Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGPAPATULOY NG ISANG PAMAMAGITANSa kabila ng pagiging Nag-iisang Tagapagpakilosni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen GenetianoIntroduksyon sa Mga ModuloMga dokumentong kasama rito sa Pagpapatuloy na Modulo
Kapag pumunta ka sa pang-ehersisyong dyim ng isang beses lamang, hindi mo mapapalaki ang iyong mga kalamnan.Kapag tiningnan mong muli ang mga importanteng salita at batayang mga konsepto na kailangan mong malaman, mahahanap mo ang salitang "pagtuluy-tuloy." (Hindi ito mahahanap sa mga karamihang diksiyonaryo). Paano natin maipagpapatuloy ang isang bagay o adhikain na nilagay natin sa isang lugar at mapanatili ito rito? Para sa isang komunidad na ang layunin ay mapabuti ang kalusugan, at ang pakay ay makagawa ng mga palikuran, ang kaukulan nito sa pagpatuloy ng ganitong mga adhikain ay mababatay sa mga katanungan tulad ng "Paano natin matitiyak na ang mga palikuran ay mapapanatiling malinis, maayos, nagagamit at napapakinabangan?" Ang kasagutan ay nasa pagtitiyak ng responsibilidad ng isang komunidad (sa pamamagitan ng partisipasyon ng isang komunidad sa paggawa ng mga desisyon at kontrol) sa simula pa lamang ng isang proyekto. Para sa iyo na gumawa ng isang prosesong panlipunan tungkol sa pagbabago ng isang lipunan at pagbibigay-lakas sa isang komunidad, ang iyong kaukulan sa pagpapatuloy ng ganitong mga adhikain ay mababatay sa mga katanungan tulad ng "Paano maipagpapatuloy ng isang komunidad ang pagsulong sa pagbabago nito, pagsagawa ng sariling pagsusuri, pagpili ng mga bagong priyoridad, paghanap ng mga bagong pagkukunang-yaman, pag-ako ng mga bagong gawain sa pagsulong nito sa pag-asa at pagtiwala sa sariling kakayahan?" Ang mga layunin mo at ng isang komunidad ay maaaring magkaiba ngunit magkatugma. Gusto mong ang iyong pamamagitan ay magtuluy-tuloy. Ang katanungan sa pagpapatuloy nito ay masasagot sa pamamagitan ng kung paano mo isinagawa ang mobilisasyon o pagpapakilos. Ang layunin mo ay hindi lamang panandaliang palikuran, paaralan, klinika o panggagalingan ng tubig. Kundi ang tuluy-tuloy na pag-unlad. Ang modulong ito ay nagsasaad kung papaano mo matitiyak na ang iyong mga gawain at adhikain ay magpapatuloy. Isang bahagi ng kasagutan ay ang pag-uulit ng mismong siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos; bahagi rin nito ay ang pagkilala at pagsanay ng mga tagapagpakilos mula sa loob ng komunidad. ––»«––Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing Pahina |