Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSUBAYBAYPagtingin sa Ating Patutunguhanni Phil Bartle, PhDisinalin ni Lina G. CosicoHandout ng TrainingIsang elemento ng proyekto na madalas na nakakaligtaan ay ang pagsubaybay; kailangan nating makita ang ating patutunguhan kung gusto nating hindi malihis ng landas at matamo ang ating mga adhikain.Sa mga naunang pahina ay binanggit natin na ang pagsubaybay ay mahalaga, at kailangang isama sa disenyo ng proyekto. Ngayong kasalukuyang ginagawa ang proyekto, kailangan mong siguraduhin na mangyayari ang pagsubaybay. Ang pagsubaybay ay kasinghalaga ng aksiyong sinusubaybayan. Tingnan ang dokumento ng pagsasanay:"Pagsubaybay." Natatandaan mo ba ang analohiya ng pagsakay ng bisikleta? Kung ang pagpedal ang aksiyon, ang pagtingin sa pupuntahan (pagsubaybay) ay kasinghalaga kung ayaw mong maligaw o bumagsak. Maaari mong sabihin na ang mga taong nagtratrabaho sa proyekto ay nakikita ang mga nangyayari, hindi ito sapat. Ang kabuuan ng tao ang nakasakay sa bisikleta, hindi lamang ang mga mata. Ang mga mata ay kailangang magpadala ng ulat sa utak na nagpapadala ng mga nararapat na mensahe sa ibang parte ng katawan. Iba't-ibang tao ang nagtratrabaho sa proyekto sa iba't-ibang paraan at sa iba't-ibang oras,kaya't kailangan ng komunidad (at ng mga donor) na malaman ang kabuuan ng lahat ng pangyayari. Ngayong isinasagawa na ang proyekto, responsibilidad mo bilang mobiliser na paalalahanan ang mga ehekutibo na ang pagsubaybay ay bahagi ng disenyo ng proyekto, na ito ay mahalaga at kailangang gawin. ––»«––Pagsubaybay at Pagtatasa ng Komunidad: Kung
kokopya ng teksto mula sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may akda |
Pangunahing pahina |
Tungo sa Aksiyon |