Pangunahing Pahina
 Pagpapatuloy




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
Português
Română
Русский
ไทย / Thai
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAMUMUNO NG KOMUNIDAD AT PANLOOB NA
MOBILISASYON/PAGPAPAKILOS

Pagpapatuloy sa pamamagitan ng Sariling Pagkilos

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Ang iyong pamamagitan bilang isang tagapagpakilos ay isang panlabas na salik para sa pagpapatuloy ng kaunlaran. Ang komunidad mismo ang siyang nararapat na magpatuloy ng isang pamamagitan.

Ang susi sa pagpapatuloy ng isang pamamagitan sa paraang nakapupukaw sa isang komunidad, upang isulong ang pag-asa at pagtiwala nito sa sariling kakayahan, ay nakasalalay sa komunidad. Maaring ang iyong ahensya ay makahanap ng iyong kapalit, ngunit ang iyong pinakamimithing layunin ay maipagpatuloy ng isang komunidad ang pansarili nitong mobilisasyon/pagpapakilos.

Ang tamang paraan na dapat mong gawin ay kilalanin ang mga taong nakatira sa komunidad na nakikitaan ng potensyal upang maging tagapagpakilos. Nararapat na sila ay may mga akma at mabuting kaugalian at hangarin. Sanayin mo sila ng iyong mga natutunan at nalalaman, turuan mo sila kung paano nila panghahawakan ang mga dati mong tungkulin. Nararapat mong ituro ang lahat ng iyong mga kaalaman bago ka umalis.

Ang pagpapaunlad ng komunidad ay isang proseso ng pagbabago ng isang lipunan. Hindi ikaw ang nagpapaunlad sa komunidad; nararapat na ang komunidad mismo ang nagpapaunlad sa sarili nito.

Ang pinakamaibabahagi mo na ay ang pagiging isang katalista at taga-pukaw sa prosesong panlipunan na yaon . Dito naaakma ang isang kilalang kasabihan ni Mwalimu Julius Nyerere, "Ang mga tao ay hindi nababago o napapaunlad; sila lamang ang tanging makakapagpabago o makakapagpaunlad sa kanilang mga sarili"

Tandaan na ang taglay mong mga kaalaman at karunungan ay mga makapangyarihang katalista sa pagbabago ng lipunan. Ngunit tulad ng ibang mga karunungan at kaalaman,maaari itong magamit ng hindi tama. Kapag nahanap at nakilala mo na ang mga miyembro ng komunidad na iyong tuturuan upang maging kapalit mo, napakahalaga na suriin mong mabuti ang kanilang mga katauhan at pag-uugali upang matiyak mo na gagamitin nila ang mga kaalaman at karunungan sa mobilisasyon/pagpapakilos para sa kapakanan ng komunidad, hindi para sa pansariling kapakanan lamang kahit na mailagay sa alanganin ang isang komunidad.

Tandaan na may mga taong may mga hangaring politikal o yaong makakapagpabuti lamang sa pansariling propesyon. Sa pamamagitan ng magaling na mga kaalaman at karunungan, maaring gamitin ng tao sa hindi tama o sa pansariling kapakanan lamang ang mobilisasyon/pagpapakilos. Tingnan muli ang Alamin ang mga Kailangan mong Karunungan at ang analohiya ng "liyabero"". Kapag nahanap mo na ang mga tao sa loob ng komunidad na may potensyal bilang tagapagpakilos, obserbahan mo silang mabuti sa tamang haba ng panahon. Huwag kang magmadali na makahanap ng iyong kapalit; maglaan ng sapat na panahon upang maisakatuparan ito ng maayos.

Kapag sinabihan mo na ang grupo na maglaan ng sapat na panahon upang maisagawa ang mga gawain ng tama, maari mong ibahagi sa kanila ang kwento tungkol sa dalawang toro mula sa isang bakahan sa West Africa.

May dalawang toro na umakyat sa isang burol at nakakita ng mahigit isang daang mga baka sa ibaba ng burol na kinatatayuan nila. "Uy, tiyo," sabi ng nakababatang toro, "Halika, tumakbo tayo at kunin natin ang ilan." "Hindi," sabi ng nakatatandang toro, "Maglakad lang tayo, at kunin natin silang lahat."

Maglaan ng sapat na panahon upang hanapin at sanayin ang iyong kapalit.

Kapag nahanap at nakilala mo na ang isa o ilang mga tao na nagpapakita ng potensyal upang maging mga tagapagpakilos na may mga katangian o kaugalian tulad ng katapatan, pamumuno at tunay na hangarin upang mapaunlad ang mga tao, kailangan mo na silang turuan at sanayin. Kapag sila ay interesado, maaring gawin mo muna silang mga "aprendis," at maglaan ng sapat na panahon na ipaliwanag sa kanila kung bakit mo ginagawa ang ganitong mga gawain.

Ipaliwanag ang mga paksa sa nauunang mga kabanata ng manwal na ito. Ang iyong pagtulong sa kanila na matuto sila ng mga prinsipyo nito ay kasing halaga ng pagkatuto nila ng mga kaalaman sa paggawa. Pasubukin mo rin sila na mamuno ng sesyon ng pagtuturo at pakikibahagi paminsan-minsan. Mas mapapadalas ito habang dumarami ang kanilang mga kaalaman at karunungan. Pagkatapos nilang makaranas ng dalawa o higit pang siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos, sila ay handa ng magpatuloy kahit wala ka.

Ikaw ay nasa tamang landas na maging tuluy-tuloy ang iyong pagpapakilos.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pagpapatuloy