Pangunahing Pahina
 Pagsisimula




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
>తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAGLILINIS NG DAAN

Pagkuha ng klirans mula sa awtoridad

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jamie Bibit


Gabay sa pagsasanay

Pagpapakita sa mga lokal na awtoridad at opisyal kung paano makakakuha ng benepisyo sa pagpapalakas ng komunidad.

Bago ka magsimula gumawa sa iyong komunidad (o mga komunidad, dapat makuha mo ang mga kinakailangang permiso, at aktibong kooperasyon mula sa mga awtoridad at mga lider na responsable sa iyong lugar.

Sa mga ilang mobiliser, ang awtoridad ang nakikita nilang"kaaway" o "oposisyon"at makikita nila ang kanilang gawain bilang tagaayos ng mga mahihirap na komunidad para kalabanin ang mga "nagpapahirap." Iyan ang maaring paraan sa ilang sitwasyon, at madalas na makikita ito bilang "civic engagement" kaysa sa "partisipasyon ng komunidad". Ang paraan ng mga modyul na ito (na idinebelop sa Africa) ay ipakita ang mga awtoridad sa maaring maging idulot nito sa sustenabilidad at sa katatagan ng polisiya ng bansa at programa para sa pagsibak ng kahirapan.

Alalahanin na mayroon kang dalawang target (beneficiaries),hindi lamang (1) ang komunidad pati na rin ang (2) awtoridad na responsable sa lugar ng komunidad. Ang iyong hangarin para sa komunidad ay palakasin ang pagtaguyod ng mga aksyon na nakakatulong sa sarili. Ang iyong hangarin para sa awtoridad ay magtrabaho para sa sustenabilidad upang tumungo sa pagpapakilos ng kapaligiran (politikal and administratibo) sa buong komunidad.

Ang iyong hangarin para sa mga lider (politkal at impormal), administratibo ("bureaucrats"), at expertong teknikal ("technocrats") ay pilitin silang maging "taga-bigay" sa paghuhubog sa pagiging "tagapangasiwa ng pagtulong sa sarili ng mga komunidad" Hindi ito dapat maliitin. Kung ang mga politiko ang "magbibigay" (eg magbigay ng mga publikong pasilidad), makakakuha sila ng boto at kasikatan. Mas magkakaroon ng mga lihim na interes sa "paraan ng probisyon." Kahalintulad, kung saan ang mga administratibo at mga teknokrat ay mag-aangking ng sila ay "makakapagbigay," samakatuwid, naniniwala silae (madalas na tama) na makakatulong ito sa kanilang karir at marahil makakuha ng promosyon. Kung mayroon mang nalilihim na interes na hindi magbago bilang "tagapangasiwa" Ang kanilang istratehiya na ipakita at pilitin na magkakaroon sila ng benepisyo sa pag-iwan sa "probisyon" at lumipat sa "pagsasagawa" .

Ang totoo lang, kung lilipat sila mula sa paraan na "probisyon" sa "pagsasagay" , sa tamang oras, makakatamtan din nila ang mgabenepisyon nito. Iyon ay dahil bawat komunidad ay may nalilihim na kakayahan na hindi nila gusto ilantad at pagamit hanggang sa ang awtoridad ay magbibigay ng kanilang kakayahan. Kung ang komunidad ay makakakuha ng responsibilidad na magbigay ng kanilang sariling pasilidad at serbisyo, at pati narin ang pagsasanay sa pangangasiwa, maraming kakayahan ang lalantad at magagamit. Kung ang mga lider at mga responsableng awtoridad ay lumipat sa "pagsasagawa", lalabas na ang pagpapalakas ng komunidad ay maging pundasyon kung saan makakakuha sila ng kasikatan, boto, pag-unlad sa karir at promosyon.

Iyong tungkulin ang ipakita ang paraan ng "probisyon" na nagbibigay benepisyo sa mga lider at awtoridad sa maikling panahon, ngunit hindi ito mapapatagal, sa kabilang dako ang paraan ng "pagsasagawa" ay maglalayon magbigay ng tunay na pag-unlad na makakabuti sa kanila sa mahabang panahon. Sa sitwasyon kung saan makumbinsi mo ang mga awtoridad sa mga benepisyo mula sa pagpapalakas ng komunidad, mas magkakaroon ka ng permisong magtrabaho, kumaha ng aktibong kooperasyon, at labanan ang mga nalilihim na interes na maaring sumagabal sa pagpapalakas at pagsasarili ng komunidad.

Upang makakuha ng klirance o permiso mula sa awtoridad, mahalagang magbigay sa kanila ng dokumentasyon, na nagtuturo sa opisyal na polisiya, mga napagkasunduan at mga memorandum of understanding (MOU), na maaring mayroon ka. (Depende ito sa mga sitwasyon). Habang ginagawa mo ito, ipaliwanag mo sa kanila ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng mas malakas, mas independent na komunidad sa kanilang nakatalang lugar.

Kung tatanggapin ng iyong badyet at plano, ito na ang oras para magsagawa ng workshop para sa mga awtoridad.

––»«––


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsisimula