Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat




Pagsasalinwika:

Català
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


Kalamanan:

Kalamanan:

Kalamanan:


PAGSUSULAT NG ULAT

Gabay para sa mga Tagapagpakilos ng Sambayanan

Sinulat ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Ernie Villasper


Pinaka-mahalagang Dokumento ng Modulo

Kabuuran:

Ang modulong ito ng pagsasanay ay nagbibigay ng paliwanag sa mga sumusunod na tanong: “Bakit kailangan na maghanda ng ulat?”, “Para kanino itong ulat?”, “Anong paksa ang dapat talakayin sa ulat?”, at “Paano makakapaghanda ng magaling na ulat para ito ay maging mabisa?”.

Ito ay para sa mangagawa ng sambayanan na nasa larangan, mga tagatulong, tagapamahala ng pagsasanay, at iba pang mga tagapagpakilos na kasangkot sa pagpapasigla at pagtuturo ng mga maralitang sambayanan upang malutas nila ang kanilang mga suliranin, suriin ang anumang mapagkukunan na maaari nilang gamitin, at magbalak ng sarili nilang pagkakabutihan.

Kahit na ang modulong ito ay ukol para sa mga tagapagpakilos o mangagawa sa larangan, ito ay nararapat din para sa mga organisasyon na pansambayanan; dahil nagbibigay ito ng gabay kung paano silang makakapaghanda ng ulat tungkol sa kaunlaran ng kanilang proyekto.

Ang mga dokumento na narito ay dapat gamitin ng mga mangagawa sa larangan hindi lamang para sa pagsusulat ng kanilang ulat, kundi gayon din sa pagsasanay ng mga organisasyon na pansambayanan.

Panimula:

Ang mga mangagawa sa larangan ay kapuripuri sa ganilang gawain sa pagsasa-ayos ng mga sambayanan, pagsusuri ng kanilang mahalagang pangangailangan, at pagiging masigasig sa pagpapakilos ng mga katulong upang maisakatuparan ang mga proyekto ng sambayanan.

May dalawang halimbawa ng ulat:

Ang mga ulat ng mga tagapagpasigla tungkol sa kanilang kaunlaran,
katuparan at mga mungkahi para sa pagsasanay; at


Ang mga ulat tungkol sa mga aktibidad at proyekto ng mga kinatawan ng sambayanan,
na isinulat batay sa tulong at payo ng mga tagapagpasigla.
Ang dokumentong ito ay para sa mga tagapagpasigla, upang:

Makasulat sila ng ulat tungkol sa kanilang mga aktibidad, at


Tulungan ang sambayanan sa pagsusulat ng kanilang ulat.
Isang katangihan na kailangang tandaan ay ang kalamanan ng ulat. Ang mga maaaring isali ay:

Ulat ng pagbibida tungkol sa kaunlaran (na kaugnay sa layunin); at


Ulat tungkol sa pananalapi at pananagutan.

Ang kapamigatan nitong dokumento ay tungkol sa “bakit” at “paano” ang mapagbidang paguulat, subali’t tinatalakay din nito kung bakit kailangan ang ulat hinggil sa kalagayan ng pananalapi ng organisasyon. Itong dagdag sa dokumento ay may apat na bahagi:

Unang Bahagi: Bakit kailangan na maghanda ng Ulat?

Layunin
Kadahilanan
Pangangailangan Ng Ulat
Sino Ang Makikinabang?
Paano Makikinabang?

Ikalawang Bahagi: Sino ang dapat tumanggap ng Ulat?

Tinutudlang mga Taga-pakinid
Sulatin ang Ulat batay sa inyong Mambabasa
Bakit nila kailangan ang inyong Ulat?
Pamamahagi ng Ulat
Para kanino itong mga Ulat?

Ikatlong Bahagi: Paano makakapaghanda ng Ulat?

Ano ang kalamanan ng Ulat?
Anong Paksa Ang Kailangan Sa Ulat?
Ano ang dapat isali sa Ulat?
Mga Kabanata Ng Ulat
Kapamigatan (Aktibitad at Kinalabsan)

Ikaapat na Bahagi: Paano makakapaghanda ng magaling na Ulat?

Kasanayan
Mga Payo
Organisasyon
Moda
Kalinawan (Maikli nguni’t Lubos at Madaling Unawain)

Unang Bahagi: Bakit kailangan na maghanda ng Ulat?

Ugnay sa Unang Bahagi: Bakit kailangan na maghanda ng Ulat?

  • Mga Talakayan sa mga Tagapagpakilos
  • Pagsusubaybay at Pagsusulat ng Ulat
  • Ulat tungkol sa Kaunlaran ng Proyekto
  • Ulat ng Mangagawa sa Larangan tungkol sa Karaniwang Gawain

Ikalawang Bahagi: Sino ang dapat tumanggap ng Ulat?

Ugnay sa Ikalawang Bahagi: Sino ang dapat tumanggap ng Ulat?

  • Pakinabang para sa mga May-akda ng Ulat
  • Sino ang tuma-tanggap ng Ulat?
  • Paano makikinabang sa Ulat?

Ikatlong Bahagi: Paano makakapaghanda ng Ulat?

Ugnay sa Ikatlong Bahagi: Paano makakapaghanda ng Ulat?.

  • Iba-ibang Ulat para sa iba-ibang Layunin
  • Pangkalahatang Ulat ng Kinalabsan ng mga Aktibidad
  • Buwanang Ulat ng Kaunlaran
  • Ulat tungkol sa Proyekto Ng Sambayanan
  • Ulat ng Tagapagpakilos tungkol sa Karaniwang Gawain
  • Ulat tungkol sa Paglalayag sa Larangan
  • Ulat tungkol sa Pagpupulong
  • Ulat tungkol sa Pagpupulong na Gawaan
  • Anong paksa ang dapat talakayin sa ulat?

Ikaapat na Bahagi: Paano makakapaghanda ng magaling na Ulat?

Ugnay sa Ikaapat na Bahagi: Paano makakapaghanda ng magaling na Ulat?.

  • Ano ang Magaling na Ulat?
  • Dapat ay Madaling Basahin ang Ulat
  • Mga Payo para sa Pagsusulat ng Maiging Ulat
  • Ano ang nakakapag-pagaling sa Ulat?

Konklusyon:

Ituring na parang hamon ang pagsusulat ng Ulat. Bigyan ng kabuluhan ang kinalabsan kumpara sa mga aktibidad. Huwag hanggahan ang ulat sa paglalarawan lamang ng mga aktibidad; maging masuriin upang makapagsulat ng mga mahalagang bagay sa ulat.

Dapat ninyong kilalanin ang mga taga-pakinig at alamin ang kanilang pangangailangan. Sumulat sa pang-karaniwang salita lamang at iwasan na maging walang-tiyak sa inyong tinig. Maging maikli nguni’t lubos para madaling unawain. Gumamit din kayo ng balangkas at maiigsing pamagat sa inyong ulat. At ang pinakahuling payo, sumulat muna kayo ng dibuho bago tapusin ang pang-wakas na salin.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gabay at payo na nabanggit nitong mga dokumento, matuturuan ninyo ang inyong sarili at ang iba pang kliyente ng sambayanan kung paano mapapaigi ang pagsusulat ng ulat.

Tandaan lamang na hindi kailangang maging masama muna bago maging magaling.

––»«––

Pagpupulong na Gawaan tungkol sa Pagsusulat ng Ulat:


Pagpupulong na Gawaan tungkol sa Pagsusulat ng Ulat

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat