Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
KOMUNIKASYON SA PAGITAN NG EHEKUTIBO AT PUBLIKOPro-aktibong Gawaing Lantad (Pro-Active Transparency)ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Lina G. CosicoHandout ng TrainingAng mga aksiyon ay hindi dapat ilihim; dapat na malaman ng mga mamamayan kung ano ang nangyayariBilang mobiliser, kailangan kang maging bukas o lantad ang gawain, nagpapadali ng trabaho, hindi diktador, at isinasali ang mga mamamayan sa paggawa ng desisyon. Himukin mo ang mga ehekutibo na maging ganito din sa kanilang komunidad. May tatlong magandang paraan para mapanatili ang mabuting komunikasyon sa pagitan ng komunidad at mga ehekutibo nito: mga miting, mga ulat at mga inspeksiyon. Ang mga miting sa komunidad ang pinakamahalagang paraan para masiguro na may magandang daloy ng impormasyon sa pagitan ng ehekutibo at komunidad. ( Ang mas magarbong miting ay maaaring kasama ng selebrasyon o pagdiriwang na nakatala sa susunod na seksiyon). Sa mga miting, himukin mo ang mga ehekutibo na maging "facilitator" gaya ng ginagawa mo bilang mobiliser. Kailangan nilang magkaroon ng kakayahan sa pagsasalita sa publiko ; umiwas sa pagtatalumpati, lektyur, sermon at matutong humingi ng opinyon o sagot mula sa mga nakikinig. Ang 'two-way' o dalawang daan na daloy ng impormasyon ( ang ibig sabihin ng "dialogue" ay "two-way"), ay makakatulong sa pagiging lalong bukas o transparent ng proseso at nagbubunsod sa mabuting pangangasiwa, pamamahala na may partisipasyon at demokrasya. Mahalaga rin ang mga ulat. Kailangan isulat ito ng maayos at gamitan ng payak na pananalita at isaad sa mga miting sa komunidad. Humingi ng reaksiyon mula sa mga mamamayan. Ang mga inspeksiyon ng proyekto, na kung saan ay magkasama ang mga mamamayan at ehekutibo, ay nagbubunsod din sa mabuting komunikasyon at bukas na gawain. Ang mga poster at nakapaskil na patalastas ay makakatulong din sa magandang daloy ng komunikasyon, subalit hindi dapat umasa lamang sa paggamit nito. Pandagdag sila sa mga miting subalit hindi nila maaaring palitan ito. Ang mga poster ay maaaring tumutok sa pagtataas ng antas ng kamalayan ng mamamayan o sa pag-uulat ng mga resulta ng aktibidad ng proyekto. Ang kuwenta ng mga tinanggap na pondo at mga gastusin ay makabubuting ipaskil sa lugar ng proyekto para maging mas bukas o transparent ang proyekto. Ang mahalaga para sa iyo bilang mobiliser ay ang bigyang-diin ang magandang komunikasyon sa pagitan ng ehekutibo at mamamayan sa pamamagitan ng maayos na pangangasiwa, pamamahalang may partisipasyon ng mamamayan, pagkakaroon ng integridad at bukas na gawain. Ang kakayahan mong humimok at magsanay ng mga ehekutibo at lider ng komunidad sa mga pamamaraan ng pagpapadali ng pamumuno ay depende sa iyong nalalaman tungkol dito. ––»«––Pagtitipon ng Komunidad: Kung
ikaw ay kokopya mula sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may-akda |
Pangunahing pahina |
Tungo sa Aksiyon |