Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

LABING-DALAWANG MGA ARAL
SA PAGLAHOK SA PAG-UNLAD NG PAMAYANAN

Mula sa Programang Pagpapaunlad ng Pamayanan ng UNCHS

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Pagsasanay

Mga aral na natutunan sa 14-na taon (Habitat) Progama ng Pagpapaunlad ng Pamayanan

subtitle

  1. Ang mga naninirahan sa isang pamayanan ay may karapatan na makilahok sa mga desisyon na may kaugnayan sa uri ng kanilang pamumuhay at hanap-buhay.
  2. Tanging ang paglahok na may kakayahang magdesisyon ang maisasakatuparan at mapapalago.
  3. Ang pamayanan o komunidad ay kailangang may pakialam sa lahat ng aspeto ng pagpapaunlad, pagpaplano, pagsasagawa, pagpapanatili at pagbabantay ng siyudad, bayan o barangay upang magkaroon ng isang tunay na pakikilahok.
  4. Ang pakikilahok ay dapat nakasalalay sa pantay-pantay na pagtingin sa kasarian at ang paglahok ng mga kabataan at matatanda.
  5. Kapasidad ay mahalagang paunlarin upang mapag-ibayo ang pantay-pantay na pakikilahok ng babae, lalaki at kabataan.
  6. Ang pamayanan ay may tagong -yaman sa paglahok sa pagpapaunlad ng siyudad, bayan o barangay. Ang pagpapaunlad ng kapasidad ay kayang magpakawala ng mga tagong-yaman na ito.
  7. Ang mga naninirahan sa isang pamayanan ang siyang pangunahing may nakataya sa mga tumutupad ng pagpapaunlad. Sila ang kumikilala ng problema, nagpapabuti at nagpapanatili ng lugar na kanilang tinitirahan.
  8. Ang pag-unlad ng pagkamulat at kakayanan ay maaaring makapag-dulot ng pantay-pantay na pagtutulungan mula sa mga mamamayan. mga NGO at opisyales ng siyudad o bayan.
  9. Ang pagpapaunlad ng pamayanan na kung saan ang pagpaplano ay ginawa ng mga taong hindi kasapi ng pamayanan na yaon at ang tanging maibibigay lamang ng pamayanan ay ang kooperasyon nito, ay malayong maging katanggap-tanggap sa karamihan ng mga mamayanan.
  10. Ag pagpaplano ng paglahok ay isa sa pinaka-madalas na nakakaligtaang bahagi sa pagpapaunlad ng pamayanan.
  11. Limos o tulong dahil sa awa ang siyang naglalayon sa isang pamayanan upang umasa na lang mula sa tulong ng iba.
  12. Pagpapaunlad ng pamayanan aymahalagang lahok sa kabuuan ng pamamahala.sa urban na lugar.
Isinipi ni: Phil Bartle

Ang mga pag-aaral na ito ay sinaliksik ng ISS in the Hague.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan