Tweet Mga Pagsasalin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
MGA PANLABAS NA PINAGKUKUNANG-YAMAN AT TULONGAng Pagbalanse sa Mga Panloob at Panlabas na Pinagkukunang-yaman at Tulongsinulat ni Phil BartleIsinalin ni Maureen GenetianoManwal sa PagsasanayGaano ba karami ang panlabas na tulong na kakailanganin ng isang komunidad upang masanay ito at maging pala-asa sa mga panlabas na tulong, at kung kaya mawawala na ang pag-asa nito sa pansariling kakayahan?Bilang isang tagapagpakilos, mapapansin mong mahirap makahanap ng balanse sa mga pinagkukunang-yaman at tulong na nanggagaling pa sa labas at gayundin sa mismong loob ng komunidad. Ikaw at ang ehekutibo ng komite ay nakaharap sa isang hamon sa pagpapapasok mga panlabas na mapagkukunang-yaman at tulong sa isang komunidad. Ang mga ahensiya ng mga donante ay nagnanais na makatulong, samantala ang mga miyembro naman ng komunidad ay nagnanais na makatanggap. Samantala, pakatandaan na ang pagpapapasok ng mga panlanbas na mapagkukunang-yaman at tulong ay nakakapagdulot ng ugaling pala-asa o pananangan at nakakapagpabawas ng pagkakataon para sa pagpapatuloy at pag-asa sa pansariling kakayahan. Ngunit may mga paraan upang mapalawak ang lakas ng kakayahan sa paggamit ng mga panlabas na mga pinagkukunang-yaman at tulong na ipinapakita sa kuwento tungkol kay Mohammed at ng pisi. (Tingnan sa Mga Pagkukuwento). Kung makukumbinsi mo ang isang taga-labas na donante na magbigay ng kaukulang halaga para sa pagsasanay ng kakayahan, pamamahala at pagpapakilos, at tulungan ang isang komunidad upang makakuha ng mga mapagkukunang-yaman at tulong para sa paggawa, makakatulong ka sa pagsulong ng pag-asa sa pansariling kakayahan at pagpapatuloy ng isang komunidad. Kung ang Propeta, ang kapayapaan nawa ay mapasa-kanya, ay nagbigay lamang ng pagkain sa isang pulubi, napapasanay niya ang isang pulubi na maging isang pulubi na lamang; ngunit kung binigyan niya ito ng mungkahi at kaunting pondo, natutulungan niya ang isang pulubi upang maging independente at umasa sa saili nitong kakayahan. Ang pahinang ito ay tutulong sa iyo kung paano ka makakakuha ng mga panlabas na mapagkukunang-yaman o tulong, sa pamamagitan ng Mga Proposisyon, na gagabay sa iyo sa paghahanda ng mga mabisang proposisyon. If you can convince an outside donor to provide some costs of skill training, management training, and mobilization, and assist the community in obtaining most of its own construction resources, you can contribute to self reliance and sustainability. Katulad ng isang makapangyarihang bagay (halimbawa na ang apoy), ang mga kakayahang ito ay maaaring gamitin ng hindi tama, at makakapagpadagdag ng kahirapan na pangmatagalan. Gamitin ang mga ito ng maayos, at para sa mga tamang patutunguhan. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Preparasyon |