Mga Pagsasalin-wika:
|
Mga Pinakamahalagang salita na nagsisimula sa mga letra:
MGA IMPORTANTENG SALITA SA MODULULO NG "TUNGO SA AKSYON"
isinalin ni May M Virola, Lonela Bloxom
PAGDIRIWANG
Ang pagdiriwang ay isang masayang pagkilala sa isang kaganapan o pangyayari, kadalasan ito ay bumabago sa estado ng isang tao o bagay. Ang pagdiriwang ay isang pagtitipon.
Para sa tagapagpakilos, ang pagdiriwang para sa pagkompleto sa isang proyektong pangkomunidad ay isang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad, kung saan ang komunidad ay kinikilala sa matagumpay na pakikilahok sa pagtulong sa sarili.
Ito ay isang oportunidad para sa panibagong simula, ng isa pang siklo ng pagpapakilos.
Tignan
Pagpapakilos
Siklo. Tignan
Pagdiriwang.
PAGSUBAYBAY
Ang pagsubaybay ay isang regular na obserbasyon, pagtatala, pagsusuri at pag-uulat ng mga gawain o aktibidades at pati na rin ang mga resulta ng mga gawain na ito, sa isang proyekto o kahalintulad na gawain. (Tignan
Pagsubaybay).
PANUKAT NA GINAGAMIT SA PAGSUSUBAYBAY
Kwalitatibo at kwantitatibo na panukat (mga senyales) para sa pagsusukat o pagsusuri ng mga nagawa, o antas ng mga nagawang aktibidades sa proyekto, mga layunin at mga resulta.
Ang mga ito ay dapat na obdyektibong tiyakin: Tignan
Pagsusukat ng Lakas na nagpapakita ng nais na resulta ng pagpapakilos sa komunidad, halimbawa, pagsasakapangyarihan.
WORKSHOP
Ang "workshop" ay isang sesyon na maaaring isa o maraming araw ang haba. Hindi ito konperensya. (na isang pagtitipon para magkaroon ng diskusyon). Ang workshop ay para sa gawain, at dapat may nakaplanong resulta.
Sa workshop sa pagsasanay, ang gawain ay pagsasanay, at ang result ay dapat ayon sa limang layunin ng
pagsasanay na itinalaga sa lugar na ito. Tignan
"Paghahanda ng Pagsasanay."
──»«──
Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring,
sumulat sa amin.
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa
www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver
(VCN)
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
──»«── Huling binago:
2012.10.02
|