Tweet Mga Pagsasalin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGHAHANDA SA ISANG TAGAPAGPAKILOSGabay para sa Isang Tagapagsanaysinulat ni Phil BartleIsinalin ni Maureen GenetianoMga Sulatin ng Isang TagapagsanayAng paggamit sa modulong ito bilang materyal para sa pagsasanaySino ang maaaring maging Aktibista ng Komunidad? Hindi lahat ng tao ay maaaring maging isang mabuting tagapagpakilos ng isang komunidad. Huwag kaagad ipagpalagay na ang pagsasanay o edukasyon sa mga kaugnay na disiplina o kurso ay kaagad na magpapakita na ang isang tao ay nababagay o maaaring makapag-trabaho sa mga komunidad. Ang isang sertipiko o diploma sa gawaing panlipunan o kaugnay na mga kurso, ay hindi nagbibigay ng katiyakan na ang isang tao ay magiging epektibo sa pagpapalakas ng mga mahihirap na komunidad. Ang mga inhinyero, tapos sa mga kursong komersiyo o siyensiya, mga taong nakapag-isang taon lamang sa elementarya, ay pawang naging mga tagapagpakilos sa komunidad, nang may mabuting kinalabasan. Hangga't maaari, ang pagiging isang tagapagpakilos ng komunidad ay isang proseso ng pansariling pagpipili. Kapag ikaw ay nagsasanay ng mga maaaring maging tagapagpakilos, gawin mo ang iyong programa kung saan mapapadali para sa iyong mga sinasanay ang pagpili ng kahit anong paraan. Ang modulong ito ng paghahanda ay mayroong mga materyales na maaari mong gamitin upang masanay ang mga maaaring maging tagapagpakilos sa mga katangian ng kanilang mga gawain, ang mga personal na katangian at kaugalian na kanilang kakailanganin, at ang pagsasanay na kanilang kakaharapin. Gamitin mo ito upang gumawa ng isang kapaligiran kung saan makakagawa sila ng desisyon kung nararapat ba na magpatuloy sila sa pagsasanay. Ang Panimulang Materyales sa Pagsasanay: Ang unang limang modulo sa website na ito, at sa pagsasanay na ito, ay nagpapaloob ng maiikling mga manwal, karapat-dapat na gamitin para sa mga pagsasanay, at nararapat na talakayin at intindihin ng paunti-unti at dahan-dahan. Ang mga ito ay naka-base sa laman ng unang aklat, kung saan tinatalakay ang kabuuan nito sa ibang parte sa website na ito (Aklat ng Isang Tagapagpakilos). Ang mga ito ay pinutul-putol sa maiikling bahagi upang magamit ng hiwa-hiwalay para sa mga talakayan ng pagsasanay. Maaari mong payuhan ang mga estudyante na tingnan ang nasabing aklat kung nais nilang pag-aralan ang isang mas mahabang dokumento na kung saan magkakasama-sama ang mga materyales dito. Ang mga susunod na modulo ay nagpapaloob ng mga mas mahahabang dokumento at mas malawak na mga kaalaman. Ang bawat manwal ay maaaring gamitin sa isang apatnapung-minutong talakayan (gamit ang parehong pangalan para sa talakayan) sa isang panimulang pagsasanay. Maaari mong gamitin ang mga pamagat sa iyong pagpa-plano ng isang pagsasanay. Sa iyong pagsimula ng pag-kumpleto ng listahan sa Mapa ng Lugar, maaari mong ilista ang iyong mga talakayan sa pagsasanay sa parehong pagkakasunud-sunod ng unang limang modulo, o kaya naman isaayos sila batay sa iyong pangangailangan at gayundin ng iyong mga sinasanay. Maaari mong kopyahin ang bawat manwal, o ang isang pangkat nito, para magamit at maipakita sa pamamagitan ng isang projector,magagamit din ito sa pakikipagtalakayan at pakikilahok. Nasa iyo kung papaano mo gagamitin ang mga materyales na ito. Minumungkahi namin na ang bawat talakayan ay may nakapaloob na mga "paggawa"ng mga sinasanay, at kakaunti lamang mga mga panayam at mga presentasyon ng iisang tao. Maaari kang mag-isip at mag-imbento ng maraming mga gawain sa bawat sesyon para sa mga sinasanay, at ang pagtanda at pagsulat mo tungkol sa mga ito sa iyong kuwaderno ay makakatulong sa mga susunod pang mga sesyon ng pagsasanay. Ano ang maaari mong gawin, at paano? Magkakaugnay na mga Dokumento sa Ibang Modulo:: Ang dalawang dokumento na matatagpuan sa ibang mga modulo ay maaaring magamit kung nais mong isama ito sa mga matatagpuan mo dito. Sa "Siklo ng Mobilisasyon o Pagpapakilos" na modulo, ang dokumento sa "Ang Isang Tagpagpakilos" ay tiyak na magagamit dito. It ay maaaring hatiin sa dalawang manwal, ang isa ay magsisilbing listahan ng mga personal na katangian o kaugalian na kakailanganin, sinulat bilang listahan ng isang sinasanay kung saan makikita nito at maitatanong sa kanyang sarili kung mayroon siyang ganitong mga katangian at kaugalian Ang isa naman ay pinasimpleng listahan ng mga gawain na kinakailangan sundin ng isang tagapagpakilos sa komunidad. Ang isa o kahit ang dalawa ay maaaring gamitin bilang isang manwal para dito sa "Ang Paghahanda" na sesyon. Sa "Pamamahala ng Isang Mobilisasyon" na modulo, ang dokumentong "Deskripsiyon ng Gawain" ay nagpapakita ng mas detalyadong paglalarawan ng mga katangiang mga kakailanganin pati na ang mga gawain at responsibilidad na inaasahan. Ang nasabing modulo, at ang "Pakikilahok na Pamamahala" ay parehong nagbibigay ng proposisyon na ang relasyon ng isang tagapamahala at ng isang tagapagpakilos ay nararapat na maging isang samahan, at silang dalawa mismo ang dapat gumawa ng deskripsiyon ng gawain ng isang tagapagpakilos. (Subalit hindi lahat ng tagapagpakilos ay nakakatagpo sa isang gawain na kung saan ang isang tagapamahala ay gumagamit ng pakikilahok na pamamahala ─ ang dalawang nasabing mga modulo ay nagsusulong nito). Kung ang mga sinasanay ay naghahanap pa ng mga karagdagang mga detalye mula sa mga manwal ng "Ang Paghahanda," ang manwal para sa Deskripsiyon ng Gawain ay mas nararapat na pagkunan nito. Mga Paraan para sa Pagsasanay: Mayroong isang buong modulo dito na nakalaan sa pagpapakita ng iba't ibang mga paraan sa pagsasanay na maaari mong mahanap kung gagamitin mo ang materyal na ito para sa pagsasanay (Mga Paraan para sa Pagsasanay). Kung ikaw ay naghahanda na para sa pagsisimula ng mga pagsasanay na may kaugnayan sa mga paksa tulad ng "Ang Paghahanda," basahin ang "Mga Paraan para sa Pagsasanay" na modulo na magsisilbing gabay kung paano ka makakagawa ng isang programa para sa pagsasanay. Sa buong website kasama na ang mga programa para sa pagsasanay na nakapaloob dito, ang idinidiin ay tungkol sa"pagkatuto sa pamamagitan ng paggawa." Lahat tayo ay may pagkakaiba kung paano matuto, sa bilis ng pagkatuto, at maaari ring mas matuto tayo sa isang paraan kaysa sa iba. Ngunit sa kabuuan, mas natututo tayo at nakakapagtanda, lalo na sa mga kaalaman, sa pamamagitan ng paggawa kaysa pakikinig o panonood lamang. Minumungkahi namin sa iyo na iwasan ang paghahanap ng ortodoksong paraan ng pagsasanay, at gamitin ang iyong sariling pagsusulong at pagiging malikhain upang makagawa ng iyong sarling pagsasanay, na naaayon sa mga pangangailangan at mga kondisyon ng mga sinasanay at ng mismong lokal na kapaligiran. Kapag ikaw ay nagpapatakbo na ng isang programa para sa pagsasanay, minumungkahi sa iyo na sulatan mo kami at makipagtalakayan tungkol sa iyong mga obserbasyon at mga ideya. Kung mayroon kang mga suhestiyon, maaaring makagawa tayo ng panibagong mga materyales tungkol sa paksang ito. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Preparasyon |