayin mo sila sa kampanya sa pagtataguyod at pagiimpluwensya para kung sa ganoon ay malaan nila ang sarili nilang enerhiya at oras at sa proseso ay nabibigyan sila ng lakas. Kung ikaw ang lalakad sa pagiimpluwensya, mas hinahayaan mo lang silang maging dependente.

Ang Tubig ay Hindi Libre

Base sa kasaysayan, noong malinis pa ang mundo at wala pang polusyon, noong maliit pa ang populasyon at mas kalat pa ang tao, nakukuha natin ang tubig ng walang perang nilalabas. Kinukuha lamang natin ito sa mga ilog, lawa, balon at ulan. Akala natin libre ito dahil walang perang nilalabas na hindi natin nalalaman na kahit noon pa man ay trabaho, kapital at lupa ang nalaan para makuha ito. (Tandaan and totoon kayaman ay hindi pareho sa pera; ang kayamanan ay may halaga kung ito ay nagagamit at kakunti kahit na walang perang kinakailangan)

Ang tubig ay may halaga

Ang madalas na palagay, mali noon pa man, ay ang tubig ay libre. Hindi ito libre. Hindi madadala ang tubig sa komunidad ng walang gugol o kapalit. Kung may ibang gagawa nito, humihina ang komunidad at lumalala ang pagiging dependent o pagasa sa iba Kung ang komunidad ang gagawa nito, may mga resors ang komunidad na mailalaan sa pagpapatupad nito

Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay hindi para turuan ang mga miyembro ng koumnidad kung hindi ang pukawin sila upang turuan nila ang kanilang mga sarili. Kung paano mo ito gagawin ay pinapaliwanag sa mga modulo ng pagsasanay. Tingnan Pagpapakillos Tratuhin ang pagkakamapanya sa pagtaas ng kamalayan bilang aksyon ng komunidad at hikayatin at gabayan ang komunidad sa paggawa ng aksyong ito gaya ng kung ang prioridad nila ay ang pagtatayo ng eskwelahan, klinik o pasilidad ng tubig

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Tubig