Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSUSURI AT PAGTATANTIYA NG MGA KONDISYONPanimula sa Pakikilahok sa Pagtantiyani Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen GenetianoManwal sa PagsasanayAng wastong pagtantiya ng mga miyembro ng isang komunidad ay mahalaga bago pa man makapag-desisyon ang mga ito kung ano ang kanilang mga priyoridad at makapagpili ng isang proyekto para sa komunidad upang simulan ang kanilang pagkilos.Ang isang komunidad ay nararapat na pumili ng mga gawain na siguradong napag-aralan ng maayos. Ang komite ng ehekutibo ay nararapat na gumawa ng pagsusuri ng lugar, pagkatapos ay ipaalam sa buong komunidad ang kanilang mga nalaman at nakita. Ito ay isang "pagsusuri ng sitwasyon." Kahit nakagawa ka na ng sariling pagsusuri at pagtatantiya, pati na ng mapa, bilang bahagi ng iyong paghahanda, mahalaga na ang isang komite ng ehekutibo ay makagawa ng sarili nitong pagsusuri at pagtatantiya. Tingnan o hanapin ang Mapa. Huwag mo itong gawin para sa kanila. At hindi rin dapat na iutos nila ang gawaing ito sa iba. Magplano ng petsa na parehong akma sa iyo at sa komite ng ehekutibo upang kayo ay makapamasyal at makapaglakad-lakad sa komunidad. Siguraduhin na may mahaba at sapat kayong oras. Lakarin ang buong lugar o halos lahat ng parte nito, tumingin-tingin, makipag-usap sa mga tao, magtala, gumawa ng mga larawan. Tingan o hanapin sa PAR. Pagkatapos ay makipagkita sa ehekutibo para kayo ay makapag-kompara ng mga obserbasyon at makagawa ng pinagsamang ulat ng pagsusuri at pagtatantiya. Pakiusapan ang isang miyembro ng ehekutibo (hindi ikaw, na tagapagpakilos) na isulat ang nasabing ulat, upang maipakita at maipaliwanag sa buong komunidad. Ang kanilang ulat, ay tinatawag na "pagsusuri ng sitwasyon." Kung makakagawa kayo ng maraming kopya ng nasabing ulat (kahit mga mapa) upang maipamahagi, mas maigi. Sa iyong pagsusuri, maghanap ng mga problema at solusyon, mga mapagkukunang-yaman at mga pangangailangan. Isulat kung sira ang mga tubo ng tubig at kung ano pang iba pang mga pasilidad sa nasabing lugar. Ipakita ang mga kalsada na nangangailangan ng pagpapagawa. Kapag ikaw (pati na ang buong ehekutibo) ay makahanap ng isang matanda at hindi na naghahanap-buhay na karpentero, alamin kung maaari siyang makapag-bigay ng pagsasanay sa ilang mga kabataan; kapag siya ay sinuportahan ng kanyang pamilya, alamin kung nais niyang ibigay ang serbisyong ito ng libre o kailangan niya ng kaunting bayad para sa gawaing ito? Maghanap din ng iba pang maaaring mapagkukunang-yaman, mga tao o mga bagay. Isama ito sa pagsusuri. Pagkatapos makipagpulong ang ehekutibo at pumayag na magkaroon ng pinagsamang ulat ng pagsusuri at pagkatapos na maisulat ang nasabing ulat (magawan ng mga kopya hangga't maaari) kailangan nilang maipakita at maipalawanag ang kanilang mga pagsusuri sa buong komunidad. Ito ay nangangahulugan na kailangang gumawa ng plano ng panibagong pagpupulong kasama na ang komunidad, sa oras o araw na akma para sa lahat. Kapag ikaw, bilang tagapagpakilos, ay may mga flip chart o news print para sa kanilang pagpupulong, mas maiging pahiramin mo sila. Dapat hindi ikaw ang magpakita at magpaliwanag ng kanilang pagsusuri. Ikaw lamang ay siyang tutulong upang mapatakbo ng maayos ang pagpupulong at hayaan mo silang ipakita at ipaliwanag ang kanilang pagsusuri. Ang pagtatantiya at pagsusuri ay kailangang gawin bago makabuo ng isang plano sa pagkilos para sa komunidad o community action plan (CAP; tingnan o hanapin sa Abrebyasyon). Siguraduhin na ang mga obserbasyon ng ehekutibo ay maayos na naiintindihan ng mga miyembro ng komunidad, at mayroong pagkakaintindihan tungkol sa uri at laki ng problema at gayundin ng mga potensiyal mula rito. Ang isang modulo ng pagsasanay ay nakalaan para sa pakikilahok sa pagtantiya. Tingnan o hanapin sa PAR. ––»«––Pagsusuri at Pagtatantiya ng mga Kondisyon: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagssasaayos |