Pangunahing Pahina
 Preparasyon




Mga Pagsasalin:

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Български език
Català
Cebuano / Sugboanon
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
ગુજરાતી / Gujarātī
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
한국어 / hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
پښتو / Paʂto
Polszczyzna
Português
ਪੰਜਾਬੀ / Pañjābī
Română
Русский
सिन्धी / Sindhi
Af Soomaali
తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu
Èdè Yorùbá

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

ALAMIN ANG IYONG MGA LAYUNIN

Ano ang Gusto Mong Matamo?

sinulat ni Phil Bartle

Isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Ang mga layunin at tunguhin ng isang tagapagpakilos

Isa sa mga islogan na ginagamit namin sa pagsasanay sa pamamahala ay, "Kung hindi mo alam kung saan ka patungo, kahit anong landas ay maaaring tahakin." (Tingnan sa "Mga Islogan.") Ito ay magagamit mo rin para sa paghahanda ng isang pagpapakilos.

Madali ang pagtakbo-takbo, ang pagiging mukhang abala, ang pagsasaayos ng mga pagpupulong, pagpapagawa ng mga palikuran, pakikipag-usap sa mga pinuno ng komunidad, pagpapakilos ng tagapagtaguyod na mga pangkat, pagpapasimula ng pagkilos, nang hindi umuusad sa pagkamit ng pagpapalakas o pagbibigay-kapangyarihan ng isang komunidad. Kinakailangan mong linawin ang iyong mga layunin, una sa iyong sarili, sa iyong mga sulatin, pagkatapos ay sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Dito mo simulan ang pagsusulat sa iyong kuwaderno o talaarawan, o ang isang bahagi nito ay isantabi para sa iyong mga layunin at konsepto.

Nararapat mong akuin ang mga ito bilang sarili mong mga layunin, huwag mong isipin na ang mga ito ay isa lamang listahan ng mga hangarin ng ibang tao.

Ang mga layunin sa pagpapakilos upang mapaunlad ang isang komunidad ay maaaring maging paiba-iba sa bawat tao, at sa bawat komunidad. Subalit may mga pare-parehong elemento rin ang mga ito.

Katulad na rito ang: pagtanggal ng kahirapan, maayos na pamamahala, pagbabago sa organisasyong panlipunan, komunidad, pagpapaunlad ng kakayahan o kapasidad, pagsasakapangyarihan ng mga taong nasa mababang antas ng pamumuhay at lipunan, at balanse ng kasarian.

Sa iyong pagpapatuloy ng pagbabasa ng manwal na ito at pakikilahok sa pagpapakilos, makikita mo na ang bawat isa sa mga layuning ito ay mas nagiging interesante at mapanghamon, habang mas lumalalim ang iyong kaalaman.

Balikan mo ng malimit ang iyong kuwaderno o talaarawan upang dagdagan ng bago, ayusin, at dagdagan pa ng mga detalye ukol sa mga layuning ito.

These include: poverty eradication, good governance, change in social organization, community capacity development, empowering low income and marginalized people, and gender balance

Ang pagbawas ng kahirapan, halimbawa, ay mas mahirap at mas mapanghamon kapag ginawa mo, kumpara kung isusulat mo lang ang mga ito. Matuto tayong iwasan ang "pag-angat ng kahirapan" sapagkat pansamantala lamang nitong tinatanggal ang sakit at hirap, at hindi nakapagdudulot ng isang matatag na solusyon sa problema.

Ang kahirapan ay hindi lamang nangangahulugan ng kawalan ng pera (makikita mo ang mga ito sa mga susunod na bahagi ng manwal na ito) ang pakikipaglaban sa mga sanhi ng kahirapan ay nangangahulugang pakikipaglaban sa kawalan ng pakialam, kawalan ng kaalaman, karamdaman, at kawalan ng katapatan. Iyan ay isa lamang halimbawa kung saan ang iyong kaalaman at pang-unawa tungkol sa mga nasabing layunin ay lumalawak sa pamamagitan ng karanasan.

Gayun din na ang maayos na pamamahala ay hindi nangangahulugang matatag na pamumuno at maayos na administrasyon. Ito ay nangangahulugan din ng pagpapakita ng malinaw na hangarin at gawain, pakikilahok ng mga tao, pagtitiwala, katapatan, at pagkakaroon ng pananaw para sa kinabukasan.

Matututunan mo rin na mahirap asahan na ang mga pinuno o lider ng isang komunidad ay mga (o maging mga) taong nagpapakita ng malinaw na mga hangarin at gawain sa paggamit nila ng mga pinagkukunang-yaman ng komunidad kung ikaw mismo ay hindi malinaw sa iyong mga gawain sa komunidad.

Poverty is not merely the absence of money (as you will see later) and attacking the causes of poverty means fighting apathy, ignorance, disease, and dishonesty.

Hanapin sa: Talahulugan ng mga Mahalagang Salita, para sa panimulang pakikipagtalakayan tungkol sa mga layuning ito (pagpapabawas ng kahirapan, pagpapaunlad ng komunidad).

Similarly, good governance does not simply mean strong leadership and efficient administration.

Ikumpara mo ang mga ito sa mga isinulat mo sa iyong kuwaderno o talaarawan.

––»«––
Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito,
makikibanggit ang mga patnugot at ilagay ang link na cec.vcn.bc.ca/cmp/

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Preparasyon