Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGBUO NG ISANG EHEKUTIBO(Community Implementing Committee o CIC)Pagsasaayos ng Isang Komite na Magsasagawa para sa Komunidadni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen GenetianoManwal sa PagsasanayAng pagsasaayos ng isang komunidad para sa isang proyektong makakatulong sa sarili nito ay nangangailangan ng pagbuo ng isang ehekutibong komite mula sa komunidad. Ang pagpili ng mga miyembro nito ay nararapat gawin ng komunidad at ang mga nasabing miyembro ay kinakailangang matutong pumili ng mga taong alam nilang mapagkakatiwalaan. Nararapat ding akuin nila ang responsibilidad sa ginawang pagpili. Ang gawain mo ay siguraduhing mapadali ang kanilang pagpili, at hindi ang mismong pagpili.Ang pagpili ng ehekutibong komite ay nararapat gawin ng buong komunidad at hindi ng mangilan lamang. (Kung kaya ang pagsasaayos para sa pagkakaisa ay mahalaga, tingnan sa Pagsasaayos para sa Pagkakaisa). Ang ehekutibo ay kinakailangang maging bahagi ng komunidad at maging responsable dito. Ikaw bilang isang tagapagpakilos ay nararapat na magpaliwanang nito ng maayos sa mga miyembro ng komunidad, gamit ang lahat ng iyong kaalaman sa komunikasyon. Ipinapayo na mas mabuting paulit-ulit mo itong gawin, sa iba't ibang grupo sa iba't ibang pagkakataon. Kinakailangang buwagin mo ang mga pagpapalagay sa ganitong sitwasyon. Halimbawa, ang pagpili ng isang tagapag-ingat-yaman ay maaring maging puno ng mga pagpapalagay. Maraming mga tao, lalo na iyung galing sa mga baryo kung saan marami ang kulang sa edukasyon, ay maaaring magpalagay na kailangang ang pinaka-edukado sa komunidad ang piliin nila upang maging isang tagapag-ingat-yaman. Maaaring ang taong ito ay isang guro sa paaralan. Madalas sa aming karanasan, ang gurong ito ay mula pa sa malayong lugar, may mababang suweldo, walang mga kamag-anak o walang katapatan sa komunidad, at biglang tatalilis na lamang tangay ang pondo ng komunidad na ipinagkatiwala dito. Bakit ang isang tagapag-ingat-yaman ay kailangang edukado? Iyan ay isang pagpapalagay. ..Ang isang tao ay hindi kinakailangang marunong magbasa at sumulat para makapagbilang. Kung ang isang matandang babae, matagal na sa isang komunidad at kilalang mapagkakatiwalaan ang siyang napili, maaari siyang maging isang tagapag-ingat-yaman kahit na siya ay hindi edukada. Habang katulong niya ang kanyang mga kapitbahay at kamag-anak na may pinag-aralan upang isaayos ang mga libro o dokumento ng mga gastusin o pondo, ang pagku-kuwenta ay mas magiging malinaw dahil ang bawat gastusin ay ipinapaliwanag at maayos na naiintindihan. Ang pagiging isang tagapag-ingat-yaman ay nangangahulugang ang taong ito ang siyang responsable sa paghawak ng pondo o pera, at hindi kinakailangang siya ang mismong magku-kuwenta at magtatago sa mga libro o dokumento ng pondo. Ang iyong gawain ay tumulong upang mabuo ang isang ehekutibo ng isang komunidad. (Tingnan sa "Pagsasaayos sa Pamamagitan ng Pagsasanay"). Ang pagbuo ng isang ehekutibo ay nararapat na malinaw at isang prosesong demokratiko (Tingnan ang dalawang mahalagang salita sa: malinaw at demokratiko). Ang proseso ay nararapat na naaayon sa kultura at katanggap-tanggap sa mga miyembro ng komunidad (kung kaya, ayon sa pagpapaliwanag sa unang modulo, kinakailangan mong mas matutunan ang mga katangian ng isang komunidad). ––»«––Pagpupulong ng Isang Komunidad; Pagtatatag ng mga Priyoridad : © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagssasaayos |