PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG SIKLO NG MOBILISASYON/PAGPAPAKILOS
Ang Isang Proyektong Pang-komunidad ay Simula pa lamang
isinalin ni Maureen Genetiano
Manwal para sa Pagsasanay
Ang bawat pamamagitan, ang bawat siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos at ang bawat proyektong pang-komunidad ay nakakatulong sa pagbibigay-kapangyarihan para sa isang komunidad; ang mga ito ay dapat maging paulit-ulit na mga proseso.
Sa simula, ang iyong gawain ─ ang iyong pamamagitan ─ ay inilalarawan bilang isang nakapupukaw na prosesong panlipunan.
Ang mga magkakadugtong na gawain, (pagsusuri ng kahalagahan/gawain, pagpapalawak ng kaalaman, pagbubuklod-buklod, pagpaplano at pagsasagawa ng aksyon at pagsusuring muli) ay nakakapagpukaw sa pagpapalakas ng isang komunidad pati na rin ng pag-asa at pagtiwala nito sa sariling kakayahan.
Ang salitang "siklo" ay maaaring makalito ng kaunti rito. Tiyak na sa bandang huli ay babalik ka at muling magsisimula sa iyong pinanggalingan, ngunit ito ay magdudulot ng isang bagong ikaw at isang bagong komunidad.
Ayon na rin sa isang Budismong kasabihan na, "Ang pareho at iisang tao ay hindi makakatawid sa pareho at iisang ilog ng dalawang beses," (dahil ang tao at ang ilog ay parehong nagbabago; at patuloy silang magbabago).
Gayunpaman, gusto mong ulitin ang mga mahalagang pamamagitan at pagpukaw sa mga lubhang-kailangang prosesong panlipunan.
Tulad ng gulong ng isang bisikleta na patuloy na umiikot, ang bawat bahagi nito ay nakakatagpo ng daan na mas malayo kesa sa dati.
Samantala, palagi mong isaisip ang iyong napipintong pag-alis at pagbitaw sa komunidad, sa simula pa lamang ng iyong gawain.
Kapag ang komunidad ay hindi umuunlad kung wala ka, ito ay naging pala-asa sa iyo. Ang iyong kaaway ay ang ugaling pala-asa.
Habang inuulit mo ang siklo, samakatuwid, pinaplano mo na rin ang iyong pag-alis, upang ang siklo ay makapagpapatuloy kahit wala ka na.
Kapag ikaw ay nagkaroon ng kapalit, ang mga sinulat mo sa iyong talaarawan, mula pa noong ikaw ay nagsisimula, ay nararapat na maging batayan sa iyong paglilipat ng responsibilidad sa iyong kapalit. Kung hindi ka naman hinanapan ng kapalit ng iyong ahensya , nararapat na humanap ka at magsanay ng mga taong may potensyal na maging tagapagpakilos mula sa loob ng komunidad .
––»«––
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling binago: 05.06.2011
|