Pangunahing Pahina
 Preparasyon




Mga Pagsasalin:

বাংলা / Baṅla
Български език
Català
Cebuano / Sugboanon
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
ગુજરાતી / Gujarātī
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
ਪੰਜਾਬੀ / Pañjābī
Română
Русский
सिन्धी / Sindhi
Af Soomaali
తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu
Èdè Yorùbá

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

ALAMIN ANG MGA KAILANGAN MONG KAALAMAN AT KAKAYAHAN

Ano ang mga Kailangan mong Malaman Para sa Paggawa?

sinulat ni Phil Bartle

Isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Mga Kaalaman at Kakayahan na Kailangan mo sa Pagpapakilos

Ang mga kaalaman at kakayahan na dapat mong malaman bilang isang tagapagpakilos ay hindi naman mahirap aralin, ngunit ang mga ito ay makapangyarihang mga kaalaman. Maaari itong magamit ng hindi tama.

Bilang analohiya, isipin mo ang kaalaman ng isang liyabero. Ang isang liyabero ay nakakagawa ng maraming mga kapaki-pakinabang na mga serbisyo, ngunit ang mga kaalamang ito ay puwede ring gamitin ng hindi tama tulad ng pagpasok sa ibang bahay at pagnanakaw.

Sa pag-aaral mo ng mga kaalaman tungkol sa pagpapakilos, gamitin mo ang mga ito para sa kabutihan ng isang komunidad, hindi para sa pansariling kapakanan kapalit ng komunidad.

Dahil ang pinupuntirya mong grupo ay ang kabuuan ng isang komunidad, karamihan sa mga kakailanganin mong mga kaalaman ay nabibilang sa pakikipagtalakayan at pakikisalamuha. Kailangan mong matutunan ang kaalaman ng isang tagapagsalita sa publiko, at hindi lang basta-basta tagapagsalita sa publiko. Ang uri ng pagsasalita sa publiko na kailangan mong malaman ay yaong kailangan sa pamumuno at pagsasaayos.

Kailangan mong matutunan kung paano makapagpalabas ng impormasyon at desisyon mula sa isang grupo, kung saan nangangailangan ka ng kumpletong kaalaman tungkol sa iyong mga hangarin pati na ng kumpiyansa sa pagharap sa maraming tao. Kailangan mong alamin kung ano ang pagsesermon, pangangaral at pagbigay ng mga mahahabang talumpati, at kung paano iwasan ang mga istilong ganito.

Ang mga kaalamang-teknikal na kakailanganin mo bilang isang tagapagpakilos ay ang mga sumusunod: pagsasalita o pagtatalumpati sa harap ng publiko, pagpaplano, pamamahala, pagmamasid, pagsusuri, at pagsusulat. Ang pinakamabisang paraan upang matutunan ang mga ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa sarili.

Kinakailangan mong magkaroon ng kaugalian ng pagiging matapat, masigla, positibo, mahaba ang pasensiya at pang-uunawa at pagiging masigasig.

Kinakailangan mong matutunan kung paano makinig at umintindi kapag ang ibang tao ang nagsasalita. Kailangan mong siguraduhin na ang impormasyong iyong natatanggap ay tama. Kailangan mong matutunan kung paano maiparating o mailarawan ang isang punto at kung paano ito gawing kaaya-aya sa mga tagapagpakinig. Hindi ka dapat nagsesermon tulad ng isang pastor o pari; hindi ka dapat gumagawa ng isang talumpati tulad ng isang pulitiko; hindi ka dapat nangangaral tulad ng isang propesor o guro.

Kinakailangan mong matutunan kung paano mapanatili ang pagkakaroon ng kumpiyansa habang sensitibo sa ibang tao lalo na kung ikaw ay nakatayo sa harap ng maraming mga tao. Kailangan mong matutunan kung paano kilalanin at magustuhan ang mga tao. Kinakailangan mo ring matutunan kung paano iwasan ang palaging pag-intindi sa iyong sarili, pagkakaroon ng sobrang bilib sa sarili at pagiging arogante. Kailangan mong alamin kung paano magdala o mamuno ng isang talakayan na maiwasan ang pagiging mapag-amu-amuhan, pagiging diktador o mapanuya. Turuan mo ang iyong sarili ng ganitong mga kaalaman.

Natututunan ang mga ganitong kaalaman sa pamamagitan ng paggawa (hindi lang ng pagbabasa ng aklat).

Kung ikaw ay nakilahok sa klase ng pagpapaunlad ng komunidad, at umupo ka lang at nagsulat, hindi mo makukuha ang pinakamabisang pagsasanay.  Kinakailangan mong magsanay, una sa harap ng iyong mga kaklase, pagkatapos naman ay sa harap ng isang pangkat ng komunidad. Tingnan sa Mga Paraan para sa Pagsasanay.

Dahil kailangan mong maisaayos ang ang mga grupo sa komunidad at bumuo ng isang ehekutibong komite, kinakailangan mo ng mga kaalaman sa pagbubuo at pagsasaayos . Dahil kinakailangan mong magbigay-lakas sa pamamagitan ng kaalaman sa pamamahala, kailangan mo rin ng mismong mga kaalaman sa pamamahala.  Dahil ginagabayan mo ang mga pangkat sa komunidad sa pamamagitan ng pansariling pagpaplano, kinakailangan mo rin ng mga kaalaman tungkol sa pagpaplano.

Dahil pinapayuhan mo at ginagabayan ang mga pangkat na ito upang mapanatiling tapat, eksakto at sigurado sa kanilang mga ulat-pinansiyal, kailangan mo rin ng mga kaalaman tungkol sa akaunting para sa iyong sarili.  Dahil kailangan mong gabayan ang mga nasabing pangkat sa paggawa ng mga ulat at kailangan mo ring sumulat o gumawa ng sarili mong mga ulat, kailangan mo ng mga kaalaman sa pagsusulat. Matuto ka sa pamamagitan ng paggawa.

Kailangan mong matutunan kung paano mabilis na matuto ng isang lengguwahe, (Hanapin sa Paraan ng Pakikinig Upang Matuto sa Pagsasalita ng Isang Lengguwahe) at kung paano matuto ng iba't ibang lengguwahe o diyalekto ng isang komunidad.

Higit pa sa mga kaalamang-teknikal, kailangan mo rin ng mga katangian na mahalaga para sa iyong tagumpay bilang isang tagapagpakilos. (Hanapin sa manwal sa pagsasanay: Ang Pagiging Isang Tagapagpakilos at Deskripsiyon ng Gawain).

Ang iyong reputasyon ang pinakamahalaga mong yaman. Kung kilala ka sa pagiging matapat, ma-diplomasya, makatarungan, masipag, mataas ang moralidad, disente ang pamumuhay, mahaba ang pang-unawa at pasensiya, masigla, at mapagpakumbaba, ang iyong reputasyon ay tutulong sa iyo sa iyong mga gawain sa pagpapakilos. Kung ikaw naman ay hindi ganito, maghanap ka ng ibang gawain o bokasyon.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Preparasyon