PAGHAHANDA NG ISANG PLANO PARA SA PAGKILOS NG KOMUNIDAD
(Community action plan o CAP)
Ang Isang Komunidad ang siyang Nagde-desisyon para sa Sarili nitong Kinabukasan
isinalin ni Maureen Genetiano
Manwal sa Pagsasanay
Ang pagde-desisyon kung ano ang mga ninanais, pago-obserba kung ano ang mga bagay na mayroon, at pagkilala sa mga hakbang na kailangan upang makamit ito ─ ay siyang mga batayan sa pagpaplano.
Sa pagsasanay at pagsusulong ng isang komunidad at ng ehekutibo nito na maging mas malakas at matatag (mas umaasa sa sarili nitong kakayahan), kinakailangan mong ituro sa kanilang mabuti ang kahalagahan ng pamamahala at pagpaplano.
Sa pagpaplano, kinakailangan munang magkaroon ng isang pananaw, "Saan mo gustong pumunta?" Upang mailarawan ito, malimit naming ginagamit ang isang salawikain mula kay Lewis Carroll, ang nagsulat ng Alice in Wonderland: "Kung hindi mo alam kung saan ka patungo, tatahakin mo ang kahit anong daan." Napakahalaga na ang isang komunidad ay nagkakaisa sa pakikibahagi ng sarili nitong pananaw. Ang gawain mo bilang isang tagapagkilos ay siguraduhin na mangyayari ito.
Ang kahalagahan ng pagpaplano ng namamahala (Tingnan sa: Apat) ay pinaikli sa apat na katanungan:
- "Ano ang ating ninanais?"
- "Ano ang mayroon tayo?"
- "Paano natin gagamitin kung ano ang mayroon tayo upang makamit ang ating ninanais?"
- "Ano ang mangyayari kung nagawa natin ito?"
Ang pagsusuri ng isang komunidad ay karapat-dapat na masagot ang pangalawang katanungan
Upang masagot ang pangatlo at pang-apat na mga katanungan, ang komunidad ay kinakailangang maghanda ng isang Plano para sa Pagkilos ng Komunidad (CAP). Maaaring ito ay plano para sa isang taon, plano para sa limang taon, o iba pang haba ng panahon, sang-ayon sa haba ng mga plano ng isang distrito.
Ang isang Plano sa Pagkilos ay nararapat na masagot ang mga sumusunod:
- ano ang kalagayan ng isang komunidad sa kasalukuyan
- ano ang gusto nitong mangyari sa katapusan ng takdang panahon
- paano nito pinaplano marating ang unang hakbang patungo sa pangalawa
Maari nitong gawing batayan ang kahit anong planong proyekto sa komunidad;
inilalarawan ang mga ito sa ibaba.
Ang plano sa pagkilos ay nararapat na simulan ng ehekutibong komite, naaayon sa mga suhestiyon ng isang komunidad mula sa ipinakitang pagsusuri. Ang pangunahing nagawang plano sa pagkilos ay nararapat na ipakita sa komunidad upang ito ay maisaayos at ma-aprubahan.
Ikaw na tagapagpakilos ay hindi dapat mag-presenta nito kundi ikaw ang magu-udyok na ang ehekutibo ang siyang magpapakita at magpapaliwanag sa buong komunidad. Ang pagtanggap nito ay dapat nagmumula sa buo at nagkakaisang komunidad.
––»«––
Ang Ehekutibo ng Isang Komunidad habang Nagpaplano ng Isang Proyekto:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 15.05.2011
|