Pangunahing Pahina
 Pagsisimula




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
한국어 / hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Русский
>తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modulo

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Kontak

Utility Documents

Importanteng Links

ANG KOMUNIDAD ANG PIPILI NG AKSYON

Ang pagpili ay ang pintuan sa pagpapalakas

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jamie Bibit


Gabay sa pagsasanay

Ang komunidad ang may karapatan (at responsibilidad) na malaman ang kanyang hinaharap

Ang pokus ng iyong pakikipag-usap sa masa at ang pagpapalawak ng kanilang kaalaman ang pipiliing aksyon ng komunidad. Mahalaga sa iyong tagumpay na ang huling desisyon ay nagmula sa buong komunidad, at hindi lamang sa nais ng isa o dalawang bahagi ng komunidad.

Magkakaroon ng malawak na kagustuhan, at pwersa, na matapos ang aksyon, maging ito ay ang paggawa ng latrine, klinika, o suplay ng tubig, bagong batas na nagproprotekta sa mga karapatan ng nangungupahan, o mga ilang serbisyong panlipunan. Hindi ka dapat madawi ng kagustuhan at pwersa. May layunin ang komunidad (tulad ng latrine) habang mayroon kang sarili mong layunin (pagpapalakas ng komunidad). Hindi sila magkatulad. Agad mong gagabayin at tutulungan mo ang komunidad sa pagkamit ng mga layunin, gaano man katagal ang abutin.

Politiko, manunulat at mga administrator ang susubok sa paghusga sa iyo sa pamamagitan ng mga layunin ng komunidad (tulad ng pagtayo ng latrine). Hindi ka dapat maloko niyan. Ang paggawa ng latrine ay ang iyong "paraan" hindi layunin. Kung ito ay itinayo na hindi pinapalakas ang komunidad, walang pagbabago sa pagbalanse ng kasarian, walang pagbabago sa transparensiya, walang pagbabago sa pagtiwala sa sarili, masasabi mong nagkulang ka sa pagkamit sa iyong layunin.

Mas relatibong madali na kumuha ng mga kakailanganin para sa komunidad (tulad ng pera, tubo, materyales para sa bubong) ) para maisagawa ang panlabas na kaanyuan, ngunit mukang hindi ito magtatagal; hindi mararamdamn ng mga kasapi ng komunidad na pag-aari nila ito, at hindi nila mararamdaman na responsibilidad nila itong panatiliing maayos. Maaaring maabot mo ang panandalian layunin ng mga politiko o manunulat na magbigay ng latrine para sa komunidad, ngunit hindi mo naisagawang abutin ang pangmatagalang layunin ng mobiliser na palakasin ang komunidad.

Kapag hindi ito naisagawa ng tama, hindi na ito dapat gawin. Ang "probisyon" na paraan ay humihina Nakakatulong ang komunidad sa nakakapanghina sa lipunan na "Pagtangkilik".

Kapag handa na komunidad (malawak na ang kaalaman, umangat ang pagsasama-sama, mas tumpak na ang impormasyon, napili na ang kinakailangang aksyon), pwede ng gawin ang aksyon. Ipapakita ang iyong gawain sa susunod na gabay.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsisimula