Tweet Mga Pagsasalin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
ALAMIN ANG MGA BASIKONG KONSEPTOMga Prinsipyo at Dahilan sa Likod ng mga Kakayahansinulat ni Phil BartleIsinalin ni Maureen GenetianoManwal sa PagsasanayAng mga konsepto at mga prinsipyo na dapat maintindihan ng isang tagapagpakilosAno ang Kaunlaran? Pagpapaunlad ng Komunidad? Pakikilahok ng Komunidad? Kahirapan? Komunidad? Pagsasakapangyarihan? Kalinawan? Pagpapatuloy? (Ang mga salitang ito ay natatalakay sa "Mga Mahalagang Salita.") Upang maging isang matagumpay na tagapagpakilos, kailangan mo ng kaalaman at kakayahang-teknikal sa pakikipagtalastasan at pakikisalamuha sa mga tao gayundin ng pagbubuo at pagsasaayos ng mga pangkat para sa isang pagkilos. Kailangan mong malaman kung bakit kailangang gamitin ang mga nasabing kaalaman. Kailangan mong malaman ang mga prinsipyo nito. Kung ang iyong pinupuntirya ay isang komunidad, nararapat mong alamin ang mga konseptong pangsosyolohiya tungkol sa mga katangian ng mga komunidad pati na ang katangian ng pagbabago ng isang lipunan (kasama na ang pag-unlad) ng mga komunidad. Ito ay nangangahulugang kakailanganin mo ng kaalaman tungkol sa panlipunang organisasyon, mga bagay tungkol sa sosyolohiya, antropolohiya, ekonomiya, pulitika at mga puwersa at mga proseso na napapaloob sa mga nasabing dispilina. (Hanapin sa "Kultura.") Sa ngayon, hindi kinakailangan na tapos ka ng kurso sa unibersidad ngunit kailangang turuan mo ang iyong sarili tungkol sa mga prinsipyo at kaalaman ng mga nasabing paksa. Kung nais mong palakasin (bigyan ng kapangyarihan) ang isang mahirap na komunidad, dapat mong alamin at maintindihan ang kaaway, at ito ay ang ugaling pala-asa o pananangan. (Hanapin sa: "Pag-asa o Pananangan"). Kung ang hangad mo ay tanggalin o alisin ang kahirapan, kailangan mong alamin hindi lang ang mga sintomas at resulta ng kahirapan. Kailangan mo ring alamin ang ugat at mga dahilan ng kahirapan, upang masuportahan mo at maisulong ang mga pagbabago na siyang kokontra sa mga nasabing kadahilanan. Kailangan mong makita na ang pagpapagaan ng kahirapan ay pansamantala lamang itong nagbabawas ng sakit, ngunit hindi ito nakakatulong sa tuluyang pagsupil ng kahirapan. Ang kahirapan ay hindi lamang nagpapatungkol sa kawalan ng pera, at ang pera lamang ay hindi nagtatanggal ng kahirapan. (Hanapin sa Mga Prinsipyo sa Pagpapabawas ng Kahirapan"). Kung titingnan mo sa "Mga Mahalagang Salita," mahahanap mo ang mga simpleng listahan ng mga basikong konsepto para sa isang tagapagkilos sa komunidad. Sa bawat isang paksa hindi mo mahahanap ang kahulugan nito sa diksiyunaryo; bagama't mahahanap mo ang ilang mga paksa o salita na mahalaga tungkol sa hangarin ng manwal na ito: paano maging isang tagapagpakilos. Sa mga susunod na modulo, Mga Prinsipyo sa Pagsasakapangyarihan ng Komunidad, maipapakita sa iyo ng detalyado ang mga prinsipyo na nasa likod nito, gayundin ang mga proseso at kaalaman na matatagpuan dito. Huwag mong isaulo ang mga sulatin. Isipin mo ang bawat konsepto. Sumulat ka tungkol sa mga ito sa iyong kuwaderno o talaarawan. Makipagtalakayan tungkol dito sa iyong mga katrabaho sa mga pagpupulong at pagsasanay. Sa panahon ng pagpapahinga, magbigay ka rin ng kahit kaunting oras upang pag-usapan o talakayin ang kahit isa o dalawang konsepto tungkol dito. Ang pag-aaral ng "isahan lamang," ay para ring kumakain ng, "isahan lamang." Ang pag-aaral, katulad ng pagpapaunlad ng komunidad, ay hindi dapat na matigil. Kapag tumigil ka sa pag-aaral, para ka na ring namatay. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Preparasyon |