Pangunahing Pahina
 Pagpapatuloy




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
Português
Română
Русский
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

MGA NATUTUNANG ARAL

at Pagkabatid ng mga Posibilidad sa Pagpapatuloy

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Ang mga tagapagpakilos ay malimit na dumarating at umaalis din sa isang komunidad kaya nararapat na magkaroon ng koneksiyon at pagtuluy-tuloy ng mga kaalaman at paghawak ng mga tungkulin sa pagitan nila; nararapat na ang natututunan ng bawat isa sa kanila ay maging bahagi ng pangkabuuan ng isang pamamagitan.

Natututo tayo mula sa parehong tagumpay at kabiguan, sa mga kahanga-hangang nagawa at maging sa pagkakamali. Tandaan na ang mga kamalian, kabiguan at kapalpakan ay hindi pareho.

Ang pagkakamali ay hindi kabiguan. Ang tao ay nagkakamali rin. Ang kabiguan ay hindi kapalpakan; kung hindi mo man nagawa o nakamit ang iyong mithiin hindi nangangahulugang ikaw ay isang bigo. Maging ang kapalpakan ay hindi nangangahulugang katapusan na ng buhay o katapusan na ng mundo. Kung tayo ay madapa, dapat tayong tumayo at magpatuloy. Kahit paunti-unti at dahan-dahan.

Kung naging matagumpay ka na gabayan ang isang komunidad na gumawa ng sarili nitong mga palikuran, o makatapos ng iba pang mga gawain, ikaw ay nakagawa na ng isang hakbang upang ang isang komunidad ay magtiwala at umasa sa sarili nitong kakayahan.

Hindi maaaring ang mga ito ay nangyari o naisagawa ng walang nadaanang mga pagsubok. Ngunit kung iniisip mong ang lahat ng mga nangyari ay perpekto, hindi ka naging totoo at matapat sa iyong sarili.

Suriin mo ang mga proseso pati na ang iyong tungkulin dito. Maging matapang at matapat ka sa pag-amin ng iyong mga pagkakamali. Isulat mo ang iyong mga pagsusuri tungkol sa siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos. Nararapat na ikaw ay maging patas at walang kinikilingan sa pagkilala ng mga kamalian at mga kabiguan. Huwag mo itong gamiting mga kadahilanan upang ikaw ay mauwi sa kapighatian.

Sa halip, gamitin mo itong mga aral na dapat matutunan; higit na mas kapaki-pakinabang at makatotohanan kesa sa mga matututunan mo mula sa mga aklat o manwal na katulad nito. Gamitin mo ang iyong talaarawan, ang iyong pagsusuri at ang iyong mga natutunang aral upang ikaw ay maging mas matatag at mas marunong na tagapagpakilos.

Gawin mo rin ito, kasama ang komunidad, at para sa komunidad.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pagpapatuloy