Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAG-ANGAT NG KAMALAYANNang hindi inaangat ang Pag-asani Phil Bartle, PhDisinalin ni Jamie BibitGabay sa pagsasanayGumamit ng aktibong paraan para sa maling palagaysubtitle Matapos ang paghahanda ng sarili at kumuha ng paghuhusay mula sa authoridad, napapanahon ng hikayatin ang komunidad para kumilos action. Kailangan magsimula ng pampublikong pagtatagpo ng lahat ng kasapi ng komunidad. Dito nagsisimula ang hakbang ng "pag-angat ng kamalayan" Maari mong makita na may ibang tao na gustong sumali sa miting. Marahil puro mga kalalakihan ang pupunta at maaring ipalagay na hindi pupunta ang mga kababaihan. Gawin mong mahikayat ang kababaihan na makisama. Katulad din ng mga ibang tao na nangangailangan ng panghikayat: mga kabataan, mga may kapansanan, mga pangkat-etniko, mga mahiyain, mga relihiyoso, mga hindi makabasa't makasulat, mga mahihirap at mga marhinalisado. Tuwing pinag-uusapan ang mga problema sa komunidad, at tinatanong kung ano ang kanilang pinakakritikal na problema, maaaring akalain nila na masolusyonan mo ang mga iyon. Kailangan mong baguhin ang ganitong akala at maipaliwanag mo sa kanila na sila ang kailangang gumawa ng paraan para maisaayos ang kanilang problema; maaari mo lang silang gabayan, pero hindi ikaw mismo ang gagawa. Katulad nito, maaari din nilang akalain na kaya mong magbigay ng mga pagkukuhanan ng tulong. Mabilis dapat mapalaganap ang ganitong akala, kailangan nilang malaman na sila ang dapat gumawa ng paraan para magkaroon ng mga pagkukuhanan ng mga kanilang pangangailangan. Matututunan mong gumamit ng mga kwento, salawikain at analogo para maipaliwanag mo ito ng husto. Isang halimbawa ay: "Wag humingi sa baka ng itlog; wag humingi sa manok ng gatas." Ikaw ay nakatakda na magbigay ng pagsasanay sa pangangasiwa at panghihikayat; hindi ka nakatakdang magbigay ng pera, tubo o kahit mga materyales management training. Hindi mo dapat asahan ang mga tao na umiwas sa pagpapalagay. Gagawin parin nila iyon. Kailangan mong maging aktibo at baguhin ang mga palagay na ito sa publiko dahil baka mali ang paraan ng pahikayat mo ang pag-angat ng kanilang pag-asa (na ikaw ang magbibigay lahat ng pangangailangan). Kung hindi, maiinis ka lamang sa huli at hindi mo na mababalik ang mga nangyari na. Sasabihin ng mga tao na nangako kang bibigyan mo sila ng tulong pero hindi mo natupad ang iyong pangako. Kaya kung gusto mong i-angat ang iyong kamalayan , sa anong kamalayan? awareness Alalahanin mo na ang mga layunin mo ay iba sa layunin ng komunidad. Maaaring gusto nila ng tubig, klinik, paaralan o kalye. Gusto mo na lumakas at maging independente ang komunidad, pakontiin ang mga naghihirap at dagdagan ng balanse sa kasarian, pagbutihin ang pamamahala. Ang kamalayan na nais mong iangat, kahit gaano man kahirap ang komunidad, ay meron parin itong pag-asa na ma isaayos ang mga problema at mapatibay ito ng husto. Kailangan lamang nito ay ang kagustuhan ng kalooban, at pagsasanay sa pangangasiwa na maaari mo namang maibigay. Pagbigay ng wastong impormasyon ay mahalaga (umiwas sa maling pag-angat ng pag-asa). ––»«––Isa uling modyul ay naka-antala sa pagtaas ng kamalayan, kung saan ang layunin ng mga kalahok sa pag-angat ng kamalayan. Hanapin ang mobilisasyon para sa adbokasiya. See Mobilizing for Advocacy. © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsisimula |