Pangunahing Pahina
 Pagssasaayos




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
Română
Русский
తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

MGA PLANO PARA SA PAGSUBAYBAY

Alamin Kung Maayos Nating Naisasagawa Ito

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Kung ang isang komunidad ay naghahanda ng isang disenyo ng proyekto, ang nasabing disenyo ay kailangang mayroong paglalarawan kung paano ito masusubaybayan. Ang pagsusubaybay ay isang napakahalagang elemento ng bawat proyekto.

Ang salitang "pagsusubaybay" ay animo napaka-teknikal na wikang walang kawawaan, at ang ilang mga miyembro ng komunidad ay maaaring makadama ng pagkabalisa sa pagbanggit mo tungkol dito. Huwag matakot; ang ideya ng pagsusubaybay ay napaka-simple.

Ito ay napakahalaga sa pagbibigay-lakas ng komunidad, at ito ay may napakaraming silbi sa iba't ibang layunin hangga't ito ay itinuturing na napakahalagang elemento, at hindi isang bagay na nakahiwalay at ikinabit lamang ng basta bilang pahabol. Tingnan sa: Pagsusubaybay.

Muli, upang maintindihan ang iyong punto, gumamit ng isang paghahambing. Ang "bisikleta" na analohiya ay maaaring gamitin dito. Tanungin mo ang grupo, "Ilan sa inyong naririto ang marunong sumakay ng isang bisikleta?" Aasahan natin na kahit isa ay sasagot ng oo. (Kung hindi, kailangan mong sabihin na kunyari mayroong marunong, o kaya naman ay magtanong tungkol sa isang aktibidad na nangangailangan ng ating paningin). "Oo"? Magaling!

"Nasubukan na ba ninyong ipikit ang inyong mga mata habang nakasakay sa bisikleta?" "Kung hindi man, naiisip ba ninyo ang puwedeng mangyari kapag nagkataon?" Maaari kang makapamili ng mga kasagutan, na makapagdudulot ng kapahamakan, tulad ng pagkabangga sa isang puno o tao, lumihis sa daan, matumba.

Ngayon sabihin mo na ang isang komunidad ay isang tagasakay; ang bisikleta ang disenyo ng proyekto; ang pagsakay o paglalakbay ay siyang proyekto ng komunidad. Ang disenyo ng proyekto (bisikleta) ay maaari kang dalhin sa iyong gustong puntahan (mga layunin), ngunit kailangan mong buksan ang iyong mga mata (subaybayan ang iyong kilos o progreso).

Ang bawat proyekto, malaki man o maliit, ay madaling lumihis kahit kaunti, at malimit ngang mangyari ito. Kung ito ay hindi maayos at tuluy-tuloy na nasusubaybayan (namamasdan), pagkatapos ay tuluyan na itong mapapalayo sa kalsada, babangga sa isang bagay, at matutumba. Kung patuloy itong sinusubaybayan, kahit ang maliliit nitong paglihis ay madaling maagapan at maitama, at ang pagbagsak o pagkabigo ay tuluyang maiiwasan.

Ang isang komunidad ay siya mismong dapat magmaneho.

Maaaring ang iba rin ay gustong magsubaybay. Ang kahit sinong taga-labas na mga donante ay gustong malaman kung ang mga ipinamahagi nilang mga tulong o pondo ay nagagamit ng maayos at sa tamang paraan. Ang mga opisyal ng distrito ay nais ding magsubaybay para sa kanilang sariling layunin. Nais mo ring magsubaybay upang malaman kung gaano mo nabibigyan ng lakas ang isang komunidad.

Samantala, ang isang komunidad ay siyang may pinakamatinding dahilan upang magsubaybay. Ang iyong gawain bilang isang tagapagpakilos ay ipaalala at ituro sa mga miyembro ng komunidad ang kahalagahan at pagiging simple ng pagsusubaybay. (Ang simple ay hindi laging nangangahulugan ng pagiging madali).

Ang iyong gawain ay gabayan din ang ehekutibo na siguraduhin na:
  1. kung paano nila gagawin ang pagsusubaybay ay dapat na nakapaloob sa disenyo ng isang proyekto
  2. ang pagsusubaybay ay nakikitang kasing-halaga ng mismong pagkilos
  3. ang ehekutibo ay seryoso at nakapangako sa pagsusubaybay
  4. ang ehekutibo ang siyang gagawa ng pagsusubaybay
  5. ang mga obserbasyon ng ehekutibo ay ipagbibigay-alam sa buong komunidad
at magtatanong din tungkol dito mula sa lahat o sa kahit sinong mga miyembro ng komunidad.

Kung paano susubaybayan ang isang proyekto ng isang komunidad ay dapat maintindihan at pagsang-ayunan ng ehekutibo at ng mismong komunidad, maingat at maayos itong naipapaliwanag sa mga dokumento ng pagpaplano.

––»«––

Konstruksiyon ng Pagsusubaybay:


Konstruksiyon ng Pagsusubaybay

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagssasaayos