Pangunahing Pahina
 Pagsasanay sa Pamamahala




pagsalin nang mga salita

Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
Română
Русский
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

mga laman

mga laman

mga laman

mga laman

MGA BABASAHIN SA PAGSASANAY SA PAMAMAHALA

ni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiya

isinalin ni Gerasmo G. Pono


Para kay Gert Lüdeking

Mga dapat Tandaan nang Tagasanay

Paggamit nang Pagsasanay bilang pamamaraan sa pagbibigay nang kakayahan

Panimula:

Pagsasanay sa Pamamahala (PP) sa paksang ito ay may ibang kahulugan; ito ay pamamaraan sa pagpapaunlad nang kakayahan. Para sa iyo bilang isang tagasanay upang gamitin ito, dapat alam mo ang pagkakaiba sa paksang ito.

Kahit ito ay tinatawag na "Pagsasanay" - ito ay may ibang kahulugan kung ihambing sa ibang nakasanayang layunin nang pagsasanay na paglipat nang kakayahan. Ito ay ginamit bilang pamamaraan sa pagbuo nang grupo at pagpapaunlad nang kakayahan nito. Ang kaibahan ay ibinigay dito at itinuturo sa ibang paksa nang dokumentong ito.

Samantalang maari mong magamit ang PP upang palakasin ang kakayahan nang mga grupo, ito ay mas lalong gumaling kung haloan nang pagbuo at pagpapakilos na kadalasan tinatawag nating "Pagpapaunlad nang Pamayanan".

Ang pinakagitna sa PP ay makita sa apat na tanong, na ipinakita dito at palaging lalabas sa mga dokumentong dito. Bilang isang tagasanay, ay dapat alamin mong mabuti ang apat na tanong na ito at makilala mo sa gitna nang mga gawain sa pagplano at pamamahala.

Samantalang ang pagsasanay ay kadalasan gumamit nang pamamaraan tulad nang pagtuturo, palabas, paggamit nang makita at maririnig na mga paksa at pagasadula, sa pamamaraang ito ang sinasanay ay makinig at manood lang at di makapagsabi tungkol sa mga itinuturo; sila ay inaasahang intindihin ang mga kaalaman na ibinigay nang tagasanay.

Ang "Pamamaraan na ang mga sinasanay ay makapagsabi ukol sa mga paksang ibinigay nang tagasanay", sa kabilang dako, ay isang pamamaraan na ang sinasanay ay di lang tagatanggap nang mga kaalaman at kakayahan; sila ay mga kasali at tagagawa nang pasiya ukol sa kanilang sarili sa pamamaraan nang pagsusuri nang kanilang ginagawa, at pagkilala sa mga kailangang pagbabago sa kanilang sariling grupo upang makamit ang kanilang gigawang mga pakay na nais maabot.

Ang Anim na Layunin:

Balikan ang Anim na Layunin sa PP:
  • pagtaas nang kamulatan (mayrong problema);
  • Pagbbibigay nang kaalaman (ngunit mayrong lunas);
  • Pagkilala nang mga kakayahan (Paano lutasin ang problema);
  • pagsuporta (gawin mo, kaya mo yan); at ang pinakamahalaga,
  • pagbuo (matatag at mabisang grupo) at
  • pagpapakilos (pagpapatupad nang mga gawain).

Ang mga tao ay dadalo sa inyong pagsasanay dahil sa maraming bagay. Tulad nang: nais mangusisa, pera, upang maaliw, konting kaibahan sa nakasanayag ginagawa. Ang karamihan upang makakuha nang bagong kaalaman at kakayahan. Ito ay mahalaga na sa umpisa nang pagsasanay ay ilista ang lahat na mga bagay na nakaakit sa kanila pagdalo at tanungin kung ano ang kanilang inaasahan mangyayari pagkatapos nang programa.

At puntahan ang inyong talaan ginamit ang pisara, na nakalista ang anim na layunin. Makita din nila ito sa mga babasahin, sa ganitong trabaho ang pagsabi sa mga bagay sa ibat ibang pamamaraan ay mahalaga. Turoan ninyo sila na ang panghuling dalawang bagay ang pinakamahalaga sa pagsasanay na ito, ngunit hindi ikaw ang gagawa sa pagbuo at pagpapakilos nang pamayanan; sila ang dapat gagawa nito. Igiit mo na ang inyong papel ay ang pagbigay lang nang mga tanong, ngunit sila ang gagawa nang mga pasiya bilang isang grupo. (Balikan ang mga babasahin nang tagasanay. sa pagbibigayan nang mga kaalaman na sesyon).

Ang punto dito ay ganito, ang karaniwang kahulugan nang "pagsasanay " ay paglipat nang kakayahan, ngunit sa pagsasanay na ito ang pakay ay lampas pa sa mga bagay na iyon.

Ang ibang dalawang dokumento ay naglakip nang dalawang mahalagang pakay sa pagsasanay natin;Pagsasanay sa Pagbuo nang Samahan,"at"Pagsasanay pasa sa Pagpapakilos."

Pagpapaunlad nang Kakayahan:

Maraming tao ang nag aakala na ang pagpapaunlad nang kakayahan (na tinatawag noong una sa "pagbibigay kakayahan") ay nangangahulugan lang na pagsasanay, at ang pagsasanay ay ibig sabihin paglipat nang kakayahan. Sa pamamaraang ito labing anim na elemento nang kakayahan ang nakilala. Tingnan"Pagsukat nang mga Nagawa".Ito ay naglakip nang paglipat nang kakayahan, at nang labing limang mga elemento. Ang isang mahalagang elemento ay ang gaano ka tatag ang grupo na nabuo. Gaano ito ka bisa sa paggawa nang mga pasiya at pagpapatupad nang mga gawain upang makamit ang kanilang mga pakay. Ang paglipat nang kakayahan ay hindi tinanggal sa pamamaraang ito, ngunit ang ibang mahalagang elemento ay idinagdag.

ang iyong papel bilang isang tagasanay ay tulungan ang mga sinasanay upang bumuo nang grupo. Pag sila ay binuo nang ibat ibang tao at hindi organisado, ito ang umpisa sa kanilang pagbuo. Ang iyong papel ay tulad nang nagpapakilos nang samahan nang mga manggagawa.

Siguraduhing wala kang posisyon na hawakan sa kanilang grupo, na sila bilang grupo ay bumuo nang samahan, at maglagay nang ibat ibang papel, mga gawain, at mga posisyon sa ibat ibang tao doon sa samahan. Igiit mo na sila ang dapat gumawa nang pasiya at hindi ikaw, na ikaw ay nandoon lang upang sila ay makabuo nang sariling pasiya.

Pag sila ay buo na at may sariling gambalay at pamamaraan, ipaliwanag sa kanila ang tatlo sa apat na mga tanong at hamonin ninyo sila na gumawa nang pangkalahatang pasiya upang magpapatupad nang mga gawain upang makamit ang kanilang mga pakay.

Ang pagsasanay nang pamamahala dito ay ginagamit upang isaayos ang grupo sa pagbuo nang isang malakas at matatag na samahan.

Pagpapakilos nang Pamayanan:

Ang Pagsasanay sa Pamamahala sa pamamaraang ito ay naglakip nang pagpapakilos. Ito ay maaring pagpapakilos nang grupo, samahan o pamayanan.

Kung gamitin doon sa pamayanan, ito ay dapat ihalo sa karaniwang pamamaraan sa pagpapaunlad nang pamayanan, ang hakbang nang pagpapakilos.

Samantalang ang pagpapakilos nang pamayanan ay kadalasan makikita sa mga pamayanan na maliliit at buo, ito ay mahirap gamitin sa mga lunsod, na nagkaroon nang malalaking pamayanan, tulad nang mga eskuwater na lugar nagsululputan sa buong mundo. Sa pamamagitan nang paggamit nang pagsasanay sa pamamahala na pamamaraan , ang ganitong kaibahan sa makabagong pagpapakilos nang pamayanan ay malunasan.

Kung ang pakay na grupo (kasapi, kliyente) ay mga samahan (Pribadong Grupo, grupo na nakabasi nang pamayanan, pribadong kalakal, ahensiya nang pamahalaan, ahensiya nang nagkaisang mga bansa), siyempre kahit mayrong pagpapakilos sa pamamagitan nang pagsasanay sa pamamahala, ito ay hindi pagpapakilos nang pamayanan.

Ang apat na mahalagang tanong:

Bago simulan ang inyong pagsasanay sa pamamahala, isiping mabuti ang apat na tanong.

Ang apat na tanong ay: 1) Ano ang gusto natin? 2) Ano ang nasa atin? 3) Paano natin gamitin gamitin ang nasa atin upang makamit ang ating gusto? 4) Ano ang mangyayari kung gawin natin ito? Ito ay palaging inuulit sa dokumentong ito.

Tandaan na nag apat na tanong ay bumuo nang isang sunod sunod na hakbang. Ang unang tanong ay nagsabi ukol sa pagkilala sa pinakamahalagang problema. Siguraduhin na mayrong pagkakaisa sa inyong mga sinasanay sa pagpili nang pinakamahalagang problema na hinaharap nang grupo. Siguraduhin na ang kanilang gusto ay hindi ang sinusuportahan lang nang iilang mga tao, ngunit dapat kagustuhan nang lahat.

Ang dapat gawin sa pinaka problema ay ang tinatawag na "pakay", o ang sagot sa tanong na una (ano ang gusto natin). Ang sagot sa pangalawang tanong ay ang pagsusuri nang katayuan at siguraduhin na ang mga pag-aari at mga babayaran ay kalakip. Pangatlong tanong, "Paano?, ay ang tanong na patungo sa pagplano at pagbuo nang mga hakbang sa pagkamit nang mga pakay nang grupo. Ang sagot sa pang apat na tanong ay ang inaasahan na mangyayari.

Samantalang di makita nang inyong sinasanay, sapagkat sila ay gumawa nang sagot, na dapat mong intindihin, dapat pagkatapos nilang sumagot nito ay ipakita sa kanila na ang sagot sa apat na tanong ay bumuo nang isang magkasunod na mga bahagi na maging laman sa pagbalangkas nang isang proyekto.

Pagtuturo:

Ito ay mahalaga na huwag mo silang turuan kung ano ang dapat gagawin at ano ang sagot sa kanilang mga problema.

Tulungan mo sila na gagawa nang mga sagot; ito ay mahalaga na sila ang kumilala nito, kalakip ang pagsagot sa apat na tanong, kalakip ang pagbuo at pagbuong muli sa samahan, na mahalaga para sa kanila upang silay maging malakas at mabisa. Ang inyong tulong ay mahalaga sa pamamaraan nang pagbibigay nang mga tanong, at hayaan silang bumuo nang mga sagot.

Huwag kang magdalawang isip sa pagsagot nang kanilang mga tanong, ngunit dapat ay handa ka sa dapat nilang patutunguhan, at tanungin ninyo sila sa pamamaraan na papunta sila doon. Hamonin ninyo sila na panindigan ang kanilang mga sagot, at huwag gumawa nang pasiya para sa kanila.

Kung ang mga elemento ay hindi makita sa kanilang mga sagot, pagsabihan ninyo sila na mayrong mga bagay na hindi naisali, at tulungan mo sila na humanap nang paraan upang makita ito. Gamitin ang tamang pamamaraan upang mahikayat ang mga sinasanay sa paggawa nang mga pasiya.

Samantalang ito ay magkapereho sa PSS na pamamaraan, ito ay partisipatori na pagpapakilos, at hindi partisipatori na pagsasaliksik at pagsusuri; ito ay turo, paghihikayat, pagsuporta, at gabay sa pagsali sa paggawa nang mga pasiya bilang isang grupo.

Panghuli:

May tatlong mga dokumento sa dakong ito na magbigay sa iyo nang mga kaalaman ukol sa pagsasanay sa pamamahala upang magamit sa pagbibigay kakayahan nang pamayanan o samahan.

Ito ay ang: Pangatlong Kabanata sa Pagsasanay sa Katatagan,Pagsasanay sa Pamamahala sa Pagbibigay Kakayahan nang Pamayanan," Ang Pangalawang Dokumento sa CMP sa Pamamaraan,"Ang mga Pamamaraan Ginawa nang Buo," at ang Pangatlong Dokumento sa CMP na Pamamaraan."Mga Pamamaraan Ipinaliwanag nang Buo."

Kung gusto mong gawin ang PP sa mabisang pamamaraan, ay dapat alamin mong mabuti ang mga prinsipyo at mga paraan na ipinaliwanag sa mga dokumentong iyon.

––»«––

Pagsasanay sa Pamamahala (Mga Gawain)


Pagsasanay


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 2009.08.14


 Pangunahing pahina

 Pagsasanay sa Pamamahala