Pangunahing Pahina
 Pagninilay-nilay na Pulong




Mga Salin

'العربية / Al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Русский
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Mga Tala para sa mga Kalahok

ni Phil Bartle, PhD

translated by Analiza Liezl Perez Amurao


Mga Tala para sa Pagsasanay

Maaaring basahin ito ng malakas ng taga-panguna para sa mga kalahok. Ito ay maaaring ibigay sa mga kalahok bago pa magsimula ang pagpupulong para makapagbasa at makapaghanda sila.

Mga Patakaran ng Laro

Ang "pagninilay-nilay na pulong" ay maihahalintulad sa isang laro. Hindi ito isang laro kung saan ang bawat isa ay makikipagtagisan sa ibang kalahok para manalo. Bagkus, ito ay isang laro tungo sa pakikipag-kaisa kung saan ang layunin ay para manalo ang grupo sa pangkalahatan.

Katulad ng anumang laro, ang gawaing ito ay mga alituntunin. Ang mga alituntuning ito ay pakunwari at hindi pangmalagian. Sa larong football, halimabawa, ay mga alituntuning nagsasaad na ang bola ay dapat na hindi lalampas sa linya ng palaruan. (Kapag ang bola ay napunta sa labas ng mga linya, halimbawa, ang laro ay panandaliang ititigil hanggang sa ang bola ay naibalik, ayon sa ilang pamamaraan, sa hangganan ng palaruan.) Subalit ang mga alituntunin ng larong football ay hindi altuntuning pangtotoong buhay, at ang mga ito ay ipinapatupad lamang sa larong football.

Para makamtan ang mga adhikain ng isang pagninilay-nilay na pulong, kinakailangan mo, bilang isang kalahok, na munawaan at mapag-aralan ang mga alituntunin ng laro habang ito ay isinasagawa. Ang mga alituntunin ng pagninilay-nilay na pulong ay hindi karamihan at simple lamang. Minsan, may mga pagkakataong ang mga ito ay nakakaligtaan dahil sa sobrang pagkalibang sa laro. Sa mga pagkakataong ito, gawain ng isang taga-panguna na paalalahanan ang grupo na sundin ang mga alituntunin.

Isang pangunahing alituntunin habang isinasagawa ang isang pagninilay-nilay na pulong na ang taga-panguna ay ang siyang nagbibigay ng mga katanungan. Ang mga tanong na ito ay itinakda para ikaw at ang ibang mga kalahok ay magabayan. Ikaw at ang ibang mga kalahok, bilang isang grupo, ay pinagkatiwalaan na pumili ng mga kasagutan (tungo sa isang pang-grupong pagpapasya, hindi indibidwal na pagpapasya). Sa pagtatanong na ito, ang pangunahing gawain ng taga-panguna ay ang pagtuunan ng pansin ang mga paksa, at tulungan ang grupo sa pagpapasya.

Ang pinakamahalagang alituntunin sa isang pagninilay-nilay na pulong ay tiyakin na walang mangyayaring pag-uusap na ngasngas at mapanira. Kapag ang taga-panguna ay nagbigay ng katanungan, ang bawat kalahok ay inaanyayahan na magbigay ng kanyang mungkahi. Kapag ang isang kalahok ay nagbigay ng kanyang opinyon o ideya, walang sinuman ang dapat na magbigay-puna patungkol sa opinyon o ideyang iminungkahi. Pakatandaan na ang alituntuning ito ay patungkol lamang sa pagninilay-nilay na pulong at hindi sa totoong buhay. (Hindi rin naman natin sinusunod ang mga alituntunin sa larong football sa totoong buhay.) Pakatandaan na ang taga-panguna ay hindi rin dapat na magbigay-pananaw, magbigay-puna o magbigay ng kuro-kuro sa anumang mungkahi. Ang tanging gawain ng taga-panguna ay ang isulat ang anumang mungkahi sa pisara.

Ang alituntuning ito ay mahalaga. Kapag ang isang mungkahi ng isang kalahok sa iyong palagay ay hindi katanggap-tanggap, maaaring ito ay may mali sa isang banda o sa kabuuan, mangyaring maging mapagpaumanhin; iwasang magbigay-puna sa iminungkahi, huwag magbigay ng komento, huwag pulaan ito, o magbigay ng kuro-kuro tungkol dito. Ikaw ay maaaring magbigay ng iyong suhestiyon, kahit na ito ay taliwas sa iminungkahi, at ang taga-panguna ay isusulat rin ang iyong suhestiyon sa pisara.

Ang gawain ng iyong taga-panguna ay tiyaking may direksyon ang pagpupulong. May mga pagkakataong ikaw ay mahahalinang magbigay komento sa mga kaugnay na usapin, paminsang nalilihis sa paksa. Sanayin ang sariling ituon ang iyong mga suhestiyon sa buong grupo, sa pamamagitan ng taga-panguna. Ito ay makakatulong sa grupo at sa pagninilay-nilay na pulong para ito ay maging mas madali at epektibo sa pagsasagawa ng pang-grupong pagpapasya.

Mga Paksa:

Ang mga pamamaraan sa pagninilay-nilay na pulong ay maaaring baguhin at gamitin sa maraming sitwasyon at iba't ibang uri ng paksa. Ang pangkalahatang layunin nitong serye ng pang-komunidad na pagsasanay na modulo ay para sa pagpapalawak ng kakayahan at pagbibigay ng kapangyarihan sa isang komunidad. Ang mga paksa, sa makatuwid, na pagtutuunan ng pansin ng inyong taga-panguna ay para isakatuparan ang layuning ito.

Sisimulan ng taga-panguna ang pagninilay-nilay na pulong sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang pinakamalaking problema ng grupo o ng komunidad. Katulad ng ibang mga kalahok, ikaw ay iimbitahang magbigay ng suhestiyon na isusulat ng taga-panguna sa pisara. Ang suhestiyong ito ay kinakailangang isa sa mga pinakamahalaga sa grupo (o komunidad).

Maaaring ang suhestiyon mo ay tungkol sa pinakamalaking problema ng iyong komunidad na kung saan ito ay walang pasayawan. Maaaring ang taga-panguna ay sang-ayon o hindi sang-ayon saiyo; itala lamang ang iyong suhestiyon sa pisara. Maaaring ang ibang mga kalahok ay hindi sang-ayon sa iyong suhestiyon ngunit walang panahon para sa ganitong usapin sa pagninilay-nilay na pulong. Ang ibang mga kalahok ay magsasabing walang sapat na transportasyon, iyong iba ay magsasabing walang sapat na malinis na tubig, at iyong iba pa ay magsasabing masyadong malaki a ng bilang ng mga may sakit o masyadong laganap ang kahirapan. Ang mga ito ay hindi huhusgahan ng taga-panguna. Ang buong grupo, hindi ang sinumang indibidwal o maliit na samahan, ang nararapat na magpasya kung alin ang dapat na nauuna ayon sa pangangailangan.

Kapag ang mga problema o suliranin ay napagpangkat-pangkat na ( ang pagpapangkat ay ayon sa kahalagahan nito sa grupo), ipapaliwanag ng taga-panguna na ang pangunahing layunin ng grupo ay hanapan ng solusyon ang pangunahing suliranin.

Ang layunin ay isang pangkalahatang bagay na ninanais ng grupo. Hindi ito nakatuon sa iisang bagay lamang o nasusukat. Ang susunod na gawain ng taga-panguna ay ang tulungan ang grupo na isalin ang isang pangkalahatang layunin sa isang nakapulutong na tiyak at nasusukat na layunin. (Pakitingnan ang mga talang SMART para sa isang talaan ng mga katangian ng mga layunin). Ang ganitong aspeto ng pagninilay-nilay na pulong ay naka-akma para sa pang-komunidad na pagsasanay sa pamamalakad at maaaring hindi kabahagi ng ibang uri ng pagninilay-nilay na pulong kung saan ang mga usapin ay magkakaiba.

Kapag napagkaisahan na ng grupo kung ano ang mga layunin, nasagot na nito ang isa sa mga apat na pangunahing katanungan tungkol sa pamamalakad:
  • Ano ang ating kagustuhan?
  • Ano ang meron tayo?
  • Papaano natin gagamitin ang anuman na meron tayo para ating makuha kung ano ang ating kagustuhan?
  • Ano ang mangyayari kapag ating isinagawa ang ating balakin?

Ang apat na mga katanungang iyon ay galing sa pinakapuso ng pamamalakad, at samakatuwid ay nakatuon sa pangkomunidad na pagpapalawak ng kakayahan (kung kaya't sila ay napili bilang mga paksa sa pagninilay-nilay na pulong na ito.

Sa seryeng ito, ang pagninilay-nilay na pulong ay ginagamit na kasangkapan sa pakikipagsalamuha para matugunan ang apat na mga katanungan bilang isang grupo. Layunin nitong iwasang tugunan ang mga katanungan ng mga indibidwal o isang maliit na samahan na napapaloob sa isang malaking grupo o sa labas ng komunidad.

––»«––

Isang Pagninilay-nilay na Pulong:


Pagninilay-nilay na Pulong

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 30.04.2011


 Paunang Pahina

 Pagninilay-nilay