Pangunahing Pahina
 Pagsisimula




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
Igbo
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
한국어 / hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Русский
>తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

ANG PAGHAMON SA SAMBAYANAN

Ang pakikipaglaban ay nagbubunga ng Kalakasan

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper


Manwal sa Pagsasanay

Kahit na gusto ninyong lumago ang kalakasan ng komunidad, hindi naman ninyo tatanggapin agad ng kusa at walang-kibo ang lumilitaw na kaunahang layunin ng sambayanan.

Ang paglaban ay nagbubunga ng kalakasan; katulad ng inyong kalamnan sa braso na lumalakas kapag kayo ay nakapagsasanay.

Kapag ang inyong kalamnan ay hindi nakakatikim ng pakikipaglaban, ang mga iyon ay magiging mahina. Gayon din, kapag kayo ay gumawa ng labis para sa isang komunidad, iyon ay hindi magiging malakas.

Ang unang mungkahi tungkol sa pangunahing layunin ng sambayanan ay maaaring hindi napagisipan ng husto, at kung ito ay inyong hahamunin, maaaring sila ay magisip ng mabuti tungkol sa anong pagkilos ang dapat nilang gawin.

Ating tingnan ang isang halimbawa nang sa haka lamang. Marahil na ang mga kasapi sa komunidad ay magsasabi na ang kanilang pangunahing hangarin ay ang magtayo ng isang klinika.

O sige lang”, sagot ninyo. “Nguni’t ano ang dahilan kung bakit iyon ang inyong napiling layunin? Mayroong bang kakayahan ang komunidad upang magtayo at magpanatili ng isang klinika? Anu-anong mga problema ang malulutas ng isang klinika? At anong mga problema din ang ibubunga noon?”

Palakasin ninyo sila sa pamamagitan ng pagpapabaya sa kanila na ipagtanggol ang kanilang kapasiyahan.

Kung inyong mabatid na ang dahilan kung bakit nila gustong magtayo ng isang klinika ay dahil sa may isang karibal na komunidad sa ibang karsada na mayroon noon, na ang kanilang pag-uudyok ay bunga ng karangalan, kung gayon kayo ay malilinawan.

Sabihin ninyo sa kanila “Tandaan na ang inyong mga kakayahan ang magagamit sa pagtatayo noon; ito ba talaga ang inyong hangad?”

Marahil na sabihin nila na ang mga sanggol ay namamatay, at ito ang kanilang pangunahing kaukulan.

Dito ay mayroon kayong pagkakataon upang ipakita ang mahalagang prinsipyo ng PHC (pangunahing kalusugan); na ang pagsawata ay mas magaling kaysa panlunas.

Ang mga kabataan ay namamatay sanhi kalimitan sa pagtatae na bunga ng mga karamdaman na mula sa tubig. Tingnan ang Tubig.

Ang isang klinika ay maaaring makatulong sa paglunas ng karamdaman, nguni’t mas maka-tao, mas matipid at hindi gaanong mapanganib na bawasan ang karamdaman na mula sa tubig sa pamamagitan ng kombinasyon ng tatlong bagay: (1) pagtuturo ng tamang pangangalaga sa kalusugan na magreresulta sa pagbabago ng kaugalian, (2) malinis at naiinom na pinagmumulan ng tubig, at (3) mabisang kalinisan na napipigilan ang mga basura ng tao na umepekto sa iniinom na tubig.

Sa paghamon sa komunidad na suriin ang kanilang mga problema at maghanap ng mga praktikal at magagawang solusyon, ang sambayanan ay maaaring tumugon sa pamamagitan ng pagsusuri ng kanilang mga pangunahing problema at baguhin iyon.

Huwag ninyong tanggapin agad ng walang-kibo ang kanilang unang napiling layunin.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsisimula