Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
DAYALOGONG PAMPUBLIKOPaano Magdaos ng Pulong ng Mamamayanni Phil Bartle, PhDisinalin ni Lina G. CosicoTraining HandoutKailangan ng isang mobiliser na magkaroon ng kakayahan ng makipag-usap sa mga mamamayan sa komunidad.Ang pangunahin mong gagamitin sa pagtatataas ng kamalayan ng komunidad at pag-oorganisa nito ay ang pagdaraos ng pulong o miting na nakasentro sa pag-uusap-usap. Bilang trainer, napakahalaga na alam mo at kaya mong talakayin ang mga layunin ng mga mobiliser, tulad ng nabanggit na sa itaas, pati na ang mga mahahalagang konsepto, gaya ng mga susing salita. At marami pang iba. Huwag mong memoryahin ang mga depinisyon o kahulugan ng konsepto; gamitin mo ang sariling salita base sa pagkakaintindi mo, at mag-debate ka sa iyong sarili at mga kaibigan tungkol sa kahulugan ng mga konseptong ito at itala mo sa iyong journal. Huwag kang magsermon gaya ng pari; huwag kang magtalumpati gaya ng politiko, huwag kang mag-lektyur gaya ng propesor. Iwasan mo ang magsermon, mahabang diskurso at magdikta. Maging pasilidador at padaliin ang proseso. Magtanong. Magpatnubay. Gawin mong huwaran ang kilalang Griyegong tagapagturo at pilosopong si Socrates na nagtuturo sa pamamagitan ng pagtatatanong at hindi pagbibigay ng sagot. Magaling siyang pasilidador na umaakay at nagpapatnubay sa tao na mag-isip (mag-analisa at magmasid) para sa kanyang sarili. Sa harap ng tao, kailangang ikaw ay kalmado, may tiwala sa sarili at may kaalaman sa paksang tinatalakay. Pilitin mong makakuha ng mga katanungan at opinyon sa mga kapulong mo, lalo na sa mga tahimik at mahiyain. Huwag mong hayaan na mangimbabaw sa diskusyon o pagtatalo ang mga dominanteng tao. Sa mga pulong ng mamamayan, ipasok mo rin ang sesyong samasamang pag-iisip o "brainstorm", na gagamitin mo uli sa sesyong pagplaplano ng komiteng ehekutibo o tagaganap. Ipaliwanag mo na ang iba't ibang klase ng sesyon ay may kanya-kanyang "ground rules" o alituntunin. Sa "open dialogue" o bukas na usapan, ikaw bilang tagapagsanay ang maggagabay sa usapan sa pamamagitan ng pagtatanong at hahayaan mong magkaroon ng debate o pagpapalit ng opinyon; sa "brainstorm" o pagsasamang isip, walang debate. Sa "brainstorm", bigyang-diin mo na walang debate, walang pagbabatikos at walang palitan ng opinyon. Hihingi ka lamang ng mga panukala o suhestiyon at isusulat mo sa pisara, lahat lahat, maski na ang mga walang katuturan, at pagkatapos ay iayos mo ang listahan base sa prayoridad. Ang "brainstorm" ay may nakatakdang pamamaraan na tumututok sa paksang pinag-uusapan kaya dapat matutunan ng mga trainee ang mga alituntunin at magsanay sa pagsunod sa mga alituntunin. Huwag na huwag mong ididikta sa isang grupo ng mamamayan kung ano ang kanilang dapat isipin o dapat gawin. Maaaring gusto mong gawin ito (ang magdikta) dahil sa layunin mong bigyan sila ng kapangyarihan at labanan ang mga dahilan ng kahirapan gaya ng: pagwawalang bahala ng mamamayan, kamangmangan, pag-asa sa iba, sakit at pandaraya. Subalit marapat lamang na maging pasilidador ka o tumulong ka na sila mismo ang makaalam at makaunawa nito at sila mismo ang magdesisyon. Ang pagiging pasilidador mo ang tamang paraan kung gusto mong bigyan sila ng kapangyarihan. ( Iwasan mo ang maglektyur o magsermon). ––»«––Pagsasamasama ng Komunidad © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsisimula |