Tweet Pagsasalinwika:
Bahasa Indonesia |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke14. Iwasan ang Kurso (Laman) na Galing sa Nakaugaliang Pag-aaral ─ Mag-imbento ng Sariling Kurso: Nakatutukso, lalo na kapag nag-uumpisa pa lamang magpatakbo ng programa sa kaalaman, na humiram ng aklat tungkol sa basikong pagbabasa buhat sa isang paaralan, at mag-umpisang magturo ng mga salita galing dito. Maging matatag; iwasan ang paraang ito. Suriin mabuti ang ganitong aklat. Anu-ano ang mga salitang nakapaloob dito? Ilan dito ang may kaugnayan sa kung ano ang mahalaga sa iyong mga kasapi? Bagama't marami ang nagsisikap upang gawing mas makabuluhan ang mga pambansang silid aklat sa pambansang gunita at opinyon, walang iisang silid aklat na makakatustos sa kalawakan ng iba't ibang uri ng gawain, bagay-bagay at kuru-kuro ng buong lipunan; may kanya-kanyang kaibahan ang bawa't pamayanan. Bukod pa doon, ang paggawa ng iyong sariling listahan ng bokabularyo, bilang isang gawaing pang-grupo, ay makakatulong magpalakas sa mga kasapi, at makakatulong patungo sa mas maiging pagkilala ng mga napiling salita (ie na kanilang pinili). Ang patakaran para sa iyong pamamaraan at laman ay hindi dapat kung ang mga ito ay pangkaraniwan o hindi, ngunit kung ang mga ito ay tunay na magpapadami sa bilang ng mga taong marunong magbasa at magsulat sa pamayanan. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |