PAGSASANAY NG FACILITATOR SA PAGTASA NA KASALI ANG MGA MAMAMAYAN
Mga Epektibong Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kakayahan
isinalin ni Lina G. Cosico
Mga
Nota ng Trainer
Paano
sanayin ang mga tagamobilisa at facilitator ng komunidad sa pagbibigay sigla sa partisipasyon
ng komunidad sa pagtasa.
Kung
ikaw ang naatasang magsanay at/o magko-ordina ng mga mobiliser sa mga teknik ng pagtataguyod
ng partisipasyon ng mga mamamayan sa pagsasaysay at pagtasa ng mga pangangailangan,
prayoridad, suliranin at balakid sa kanilang sariling komunidad, mayroon kang ilang
prinsipyo at mga paraang dapat isaalang-alang.
Pagkatuto
sa Paggawa; (A) Sa Isang Sesyon ng Pagsasanay:
Maaari
mong gamitin ang mga kadalasang ginagamit na paraan sa pagtuturo ng mga prinsipyo
ng PRA/PAR: lektyur, paggamit ng mga 'audio-visual presentation' ( slide,overhead
transparency, video). mga seminar, debate at diskusyon ng maliit na grupo. Dito,
inirerekomenda namin na ang mga tradisyonal na paraan na ito ay gamiting pandagdag
lamang sa training dahil ang dapat tutukan na paraan ay ang "Learning by Doing" o
pagkatuto sa paggawa.
Ikaw
at ang mga trainee ay makikinabang ng husto kung tututukan mo at ng mga facilitator
ang paggamit ng "paggawa" sa training, gaya ng (1) pagganap sa itinalagang papel
(structured role playing), (2) mga larong pagkukunwari (simulation games), at (3)
proseso ng grupo.
Ang
grupo ng mga trainee ay maaaring magkunwari na sila ang target na komunidad, at sa
tulong ng facilitator ay kikilalanin nila ang mga pangangailangan ng grupo, mga yaman,
balakid at prayoridad nito. Hindi ito hungkag na ehersisyo, manapa'y dapat itong
magbunga ng isang imbentaryo na makakatulong sa mga susunod pang training at operasyon
ng grupo. Ang mga trainee ay maaaring maghalinhinan sa pangunguna sa proseso.
Kapag
ikinumpara mo ang pagkatuto sa paggawa sa isang sesyon ng training na kontrolado
ang paraan sa pagkatuto sa paggawa sa 'field' o labas ng silid-aralan na mas kaunti
ang kontrol, makakakita ka ng mga kabutihan at kakulangan sa dalawang paraan. Sa
situwasyong kontrolado, na mas makakabuting gamitin sa mga nag-uumpisa pa lamang,
mas may istruktura ka at mas "ligtas" na kapaligiran para sa mga trainee na hindi
pa sigurado sa kanilang mga ginagawa. Sa situwasyon sa labas ng silid-aralan na maaaring
mas kaunti ang iyong kontrol sa mga pangyayari, mas makatotohanan ang magiging karanasan
ng mga trainee.
Pagkatuto
sa Paggawa; (B) Sa Labas ng Silid-aralan
Ang
pagsasanay sa "field" o labas ng silid-aralan ay may kaakibat na panganib subalit
mas matindi ang pagkatuto para sa mga nagsasanay na maging facilitator. Ang training
sa "field" ay maraming klase.
Ang
mga halimbawa nito ay:
- pagtulong
ng trainee sa eksperiyensiyadong facilitator,
- pag-organisa
at pagkoordina ng trainee ng sesyon sa komunidad habang inaalalayan ng trainer (
na nakahandang tumulong sa bawat hakbang kung kinakailangan),
- pagtanggap
ng trainee sa lahat ng responsibilidad, habang ang trainer ay nakaupo at sumusubaybay.
Sa
bawat halimbawa, mahalaga ang "debriefing session" pagkatapos ng bawat sesyon. Mas
makakatulong ito sa pagkatuto ng trainee.
Binibigyan
nito ang trainee ng pagkakataon na: (1) itala at suriin ang nagyaring proseso, (92)
isaalang-alang ang mga hakbang ng proseso batay sa tunay na karanasan, 3) maging
detalyado at tiyak sa kanilang mga tanong sa trainer, at (4) magbuo ng mga prinsipyo
at gawain para sa mga darating na trabaho.
Binibigyan
din ng pagkakataon ang trainer na (1) magbigay ng 'feedback" batay sa kanyang mga
obserbasyon, (2) magrekomenda batay sa mga konkretong pangyayari, at (3) gabayan
ang mga trainee sa pagmamasid, pagsusuri, pagtatala at pagsulat ng report.
Pagkatuto
mula sa Nakasulat na Materyal:
Ang
paggamit ng mga nakasulat na materyal ay hindi agarang kasing epektibo ng "paggawa"
sa pagpalakas ng loob at pagtuturo sa trainee ng iba't-ibang kakayahan. Pero, mabuti
itong gamitin sa pagrerepaso at pagiging sanggunian (reference) dahil makakatulong
itong kumpirmahin ang natutuhan ng trainee sa paggawa. Kadalasan ay mas naiintindihan
ng trainee ang kanilang binabasa kung nagkaroon na sila ng sesyong "paggawa" sa naturang
paksa.
Ang
mga nakasulat na materyal (katulad ng iba't-ibang klase ng "paggawa") ay maaari ding
gamitin sa iba't-ibang antas ng pag-aaral ng trainee na maging mobiliser o facilitator.
Sa unang antas, puede itong gawing simple, nakalarawan, at direktong ibigay ng trainer
sa trainee....Lahat ng mga 'handout' at karamihan ng iba pang materyal sa training
sa website na ito ay sakop ng ganitong simpleng materyal para sa training. Kailangan
itong ipresenta sa simple, hindi paikot-ikot na pananalita ( kung nararapat ay gamitin
ang lokal na wika), sa maliwanag na paraan. Ang mga larawan ay mahalagang suplemento
sa antas na ito.
Ang
mga trainee na nagkaroon na ng karanasan sa 'field' ay nangangailangan ng mas mataas
na antas na nakasulat na materyal ng training. Maaari itong maging mas detalyado.
Maaaring isama ang mga paalala at mga natatanging punto, pati na ang mga hindi tiyak
na bagay-bagay ( na maaaring makasira ng loob ng mga bagong kasali). Ngunit ang mas
mahalaga, ang mga sinulat na materyal na nasa gitnang antas at pinakamataas na antas
ay hindi dapat basta-basta ibinibigay sa trainee. Katulad ng pamamaraan ng pagbibigay
kapangyarihan, kung pinaghirapan ng mga trainee ang pagkamit nito, mas bibigyang
halaga nila ito. Bigyan mo ang mga trainee ng payo at ituro sila sa tamang direksiyon,
at atasan silang gumawa ng sariling pagsasaliksik (ng literatura).
Pagkatuto
sa Pagtuturo:
Maaaring
ang "paggawa" ang pinakamagaling na paraan para matuto ng isang kakayahan, subalit
ang proseso ng pagtuturo ng kakayahang ito ay maaaring maging mas mataas na antas
ng pagkatuto. Kapag ang isang trainee ay nahaharap sa pagkakataon na siya mismo ang
kailangang magturo ng kakayahan sa ibang trainee, kahit pa kunwaring trainee na may
kaparehong antas ng karanasan, ang nasabing trainee ay mas magiging pursigido sa
pagtitiyak na mauunawaan ng kanyang mga trainee ang kakayahang pinag-aaralan.
Himukin
mo ang iyong mga trainee na gumawa ng simpleng mga hand-out at patnubay , gaya ng
"Paano gumawa ng...". (Ang paggawa ng materyal para sa training ay isa ring klase
ng pagtuturo). Hayaan mong gamitin nila ang mga hand-out na ito sa kanilang pag-eensayo
sa isa't-isa. Pagkatapos ng bawat sesyon, itanong mo kung naunawaan nila ang mga
kakayahan at prinsipyong itinuro. Naintindihan ba ng mga tagapakinig ang tagapagsalita?
Pag-usapan ang bawat presentasyon at mga nakasulat na ehersisyo.
Maaaring
magsanay ang mga trainee sa pagtuturo sa ilang paraan, kasama na ang pagbibigay ng
presentasyon at paggawa ng nakasulat na materyal. Himukin mo ang iyong mga trainee
sa pagmobilisa at pagiging facilitator na gawin ang dalawang paraan ( at iba pa).
Sabihan mo sila na hanggat maaari, simpleng lengguahe ang gamitin; gumamit ng pang-araw-araw
na pananalita. Himukin ang mga trainee na gamitin ang lokal na wika sa paggawa ng
materyal ng training. Para mas lumakas ang loob ng mga trainee, gumawa ng kopya at
ilathala ang mga materyal na ginawa ng mga trainee; ilabas ito sa mga lokal na 'newsletter',
pahayagan, propesyonal na magasin, at kung saan pa maaaring ilathala. Sa paraang
ito, kikilalanin at tatanggapin ang mga pagsisikap ng mga trainee, at ito ay magbibigay
lakas-loob at sigla sa kanila.
Tuluy-tuloy
na Pagkatuto:
Palaging
paalalahanan ang mga trainee na ang pag-aaral tungkol sa propesyong ito ay panghabambuhay
na bokasyon. "Kapag tumigil kang matuto, patay ka na."
––»«––
Training ng mga Facilitator ng Komunidad:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 16.05.2011
|