Pangunahing Pahina
 Tungo sa Aksiyon




Mga Salin:

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
नेपाली / Nepālī
Polszczyzna
Português
Română
Русский
Türkçe
اردو / Urdu
Èdè Yorùbá

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

MGA PANGANGAILANGANG KINILALA NG KOMUNIDAD

Hindi ng Ahensiya

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Lina G. Cosico


Handout ng Training

Sa pagsisimula ng proyekto mas nalalaman ng ehekutibo
ang mga bagong kakayahan na kailangan nila.

Habang isinasagawa ang proyekto, malalaman ng komunidad at mga ehekutibo na kailangan nila ng mga bagong kakayahan.

Ilan sa mga kakayahang ito ay maaaring artisano, sa sining, tekniko gaya ng pagkakarpintero, pagmamason, may kinalaman sa pagkakabit ng koryente at iba pang may kinalaman sa konstruksiyon. Ang iba ay tungkol sa pananalapi, pagplaplano o pamamahala ng mga kuwenta, pangangalap ng pondo, pasusulat ng ulat, pag-aayos ng mga sigalot,komunikasyon at pangangasiwa ng mga aktibidad.

Ang mga training ay maaaring pormal o impormal, pagsasanay na ginagawa ng dalubhasa para sa mga walang karanasan habang nagtratrabaho , bayarang training (istilong aprentis) sa pamamagitan ng mga workshop na gagawin mo, at pagpapadala ng mga mamamayan sa isang institusyon ng pagsasanay, komersyal man o sa gobyerno.

Hangga't maaari, bigyang diin mo ang mga impormal na training ng gumagamit ng mga pagkukunang yaman ng komunidad. Ang mga artisanong may-edad at kakayahan na magbabahagi ng kanilang pawis para sa proyekto ay dapat na magturo sa mga walang karanasang kabataan.

Kung kakailanganin ng bayarang artisano, hangga't maaari ay kumuha muna mula sa komunidad at isama sa kontrata na kasama sa trabaho nila ang pagsasanay ng mga miyembro ng komunidad ( mga kabataang lalaki at babae). Siguraduhin mo na isusulat at iuulat ng ehekutibo ang lahat ng impormal na training.

Kung hindi puedeng gawin ang impormal na training, magmungkahi ka ng mga training workshop. Kailangang mayroon kang badyet, pagmumulan ng pondo, para sa mga gastusin sa training.

Kung maiisip ng mga ehekutibo ang mga kailangan nilang pagsanayan bago mag-umpisa ang proyekto, himukin mo silang isama ito sa disenyo ng proyekto. Tingnan: Paghahanda ng Workshop.

Batay sa iyong badyet at sa polisiya ng iyong ahensiya o programa, baka magkaroon ka ng pondo para iapadala ang ilang tao sa isang mas pormal na pagsasanay o training sa isang institusyon.

Responsibilidad mo na tiyakin na ang training ay aprobado ng buong komunidad, mayroong angkop at kinakailangang paksa para sa proyekto ng komunidad, at hindi lamang isang paraan para pagbigyan ang isang kaibigan o kamag-anak. Kung matitiyak mo na ang pagpili ng mga partisipante at ng paksa ay aprobado ng buong komunidad, maiiwasan mong pagsuspetsahan na may paboritismo.

Anupaman ang training, kapag isinasagawa ang proyekto, tiyakin na ang pagpili sa mga partisipante at paksa o mga kakayahang matututunan, ay kailangan ng komunidad, aprobado ng buong komunidad, sinusubaybayan at itinatala, at kasama sa lahat ng mga progress report.

––»«––

Miting ng Komunidad: Pagtukoy ng mga Pangangailangan:


Miting ng Komunidad; Pagtukoy ng mga Pangangailangan

Kung kokopya ka sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may-akda
at i-ugnay pabalik sa cec.vcn.bc.ca/cmp/

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Tungo sa Aksiyon