Mga Salin
Ibang mga Pahina:
Mga
Nilalaman
Mga
Nilalaman
|
Pamamaraan
Tungo sa Pagninilay-nilay
na Pulong
isinalin
ni Analiza Liezl Perez-Amurao
Mga
Gabay
Isang
pamamaraan tungo sa pagpapalawak ng kakayahang pangkomunidad
Ang
mga gabay na ito ay makakatulong para iyong magabayan ang isang grupo tungo sa isahang
pagpapasya. Ang pamamaraang ito ay maaaring gamitin sa mga pangkomunidad na pagpupulong,
pagpupulong na ehekutibo ng isang pangkomunidad na samahan, ng mga pinuno ng isang
NGO, ng mga pampamahalaang sangay o sa isang pulong ng ahensya ng pamamalakad ng
UN, na kasasangkutan ng lima hanggang dalawang daang kalahok.
Sa
ganang iyong kakailanganin ang mabubuting katangian para manguna sa pagpupulong,
at kinakailangan na ikaw ay mahigpit sa pagpapatupad ng pamamaraan at mga panuntunan
na kailangang sundin (halimbawa, hindi tatanggapin ang anumang pagpupuna or usapang
ngasngas), iyo ring sisiguraduhin na ang mga kapasyahan ay iyong galing sa grupo,
hindi iyong mga pansariling kaisipan. Sa ganang ito, ikaw rin ay inaasahang maging
taga-gabay para ang grupo ay makagawa ng isang malikhaing pang-grupong pagpapasya.
Ang
Layunin ng Pagninilay
Ang
layunin ng pagninilay-nilay na pulong ay para gabayan ang isang grupo na bigyang
kahulugan ang isang suliranin, susugin, sa pamamagitan ng pakikisalamuha para makapagbigay-lunas,
ang anumang pinakamagaling na pang-grupong kapasyahan para makagawa ng isang panukalain
at malunasan ito.
Mga
Pangangailangan
- Isang
Suliraning Kailangang Bigyang Lunas
- Isang
grupong merong kakayahang gumawa bilang isang nagkakaisang samahan. Ito ay epektibo
sa isang maliit na namamalakad o nagsasagawang pangkat na binubuo ng lima hanggang
sampung tao (halimbawa, mga taga-sanay, field workers, isang unyon), maaari ding
kasinglaki ng isang nayon na binubuo na ng ilang daang tao.
- Isang
malapad na pisara, malalaking piraso ng papel, o anumang bagay na madaling makita
ng lahat, at ilang malalaking pansulat; at
- Isang
taga-panguna (ikaw). Sinuman na ang pangunahing gawain ay mangalap ng mga suhestiyon
galing sa mga kalahok, hindi para ipagpilitan ang sarili niyang opinyon, habang kanyang
ginagamit ang kanyang kakayahan para manguna sa pagpapatupad ng kaayusan at layunin
ng pagpupulong.
Mga
Panuntunan
- Ang
taga-panguna ay ang siyang naggagabay sa bawat pagpupulong
- Ang
taga-panguna ay mangangalap ng suhestiyon sa mga kalahok
- Ang
anumang pagbibigay-puna (tungkol sa kung kanino mang suhestiyon) ay hindi tatanggapin;
at
- Ang
lahat ng mga suhestiyon ay kailangang isulat sa pisara (kahit pa ang mga may kapalaluan).
Ang
Pamamaraan:
- Bigyang
kahulugan ang suliranin:
- Mangalap
ng mga suhestiyon tungkol sa kung ano ang pinakamahalagang suliranin;
- Ang
anumang pagbibigay-puna (tungkol sa kung kanino mang suhestiyon) ay hindi tatanggapin;
- Isulat
ang lahat ng mga iminungkahing suliranin sa pisara;
- Pagpangkatin
ang mga suliranin na magkakapareho o magkaka-ugnay; pagkatapos
- Ayusin
at isulat ang mga ito ayon sa pangangailangan (ang pinakamahalaga sa itaas).
- Pagpasyahan
ang layunin:
- Baliktarin
ang kahulugan ng suliranin (ang kasagutan dito);
- Ang
kasagutan sa suliraning bingyang-kahulugan ay ang layunin;
- Bigyang
kahulugan ang layunin bilang sagot sa suliranin;
- Isulat
ang layunin sa pisara; pagkatapos
- Palalahanan
ang grupo na ang layunin ay siyang kanilang pinili.
- Bigyang
kahulugan ang adhikain:
-
- Ipaliwanag
ang pagkakaiba ng layunin at adhikain;
- Kailangang
alam ito ng taga-panguna: (Susugin sa SMART;
ang adhikain ay nasusukat, may hangganan ay may layunin).
- Hilingin
sa grupo na magmungkahi ng adhikain;
- Isulat
lahat ng iminungkahing adhikain sa pisara;
- Ang
anumang pagbibigay-puna (tungkol sa kung kanino mang suhestiyon) ay hindi tatanggapin;
- Pagpangkatin
ang mga adhikain na magkakapareho o magkaka-ugnay
- Ayusin
at isulat ang mga ito ayon sa pangangailangan (ang pinakamahalaga sa itaas); pagkatapos
- Palalahanan
ang grupo na ang kanilang iminungkahi ay ang mga pinakamahalagang adhikain.
- Mangilanlan
ng mga pagkukunan at mga posibleng hadlang:
- Hilingin
sa grupo na magmungkahi ng pagkukunan at mga hadlang;
- Isulat
lahat ng mga iminungkahing pagkukunan at hadlang sa pisara;
- Ang
anumang pagbibigay-puna (tungkol sa kung kanino mang suhestiyon) ay hindi tatanggapin;
- Pagpangkatin
ang mga adhikain na magkakapareho o magkaka-ugnay.
- Ayusin
at isulat ang mga ito ayon sa pangangailangan (ang pinakamahalaga sa itaas); pagkatapos.
- Palalahanan
ang grupo na sila, hindi ikaw, ang gumawa ng listahan;
- Pagpangkatin
ang mga hadlang na magkakapareho o magkaka-ugnay.
- Ayusin
at isulat ang mga ito ayon sa pangangailangan (ang pinakamahalaga sa itaas); pagkatapos
- Palalahanan
ang grupo na sila ang gumawa ng listahan.
- Mangilanlan
ng pamamaraang gagamitin:
- Hilingin
sa grupo na magmungkahi ng mga pamamaraan;
- Isulat
lahat ng mga suhestiyon sa pisara;
- Ang
anumang pagbibigay-puna (tungkol sa kung kanino mang suhestiyon) ay hindi tatanggapin;
- Pagpangkatin
ang mga pamamaraan na magkakapareho o magkaka-ugnay.
- Ayusin
at isulat ang mga ito ayon sa pangangailangan (ang pinakamahalaga sa itaas); pagkatapos
- Palalahanan
ang grupo na sila, hindi ikaw, ang gumawa ng listahan;
- Piliin
ang pamamaraan na nasa pinakauna sa listahan.
- Sumahin
sa pisara ang napagpasyahan ng grupo:
- ang
suliranin;
- ang
layunin;
- ang
mga adhikain;
- ang
mga pagkukunan;
- ang
mga hadlang; at
- ang
pamamaraan;
Ipaalam
sa grupo na sila ay nakapagbuo na ng isang Plano ng Pagkilos. Kung isusulat ang anumang
napagpasyahan sa bawat kategoryang nabanggit, isasaad ng mga ito anumang saysay meron
ang isang pamplanong dokumento sukat. Ipaalam sa kanila na sila ay nakapagbuo nito
bilang isang grupo, at ito ay kanilang "pag-aari."
Katapusan:
Ito
ay simple ngunit hindi ibig sabihin na ito ay madali. Napapaganda ito sa pamamagitan
ng pagsasanay. Maaari mong ilahok ang ibang yugto nito sa pagsasabuhay, pang-grupong
laro, at ibang mga pamamaraang pang-grupo. Maaari mo ring subukang gawin ito gamit
ang iba't ibang istilo.
Nawa'y
maging matagumpay ang inyong pagkilos!
––»«––
Ang
mga kapasyahan sa mga halibawang ipinakita dito ay hango sa apat
na susing katanungan ukol
sa pamamalakad. Kapag pinagsama-sama, ang mga kasagutan sa tanong ay siyang nagbibigay
saysay sa disenyo
ng proyekto.
Bilang alternatibo, ang SWOT ay
isang pulong na maaaring gamitin sa mas malaking grupo.
Isang Pagninilay-nilay na Pulong:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 30.04.2011
|