Tweet Pagsasalinwika:
Bahasa Indonesia |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke17. Magbigay ng Pagkakataon sa mga Kasapi na Magturo ng Kanilang Natutuhan: Maaaring napansin mo ito. Kapag tayo ay natuto ng isang bagay, at kapag naituro ito sa iba, mas naiintindihan natin itong mabuti. Mas naitatanim natin sa isip nang matagal. Sa pagsikap maituro ito sa ibang tao, tinutulungan natin ang ating sarili sa taimtim na pag-unawa ng isang kaalaman. Ilagay itong karanasang ito sa pamamalakad ng iyong programa ng kaalaman. Maghanap ng pagkakataon upang ang mga kasapi mismo ang magturo, magpakita at maglarawan ng natutunan. Maaaring magpanggap na kliyente ang ibang mga kasapi. Halimbawa ay ang paglarawan kung paano isulat ang hubog ng titik "P." Maaaring may kaugnayan sa isang lakad o proyekto, katulad ng paggawa ng pamphlet na naglilista ng mga pangalan, sukat at presyo ng isda. Kung ginagamit mo ang mga dokumentong ito sa pagsasanay ng mga tagapagpakilos na magtataguyod ng programa sa literasiya, bigyan sila ng mga gawaing magtuturo sa kani-kanilang sarili ng mga prinsipyo ng praktikal at punsiyunal na literasiya. Tingnan ang Mga Pamamaraan ng Pagsasanay. Kung ang mga kasapi ay nag-aaral ng literasiya o nag-aaral magpakilos, ang prinsipyo ng "karunungan sa pamamagitan ng paggawa" ay maaaring (at dapat) paabutin upang humanap ng mga paraan na sila ay magturo sa iba ng mga kasanayan at prinsipyong kanilang natutunan. Kapag ginawa nila ito, mas huhusay ang pinag-aralan nila. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |