Home Page
 Mahahalagang mga Salita
 Preparasyon


Mga Pagsasalin-wika:

'العربية
Bahasa Indonesia
বাংলা
Català
Deutsch
Ελληνικά
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Italiano
日本語
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Af Soomaali
తెలుగు
Tiếng Việt
Türkçe
Èdè Yorùbá
中文

                                       

Ibang Mga Pahina:
Mga Importanteng Salita
Mga Modyul

Socyolohiya:
Pangunahing Pahina
Nasusulat na lektyur

Ginagamit:
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link


Mga Pinakamahalagang salita na nagsisimula sa mga letra:

  A   B   D   E   G   H   I   K   L   M   N   NG   P   R   S   T   U   W   Y


MGA IMPORTANTENG SALITA SA MODULULO NG
"PAGHAHANDA"

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni May M Virola

 

GALIT

Ang pinakamapanganib na emosyon sa ating gawain ay ang galit. –– Paano ito sugpuin. Bilang mga tao, tayo ay may mga emosyon, at ang galit ay isa lamang sa mga ito. OK lang ang magalit; ito ay bahagi ng ating pagiging tao. Hindi dapat tayo ma-guilty o mahiya na tayo ay nakakaramdam ng galit. Ang galit ay normal na emosyon ng tao. Dapat nating tanggapin ito kapang tahyo ay nagagalit.

Kung paano tayo kumilos kapag tayo ay galit, gayon man, ay may epekto sa ating mga gawain, kung tayo man ay tagapagpakilos ng komunidad, taga-koordina ng mga boluntaryo, nangangasiwa ng mga manggagawa. Kung ang kliyente, boluntaryo, maggagawa o miyembro ng komunidad ay nagkamali, lalo na kung ito ay makakaapekto sa mga layunin, halimbawa, tayo ay natutuksong ipakita ang ating galit, kung kailan ito mismo ang tamang oras para ipakita na tayo ay kalmado at malamig ang ulo.

Kapag nakikita natin ang iba na nakagagawa ng mga pagkakamali na nakakaepekto sa nais nating makamit, dapat nating kilalanin na ito ay nakakapagpagalit sa atin at responsibilidad mo na kontrolin ito. Ang pinakamabisang agad gawin ay maglakad-lakad tayo. Kung walang sapat na oras, kahit papaano ay siguraduhing pumunta ka sa kabilang silid na hindi ipinapakita ang iyong galit, at hayaang mapukaw ito doon, na hindi nakikita ng , ga taong nakapagpagalit sa atin.

Pagkatapos, kapag nakontrol na ang ating galit, mas epektibo nating mahaharap ang kung ano man ang nagbungsod ng ating galit. Kung ito ay isang pagkakamali ng kliyente, boluntaryo, manggagawa o miyembro ng komunidad, maaari tayong gumawa ng aksyon gaya ng inilalarawan ng salitang, Pagkakamali. Ang aksyong ito ay magiging epektibo lamang kung tayo ay mahinahon at malamig ang ulo.

 العربيّة:غضب,    বাংলা : রাগ,    Bahasa Indonesia: kemarahan,   Català: ira,    Deutsch: wut,    Ελληνικά: Θυμός,    English: anger, ire, choler,    Español: Ira,    Euskera: Haserrea,    Filipino: galit,    Français: colère,    Galego: anoxo,    हिन्दी : क्रोध,    Italiano: collera,    日本語: 怒り,    Kiswahili: hasira,    Malay: Kemarahan,    Português: ira,    Română: furie,    Pyccкий: злость,    Srpski: bes,    Tiên Việt: sự tức giận,    తెలుగు: ఆవేశము,    Türkçe: öfke,    中文 : 怒气

 

PAGBIBIGAY-BUHAY

Minsan ay tinatawag ding pagbibigay-buhay sosyal o panlipunan, Mula sa salitang Latin anima (buhay, kaluluwa, apoy, otomatic na galaw). Pagpapasigla or pagpapakilos sa komunidad para mapagalaw ang sarili, para ito ay mabuhay, para ito luminang o umunlad.

Minsan ay ginagamit bilang kapalit ng pagpapakilos. Ang pagbibigay-buhay ay nangangahulugan ng pakiisa at pagpapakilos ng komunidad para magawa ang (bilang nagkakaisa) nais nitong gawin.

Sa Pagsasanay para sa Pamamahala ng Komunidad ay ginagamit ang pagbibigay-buhay bilang isa sa mga pamamaraan ng pagsasanay upang madagdagan ang kapasidad o kakayahan ng komunidad,

Sa Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidad ginagamit ang pagbibigay-buhay panlipunan, gamit ang mga pamamaraan ng pagsasanay sa pamamahala para madagdagan ang kapasidad o kakayahan ng komunidad, o ng mga organisasyong pangkomunidad, para magdesisyon, magplano, at mamahala ng sarili nitong kalinangan o pag-unlad. Sinasanay nito ang mga miyembro ng komunidad at mga lider sa mga pamamaraan ng pamamahala na kinakailangan para magkaroon ng kontrol ang komunidad sa sarili nitong kalinangan o pag-unlad

 العربيّة: تنشيط,    বাংলা : অনুপ্রেরণা,    Bahasa Indonesia: animasi,    Català: animació,    Deutsch: animation,    Ελληνικά: εμψυχωση,    English: animation,    Español: animación social,    Euskera: animazioa,    فارسی: فعالیت,  Filipino: pagbibigay-buhay panlipunan,    Français: animation sociale,    Galego: animación,    हिन्दी : सजीवता, एनिमेशन,    Italiano: animazione,    日本語: 活発化, 社会活発化,    Kiswahili: ramsa,    Malay: animasi,    Português: animação, animação social,    Română: animare,    Pyccкий: анимация,    Srpski: animacija,    తెలుగు: సజీవనము,   Tiên Việt: sự nhiệt tình,    Türkçe: canlandırmak,    中文 : 激励


 

NAGBIBIGAY-BUHAY

Tagapagpakilos. Tignan: Pagbibigay-Buhay.

العربيّة: العربية,   বাংলা: অনুপ্রেরক,   Bahasa Indonesia: animator,    Català: animador,   Deutch: animator,   Ελληνικά: ζωοδότης, κινητοποιητής,   English: animator,mobilizer, activist,   Español: activista,   Euskera: animatzailea,   Ewe: eni ti o ni iwara papa,  Filipino/Tagalog: tagapagpakilos  Français: mobilisateur, animateur,   Galego: animador,   Italiano: animatore,   日本語: 訓練士,   Kiswahili: ramsisha,   Malay: penganimasi,   Português: animador,   Română: animator,   తెలుగు: సజీవనము కలిగించే వాడు,   Tiên Việt: người nhiệt tình,   Türkçe: canlandırıcı,   中文 (Zhōngwén): 激励者


 

PAGSASAWALANG BAHALA

Ang pagsasawalang bahala ay isa sa mga limang pangunahing salik ng kahirapan at pagtangkilik.

Minsan ito ay may relasyon sa pilosopiya ng ¨BAHALA NA¨. "Magdasal sa Diyos, pero dapat magsagwan patungo sa dalampasigan," isang kasabihang Ruso (Russian), ipinapakita nito na tayo ay nasa kamay ng Diyos, subalit mayroon din tayong responsibilidad na tulungan ang ating sarili.

Tayo ay nilikha ng may maraming kakayahan: para pumili, para makiisa, para magtatag upang mapabuti ang kalidad ng ating buhay; hindi dapat gamiting rason (reason) ang Diyos o si Allah sa hindi natin pagkilos.

العربيّة: العربيّة,    বাংলা : উদাসীনতা,    Bahasa Indonesia: apatis,    Català: apatia,    Deutsch: Apathie,    Ελληνικά: απαθεια,    English: apathy,    Español: apatía,    Euskera: apatia,    Ewe: aiko ibi ara si nkan,   Filipino: pagsasawalang bahala,    Français: apathie,    Galego: apatía,    हिन्दी : बेपरवाही,    Italiano: apatia,    日本語: 無関心,    Kiswahili: usugu,    Malay: apati,    Português: apatia,    Română: apatie,    Pyccкий: апатия,    Somali: naceyb,    Srpski: ravnodušnost,    বাংলা: উদাসীনতা,   Tiên Việt: sự thờ ơ,    Türkçe: duyarsizlık,    中文 : 态度冷淡


 

KAKAYAHAN

Ang abilidad, kapangyarihan o lakas ng komunidad o ng organisasyon (samahan o kapisanan).

 العربيّة: قدرة,    বাংলা : সক্ষমতাঃ,    Bahasa Indonesia: kapasitas,    Català: capacitat,    Deutsch: Macht, empowerment, die stärkung, leistungsfähigkeit,    Ελληνικά: δυνατότητες, ισχύς, δύναμη,    English: capacity, power, strength,    Español: capacidad, potenciación,    Euskera: gaitasuna,    Filipino/Tagalog: kakayahan, pagpapalakas,    Français: capacité, empowerment,    Galego: capacidade,    हिन्दी (Hindi): क्षमता,    Italiano: empowerment,    日本語: 容量, 強くする,    Kiswahili: uwezo,    Malay: kapasiti,    Português: capacidade, fortalecendo,    Română: capacitate,    Pyccкий: paзвития,    Af Soomaali: awooda,    Srpski: sposobnost,    తెలుగు: తాహతు,   Tiên Việt: năng lực, tăng cường,    Türkçe: kapasite,    中文 : 能力


 

PAGTATAYO NG KAKAYAAN; Paglilinang ng Kakayahan

Pagdagdag sa ¨ kakayahan" (abilidad ng komunidad o ng isang organisasyon (samahan o kapisanan). Pagsasakapangyarihan. Pagpapalakas.

Tignan Mga Elemento ng Lakas para sa listahan ng labing-anim na elemento ng pagtatayo ng kakayahan.

Ang pagkakaiba ng paglilinang ng kakayahan at ng pagtatayo ng kakayahan ay makikita sa kung saan nanggagaling ang lakas ng paglago o pag-unlad.

Ang terminong "pagtatayo ng kakayahan" ay nagpapakita na ilang mga ahensya sa labas ng komunidad o organisasyon ang nagbibigay ng lakas upang madagdagan ang kakayahan.

Ito ay nababatiran ng konsepto ng " pag-iihinyerong sosyolohikal."

Ang terminong "paglilinang ng kakayahan," naman ay nagpapakita na ang lakas para sa pag-unlad ay nasa loob ng komunidad o organisasyon.

Tignan ang slogan ni Julius Nyerere; ang komunidad ay nililinang ang sarili

العربيّة: العرب يّة: طو,    বাংলা : সক্ষমতা উন্নয়নঃ,    Bahasa Indonesia: pengembangan kapasitas,    Català: desenvolupament de la capacitat,    Deutsch: leistungsaufbau, leistungsentwicklung,    English: capacity development,    Ελληνικά: αναπτυξη ικανοτητων,    Español: desarrollo de la capacidad,    Euskera: gaitasunak garatzea,   Ewe: sise awari ipa eni,   Filipino/Tagalog; paglilinang ng kakayahan,    Français: renforcement des capacités, développement des capacités, bâtiment de capacité, développement de capacité, fortifier de la communauté,    Galego: desenvolvemento da capacidade,    हिन्दी (Hindi): षमता विकास, अधिकारिकरण,    Italiano: sviluppo della capacità,    日本語: 強くする, 容量の発展,    Kiswahili: kujengea uwezo,    Malay: pembangunan kapasiti,    Português: desenvolvimento de capacidade,    Română: dezvoltarea capacitatii,    Pyccкий: Рaзвития,   Af Soomaali: awoodsiinta,    Srpski: razvoj sposobnosti,    తెలుగు: తాహతు ప్రగతి,   Tiên Việt: Năng lực phát triển,   Türkçe: kapasite gelişimi,   中文 (Zhōngwén): 提高能力


 

PAGDIRIWANG

Ang pagdiriwang ay isang masayang pagkilala sa isang kaganapan o pangyayari, kadalasan ito ay bumabago sa estado ng isang tao o bagay. Ang pagdiriwang ay isang pagtitipon.

Para sa tagapagpakilos, ang pagdiriwang para sa pagkompleto sa isang proyektong pangkomunidad ay isang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad, kung saan ang komunidad ay kinikilala sa matagumpay na pakikilahok sa pagtulong sa sarili.

Ito ay isang oportunidad para sa panibagong simula, ng isa pang siklo ng pagpapakilos.

Tignan Siklo ng Pagpapakilos. Tignan Pagdiriwang.

العربيّة: الاحتفال,    বাংলা : উদ্‌যাপন,    Bahasa Indonesia: perayaan,    Català: celebració,    Deutsch: feier,    Ελληνικά: Εορτασμός,    English: celebration,    Español: celebración,    Euskera: ospakizuna,    Ewe: ajoyo,    Filipino/Tagalog: pagdiriwang,    Français: célébration,    Galego: celebración,    Italiano: celebrazione,    日本語: お祝い,    Kiswahili: sherehe,    Malay: keraian,    Português: comemoração,    Română: celebrare,    Pyccкий: празднование,    Srpski: Proslava  తెలుగు: ఉత్సవము,   Tiên Việt: sự khen ngợi,    Türkçe: kutlama,    ردو: جشن,    中文 : 庆祝


 

KAWANG-GAWA

Ang pagtulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan ay mahalaga sa lahat ng tao, at makikita sa lahat ng rehiyon ng mundo. Subalit merong bigay at ¨bigay¨.

Kung ang iyong regalo ay gagawing nakatangkilik (dependent) sa iyo ang pinagbigyan hindi mo siya tinutulungang lumakas, o tinutulungan siyang maging mas may tiwala sa sarili o dumepende sa sarili niyang kakayahan (self reliant).

Kung bibigyan mo ng barya ang nagpapalimos, sinasanay mo ang taong ito na lalong magpalimos.

Kung ang iyong tulong ay sadyang pinag-isipan, at tumutulong upang lalong lumakas ang pinagbibigyan (tignan ang kwento ni Mohammed at ang Lubid sa Mga Kwento), sa gayon, ang iyong regalo ay mas makabuluhan.

বাংলা : বদান্যতা,    Bahasa Indonesia: amal,    Català: caritat,    Deutsch: Wohltätigkeit,    Ελληνικά: φιλανθρωπία,    English: charity,    Español: caritativo,    Euskera: karitatea,    Ewe: aanu sise,    Filipino/Tagalog: kawang-gawa,    Français: charité,    Galego: caridade,    Italiano: carità,    日本語: 慈善,    Kiswahili: kujitolea,    Malay: amal,    Português: caridade,    Română: caritate,    Srpski: milostinja,    తెలుగు: దాన గుణం,    Tiên Việt: lòng nhân từ,    Türkçe: yardimseverlİk,    中文 : 慈善


 

KOMUNIDAD

Ang salitang "komunidad" ay ginamit sa maraming konteksto.

Sa mga biyolohiko, ang komunidad ay nangangahulugan ng ilang indibidwal sa isang ¨species¨ o ilang magkakaibang ¨species¨, nabubuhay, nagtutunggalian, nakikiisa, upang magkaroon ng mas malaking kabuuan.

Magmula ng dumating ang ¨internet¨ at teknolohikang pang-impormasyon (information technology), maraming koleksyon ng mga tao, minsan ay may parehong interes, ay lumaki, ng walang hiyograpikal ng limitasyon, at nag-uusap gamit ang pamamaraang elektroniko.

Ang pokus sa lugar na ito sa mga serye ng pagsasanay, ay ang mas tradisyonal na kahulugan ng komunidad. Isang komunidad ng mga tao, na may hiyograpikal na limitasyon (maliban na lamang sa mga komunidad na nomadik (nomadic), may relasyon, halimbawa sa mga komunidad mula sa mga subdibisyon sa mga syudad hanggang sa mga baryo sa probinsya o nayon. Tignan Matatahanan.

Ang komunidad ay hindi lamang isang koleksyon o grupo ng mga tao. Ito ay isang marilag na organismo na pagmamay-ari at bahagi ng kultura, binubuo ng mga interaksyon o relasyon ng mga tao, lahat ng bagay na maaaring malaman. Ito ay may anim na nasasakupan o dimensyon: teknolohiya, ekonomiya, kapangyarihang politikal, mga modelo ng pakikisalamuha, magkatulad na paniniwala, ideya at mga pinapahalagahan. Ito ay hindi ipinapasa sa biyolohikal na pamamaraan, ito ay natututunan.

Gaya ng isang halaman o iba pang uri ng buhay na higit pa sa mga maliliit na molekyul na bumubuo dito, ang mga miyembro ay maaaring dumating at umalis sa lagos ng buhay, kamatayan at migrasyon. At patuloy pa rin itong mabubuhay at lalaki. Ito ay hindi homogenus, may mariming paksyon, dibisyon, kompetisyon at mga sigalot. Ang isang komunidad ay isang kabuuan na higit pa sa kabuuan ng mga parte nito. Ano ang komunidad."

Tignan:  Mga Katangian ng Komunidad.

 বাংলা : জনগোষ্ঠি,    Bahasa Indonesia: komunitas masyarakat,    Català: comunitat,    Deutsch: gemeinde,    Ελληνικά: κοινότητα,    English: community,    Español: comunidad,    Euskera: komunitatea,    Ewe: awujo,    Filipino/Tagalog: komunidad,    Français: communauté,    Galego: comunidade,    Italiano: comunità,    日本語: 共同体,    Kiswahili: jamii,    Malay: komuniti,    Português: comunidade,    Pyccкий: cooобщество,    Română: comunitate,    Af Soomaali: bulsho,    Srpski: zajednica,    తెలుగు: సమాజము,    Tiên Việt: cộng đồng,    Türkçe: toplum,    中文 : 社区


BATAY SA KOMUNIDAD

Para masabing ang isang proyekto o organisasyon ay base o hango sa komunidad, ito ay dapat nanggagaling sa komunidad mismo, ang mga miyembro ng komunidad ay ang may hawak ng responsibilidad, at ang mga desisyon (patakaran at eksekyutibo) ay gawa ng mga miyembro ng komunidad.

Ang isang ahensya mula sa labas o proyekto na makikita o nasa komunidad ay hindi maaaring akuin na ito ay hango o base sa komunidad. At, ang pagkokonsulta sa mga miyembro ng komunidad ay hindi rin isang batayan upang ito ay tawaging base o hango sa komunidad.

May malaking pagkakaiba sa batay sa komunidad at makikita o nakalagay sa komunidad Kung ang isang ahensya ay magtatayo ng mga serbisyo sa komunidad (halimbawa, isang klinika, o programmang IG), ito sa gayon ay nakalagay o matatagpuan sa komunidad.

Upang matawang na isang tunay na batay sa komunidad, and isang aktibidades, paggawa, serbisyo o organisasyon, ay dapat pinili, pinagpilian, at kinokontrol ng komunidad. (hindi lamang ng iilang paksyon). Ang importante ay ang pagpapasya ay base sa komunidad, ang pasya o desisyon ay dapat ginagawa sa loob ng komunidad.

Tignan Mga Gawaing Panlipunan sa mga ¨Refugee Camps¨ na Hango sa Komunidad.

 বাংলা : জনগোষ্ঠি ভিত্তিক,    Bahasa Indonesia: berdasar masyarakat,    Català: basat en la comunitat,    Deutsch: gemeindenah,    Ελληνικά: βασισμένο,    English: community based,    Español: basado en la comunidad,    Euskera: komunitatean oinarritutako,    Ewe: awon ohun ti o da lori awujo,    Filipino/Tagalog: batay sa komunidad,    Français: fondé sur la communauté,    Galego: baseado na comunidade,    Italiano: community based,    日本語: 共同体を基盤とする,    Kiswahili: ilyo ya jamii,    Malay: berasaskan komuniti,    Português: baseado na comunidade,    Română: ancorata in comunitate,    Srpski: zajednično bazirano,    తెలుగు: సమాజాధారమైన,    Tiên Việt: nền tảng, cơ sở của cộng đồng,    Türkçe: toplum merkezli, topluma dayalı,    中文 : 以社区为本


 

ORGANISASYONG BATAY SA KOMUNIDAD (OBK) (CBO)

Ang OBK (Organisasyong Batay sa Komunidad) na itinatag at nilinang sa loob ng komunidad, kung saan ang pagpapasya (pamamahala at pagpaplano) ay nanggaling sa komunidad.

Ang isang ahensya na itinatag sa labas, at ang mga pasya ay ginagawa para sa kanila mula sa labas, ay maaaring matatagpuan sa komunidad, ngunit ito ay hindi batay sa komunidad. Tignan ang Akronim: CBO o OBK.


 

REHABILITASYON BATAY SA KOMUNIDAD

Ang rehabilitasyon sa ganitong konteksto ay nangangahulugan ng pisikal (bayolohikal), rehabilitasyong emosyonal o ng pag-iisip (o habilitasyon) ng mga tao na nabaldado ng kawalang-kakayahang pisikal, emosyonal o mental.

Kung ang rehabilitasyon ay batay sa komunidad, gayon ang mga pasya at responsibilidad para sa rehabilitasyon ng mga indibidwal na nabaldado ay nasa komunidad, at hindi nangagaling sa labas ng komunidad.


 

KONTRIBUSYON NG KOMUNIDAD

Sinasabi namin na ang pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad (marami ang nag-aakala na ito ay pareho),subalit pareho silang kinakailangan.

Habang ang pakikilahok ng komunidad ay nangagahulugan ng pagpapasya na ginagawang base sa komunidad o nakasentro sa komunidad ang isang gawain, ang kontribusyon ng komunidad naman ay kinakailangan upang siguruhin na ang mga miyembro ng komunidad ay mararamdaman na kanila ang proyekto, halimbawa na sila ay may naibahagi, hindi lamang nakatanggap nito.

Nirerekomenda namin na dapat halos singkwenta porsyento ng mga kontribusyon ng ano mang proyektong pangkomunidad na ating sinusuportahan ay dapat manggaling mismo sa komunidad. Sa simula ito ay minsan tinitignan ng may balisa at desolasyon ng karamihan sa mga miyenbro ng komunidad. Kung gayon, kailangan nating idiin na ang ipagkakaloob ng trabaho ay dapat makatarungan, at kung gagawin ito, sila ay masosorpresa sa kung gaano karami ang halaga na maidadagdag nito sa kontribusyon sa komunidad.

Nais nating idiin dito na ang oras na ginugugol ng mga miyembro ng komunidad, lalo na iyong mga nakaupo sa komite ng mga eksekyutib, nagpapasya at nagpaplano ng proyekto, ay mga donasyon na eksekyutib at mga kakayahan sa pamamahala, oras at trabaho. Ang donasyong trabaho ay dapat makatwirang bigyang ng halaga o presyo. Higit sa lahat, nais nating ipunto na mula sa halagang ito ng mga donasyon ng lupa o buhangin, na kadalasan ay hindi pinahahalagahan, ay dapat kilalanin, ng may makatwirang estimasyon ng presyo, bilang mga kontribusyon ng komunidad.

 বাংলা : জনগোষ্ঠির অংশপ্রদান,    Bahasa Indonesia: kontribusi masyarakat,    Català: contribució comunitària,    Deutsch: gemeindebeitrag,    Ελληνικά: συνεισφορα στην κοινοτητα,    English: community contribution,    Español: contribución comunitaria,    Euskera: komunitatearen ekarpena,    Ewe: igbon owosi lati odo awon olugbe awujo,    Filipino/Tagalog: kontribusyon ng komunidad,    Français: contribution de la communauté,    Galego: contribución comunitaria,    Italiano: contributo della comunità,    日本語: 共同体の貢献,    Kiswahili: mchango wa jamii,    Malay: sumbangan komuniti,    Português: contribuição da comunidade,    Română: contributia comunitatii,    Srpski: zajednično doprinos,    తెలుగు: సమాజ విరాలము,    Tiên Việt: sự góp phần cho cộng đồng,    Türkçe: toplum katkısı,    中文 : 社区贡献


 

KALINAGANGG (Kaunlaran) PANGKOMUNIDAD

Kapag ang komunidad ay lumilinang o umuunlad, ito ay lumalaki. Tignan ang salitang, Kalinangan o Kaunlaran. Ito ay hindi lamang nangangahulugan ng paglaki o pagyaman. Ito rin ay nangangahulugan ng pagiging mas komplikado at mas malakas.

Ang komunidad ay hindi napapa-unlad ng isang tagapagpakilos at higit pa sa isang bulaklak na tumatangkad dahil may isang humihila dito pataas. Ang komunidad (bilang isang institusyong panlipunan) ay pina-uunlad o linilinang ang sarili. Ang tagapagpakilos ay kaya lamag hikayatin, magpalakas ng loob at maggabay sa mga miyembro ng komunidad.

Ang ibang tao ay inaakala na ang kaunlaran ng komunidad ay nangangahulugan lamang ng pagyaman –– pagdagdag ng kita. Ito ay maaari rin, ngunit mas higit pa.

Ito din ay pagbabagong panlipunan, kung saan ang komunidad na nagiging mas komplikado, dumadagdag ng mga institusyon, ng koloktibong lakas, pagbabagong kwalitatibo ng organisasyon nito.

Ang kaunlaran ay nangangahulugan ng paglago sa lakas sa lahat ng anim na dimensyon ng kultura.

 বাংলা : জনগোষ্ঠি উন্নয়ন,    Bahasa Indonesia: perkembangan masyarakat,    Català: desenvolupament comunitari,    Deutsch: gemeindeentwicklung,    Ελληνικά: κοινοτική ανάπτυξη,    English: community development,    Español: desarrollo comunitario,    Euskera: komunitatearen garapena,    Ewe: idagbasoke awujo,    Filipino/Tagalog: kalinagangg (kaunlaran) pangkomunidad,    Français: développement de la communauté,    Galego: desenvolvemento comunitario,    Italiano: sviluppo della comunità,    日本語: 共同体の発展,    Kiswahili: maendeleo ya jamii,    Malay: pembangunan komuniti,    Português: desenvolvimento da comunidade,    Română: dezvoltarea comunitatii,    Af Soomaali: horumarka bulshada,    Srpski: zajednični razvoj,    తెలుగు: సమాజము ప్రగతి,    Tiên Việt: sự phát triển của cộng đồng,    Türkçe: toplumsal kalkınma,    中文 : 社区发展


 

PAGSASAKAPANGYARIHAN NG KOMUNIDAD

Upang dagdagan ang kakayahan ng komunidad ay dapat dagdagan ang abilidad nito na gumawa ng mga bagay para sa sarili nito.

Ito ay higit pa sa pagdadagdag ng mga serbisyong pangkomunidad o mga pasilidad gaya ng mga daan, sanitasyon, tubig, at edukasyon at kalingang pangkalusugan.

Ang ibig sabihin nito ay karagdagang kakayahan at lakas. Ito rin ay nangangahulugan ng mas maraming kakayahan, tiwala, at mga epektibong organisasyon. Ito ay hindi nakukuha ng dahil lamang sa kawang-gawa o mga donasyon ng yaman o kagamitan mula sa labas. Ito ay maaaring ipasilita sa pamamagitan ng mga aksyon gaya ng mga proyektong pangkomunidad, ngunit ito ay kung ang lahat ng mga miyembro ng komunidad ay makikilahok mula sa simula, upang magpasya ukol sa aksyong pangkomunidad, upang tukuyin ang mga yaman o kagamitan sa loob ng komunidad, at upang linangin ang pag-ako ng pagmamay-ari at responsibilidad ng mga pasilidad na pangkomunidad mula sa umpisa hanggang sa katapusan.

Habang ang demokratisasyon ay maaaring matulungan ng gobyerno sa pagpapasa ng ilang kapangyarihang gumawa ng batas sa komunidad, ang kakayahan upang gamitin ang mga legal na pagpapasya ay nakadepende sa pagiging praktikal ng kakayahan, halimbawa ang kakayang magpasya ukol sa sarili nitong kaunlaran, upang tukuyin ang sarili nitong kinabukasan. Kapangyarihan, lakas, kakayahan, abilidad, pagsasakapangyarihan.

বাংলা : জনগোষ্ঠির ক্ষমতায়ন,    Bahasa Indonesia: pemberayaan masyarakat,    Català: potenciació comunitària,    Deutsch: gemeindestärkung,    Ελληνικά: κοινοτική ενδυνάμωση,    English: community empowerment,    Español: potenciación comunitaria,    Euskera: komunitatea sendotzea,    Ewe: ifun awujo lokun,    Filipino/Tagalog: pagsasakapangyarihan ng komunidad,    Français: fortifier de la communauté,    Galego: potenciación comunitaria,    Italiano: potenziamento comunitario,    日本語: 共同体強化,    Kiswahili: uwezeshaji wa jamii,    Malay: pemberdayaan komuniti,    Português: fortalecendo da comunidade,    Română: consolidarea coomunitatii,    Srpski: zajednično unapredjenje,    తెలుగు: సమాజము శక్తివంతము చేయుట,    Tiên Việt: sự uỷ quyền cộng đồng,    Türkçe: toplumu güçlendirme,     中文 : 强化社区


 

PAGSASANAY AS PAMAMAHALA NG KOMUNIDAD

Ang pagsasanay sa pamamahala ng komunidad ay tumututok sa pagbabawas ng kahirapan, ang pagpapalakas sa mga komunidad na mababa ang kita sa pagpaplano at pamamahala ng mga pasilidad na pangpamayanan at mga serbisyo, ng pagtatayo, operasyon at pagmementena ng mga ito. Ito ay pagsasakay para sa aksyon, hindi lamang para sa pagsasalin ng kakayahan o para magbigay ng mga impormasyon sa mga tao.

Ang pagsasanay, bilang isang paraan ng pagpapalakas sa mga komunidad na mababa ang kita, para mabawas ang kahirapan, para itaguyod ang pakikilahok na pangkomunidad, para sa praktikal na suporta para sa demokratisasyon at desentralisasyon, ay malayo sa pagsasalin lamang ng mga impormasyon at kakayahan sa mga nagsasanay. Kasama din dito ang pagpapakilos at pagtatatag. Ito ay hindi tradisyonal na pagsasanay.

Ang ganitong uri ng pormalisasyon at institusyonalisasyon ng pagsassanay ay naghahatid ng panganib ng paghihina ng pagsasanay, ng pagbibigay diin sa pagsasalin ng kakayahan sa halip na palakasin ang loob, pagpapakilos at pagtatatag ng mga aspeto ng pagsasanay.

Pagsasanay sa Pamamahala ito ay nilinang para sa pagpapalakas ng epektibong paglikom ng kita ng mga matataas na tagapamahala korporasyon.

Ito ay iniba dito, at isinama sa mga pamamaraan ng pagtatatag ng mga unyong pangkalakalan, para sa layunin ng pagpapakilos at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kominidad ng mababa ang kita upang sila ay magsama-sama na tulungan ang sarili, para sa pagbabagong kaunlarang panlipunan.


 

PAKIKILAHOK NG KOMUNIDAD

Ang pakikilahok ng komunidad ay higit pa sa kontribusyon na trabaho o mga kagamitan; ito ay pakikilahok sa pagpapasya, na pumili ng proyektonbg pangkomunidad, planuhin ito, isagawa ito, pamahalaan, subaybayin, at kontrolin ito. Ang pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad.

Pagbibigay-Buhay Panlipunan itinataguyod ang mga gawain ng tinututukang komunidad, kung saan nakikita ang komunidad na umaako ng responsibilidad sa sarili nitong kaunlaran, mula sa pagpapasya kung ano ang mga proyekto na gagawin, at paghihikayat para mapakilos ang mga yaman o kagailangan at pagtatatag ng mga gawain.

Angpagtataguyod sa pakikilahok ng komunidad ay tumututok at sinisiguro na ang mga pasya na nakakaapekto sa komunidad ay gagawin ng lahat (hindi lamang ng iilan) ng miyembro ng komunidad (hindi ng mga ahensya sa labas).

Sa pamamaraang ito, ang kontribusyon ng komunidad ay hinihikayat, dahil ito ay nakakatulong sa komunidad upang ito ay maging mas responsable sa mga gawain kung sila ay magbibigay ng mga kailangan sa paggawa nito. Hinihikayat din natin ang gobyerno, at ang mga nagbibigay ng donasyon na idulong ang mga gawain sa komunidad; ito ang tinatawag na konsultasyon sa komunidad.

Angpakikilahok ng komunidad dito ay dapat hindi ginagamit bilang katumbas ng kontribusyon ng komunidad o konsultasyon sa komunidad. (gaya ng kadalasang nagagawa ng mga ahensyang tumutulong); Ang pakikilahok dito ay nangangahukugan ng pakikilahok sa pagpapasya, sa pagkontro at sa koordinasyon.

 বাংলা : জনগোষ্ঠির অংশগ্রহন,    Bahasa Indonesia: peran serta masyarakat,    Català: participació comunitària,    Deutsch: gemeindepartizipation,    Ελληνικά: κοινοτική,    English: community participation,    Español: participación comunitaria,    Euskera: komunitatearen parte-hartzea,    Ewe: ilowosi awujo,    Filipino/Tagalog: pakikilahok ng komunidad,    Français: participation de la communauté,    Galego: participación comunitaria,    Italiano: partecipazione della comunità,    日本語: 共同体の参加,    Kiswahili: ushiriki wa jamii,    Malay: penyertaaan komuniti,    Português: participação da comunidade,    Română: participarea comunitatii,    Af Soomaali: ka geyb galka bushada a,    Srpski: zajednično učestvovanje,    తెలుగు: సమాజము ఫాల్గొనుట,    Tiên Việt: sự tham gia của cộng đồng,    Türkçe: toplumsal katılım,    中文 : 社区参与


 

KONSULTA

Kapag ang isang ahensyang nagbibigay ng tulong o ang isang organisasyong nagbibigay ng donasyon ay kumokunsulta sa mga lider ng komunidad o mga kinatawan , kadalasan nilang tinatanong ang komunidad kung gusto nila ng proyekto. Ang sagot dito ay madalas na "Oo."  Ang ahensya ngayon ay maaari ng mag-ulat sa ¨board¨ o mga tagabigay na may partisipasyon ng komunidad. Ito ay isang kamalian.

Ang naganap ay konsultasyon, ngunit ito ay hindi tunay na pakikilahok ng komunidad sa pagpapasya, pagpili at pagpaplano ng proyekto mula sa mga prayoridad ng komunidad. (ito ay kabaiba sa mga prayoridad ng ahensy).

বাংলা : পরামর্শ গ্রহন,    Bahasa Indonesia: konsultasi,    Català: consulta,    Deutsch: beraten,    Ελληνικά: συμβουλευτικη,    English: consult,    Español: consultar,    Euskera: aholkatu,    Ewe: ifi ikun lu ikun,    Filipino/Tagalog: konsulta,    Français: consulter,    Galego: consulta,    Italiano: consultazione,    Kiswahili: tatufa ushauri,    Malay: berunding,    Português: consulte,    Română: consultare,    Srpski: konsultacija,    తెలుగు: సంప్రదించటము,    Tiên Việt: tham khảo,    Türkçe: danışmak,    中文 : 咨询意见


 

KONTRIBUSYON

Ang ibang tao ay nalilito sa partisipasyon at kontribusyon. Maraming tao na kapag naririnig ang mga salitang partisipasyon ng komunidad. ay inaakala na ang ibig sabihin nito ay kontribusyon ng komunidad.Iniisip lang nila ang pagtulong sa paggawa ng trabaho na ibibigay ng mga miyembro ng komunidad.

Sa sinamang palad, marami ng mga kaso noon pa kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay tinatrato na mga alipin at pinipilit na magtrabaho. (o iba pang bagay, gaya ng lupa, pagkain). Ang pamamaraan na itinataguyod sa handbuk na ito ay ang kabaligtaran. Ang pakikilahok dito ay nangangahulugan ng pakikilahok sa pagpapasya, hindi lamang ng pagbibigay ng mga yaman o kagamitan. Tignan kontribusyon ng komunidad.

 বাংলা : সম্প্রদান,    Bahasa Indonesia: kontribusi,    Català: contribució,    Deutsch: beitrag,    Ελληνικά: συνδρομη,    English: contribution,    Español: contribución,    Euskera: ekarpena,    Ewe: ida owo si,    Filipino/Tagalog: kontribusyon,    Français: contribution,    Galego: contribución,    Italiano: contributo,    日本語: 貢献,    Kiswahili: mchango,    Malay: sumbangan,    Română: contributi,    Srpski: doprinos,    తెలుగు: సామాజిక పాత్ర,    Tiên Việt: sự đóng góp,    Türkçe: katki,    中文 : 贡献


 

KRITISISMO O PAMUMUNA

Isa sa mga mahalagang karunungan na dapat matutunan ay kapag nakakita tayo ng kamalian, ang pamumuna o pagkikritiko nito ay hindi makakatama, o hindi nito maitatama ang suliranin. Sa halip, ito ay minsan nakapagpapalala sa suliranin.

Bakit? Dahil ang mga tao ay nakakaramdam ng pagbabanta o sila ay sinasalakay kapang mayroong pumupuna sa kanila. Ang pamumuna ay nakakababa ng tiwala at tingin sa sarili. Tayo ay nagiging ¨depensive o defensive¨ kapag napupuna, at sa halip na itama ang mali, ay ipinangtatanggol pa natin ito.

Kapag tayo ay nagpapakilos ng komunidad, nagkoko-ordina ng mga boluntaryo, o namamahala ng mga manggagawa, tayo ay dapat matutong asahan na sila ay maaaring magkamali at dapat tayong maging handa sa lutasin ang mga pagkakamali sa pamamaraan na makakamit ang mga layunin.

Ang pagpapakita ng galit, pagpupuna sa taong nakagawa ng kamalian, ay maaaring may makatulong sa pagpapalamig, ngunit tayo ay nagbabayad ng malaki sa pagkuha ng personal kaibsan ng ating nararamdaman. Tignan ang mga importanteng salita: Kamalian, Galit, at Sandwich, at humanap ng paraan na mawasto ang mga pagkakamali ng hindi nagbibigay ng negatibong kritisismo.

Tignan: Purihin Lagi.

 বাংলা : সমালোচনা,    Bahasa Indonesia: kritikan,    Català: crítica,    Deutsch: kritik,    Ελληνικά: κριτική,    English: criticism,    Español: críticas,    Euskera: kritika,    Ewe: ibani wi ni ona ti o lodi,    Filipino/Tagalog: kritisismo o pamumuna,    Français: critique,    Galego: crítica,    Italiano: critica,    日本語: 批判,    Kiswahili: pingamizi,    Malay: kritikan,    Português: crítica,    Română: critica,    Srpski: kritika,    తెలుగు: విమర్శ,    Tiên Việt: phê bình,    Türkçe: eleştiri,    中文 : 批评


 

KULTURA

Higit pa sa mga awitin at mga sayaw, ang kultura, sa Araling Panlipunan, ay nangangahulugan ng kabuuan ng mga sistemang panlipunan, ang kalahatan ng mga natutunang kaugalian at kagawian, na binubuo ng mga sosyo-kultural na sistema na bahagi ng anim na dimensyon: teknolohikal, ekonomiks, politikal, interaktibo, ideyolohikal at pangmundong pananaw.

Ang pangunahing yunit ng kultura ay ang ¨simbolo¨. Ang kultura ay hindi genetik; ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pagsasalin o pagpapabatid ngmga simbolo. Minsan ito ay tinatawag na ¨ superorganik," dahil ito ay binubuo ng mga sistemang higit ba sa mga bayolohikal na bagay, mga tao, na bumubuo at nagdadala ng kultura.

Tignan " Kultura." Ang isang komunidad ay kulturall. Tignan: Kakaibang Isda. Tignan Kultura; Iba't ibang Kahulugan.

 বাংলা : ংস্কৃতি,    Bahasa Indonesia: budaya,    Català: cultura,    Deutsch: kultur,    Ελληνικά: πολιτισμοσ,    English: culture,    Español: cultura,    Euskera: kultura,    Ewe: asa,    Filipino/Tagalog: kultura,    Français: culture,    Galego: cultura,    Italiano: cultura,    日本語: 文化,    Kiswahili: tamaduni,    Malay: budaya,    Português: cultura,    Română: cultura,    Af Soomaali: dhaqanka,    Srpski: kultura,    తెలుగు: సంస్కృతి,    Tiên Việt: văn hoá,    Türkçe: kültür,    中文 : 人类文化


 

PAGTANGKILIK (Dependency Syndrome)

Ang pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong sa iba.

Ito ay isang kahinaan na pinalalala ng kawangkagawa.Tignan: Ang Pagtangkilik.

العربيّة : التبعي,    বাংলা : পরনির্ভরতা (লক্ষণ),    Bahasa Indonesia: ketergantungan, dependensi,    Català: dependència,    Deutsch: Abhängigkeit,    Ελληνικά: Εξάρτησης,    English: dependency syndrome,    Español: síndrome de dependencia,    Euskera: mendekotasuna,    Ewe: ihuwasi diduro de iranlowo saa,    Filipino/Tagalog: pagtatangkilik,    Français: syndrome de dépendance,    Galego: dependencia,    Italiano: dipendenza,    日本語: 依存,    한국어 / Hangugeo: 의존(증후군),    Malay: kebergantungan,    Nederlands: afhankelijkheid,    Português: dependencia,    Română: dependenta,    Pyccкий: Зависимость,    Somali: ku tiirsanaanta,    Srpski: zavisnost,    తెలుగు: పరాధీనత జబ్బు,    Tiên Việt: phụ thuộc,    Türkçe: bağımlılık,    ردو (Urdu): محتاجی کی لت,    中文 : 依赖性


 

KALINANGAN (Kaunlaran)

Marami sa mga tao ay inaakala na ang kalinangan o kaunlaran ay nangangahulugan ng kwantitatibong paglago, pero ang pangunahing katangian nito ay ang kwalitatibong pagbabago.

Ang pag-unlad ay paglago, at ang paglako ay nangangahulugan ng higit ba sa pagiging mas malaki; ito ay nangangahulugan gin ng pagiging mas komplikado at mas malakas.

Kapag ang komunidad ay umuunlad, ito ay nagiging mas malakas at mas masalimuot o komplikado.

Ito ay nakakaranas ng mga pagbabagong panlipunana.

Tignan " Kultura." Ang isang ekonomista ay tinitignan ang kaunlaran o kalinangan bilang pagdagdag lamang ng kayamanan o kita (ganap o per capita); ang isang inhinyero naman ay tinitignan ang kaunlaran bilang higit na kontrol sa enerhiya, o mas sopistikado at mas malakas na mga kagamitan.

Isa isang tagapagpakilos, sa kabilang banda, ang mga ito ay dalawa lamang sa anim na dimensyong kultural ng isang komunidad na nababago. Ang kaunlaran ay nangangahulugan ng panlipunanang pagbabago sa lahat ng anim na dimensyon ng kultura: teknolohikal, ekonomiks, politikal, interaktibo, ideyolohikal, at pandaigdigang pananaw.

Tignan Kaunlaran ng Komunidad (o Kalinangan ng Komunidad).

 বাংলা : উন্নয়ন,    Bahasa Indonesia: perkembangan,    Català: desenvolupament,    Deutsch: Entwicklung,    Ελληνικά: αναπτυξη,    English: development,    Español: desarrollo,    Euskera: garapena,    Ewe: idagbasoke,    Filipino/Tagalog: kalinangan,    Français: développement,    Galego: desenvolvemento,    Italiano: sviluppo,    日本語: 発展,    Malay: pembangunan,    Português: desenvolvimento,    Română: dezvoltare,    Somali: horumarka,    Srpski: razvoj,    తెలుగు: ప్రగతి,    Tiên Việt: sự phát triển,    Türkçe: gelişim,    中文 : 发展


 

DIMENSYON NG KULTURA

Mga Dimensyon ng Kultura

Bawat dimensyon ay binubuo ng mga sistemang sosyo-kultural (halimbawa, sistema ng ekonomiks) kung saan pinagsama-sama ang mga sistemang super-organiko.

Ang anim na dimensyon ay ang mga sumusunod: teknikal, ekonomiks, politikal, institusyonal, Kahalagahan at konseptual.

Ang komunidad ay isang kultural na bagay, kaya ang mga dimensyon ay nakaugnay din sa komunidad.
Tignan: Mga Dimensyon.

 বাংলা : সংস্কৃতির মাত্রা,    Bahasa Indonesia: dimensi kebudayaan,    Català: dimensions culturals,    Deutsch: kulturdimensionen,    Ελληνικά: διαστασεισ τησ κουλτουρασ,    English: dimensions of culture,    Español: dimensiones de la cultura,    Euskera: kulturaren dimentsioak,    Ewe: awon eka asa,    Filipino/Tagalog: dimensyon ng kultura,    Français: dimensions de culture,    Galego: dimensións da cultura,    Italiano: dimensioni della cultura,    日本語: 文化の側面,    Malay: dimensi budaya,    Português: dimensões da cultura,    Română: dimensiunile culturii,    Somali: geybaha,    Srpski: dimenzije kulture,    తెలుగు: సంస్కృతి దృక్కోణాలు,    Tiên Việt: những yếu tố văn hoá,    Türkçe: kültürün boyutlari,    中文 : 文化层面


 

SAKIT

Ang karamdaman o pagkakasakit ay isa sa limang elemento ng kahirapan.

Mas mura, mas makatao, at mas prodaktibo para sa isang komunidad na pigilin kaysa gamutin ang sakit at ibaling ang mga yaman sa paggamot ng mga karamdaman na laging nararanasan ng mga tao sa komunidad, sa halip na sa mga sopistikadong kagamitan o mga kakayahan sa paggagamot ng iilang mayayamang tao (ito ang dahilan kaya ang WHO ay itinataguyod at sinusuportahan ang mga prinsipyo ng pangunahing kakayahang pangkalusugan).

Dahil alam mo na ito, ikaw bilang tagapagpakilos ay maaaring hamunin ang una at minsan ay hindi pinapansin na klinika, at marahil ay ipakita sa kanila ang dahilan kung bakit ang pagpili ng epektibong pagkukunan ng tubig at sistema ng kalinisan upang maiwasan ang mga sakit na nakukuha sa tubig ay mahalaga.

 বাংলা : রোগ,    Bahasa Indonesia: penyakit,    Català: malaltia,    Deutsch: Krankheit,    Ελληνικά: ασθενεια,    English: disease,    Español: enfermedad,    Euskera: gaixotasuna,    Ewe: arun,    Filipino/Tagalog: sakit,    Français: maladie,    Galego: enfermidade,    Italiano: malattia,    日本語: 病気,    Malay: penyakit,    Português: doença,    Română: boala,    Af Soomaali: cudur,    Srpski: bolest,    తెలుగు: రోగము,    Tiên Việt: dịch bệnh,    Türkçe: hastalık,    中文 : 疾病


 

DI-MATAPAT (o Kawalang Katapatan)

Kakulangan sa integridad at kawalan ng katapatan.

Ang kawalan ng katapatan ay isa sa limang elemento ng kahirapan.

Ito ay tinatawag sa iba't ibang pangalan, kasama na dito ang kabulukan (korapsyon o corruption), paglustay, ekstorsyon at pagnanakaw. Ito ay kadalasang nangyayari kapag ang kayamanan na nakatangka para sa kaunlaran ng buong lipunan ay illegal, at minsan, ay palihim na inililihis para sa benepisyo ng iilang mga tao na ipinagkakanulo ang tiwalang ibinibigay sa kanila bilang mga manggagawa sa lipunan.

Ang resulta ng kawalang tiwala ng mga nagbibigay ay nagdudulot ng pagkawalang bahala at kahirapan.  Ito ang dahilan, na ikaw bilang isang tagapagpakilos at taga-tatag ng ng mga organisasyong pangkomunidad, ay dapat itaguyod ang pag-aaninag o Pagiging Bukas (Transparency), integridad at katapatan sa mga grupong iyong itatatag.

বাংলা : অসততা,    Bahasa Indonesia: kebohongan,    Català: falsedat,    Deutsch: korruption, unehrlichkeit,    Ελληνικά: ατιμια,    English: corruption, dishonesty,    Español: falta de honradez,    Euskera: zintzotasun eza,    Ewe: iwa aije olooto,    Filipino/Tagalog: di-matapat,  Français: malhonnêteté,    Galego: deshonestidade,    Italiano: disonestà,    日本語: 不正直,  Kiswahili: rushwa,    Malay: ketidakjujuran,    Português: desonestidade,    Română: necinste,    Somali: daacaddarro,    Srpski: nepoštenje,    తెలుగు: అవినీతి,    Tiên Việt: tính không thành thật,    Türkçe: sahtekarlık,    中文 : 不诚实


 

PAGGAWA

Sa lahat ng pamamaraan ng pag-aaral (pagbabasa, pakikinig, panonood), ang pinaka-epektibo ay ang ¨paggawa¨.  Tignan Pamamaraan ng Pagsasanay.

Sa pag-aaral hango sa paggawa ay maaaring isama ang tuwirang paggawa ng gawain sa labas sa ilalim ng pagsusubaybay ng tagapagsanay, o ang di-tuwirang paggawa gaya ng pakikilahok sa sesyon ng pagganap ng karakter o larong pagkunwa.

العربيّة: القيام بالأمر,    বাংলা : কাজ করে শেখা,    Bahasa Indonesia: bekerja, melakukan,    Català: fer,    Deutsch: handeln,    Ελληνικά: Πράξη,    English: doing,    Español: practicar,    Euskera: egitea (eginez ikastea),    Ewe: worwor,    Filipino/Tagalog: paggawa,    Français: faire,    Galego: facer,    हिन्दी (Hindi): लोकतन्त्र,    Italiano: learning by doing,    日本語: 実技,    한국어 / Hangugeo: 행동,    Malay: membuat,    Nederlands: doen,    Português: agir, fazendo,  Română: a practica,    Pyccкий: Действие   ,  Srpski: radjenje,    తెలుగు: కార్యము చేయటము,    Tiên Việt: làm,    Türkçe: yapma,    اردو (Urdu): عمل,    中文 : 实践


 

PANGKASARIAN O KASARIAN

Ang salitang ¨kasarian o pangkasarian¨ ay ginagamit pata kilalanin ang dalawang kategorya, ¨pangkalalakihan¨ at ¨pangkababaihan¨."

Ito ay hindi dapat ihalintulad o sili kaya'y isipin ang salitang " kasarian" na ginagamit lamang para kilalanin ang "lalake" and "babae."

Ang pangkasarian, at ang mga interpretasyon ng kung ano ang bumubuo sa pangkalalakihan o pangkababaihan ay di hamak na iba sa kultura at bawat kultura, sa komunidad at bawat komunidad.

Ang ating binibigyan pansin sa pangkasarian o kasarian ay nakatutok sa kung paano ang mga pagkakaiba ng kasarian ay nakakaapekto sa distribusyon ng kapangyarihan, relasyong pang-ekonomiya, at pagkakaiba sa lipunan.

Ito ay mga mahahalagang salik na umaapekto sa mga komunidad, at may epekto sa uri ng trabaho ng bawat tagapagpakilos.

Ang tagapagpakilos (bilang parte ng mga kailangang malaman tungkol sa komunidad) ay dapat naiintindihan kung ano ang mga binibigyang halaga, kaugalian, at mga konseptualisasyon ang pare-pareho sa mga miyembro ng komunidad.

Ang tagapagpakilos ay dapat ding siguraduhing mabawas ang hindi pantay na politika at pagkakaibang sa ekonomiya na naghahati sa mga kasarian, bilang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad. Tignan ang modulo sa pagsasanay na Pangkasarian o Kasarian.  Tignan din:  Edad, lahi at kasarian.

বাংলা : লিঙ্গ,    Bahasa Indonesia: gender,    Català: gènere,    Deutsch: gender,    Ελληνικά: γένος,    English: gender,    Español: género,    Euskera: generoa,    Ewe: iseda,    Filipino/Tagalog: pangkasarian o kasarian,    Français: genre,    Galego: xénero,    Italiano: genere,    日本語: ジェンダー,    Kiswahili: ujinsia,    Malay: gender,    Português: género,    Română: gen,    Somali: Jandar,    Srpski: pol,    తెలుగు: లింగము.,    Tiên Việt: giới tính,    Türkçe: toplumsal cinsiyet,    中文 : 性别问题


 

KAMANGMANGAN

Isa sa mga pangunahing salik ng kahirapan ay ang kamangmangan. Para sa marami, ang salitang mangmang ay isang insulto. Ang ibig naming sabihin dito ay minsan ilan sa atin ay hindi alam ang ilang mga bagay; walang nakakahiya dito.

Dapat ding malaman na ang kamangmangan at kahangalan (o katangahan) ay magkaiba. Ang mga matatanda ay maaari paring matuto, huwag mo silang tratuhing parang mga bata o ng mas nakakababa sa iyo, kung hindi lalo silang walang matututunan.

Ang ibig sabihin ng kamangmangan ay ang hindi pagkakaalam sa isang bagay. Ang kahangalan o katangahan naman ay ang hindi pagkakatuto, at ang kagaguhan o kalokohan ay ang paggawa o hindi paggawa sa isang bagay sa kabila ng pagkakaalam mo sa isang bagay. Ang kamangmangan, kahangalan o katangahan at kagaguhan o kalokohan ay di hamak na magkakaiba.

العربيّة: جهل,    বাংলা : অজ্ঞতা,    Bahasa Indonesia: kebodohan,    Català: ignorància,    Deutsch: Unwissenheit,    Ελληνικά: αγνοια,    English: ignorance,    Español: ignorancia,    Euskera: ezjakintasuna,    Ewe: aimokan,    Filipino/Tagalog: kamangmangan,    Français: ignorance,    Galego: ignorancia,    Italiano: ignoranza,    日本語: 無知識,    Malay: ketidaktahuan,    Português: ignorância,    Română: ignoranta,    Somali: jaahilnimo,    Srpski: neznanje,    తెలుగు: అజ్ఞానము,   Tiên Việt: sự thiếu hiểu biết,    Türkçe: cahillik,    中文 : 无知


 

PAKILUSIN

para pakilusin ay para magdulot ng aksyon sa loob ng isang grupo o komunidad.

Stimulasyon. Hindi kagaya ng pagtatag, dahil may aksyon na dapat mangyari (ang mga tao ay kumikilos, , gumagalaw) before it can be called mobilization.

bago ito masasabing pagpapakilos o mobilisasyon. Kagaya ng pagbibigay-buhay sosyal o panlipunan, maliban sa ang pagbibigay-buhay ay nangangailangan ng pagpapakilos at pagtatatag.  Tignan¨ Aksyon."

বাংলা : সমবেতন,    Bahasa Indonesia: menggerakkan,    Català: mobilitzar,    Deutsch: mobilisieren,    Ελληνικά: κινητοποιώ,    English: mobilize,    Español: movilización,    Euskera: mobilizatu,    Ewe: se koriya,    Filipino/Tagalog: pagbibigay-buhay, pakilusin,    Français: mobilisez,    Galego: mobilizar,    Italiano: mobilitare,    Malay: memobilisasi,    Português: mobilizar,    Română: a mobiliza,    Somali: wacyigelinta,    Srpski: mobilizovanje,    తెలుగు: సమన్వయ పరచటము,    Tiên Việt: vận động,    Türkçe: harekete geçirmek,    中文 : 动员


 

TAGAPAGPAKILOS

Ang tagapagpakilos ay isang tao ng nagpapakilos, halimbawa pinapagalaw niya ang mga bagay. Nagbibigay-Buhay Panlipunan

Manggagawa sa komunidad. Aktibista. Tagataguyod ng pakikilahok ng komunidad. Tignan: Para maging Tagapagpakilos.

বাংলা : সংগঠক,    Bahasa Indonesia: penggerak,    Català: activista,    Deutsch: mobilisieren, activist,    Ελληνικά: κινητοποιητής, ακτιβιστής, ζωοδότης,    English: animator, mobilizer, activist,    Español: activista,    Euskera: mobilizatzailea,    Ewe: oluse koriya,    Filipino/Tagalog: pakilusin,    Français: mobilisateur,    Galego: activista,    Italiano: mobilizer, animatore, attivista,    日本語: 訓練士または助成人,    Kiswahili: ramsisha,    Malay: pemobilisasi,    Português: ativista,    Română: mobilizator,    Srpski: mobilizer,    తెలుగు: సమన్వయ పరిచే వాడు,    Tiên Việt: người vận động,    Türkçe: harekete geçirici,    中文 : 积极份子, 动员工作者


 

PERA

Ang pera at kayamanan ay hindi pareho. Ang pera ay isang simbolong kultural na kinakailangang paniwalaan ng lahat na mahalaga.

Ito ay maaaring gamitin bilang panukan ng yaman, isang pamamaraan ng pagsasalin o pagpapalitan ng kayamanan at isa ring paraan upang magtago ng kayamanan. (Tignan " kayamanan," at Mga Prinsipyo ng Kayamanan).

Ang pera ay hindi kayamanan.

বাংলা : টাকা,    Bahasa Indonesia: uang,    Català: diners,    Deutsch: geld,    Ελληνικά: χρήμα,    English: money,    Español: dinero,    Euskera: dirua,    Ewe: owo,    Filipino/Tagalog: pera,    Français: argent,    Galego: diñeiro,    Italiano: denaro,    日本語: 金銭,    Malay: wang,    Português: dinheiro,    Română: bani,    Somali: lacag,    Srpski: pare,    తెలుగు: డబ్బు,    Tiên Việt: tiền bạc,    Türkçe: para,    中文 : 金钱


 

TRATONG KABUTI

Paano ka nagtatanim ng kabuti?  ¨itatago mo ito sa dilim at lalagyan tae ng baka (pataba).¨

Ito ay mga salitang balbal (slang phrase) na kabaligtaran ng Naaaninag o Pagiging Bukas (Transparency).

Kadalasan mas bastos pang mga salita ang ginagamit sa halip na "tae ng baka".

বাংলা : মাশরুম পরিচর্যা,    Bahasa Indonesia: pengobatan jamur,    Català: conreu de bolets,    Deutsch: pilzaufzucht,    Ελληνικά: συμπεριφορά μανιταριών,    English: mushroom treatment,    Español: setas, cultivo de setas,    Euskera: onddoaren tratamendua,    Ewe: hihu iwa bi olu,    Filipino/Tagalog: tratong kabuti,    Français: champignon, traitement de champignon,    Galego: o cultivo do champiñón,    Italiano: oscurità,    日本語: マッシュルーム扱い,    Malay: pengendalian cendawan,    Português: tratamento de cogumelo,  Română: "cultivarea" ciupercilor,    Srpski: pečurski tretman,    తెలుగు: పుట్ట గొడుగు చికిత్స,    Tiên Việt: cách đối xử với nấm    Türkçe: mantar muamelesi,    中文 : 蘑菇式处理


 

KAHIRAPAN

Ang Limang Malalaking Elemento ng Kahirapan

Ang kahirapan ay higit pa sa kawalan ng pera o kita, higit pa la kakulangan ng mga pasilidad o serbisyo gaya ng tubig, mga daan, edukasyon o kilinika. Ito ay resulta ng “kahirapan ng kaluluwa” halimbawa, ang kawalang pag-asa, ang kamang-mangan ukol sa mga yaman na maaaring gamitin, ang pagtangkilik sa iba, ang kawalan ng tiwala, kakulangan sa kakayahan, lakas ng loob, integridad at kakulangan din sa mga epektibong organisasyon na maipagpapatuloy, sa makatwid, ito ay kakulangan ng tamang pamamahala. Tignan Mga Elemento ng Kahirapan.

Ang kahirapan ay isang suliraning panlipunan, at ito ay nangangailangan ng panlipunang solusyon; ang kahirapan ay hindi lamang ang kakulangan ng kita ng katipunan ng mga tao. Ang kahirapan ay maaaring mabawassan sa pamamagitan ng pagtatatag at paggabay sa mga mahihirap upang matuto siang tulungan ang sarili, sa pamamagitan ng pagpapalakas ( pagsasakapangyarihan) bilang resulta ng pakikilahok sa pakikipaglaban at pagharap sa mga balakid. Ang pag-aalis ng kahirapan, kung gayon, ay nangangailangan ng patuloy na pagpapabuti sa pamamahala.

বাংলা : দরিদ্রতা,    Bahasa Indonesia: kemiskinan,    Català: pobresa,    Deutsch: Armut,    Ελληνικά: φτώχεια,    English: poverty,    Español: pobreza,    Euskera: txirotasuna,    Ewe: osi,    Filipino: Kahirapan,    Français: pauvreté,    Galego: pobreza,    Italiano: povertà,    日本語: 貧困,    Malay: kemiskinan,    Português: pobreza,    Română: saracie,    Somali: faqri,    Srpski: siromaštvo,    తెలుగు: పేదరికము,    Tiên Việt: sự nghèo đói,    Türkçe: yoksulluk,    中文 : 贫穷


 

PAGPAPAWI SA KAHIRAPAN

Ang salitang “pagpapawi,”ay nangangahulugan ng pansamantalang pag-aalis sa sakit at hirap. Ang pagbibigay ng pera sa mahihirap ay hindi pumupukaw sa kahirapan.

Bilang tagapagpakilos ikaw ay tumututok sa paglaban sa mga dahilan hindi sa mga sintomasng kahirapan, dapat nating iwasan ang pamamaraan na ito (ang simpleng pagpapawi sa pamamagitan ng pagsasalin ng pera).

বাংলা : দারিদ্র উপশম,    Bahasa Indonesia: meringankan kemiskinan,    Català: alleujament de la pobresa,    Deutsch: Armutslinderung,    Ελληνικά: κατευνασμός της φτώχειας,    English: poverty alleviation,    Español: alivio de la pobreza,    Euskera: txirotasuna arintzea,    Filipino: pagpapawi sa kahirapan,    Français: allégement de pauvreté,    Galego: alivio da pobreza,    Italiano: alleviare la povertà,    日本語: 貧困の軽減,    Malay: peringanan kemiskinan,    Português: alívio de pobreza,    Română: alinarea saraciei,    Somali: yareynta faqriga,    Srpski: ublažavanje siromaštva,    తెలుగు: పేదరిక ఉపశమనము,    Tiên Việt: xoá đói giảm nghèo,    Türkçe: yoksulluğun yatıştırılmasıi,    中文 : 减轻贫穷


 

PAGPUKSA SA KAHIRAPAN

Bilang tagapagpakilos, tayo ay gumagawa patungo sa pag-aalis o paglipol sa mga suliraning panlipunan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga dahilan, at pagkilos upang ang mga ito ay labanan at alisin. Dahil ang kahirapan ay isang suliraning panlipunan, ang  solusyon sa problemang ito ay panlipunan din.

Dalawang komplementaryong paraan ng pagsugpo sa kahirapan (komunal at pribado) ay matatagpuan sa dalawang komplementaryong modulo dito ( Ang Siklo ng Pagpapakilos ng Komunidad), at Balak o Plano para sa Paggawa ng Pagkakakitaan.

বাংলা : দারিদ্র্য দূরিকরণ,    Bahasa Indonesia: eradikasi kemiskinan,    Català: eliminació de la pobresa,    Deutsch: Armutsbeseitigung,    Ελληνικά: εξάλειψη φτώχειας,    English: poverty eradication,    Español: erradicación de la pobreza,    Euskera: txirotasuna ezbatzea,    Ewe: sise imukuro osi,    Filipino: pagpuksa sa kahirapan,    Français: extirpation de pauvreté,    Galego: erradicaciónda pobreza,    Italiano: eradicamento della povertà,    日本語: 貧困の撲滅,    Malay: penghapusan kemiskinan,    Português: erradicação de pobreza,    Română: eradicarea saraciei,    Somali: ciribtirka faqriga,    Srpski: otklanjanje siromaštva,    తెలుగు: పేదరికము నిర్మూలనము,    Tiên Việt: xoá triệt để cái nghèo,    Türkçe: yoksulluğun azaltılması,    中文 : 彻底消除贫穷


 

PAGBABAWAS SA KAHIRAPAN

Ang salitang "pagbabawas" ay nangangahulugan ng pagpapaliit sa isang bagay.  Tignan Mga Prinsipyo ng Pagsasakapangyarihan ng Komunidad.

Kabaligtaran ng “pagpapawi” kung saan pansamantalang ginagamot ang mga sintomas ng kahirapan, ng pagbabawas ay nakikita bilang tamang daan sa pagpupuksa o pag-aalis.

বাংলা : দারিদ্র বিমোচন,    Bahasa Indonesia: mengurangi kemiskinan,    Català: reducció de la pobresa,    Deutsch: Armutsreduzierung,    Ελληνικά: μείωση φτώχειας,    English: poverty reduction,    Español: reducción de la pobreza,    Euskera: txirotasuna murriztea,    Filipino: Pagbabawas sa Kahirapan,  Français: réduction de pauvreté,    Galego: redución da pobreza,    Italiano: riduzione della povertà,    日本語: 貧困の減少,    Malay: pengurangan kemiskinan,    Português: redução de pobreza,    Română: reducerea saracie,    Somali: ciribtirka faqriga,    Srpski: smanjenje siromaštva,    తెలుగు: పేదరికము తగ్గించటము,    Tiên Việt: giảm bớt nghèo đói,    Türkçe: yoksulluğun azaltılması,    中文 : 減少贫穷


 

Pangunahing Kalingang Pangkalusugan (PKP)

Ang konsepto ng pangunahing kalingang pangkalusugan, itinataguyo at sinusuportahan ng WHO, ay mga patakaran at mga kasanayan na pinagsama-sama. Ang mga ito ay artikular sa mga interes ng mga mahihirap at mga mamamayan na nasa mga bansang mababa ang kita.

Kasama sa mga prinsipyo ng mga patakaran at kasanayang ito ang pagbibigay diin sa paggastos sa murang pangunahing kalingang pangkalusugan ng mga ordinaryong sakit, na kadalasan na nakukuha ng populasyon, sa halip na maglagay ng mga yaman o kagamitan na mahal at sopistikadong (halimbawa ¨high tek¨) mga kasanayan sa paggagamot na ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbenepisyo.

Kinikilala din nito na ang pagpigil o pagsansala ay mas mura kaysa pagbibigay ng lunas, na mas naaagapan ang mortaliti o pagkakamatay (mortality) (dami ng namamatay) at katamlayan (morbidity) (dami ng nagkakasakit) na nakapagpapahirap sa ekonomiya. Ito rin ay mas makatao.

Kinikilala din nito na ang mga mamamayan ay maaaring sanayan sa mga pangunahing kakayahang medikal at maaaring mas makaabot sa  lugar na malalayo. Sila din ay maaaring magtukoy (refer) sa mga mahihirap na kaso sa mga mas may kasanayan (mga propesyonal) sa syudad.

Ang PKP ay mahalaga para sa mga tagapagpakilos sa mga mahihirap na bansa, dahil ito ay kinakailangan maintindihan ng mga tao, at ito ay mas epektibong paraan ng pagtataya ng limitadog yaman o kagamitan.

Ang mga prinsipyong makikita sa PKP ay maaari ring gamitin sa iba pang mga gawaing batay sa komunidad gaya ng mga gawaing panlipunan na batay sa komunidad. Tignan ang akronim PKP.


 

PAGBIBIGAY-BUHAY PANLIPUNAN

Ang pagbibigay-buhay panlipunan ay nangangahulugan ng pagbibigay buhay (¨anima¨) sa mga institusyon ng lipunan gaya ng komunidad.

Kadalasang tinatawag ng ¨pagbibigay-buhay¨ (hindi dapat ilito sa paggawa ng mga ¨cartoons¨ para sa pelikula o telebisyon). Tignan Pagbibigay-Buhay.

াংলা : সামাজিক অনুপ্রেরণা,    Bahasa Indonesia: animasi sosial,    Català: animació social,    Deutsch: Soziale Animation,    Ελληνικά: κοινωνική ζωοδότηση,    English: social animation,    Español: animación social,    Euskera: gizarte animazioa,    Filipino: pagbibigay-buhay panlipunan,    Français: animation sociale,    Italiano: animazione sociale,    日本語: 社会活発化, 強くする,    Malay: animasi sosial,    Português: animação social,    Română: animare sociala,    Pyccкий: Осведомленность,    Srpski: animacija, društvena animacija,    తెలుగు: జీవనము,    Tiên Việt: lòng nhiệt tình xã hội,    Türkçe: toplumsal canlandırma,    中文 : 激励社会


 

PAGPAPALAKAS

Pagsasakapangyarihan. Pagdadagdag ng kapasidad o kaayahan na makamit ang mga layunin.

Gawing mas malakas.

العربيّة : تقوية ,    বাংলা : শক্তিশালীকরন,    Bahasa Indonesia: memperkuat,    Català: enfortiment,    Deutsch: die stärkung, Empowerment, Macht, Stärken,    Ελληνικά: ανάπτυξη δυνατοτήτων, ενδυνάμωση, δύναμη,    English: strengthening,   capacity development, empowerment, power,    Español: capacidad, potenciación,    Euskera: indartzea,  Ewe: fifun ni lokun,    Filipino: pagpapalakas,    Français: capacité, empowerment,    हिन्दी : षमता विकास अधिकारिकरण,    Italiano: rafforzamento, empowerment,    日本語: 強くする,    Kiswahili: kujengea uwezo,    Malay: menguatkan,    Português: capacidade, desenvolvimento de capacidade, fortalecendo,    Română: dezvoltarea capacitatii, intarire,    Pyccкий: Рaзвития,    Somali: xoojinta,    Srpski: osnaživati,    తెలుగు: బలకరము చేయుట,    ไทย: การเพิ่มความเข้มแข็ง,    Tiên Việt: tăng cường    Türkçe: kuvvetlendirme,  中文 : 提升力量


──»«──
Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring, sumulat sa amin.
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
CSS conversion ni Wai King Lung Matthew
──»«──
Huling binago: 2012.10.01

 Pangunahing Pahina
 Preparasyon