Tweet Mga Salin
Bahasa Indonesia |
PROYEKTO SA PAGPAPATAYO NG MALILIIT NA NEGOSYOni Phil Bartle, PhDisinalin ni Desiree YuSangguniang DokumentoBuod: Ang batayan nitong proyekto ay sa nakasanayang tradisyonal na credit rotation group o pagpapaikot ng kredito sa maliit na grupo, kung saan ang isang maliit na grupo ay regular na mangongolekta ng maliit na halaga mula mga miyembro nito at ipapamahagi ang koleksyong iyon sa piling miyembro ng grupo sa bawat pagkakataon. Imbis na diretsong ibigay ang pera sa isang kalahok, sa proyektong ito, ang nakolektang pera ay ipapasok sa banko sa tulong ng bagong piramidong sistema ng maliliit na trust groups at isang umbrella group. Ang tagapagpakilos ay makikikonsulta kasama ang grupo ng kababaihan, magbibigay ng pagsasanay pinansiyal at pamamalakad sa umbrella group, kung saan sila ang magbubuo ng trust groups. Para hindi lamang maging miyembro ng tradisyonal na co-op ang mga miyembro, ang bawat miyembro ng trust group ay magtratrabahong magisa (o kasama ng kaniyang pamilya) para makagawa ng produktong ibebenta o iba pang aktibidades na mapagkakakitaan. Ang bawat miyembro ay regular na magbibigay ng maliit na halaga, at ang trust group ang bahalang magpapasa sa umbrella group ng koleksyon. Ang pera ngayon ay i-dedeposito sa kalapit na banko. Ang banko ngayon, na may pirmadong kasunduan sa ministeryo o ahensya, ay may nakadepositiong halaga na pang kapital. Ang grupo ngayon ay kailangan dumaan sa regular na daan at proseso ng banko sa pagkuha ng pautang (pagkatapos ng paghihikayat, mobilisasyon, at paghihikayat ng tagapagpakilos), at gagamitin ng banko ang kapital na dineposito ng ministeryo o ahesya para ipautang sa umbrella group. Kung naipakita ng umbrella group sa banko na karadapat-dapat silang pautangin, maari na silang umutang mula sa kapital na nakadeposito sa banko (at hindi sa orihinal na deposito ng ahensya o minstro), sa ganung paraan, libre pa at maari pang paikutin ang kapital ng ministeryo o ahensya na panggagamitan sa iba pang target groups. Maraming salamat kay Victoria Abankwa, Nasyonal na Tagaugnay, at kay Adolphine Asimah, Nasyonal na Direktor, ng Ghana Strengthening Community Management Programme(SCMP),na gumawa nitong sistema na iniayon mula sa ginagamit nang prinsipiyo at pagsasanay, na nag-imbita sa akin sa Ghana nuong 1996 sa buwan ng Enero para ipakita kung paano ito gawin. Phil Bartle. Tignan ang Proyekto sa Ghana. Ang proyektong ito ay nakadisensyong ipapatupad ng mga NGO na may layuning paunsadin ang mga komunidad, o mga ahensyang tulad nito. Kaya ang "ahensya o ministeryo" ay tuluyang ginagamit dito. Kung nais gamitin ng internasyonal na NGO ang mga methodolihiya dito, sila ngayon ang ituturing "ahensya o minstrio". Ang mga gawin ng kahit anong NGO ay hinihikayat na sambuuin ang mga gawain ng iba pang ministeryo at ng mga gobyerno ng distrito. Pagkakaroon ng Kita: Tayo'y nahaharap sa isang hamon: gumawa ng abot-kayang plano para sa pagkakaroon ng kita at isama ito sa kasalukuyang programang pagpapalakas ng komunidad na may mababang kinikita. Ang proyekto ay dapat: Kayang sustinihin (magpapatuloy kahit tapos na makatanggap ng tulong mula sa ahensya o ministeryo); Ang kinikita ng grupo ay dapat galing sa mga produktibong aktibidades ng mga miyembro, at hindi lamang mula sa perang natatanggap mula sa ahensya o ministeryo; Ang mga kalahok na may mababang kinikita ay dapat diretsong nakikinabang sa mga kinikita; Dapat pareho sa prinsipiyo at metodolohiya ng ahensya o ng ministeryo (para patibayin ang mga komunidad na may mababang kinikita) Dapat iwasan nitong proyekto ang charity o kawang-gawa (na nakakapanghina) at dapat nakakapagpatibay ang disenyo; Ang pagsasanay ay dapat nakakapagpatibay at nakakapagpakilos, at may aksyon; at Dapat pinili ito ng komunidad. Hinarap kami ng ilang mga pagpipilian: Kung ang klase ng pinansiyal na suporta ay dapat bang kredito o gawad? Ang pagkakaroon ba ng kita (produktibong aktibidades) ay gagawin bilang grupo tulad ng kooperatiba) o ng indibidual? Kung sino ang magsasagawa ng pangungutang:(a) ang ministeryo, (b) ang proyekto, (c) ang banko, (d) iba pang plano o proyekto (tulad nung sa Ntandikwa, Uganda)? Sino ang mangangasiwa ng plano (pagsasanay, pinansiyal na suporta)? Ano ang papel ng ahensya o ministeryo sa "pagsasanay sa mobilisasyon" na kanyang papel na hinahawakan? at Ano ang hangganan ng bawat pautang (sa grupo, sa sumunod na grupo, sa indibidual)? Nakasalarawan sa ibaba ang aming nagawang plano. Ang proyektong ito ay abot-kayang metodolohiya sa pagbabawas ng kahirapan sa pagkakaroon ng kita. Ang tagapagpakilos ang taga bigay at taga-angat ng kamalayan, taga bigay ng mobilisasyon, pinansiyal na abiso, pagsasanay sa pagoorganisa at pamamahala, paghihikayat, kasanayan, at (hindi tuwiran) ang unang kapital para sa mga aktibidades na napili ng mga kalahok ng makakapaglikha ng kita. Ang pautang ay hindi gaano kataasan at kayang bayaran ng mga kalahok pagkatapos magkarron ng kita mula sa kanilang aktibidades. Ang regular na pagdeposito ng pera ay base sa tradisyonal at nakasanayang paraan ng mga grupong nagpapaikot ng kredito. Ang mga grupo ay maliit lamang, sa gayon, mabilis mabigyan ng sanksyon ang sino mang hindi makapagbayad para mapanatili ang ayos sa grupo at mapagpatuloy ito. Sino ang maaring gumamit nitong metodolohiya? Ang proyektong ito ay maaring gamitin at ma-iayon sa kani-kanilang pangangalingan ng kahit anong ahensya. Bakit gagamit ng Kredito imbes na Gawad? Nagpapatuloy ang debate kung mas maayos nga ba kung kredito ang ibigay imbes na gawad sa maliliit na grupo ng mga kababaihan para panggamitan nila bilang kapital sa kanilang gagawing negosyo. Tignan ang Gawad. Mas rinerekomenda ang pagalok ng kredito, sa gayon ang mga tao ay magiging mas marunong umako ng responsibilidad at pagmamay-ari sa paggamit ng pera dahil kailangan nilang bayaran ang utang. Isang Pagsasalarawan sa Plano: Ang bahaging ito magsasalarawan ng kabuuang operasyon, mga esensyal na elemento at iba pang detalye tungkol sa mga importanteng bagay. Ang lahat ng ito ay kinakailangan. Ang buong ito ay isang malaking gumagalaw na sistema; kapag ang isang esensyal na bahagi ay nawawala o naiba, maapektuhan ang lahat at hindi masisigurado ang tagumpay. Ang mga sumusunod ay ang mga esensyal na elemento: Ang mga banko ay hindi nagpapautang ng maliliit na halaga, kaya ang sistema ay dapat nakaayon sa malaking pagpapautang ng banko, tulad sa halagang mula 750,000/=(US$15,000) hanggang 2,250,000/= ($50,000). Ang inisyal na pagpapautang sa bawat indibidual para sa kanilang produktibong aktibidades ay dapat nasa paggitan ng 4,500/= ($100) at 22,500/= ($500). Ang piramido, kung saan ang trust groups, mula sa baba ng piramido, ay binubuo mula 5-7 na indibidual, at ang umbrella group na binubuo mula 5-7 na grupo, ay may tungkuling kumuha ng malaking pautang mula sa banko, at ipapamahagi sa mas maliliit na halaga sa mga grupo o indibidual. Ang maliit na grupo na binubuo mula 5-7 na indibidual, ang trust group, ay binubuo ng kanilang sarili at ng mga taong mapagkakatiwalaan nila ng kanilang pera; Ginagamit ang konsepto ng tradisyonal na sistema ng pagpapautang, kung saan ang mga miyembro ay regular na nagaambag ng maliit na halaga, ngunit ito ay gagamiting kolateral sa banko, at hindi ibibigay sa iisang miyembro ng grupo; Ang grupo ay tatayo bilang ahesyang pangdistribusyon ng kredito, at hindi bilang isang produktibong organisasyon (tulad ng isang co-op). Ang mga sinasabing produktibong aktibidades ay mas epektibo kung ito ay pinapatakbo sa indibidaul na lebel (paggawa ng sabon, maliliit na palitan/negosyo), na tatanggap ng maliit na halaga mula sa grupo. (Kapag ang grupo ay mas malaki, tulad ng co-op, mas mahirap kontrolin o pamahalaan ito, mas maliit ang probabilidad na magkaroon ng tubo, mas hindi magkakaroon ng iba't ibang uri ng negosyo, at mas mahihirapang mabayaran ang utang; at Kinakailangan ang pagsasanay, mobilisasyon, superbisyon ng mga miting ng mga CDO, tagaugnay ng ahensya ng distrito at mga CDA, lalo na sa paghamon ng mga kalahok sa pagpili at pagplano ng mga aktibidades na abot-kaya. Sino ang gagawa ng gawaing pambanko? Pagkatapos pumirma ng ministeryo o ahensya ng Kasunduan o Memoramdum of Understanding (MOU) sa paggitan nila at ng banko, ang ahensya ay magdedeposito ng isang halaga sa banko, magsasanay ng mga kalahok, at tyaka ipapakilala sila sa banko. Ang ahensya o ministeryo ay tumatayo bilang ahente, tagapagsanay, tagapagpakilos at taga-organisa (hindi bilang banko o San Nikolas). Ang ministeryo or ahesya ay wala dapat kinalaman sa banko; hindi nila ito gawain; gawain yun ng banko. Ang pagbibigay ng kontrol sa kanila sa pera ay nakakapagpahina ng pagiging epektibo nila bilang tagapagpakilos dahil nagkakaroon ng tunggalian ng interes, nagaaya ng korupsyon, at hindi pagiging episyensya, at linilinlang ang mga tagapagpakilos sa kanilang mga responsibilidad. Ang Papel ng mga Komersyal na Banko: Dahil walang mandato, kakayanan, o paraan ang ministeryo o ahensyang tumayo bilang banko, ang pagpapahiram ng kredito sa mga grupo ay gagawin sa pamamagitan ng kalahok na lokal at komersyal na banko, unyon ng kredito, o banko ng gobyerno. Ang Kasunduuan o Memorandum of Understanding (MOU) sa paggitan ng ministeryo at ng banko ay nagibibigay ng legal na basehan para bigyan daan ang daloy ng pondo ng ministeryo o ahensya para magamit bilang kapital sa proyektong ito. Imbes na diretsong pagbibigay ng pera sa mga target groups ng ahensya or ministeryo (galing sa IG budget nito), idedeposito nito ang pera sa kalahok na banko (tulad ng Agricultural Development Bank) na malapit sa kinaroroonan ng target groups. Ang ahensya ay nagbibigay ng pagsasanay sa mga kalahok sa pamamalakad at pinansyal. Pagkatapos ay ipapakilala ang grupo sa mga kalahok na banko. Karamihan sa mga kalahok ay hindi pa nakapasok sa banko, at maaring mailang sa pakikipagtransaksyon sa sopistikadong institusyon. Pagkatapos ng kanilang pagsasanay, kung saan makakakuha sila ng paghihikayat, kasanayan, organisasyon at kumpyansa, ang mga grupo ay ipapakilala sa mga banko, at kailangan nilang sundan ang mga isatandard na proseso sa pagdeposito at pagkuha ng kredito. Ang mga banko ay pumapayag makilahok dahil ang orihinal na kredito na pinapautang nila sa mga grupo ay ang perang indineposito ng ahensya o ministeryo. Kung ang grupo ay matagumpay na nakalikha ng kita, nabayad ang utang at nakakamit ng tiwala sa pagkuha ng kredito, ang grupo ay maari nang kumuha ng kredito mula sa istandard na kapital ng banko. Ang orihinal na kapital na dineposito ng ahensya o ministeryo ay ngayong magagamit naman ng ibang target groups. Ang proseso ay tuluyang lumalaki sa mga bagong grupo kaya ang planong ito ay napapanatili. Ang mga banko ay kadalasang hindi nagpapautang ng maliliit na halaga sa mga indibidual o maliliit na grupong nangangailangan ng konting kapital. (Mas kaya nilang kumita ng interes sa mga Bond ng Gobyerno na may mas konting panganib). Ang mga banko ay nakikipagugnay sa umbrella group, at kayang makapahiram ng mas malaking halaga kaysa sa pagpapautang sa maliliit na grupo o indibidual. Sa pagkakaroon ng maliliit na trust groups na bubuo ng mas malaking umbrella group, at sanayin sila sa paglalakad ng sarili nilang "maliit na pagbabanko" sa loob ng grupo (ang bawat kalahok ay may kanikanilang passbook na iniprenta ng ministeryo o ahensya), ang plano ng ahensya o ministeryo ngayon ay makakabuo ng mas malaking grupo kung saan mas kakailanganin nila at mas makakakuha ng mas malaking kredito mula sa banko. Ito ay nakakasiguro ng tumatagal na paglilinang at hindi lamang charity. Ngunit ang pagkakaroon ng kredito ay nangangailangan ng kakayahan sa administrasyon at pangangasiwa na hindi maibigay ng ministeryo. Habang mas mabilis para sa ahensya o ministeryo ang pagbibigay ng gawad sa grupo ng mga kababaihan, hindi ito pang matagalan dahil walang obligasyon ang mga grupong tatanggap nito na maging responsable at bayaran ang utang. Marami nang naging problema sa pagpapatakbo ng proyekto sa kredito sa iba't ibang bansa, kung saan ang pera ay hindi nagamit para sa orihinal na layunin, at hindi nabayaran tulad ng inaasahan, at iba pang problema ukol dito. Buong puso naming nais itong gampanan nang pang matagalan at pagpapalakas ng komunidad sa pamamagitan ng pagpuksa sa kahirapan; kaya hinihikayat namin ang pagkakaroon ng kita kung paano naming inilarawan dito. Iba't ibang halaga ng Pautang at Interes: Ang halaga ng pautang at ng iba't ibang interes na ipapataw, ay importanteng mausisa upang malaman ang epekto nito sa pagpapatibay ng target groups. Ito ay dapat pagpasiyahan ng propesyonal na naglilinang ng komunidad, base sa prinsipiyo ng ekonomiya, panlipunan at psikolohiya, at hindi nang politikal na konsiderasyon o popularidad. Sukat ng Pautang: Ang makukuhang pautang mula sa banko ay higit na mas malaki kaysa sa pautang na makukuha ng bawat kalahok. Ang layunin ng pagkakaroon ng piramido ng umbrella group and ilang mga trust groups ay para paghati-hatian ang malaking pautang. Ang nais ng mga kalahok na makakuha ng tulong para sa pagkakaroon ng kita ay naipapahiwatig nila sa pagiging aktibo at mobilisa sa mga miting, kung saan itinutukoy ng mga grupo ng komunidad ang kanilang mga dapat unahin. Ang mga konsultasyon kasama ang mga grupo sa komunidad ay nagpapahiwatig ng kagustuhang nilang makakuha ng tulong sa pagkakaroon ni kita. Sa una, maaring maging hindi kaabot-abot ang kanilang mga hiling; humingi ng milyones ng walang tamang kasanayan o malinaw na ideya kung paano magpatakbo ng negosyo, utang, kredito o puhunan. Maaring isipin ng iba ang perang nataggap mula sa ahensya o ministeryo ay ang "kinitang pera" at kailangan silang masabihan na ang perang iyon, ay pahiram lamang (hindi regalo) kung saan sila mismo ang maghahanap ng kikitain. Sa oras ng mga miting kung saan binibigyan malay sila sa mga nangyayari kasama ang ahensya at ministeryo, ang mga kalahok ay hinahamong bigyang katwiran ang kanilang mga plano at halagang hinihingi. Ito ay para mai-ayon ng mabuti ang kanilang mga hiling na maging abot-kaya. Ipapaliwanag ng mga tagapagpakilos at tagasanay na ang perang ipinahiram ay hindi mismo ang kita, ngunit pahiram lamang para tulungang ang mga kalahok sa pagkakaroon nila ng kita. Ang interes na kanilang babayaran ay kabayaran sa sandaliang paggamit ("paghiram") ng pera. Ang mga kalahok ay tuturan na ang interes ay parang pagbayad ng renta sa paggamit nung kukunang-yaman, na hindi sa kanila at hindi binigay bilang charity. Sukat ng Interes: Ang interes na ibiniyad para sa paggamit ng kredito bilang kukunang-yaman, ay nasa komersyal na halaga. Ang mga kalahok ay may pribilehiyong makakuha ng kredito at magbayad ng komersyal na rate ng interes bilang gastusin (tulad ng renta) sa paggamit ng kredito. Habang ginagawa ang proyektong ito, may mga nagtatanong kung bakit kinakailangan ng mga kababaihang ito (karamihan sa kanila ay mahirap at walang pinagaralan) magsakripisyo at pagdaanan ang tulad na pamamaraan at magbayad ng parehong interes sa pagkuha ng pautang tulad ng mga komersyal na aplikante. Ang sagot ay may kinalaman sa pagpapanatili ng pamatagalan ang pagkakaroon ng kita at ang pagkuha lamang ng pera ay nakakapaghina sa kakayanan ng tumatanggap. Ang planong ito ay nagbibigay kapangyarihan sa mga kalahok. Kung ang proyekto sa umpisa ay magpapataw ng mas maliit na interest o subsidized rates, ang mga kalahok ay masasanay kumuha ng charity o gawad, at hindi nila masasanay na kumuha ng kredito na may komersyal na interes (lalo't na pagwala na ang pahiram na pera).. Ito ay nagpapahina sa kanila, at hindi sila natutulungan. Dapat bigyan pansin na ang ibang mga komersyal na pautang o loan sharks ay humihingi ng hanggang 350 porsyento bawat taon, kaya ang pautang ng banko ay tutuusing mura na (ngunit hindi libre). Pagkatapos kilatisin ang mga prinsipiyo ng pagpapatibay ng komunidad, at ang kaalaman na ang pagsasanay ng ahesya o ministeryo ay may layuning pamatagalang paglilinang, nabibigyang linaw ang pagkakaroon ng komersyal na rates ng interes. Ang Kinakailangang Pagsasanay: Ang metodolohiya ng pagsasakapangyarihan ay nagbibigay kahulugan sa konsepto ng "pagsasanay" sa kakaibang pananaw. Hindi lamang ito sa pagpapasa ng kaalaman, eto ay bahagi ng istratehiya sa pagpapalakas ng kakayanang mamahala ng mga grupo ng komunidad. Ang pinaguusapan nating ay ang pagsasanay "bilang" mobilisasyon at hindi lamang "tungkol" sa mobilisasyon. Ang pagsasanay ng mga kasanayan ay kinakailangan para i-mobilisa ang mga kominidad na piliing mabuti ang kanilang mga gagawin, tukuyin ang mga problemang dapat unahin, mga kukunang-yaman, mga plano at paano nila ito isasagawa, bilang "laman" ng pagsasanay. Ang paraan ng pagpapasilidad ng mga pagsasanay ay daan din para i-mobilisa ang mga kalahok para muling magtipon at umaksyon. Itong metodolohiya ay mas nakapaliwanag sa module ng pagmomobilisa, na may kaugnayan sa konstruksyon at pananatili ng mga pasilidad at serbisyo para sa tirahan ng mga tao. Ang mga basikong prinsipiyo ng pagsasanay ay ginagamit din sa elemento ng pagkakaroon ng kita ng ahensya o ministeryo. Tignan ang Pagmomobilisa. Kung ang pokus ng pagsasanay ay ang pagpasa ng kaalaman, ang pagsukat ng resulta ay kung ano ang natutunan ng mga kalahok sa mga ibinigay na impormasyon at kanilang natututunan. Sa kabilang panig, kung ang pagsasanay ay nakatuon sa mobilisasyon, ang pagsukat ng resulta ay makikita sa pagpapagalaw ng komunidad at sa mas mataas na antas ng pagdedesisyon ng komunidad. Ang ahensya o ministeryo ay nagbibigay ng pagsasanay sa iba't ibang paraan. Ang mga miting at workshop ay nakakapagbigay ng pagsasanay pinansiyal at pamamahala para sa pag-oorganisa ng mga trust groups at ng umbrella group para sa pagset-up ng sistema at proseso ng koleksyon at pagdeposito. Ang ahensya o ministeryo ang nagdidisenyo at nagbabayad para sa pagimprenta ng books o pang-nota (tulad ng mga disenyo ng mga account books ng mga banko) bilang materyales sa pagsasanay, at ipapamigay nang libre sa mga kababaihang kalahok kung nagsama-sama at namobilisa na ang mga grupo. Ang mga grupo, sa takdang araw, ay bibisita sa ibang mga grupo ng kababaihan na isinasagawa na ang tulad na proyekto. Ito ay makapagbibigay ng tibay ng loob at gumaganang ehemplo para sa mga kalahok. Kahit na ang proyekto ay hindi parehong-pareho, ang pagkakataong makita ang iba kung paano magkaroon ng sariling kita ay nagbibigay halaga sa ganung mga pagbisita bilang dagdag pagsasanay sa metodolohiya ng pamamahala.
Ang ating pagsasanay , sa pinakamaliit na bilang, ay mayroong talong elemento:
Mga Pagsasanay o Workshops: Pagkatapos ng inpormal na pagsasanay at pagsukat ng kakayanan at base dun sa pagsasanay, kuro-kuro at resulta, maaring magkaroon ng mas may istrukturang mga pagsasanay. Ang mga paksang nakapaloob ay kasanayan sa pamamahala, kasanayan sa pagoorganisa at pagmobilisa, pagmomobilisa ng kredito, kasanayan sa banko, kasanayang pinansiyal, simpleng accounting, pinansiyal, pagtatala at pagrereport, pagsukat ng dami ng imbentaryo at kukunang yaman, pagsukat ng kayakayan sa pamamahala at pagoorganisa, alamin ang kalagayan ng kalakaran kung ano pang maaring ibenta. Bigyan pansin ang paghihikayat sa mga kalahok na obserbahan at kilatisin ang sarili nilang kukunang-yaman at kakayanan, at kung anong istratehiya ang maaring gamitin. Ang mga kalahok sa lahat ng komunidad ay sasali sa workshop, kung saan puwde nilang ibahagi ang kanilang mga karanasan at hikayatin ang isa't isa sa mga gawain kanilang isinasagawa. Pag-oorganisa ng Piramido: Ang papel ng ahensya o ministeryo sa pagmomobilisa at pagoorganisa ay bumuo ng piramido mula sa pinakataas, ang umbrella group, at ang mga trust groups sa ibaba nito, at mga indibidual na negosynate sa pinakaibaba. Ang bawat elemento ay may papel sa proyekto, at may karagdagang pagsasanay sa pagmomobilisa para ang bawat lebel ay may kani-kanilang tungkulin. Tignan ang Pag-ooraganisa. Responsibilidad ng Indibidual at ng Grupo: Base sa karanasan (lalo't na sa mga kooperatiba) kung ang pagkakaroon ng kolektibong responsibilidad ng malaking grupo para magkaroon ng produktibong awtput ay kulang sa kontrol panlipunan at pangekonomiya para siguraduhin ang kumpletong pagambag ng lahat ng miyembro, ang ganung proyekto ay babagsak at titiwalag. Sa kabilang panig, ang mga indibidual na nais magsagawa ng ganung aktibidades ay mas hindi epektibo at produktibo kumpara sa pagsasagawa nito ng kolektibo at sa organisadong paraan. Ang proyektong ito ay pagsasamahin ang nagtutunggaling konsepto. Sa pamamagitan ng metodolohiya sa pagpapagalaw ng lipunan na ginagamit ng tagapagpakilos ng ahensya o ministeryo, sa bawat target na komunidad, ang grupo ng mga kababaihan at ipapapatawag sa unang mga miting para bumuo ng mga trust groups. Ang bawat tao ay papatukuyin ng 4 - 6 na kataong kanyang pinagkakatiwalaan at kayang makatrabaho. Bubuo nito ng maliit na grupo ng kababaihan kung saan kayang pagkatiwalaan ang isa't isa, ito ay maaring tumagal ng ilang araw. Ang mga taong nais sumali ngunit walang sinuman ang may tiwala sa kanya ay hindi masasama. Ang mga miyembro ay hindi makikilahok sa produktibong gawain na sama-sama o kooperatiba bilang grupo, sarili silang gagawa ng kani-kanilang gawain na lilikha ng kita (tulad ng produksyon at pagbenta ng sabon) bilang indibidual. Ang gawaing marketing, pageempake ng produkto at pagdedeliver ng produkto ay maaring isagawa sa kooperatibang pamamaraan kasama ng ibang tao sa grupo. Ngunit ang trust groups ay binuo sa layuning makapagkolekta ng ambag at makakuha ng pautang, at hindi para magkaroon ng puhunan bilang grupo para magkaroon ng iisang produksyon na lilikha ng kita. Ang bawat trust group ay binubo mula 5 hanggang 7 katao (kailangan ang bilang ay nones para sa kultural na dahilan). At mula 5 o 7 trust groups ang bubuo ng "umbrella group" , ang unito na gagawa ng deposito at kukuha ng pautang sa banko. Ang Tradisyonal na Grupo na Nagpapaikot ng Kredito o Credit Rotation Groups: Karamihan sa bansang Aprika at Asya, ang mga magkakakilalang tao sa iisang baryo o katrabaho ay bumubuo ng maliliit na grupo para sa credit rotation group o grupong binuo para sa pagpapaikot ng kredito sa loob ng grupo. Sa bawat takdang oras, puweding linggo-linggo, o kadalasang buwan-buwan, ang bawat miyembro ay naglalagay ng ambag (kontribusyon) isang maliit at mabilis kolektahing halaga ng pera. Pagkatapos kolektahin ang pera, ito ay ibibigay sa isang miyembro ng grupo. Ang taong napili ay sa maaring sa pamamagitan ng bunutan, o sa may namatayan sa pamilya, kung saan ginagamit ang pera sa pagpapalibing. (Kadalasan ang mga miyembro ay pumupunta din sa burol ng namatayan nilang miyembro). Kung ang pera ay ibinibigay sa paraan ng bunutan, ang makakatanggap ng pera ay gagamitin iyon bilang puhunan, kung saan hindi niya kayang ipuning mag-isa. Sa mga mas may kaya, maari silang maglagay ng halaga multiplo ng pinakamaliit na ambag. Ang ibang grupo ng pagpapaikot ng kredito ay para sa panlibing, kung saan ang nakolektang pera ay binibigay sa miyembrong namantayan pambayad ng pamburol at panlibing. Sa ibang grupo naman, ang perang nakolekta ay ipinapamahagi base sa buwan buwanang desisyon ng buong grupo kung kanino ibibigay sa bawat pagkakataon. Ang iba ay ibinibigay ang pera base sa pagbunot ng straw. Pagkalipas ng isang takdang panahon, bawat miyembro ay nabigyan ng buong halaga na inambag ng lahat ng miyembro. Ang grupo ay maliit at posible dahil pinagkakatiwalaan ng isa ang bawat isa sa grupo, at maaring magpataw ng kaparusahan sa miyembrong nagsala, base sa nakagisnang panlipunang pagkokontrol ng maliliit na grupo. Ang pinagkaiba nito sa proyekto ngayon ay ang perang nakoleta ay hindi simpleng ibibigay sa isang miyembro ng grupo; ito ay ilalagay sa banko. Ang deposito ngayon sa banko ay gagamitin sa pagkuha ng pautang sa banko. At ang deposito ay gagamitin ding pambayad ng utang sa banko. Ang paggalaw ng grupo ay base sa pagtitiwala sa isa't isa dahil ang mga maliliit na grupo, ang trust groups, ay kokolekta ng pera sa bawat kalahok. Ang asosasyon ng maliliit na grupo ay bubuo ng umbrella group, ang mas malalaking grupo na makikipagugnayan sa komersyal na banko. Pagsusubaybay at Pagsukat ng Pagganap: May iba't ibang lebel ng pagsusubaybay at pagsukat ng pagganap. Mula sa nasyonal na lebel at sa kabuuang programa ng bansa, kailangang masukat ang kabuuang kalagayan ng proyekto, at bigyan direksyon at paghihikayat ang mga opisyales. Mula sa paningin ng mga grupo ng komunidad, importanteng siguraduhin na naisasagawa ang mga gawaing napili at naaabot ang nais na resulta. Tignan ang manwal sa Pagsusubaybay. Sa paggitan ng tagaugnay ng distrito at ng opisina sa nasyonal na lebel, kailangan din nila ng paghihikayat sa kanilang mga gawain, gayun din kailangan ang paghihikayat nila sa mga grupo ng komunidad. Pagsusubaybay at Pagbibigay Suporta (Backstopping): Ang tagapagugnay ng distrito ay makikipagkita at hihikayatin ang mga miyembro ng grupo ng negosyanteng kababaihan. Makikipagkita siya isang araw bawat linggo, dalawang oras bawat pagkikita. Makakatanggap siya ng report tungkol sa kanilang aktibidades, halagang naideposito at naipon, ang lagay ng produksyon, at ang pagprogreso ng proyekto. Ang mga sesyon sa pagsasanay, pormal at impormal, ay may nakapaloob ng paksa sa pinansiyal na pagpaplano, accounting o kontaduriya, pagtatala, paggagawa ng report, at pagsukat ng kakayanang gampanan ang isang aktibidades nais gawin. Ang nasyonal na tagaugnay ay madalas na dadalaw sa lahat ng komunidad at susubaybayan at hihikayatin sila, bilang pagbibigay suporta sa mga tagaugnay ng distrito, at pandagdag hikayat sa mga grupo ng komunidad. Papel ng mga Importateng Aktor:
Kongklusyon at Tagubilin: Buod: Ang suporta ng ahensya o ministeryo sa pagkakaroon ng kita ay dapat may tatlong bahagi:
Ang tatlong elementong ito ay dapat magkadugtong at buo, at ang mga pagsasanay ay dapat nakatuon sa aksyon at hindi lamang sa paglipat ng kaalaman. Rekomendasyon: Ang mga rekomendasyon ay mula sa mga karanasan sa pagsasagawa ng tulad na proyekto: Ang proyekto ay dapat nakaplano nang mabuti, kung saan nakapaloob ang konsiderasyon ng totoong kalagayan at kakayang ng mga komunidad ngayon; Tulad ng lahat ng proyekto ng pagkakaroon ng kita, importanteng magingat sa pagpapatuloy ng proyekto, at mabuting pagusapan madalas at isukat ang progreso sa mga natutunan at magbigay ng bagong direksyon kung kinakailangan; Hindi dapat magkaroon ng magkahiwalay at kakaibang gawain sa pagkakaron ng kita; Lahat ng inisiyatiba ng sektor ay dapat nakasalarawan nang malinaw sa papel at konsistente ang mga polisiya; Ang inisiyal na aksyon, lalo na ang pautang ay hindi dapat sobrang taas. Kung mataas ang inilalabas na pera, mataas din ang mga inaasahan at mas nagiging hindi realistiko ang mga paniniwala; Pagsukat ng progreso ay importante, sa bawat hakbang; Ang kredito ay dapat ibigay sa rate ng interes ng kalakaran at hindi sa mas murang rate. Kapag ang kredito ay ibinigay sa mas murang rate, mas aasa na lamang sila sa murang rate; Ang maliit na pautang ay mas atraktibo sa mga taong mababa ang kinikita, ang mas malaking pautang ay para sa mga taong makakakuha ng pautang sa iba; mga taong mas mataas ang kinikita. Dapat bigyang diin ang pagsasanay ng mga kalahok kung saan sila ang nagsusukat ng kalagayan ng kanilang kukunang-yaman at imbentaryo, kasanayan sa pamamahala at pinansiyal, at totoong pagsukat ng kakayanang magtagumpay. Ang hindi realisitikong paghahangad ang pinakadelikado sa pagiimbita ng pagkabigo. Ang pagsasanay ay dapat may pagbubuo ng grupo, marketing, paghihikayat, (pag aayos ng organisasyon para sa kakayanang magtatag); at pagsasanay sa mga kasanayan (sa pamamahala ng produksyon, pinansiyal at pamamahala ng kredito, pagbabanko, pagmomobilisa ng kredito, pagtatala at pamamahala ng mga kukunang-yaman at tauhan,). ––»«––Produktibong Gawain: Paggawa ng Sabon: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Kredito |