Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

PAGBIBIGAY-KAPANGYARIHAN SA PAMAYANAN

Pagpapalakas ng mga Pamayanan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Mga gamit sa pagsasanay

Ang katwiran sa likod ng ganitong kaparaanan

Bakit Bibigyang-kapangyarihan ang Pamayanan?

Kapag tayo ay gumagamit ng salita, tayo ay madalas na hindi sinasadyang naghahatid ng mga kahulugan, o mga kahulugan na hindi natin alam na ating naihahatid. May mga damdamin at akala na kaakibat ng mga salita na ating ginagamit.

Tulad na lamang ng salitang "kahirapan" bilang ehemplo. Sa industriya ng pagtutulungan (mga kaakibat sa pag-unlad), ating madalas na nakikita ang sarili natin bilang mga sundalo sa ating tinatawag na giyera laban sa kahirapan.

Ang kahirapan ay siyang nais nating mapuksa. Ngunit ano ang kabaligtaran ng kahirapan? Kasaganahan o Kayamanan. Ano pa man, ayaw nating tanggapin na tayo ay "mga sundalo sa giyera pabor sa kayamanan." Bakit?

Dahil kahit na ang kahirapan at kayamanan ay magkabaligtad, maraming mga akala, damdamin at natatago na mga kahalagahan na kaakibat ng mga salitang ito. At ang mga akala, damdamin at natatago na mga kahalagahan ay naiihatid kasama ng mga lantad na mga kahulugan nito. Sa isang banda, maganda sa usaping-moral ang pagtulong sa mga mahihirap na mga tao, ngunit hindi natin iniisip na sila ay tinutulungan natin upang magkaroon ng kayamanan o kasaganahan.

Ang modulo sa pagkakaroon ng pagkakakitaan ay katanggap-tanggap pakinggan na "pagkakaroon ng pagkakakitaan" kaysa "pagkakaroon ng kayamanan o kasaganahan" kahit na ang salitang "kayamanan" ay mas bagay na gamitin sa usaping ng kabuhayan. (Kung saan ang layunin ay ang pagkita ng pera, hindi paglilipat-kamay lamang ng pera.). Ang katagang "kayamanan" ay naiintindihan bilang naghahayag ng malaking yaman.

Ang kahirapan ay isang suliranin sa kadahilanang may malaking agwat sa kayamanan; ang iba ay mas mayroon kaysa sa nakararami. Kung ang tunay na pagkakapantay-pantay ay mangyayari (at ito naman ay hindi maaaring maganap), ang kahirapan ay hindi magiging suliranin pa.

Kaakibat ng "kayamanan" ang "kapangyarihan" at "kakayanan." Ang mga pamayanan (at mga mamamayan) na may alin man sa dalawa ay kadalasang nabubuo ang tatlong nabanggit (yaong may kakarampot na kayamanan ay kadalasang may mababang kapangyarihan at kakayanan). Kung gayon, kung nais nating iangat ang katayuan ng mga tao mula sa mahihirap na lugar o yaong mga taong hindi-nabibigyang pansin ng lipunan, ito ay paglalahad na nais nating magkaroon sila ng dagdag na yaman, kapangyarihan at kakayanan.

Ngunit huwag naman kalabisan.

Isang napakabuting gawain ( sa ating pananaw) na tulungan ang mga mahihirap, ngunit (nasa ating sariling hangad) ayaw nating sila ay yumaman, o kaya ay kahit maging kasing-yaman man lang natin. At ito ay ayaw nating aminin.

Isa pang madamdamin na salita na madalas nating gamitin ay ang "demokrasya". Lahat tayo ay tila pabor rito.

Ngunit ganoon nga kaya tayo?

Kapag ating sinuring mabuti ang kahulugan ng demokrasya, lumalabas na hindi tayo laging pabor sa mithiin nito, lalo na kung mangangailangan na isuko natin ang iba nating sariling kapangyarihan (o kayamanan, o kakayanan). Maraming nagsasabing sila ay pabor sa demokrasyang sistema. Ngunit ang mga ito ay pabor lamang sa mga balangkas ng institusyon kung saan ay may karapatan ang bawat tao na pumili at bumoto at maghalal ng kandidato sa posisyon sa gobyerno upang kanilang maging kinatawan.

Ito ang "demokrasya sa pamamagitan ng kinatawan." Ito ay halos kontra sa ibig sabihin ng demokrasya. Ang tunay na kahulugan ng "demokrasya" ay "Kapangyarihan ukol sa mga tao" (demo = mga tao, cracy = kapangyarihan). Ang pamamaraan ng pagboto at paghalal sa isang kinatawan ng mga tao ay nag-aalis ng kapangyarihan sa mga tao. Ang kapangyarihang ito ay naibibigay sa kung sino man ang mahahalal pagkatapos ng botohan.

Kapag ating sinabi na nais nating magbigay ng kapangyarihan sa pamayanan, ang ibig nating sabihin ay nais nating ito ay maging demokratiko. Hindi sa ang ibig nating sabihin ay magkaroon sila ng kalayaang bumoto upang pumili ng kanilang kinatawan (kahalintulad ng modelong Inglatero o Amerikanong politika).

Ang nais natin ay ang mga tao (hindi lang ilang mga nilalang) sa kabuuan (sa kalipunan) ang magkaroon ng kapangyarihan. Nais nating makahanap ng mga paraan para sa pamayanan na magkaroon ng dagdag pang kapangyarihan, kayamanan at kakayanan. Kung gayon, ang pamayanan na higit na nangangailangan ng aming pagtulong ay yaong may kakarampot na kapangyarihan, kayamanan at kakayanan.

At kailangang maging gising tayo sa ating naktagong-damdamin na mapanatili natin silang mahirap, mahina at walang kakayanan upang patuloy natin silang mabigyan ng ating limos at tulong. Kung tunay nating silang bigyan ng kapangyarihan, dapat nating gawin ito sa paraang hindi na sila magiging pala-asa sa ating mga tulong. Sa katagalan ay dapat silang makatayo sa sarili nilang mga paa, iyung kakayanin nilang mapanatili ang sarili nilang paglago ng walang tulong na manggagaling mula sa atin.

Ang ating pagnanasa para sa kayamanan at kapangyarihan ay normal at natural lamang. Hindi natin dapat ikahiya ang mga ito. Sa paraan ng ating pagtulong sa mga mahihirap at walang kapangyarihan, marapat nating isaisip na huwag sa pamamaraang mananatili pa rin silang mahirap at walang kapangyarihan sa buong takbo ng ating pagtulong -- at palaging nakaasa na lang sa atin.

Ang mga dokumento sa pagsasanay sa web site na ito ay nakaumang una na sa mga tagapag-kilos ng pamayanan, at bigyang-diin ang mga pamamaraan kaysa pag-ukulan ng husto ang idelohiya o akala. Ganoon pa man, upang magamit ng husto ang mga pamamaraang iyon, kinakailangang maging may kamalayan tayo sa kung anong katwiran mayroon sa likod, anong prinsipyo ang gagamitin at kung gaano katagal ang epekto ng mga pamamaraang ito.

Pinakamahalaga sa lahat, kailangang mag-siyasat tayo lagi ng ating mga motibo at layunin sa likod ng ating mga gagawin.

Pagiging Malakas sa Pamamagitan ng Pagsasanay:

Sa maraming pagkakataon, sa pamamagitan ng web site na ito, na ikaw ay pinapaalalahanan na gumawa ng mga paglapit na maaaring magpakita ng pagbibigay-lakas sa pamayanan, kaysa pagtataguyod ng pagiging palaasa.

Ginagamit natin minsan ang katagang "Ginagamit natin minsan ang katagang "pagkakawanggawa" upang pangalanan ang gawain na nagreresulta sa pagiging pala-asa kapag tayo ay tumutulong." upang pangalanan ang gawain na nagreresulta sa pagiging pala-asa kapag tayo ay tumutulong. Ang pagka-kawanggawa ay hindi masama, kung ang basehan nito ay ang pagiging mapagbigay. Ito ay isang kahalagahan na aming sinusuportahan.

Ang ating ibig sabihin ng "pagkakawanggawa," sa isang banda, ay isang pamamaraan upang matulungan ang mga mahihirap at walang kapangyarihan sa paraan na sila ay magiging nakaasa. Ang anumang regalo na magreresulta sa tatanggap upang maging lalong nakaasa sa nagbibigayt ay hindi isang tunay na ideya ng pagiging mapagbigay sa kapwa. ito ay tuluyan lamang nagpapaigting ng kahirapan. Nagluluklok lamang ito sa naghahandog sa patuloy na pagbibigay.

Kapag ikaw ay nagbigay ng anumang bagay sa isang tao o lupon ng mga tao na nangangailangan, sandaling pinupunan mo lamang ang kanilang pangangailangan. Makakasiguro ka na sa sandaling mangailangan muli, sila ay babalik at babalik kung saan sila ay nakakuha ng unang tulong. Hindi naman ito masama; ito ay likas ng pagiging-tao o ang kalikasan ng pagpupunyagi ng kahit anong buhay na nilalang upang mabuhay.

Kung nais mo na ang isang tao o lupon ng mga tao ay makatayo sa kaniyang sariling pagsisikap, kinakailangang siguruhin sa una pa lamang na kailangan nila ang bagay na iyon. Pagkatapos, ikaw ay maghahanap ng mga paraan upang sila gumalaw o pagpursige para roon. Sa ganoong paraan, kapag kailangan nila muli ang bagay na iyon, hindi na sila lalapit pa sa iyo upang ihingi iyon ng tulong. Kapag may nakuha silang bagay na libre o hindi pinagpaguran malalaman nila na husto ang halaga (para sa kanila) ng bawat sentimo na ginasta para rito.

Maraming beses sa web site na ito na iyong makikita ang pagkukumpara sa isports upang mas maipaliwanang ang paraan ng pagbibigay-lakas. Ang isang lider na tagapag-sanay ay hindi gumagawa ng ehersisyo para sa kanyang manlalaro o 'di kaya ay siya ang nag-eensayo sa pag-syut ng bola sa larong basketbol para sa kanyang mga manlalaro. Ang isang nilalang na magiging malakas at laong maaasahan ang siyang nararapat na gumawa ng mga bagay na magpapakas at magpapabuti sa kanyang sarili.

Ang isa pang pagkukumpara ay makikita sa pagpapabuting-pisikal. Kapag ikaw ay nasaktan sa braso at nawalan ng silbi ang brasong ito, ikaw ay nagpupunta sa isang manggagamot para sa pagpapabuting-pisikal upang gumaling. Ang manggagamt na ito ay maaaring igalaw ang iyong braso sa paraan na kailangan mo upang maigalaw ang braso sa normal na paraan, Ngunit ito ay paggiya lamang sa iyo upang magawa mo ang tamang pagsasanay sa muling pagpapalaks ng iyong nasaktang braso.

Kailangang sanayin mo ang paggalaw muli ng iyong braso, at ito ay isang napakasakit at nakakaasiwang paraan. Ngunit kailangan mong gumaling. Sa paglipas ng maraming pagsasanay, unti-unti mong naibabalik ang lakas sa nasaktang braso at sa kalaunan ay hindi mo na kailangan pa ang serbisyo ng manggagamot.

Kapag ang lider ng tagapagsanay ang gumawa ng ehersiyo ng kanyang manlalaro, ang manlalaro ay hindi magiging malakas. Kung ang manggagamot ang siyang gagawa ng mga ehersisyo ng para sa pasyente, ang pasyente ay hindi lalakas. Kung ang manggagawa sa pamayanan ang siyang gagawa at gagalaw para sa pamayanan, ang pamayanan ay mananatiling nakaasa sa kanya at ang kahirapan ay mananatili. Kahinaan.

Ang paraan ng paglapit sa isang pamayanan upang magbigay-lakas ay nangangailangan ng pag-alam na sila ay may pangangailangan (kung ano ang matutuklasan sa isang sama-samang talakayan) at pagkatapos ay ipakita sa mga mamamayan nito kung papaano mapupunan ang kakulangan na ito. Ang paraan ng pagkuha nito ay ang pagsasanay (pagpunyagi) na nagpapalakas sa kanila.

Bakit Pipili ng Pamayanan upang Bigyang-lakas

Kung ang pakay ng pagpapagalaw ng pamayanan ay ang pagpapalago ng kapangyarihan, kayamanan at kakayanan, bakit ka pipili ng isang pamayanan at pagkatapos noon ay isa pa upang pagalawin?

Ang mundo ay hindi isang patas na lugar. Dito ay may hindi pagkakapantay-pantay. Dito ay may alitan. Mayroong hindi makataong-pagtrato sa sangkatauhan, ng mga tao mismo. Ang buhay ay hindi patas. Kailangan natin ng layunin sa buhay. Subuking itama ang mga mali ng mundong ito; subuking matulungan ang mga mahihirap na mga tao upang sila ay makatayo sa sarili nila at matakasan ang kahirapan, ang ilan lamang sa mga layunin na ito.

Ang mapayaman ang sarili ang siyang pangunahing layunin ng ilang tao. Ito ay isang napakababaw at hungkag na layunin (ang lalong paglago ng kanilang kayaman ay mag-uudyok lamang sa kanila upang lalo pang maghangad ng mas maraming kayamanan; sa pagpapayaman, walang husto na). Walang katibayan, o kaya ay pag-asa, na ang mundo ay magiging patas, na ang kahirapan ay tuwirang mapapawi. Gayon pa man, ang pagpupunyagi upang mapawi ang kahirapan ay isang magandang layunin na nagdudulot ng ibayong pabuya sa sino man.

Kaya maaari nating maipukol ang ating lakas sa pagpipilit na mapagalaw ang isang mayaman o medyo may kayang pamayanan. Ngunit ito ay may kakulangan sa layunin kumpara kung tutulungan ang isang mahirap na pamayanan upang sila ay mapalakas. Ang mga paraan ng pagpapalakas sa web site na ito ay maaaring mailapat sa mayaman man o mahirap na pamayanan.

Ang pagpili ng paggawa sa isang mahirap na pamayanan ay maaaring isang paraan ng paglalagay ng layunin sa iyong buhay. Kapag ang pinili na pamayanan ay kung saan ka lang ipinanganak ay maaaring isang balidong pagpili, ngunit kulang sa layunin.

Ang mga dokumento sa web site na ito ay ibinatay una na upang ilatay sa mga pamayanan na may maliit na kita, kakarampot na kakayanan, at mayroong kakarampot na kapangyarihan. Ang pagsusulat ng mga dokumento ay may layunin; walang kinita sa paglalagay ng mga ito dito sa internet. Ito ay isang bahagi (maaaring pulutong ng sundalo? o mga bala kaya?) laban sa giyera sa kahirapan.

Ilan sa mga tao ang mahilig magsabi: "Ang pagiging maawain ay dapat nagsisimula sa loob ng tahanan." Madalas nilang sinasabi ito upang maipangatwiranan ang pagbubunsod ng paglikom ng pondo upang maipamahagi sa mga mahihirap na tao sa kanyang pinaggalingang pamayanan (kung saan hindi naman talaga tumutugon upang maputol ang kahirapan ng mga taong natutulungan, ayon sa ating nakikita). Sa kasamaang-palad, ang mga taong ito rin ang naniniwala na hindi lamang sa bahay ito magsimula; doon rin lamang ito dapat natatapos. Isang kaisipang nanggagaling lamang sa isang taong may makitid na isip at sakim na paniniwala.

Ang buong mundo ay naglalaman ng mga tao, saan mang dako. Lahat tayo ay magkaka-ugnay, sa isang bahagi bilang mga tao. Tayo ay isang malaking pamilya na nakatira sa tahanang-mundo natin. Ang mga tao sa mga malalayo at mahirap-marating na lugar ay ating mga kapatid rin. Kung atin silang matutulungan, magkakaroon ng tunay na layunin ang ating buhay.

Kung atin silang tutuliungan, kailangang ituon natin ang ating pagtulong sa paraang sila ay makakatayo sa sariling mga paa nila at hindi aasa lamang sa ating awa. Iyun bagay na sila ay makakatulong sa sarili nila pagdating ng panahon. Kung tayo ay makakapili ng kung anong klaseng pamayanan ang paggagamitan natin ng ating kasanayan bilang tagapag-kilos, mas magiging makahulugan (at may mas silbi sa pandaigdigang pananaw) na piliin ang pamayanan na may pinakamaliit na kumita, yaong may mas salat sa kapangyarihan at kakayanan.

Pagbibigay-lakas bilang Paraag Sosyal

Sa maraming lugar dito sa web site, ating ipinunto na ang kahirapan ay isang problemang-sosyal. Ang kaagapay nito ay ang kawalan ng isang nilalang ng sapat na salapi o kaya ay pinagkukunang-yaman.

Ating dapat ihiwalay ang kaibahan ng baitang ng sosyal o pangkalahatan, sa pang-indibidwal sa ating mga pagsusuri, pagmamanman at sa ating mga pakikialam. Ang pamayanan ay isang samahang pangkalahatan, at hindi ng isang tao lamang. Ito rin ay higit pa sa samahan ng mga tao.

Ito ay isang nilalang, na kung minsan ay tinatawag na isang "mataas na organiko o super-organic", na bumabagtas ng higit sa mga kalipunan ng mga tao na bumubuo nito. Madaling makita at makipag-ugnayan sa isang tao. Ang "pamayanan", sa kabaligtaran, ay isang modelong-agham, katulad ng ayos ng mga planeta at araw na maaaring makita ng baha-bahagi ngunit hindi ng kabuuan ng ayos nito. (Alam ba ninyo ang isang istorya sa relihiyong Hindu tungkol sa pitong bulag na lalaki at ang elepante?).

Ang pamayanan ay hini kumikilos katulad ng tao. Minsan, ating napagkakamali ang pamayanan na parang isang tao (ating tinitignan at tinutukoy na katulad ng isang tao) ngunit ito ay mas katulad ng isang lupon ng langgam.

Ating maaaring mapalakas ang isang tao (pisikal na katawan, sikolohikal) at maaari rin nating mapalakas ang isang pamayanan (kakayanan, kayaman at kapangyarihan); ngunit hindi sila magkahalintulad ng pagiging malakas. Sa ating gawa bilang tagapagpakilos, kailangan ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang mga maling akala at inaasahan tungkol sa pamayanan na tila isang tao na may pag-iisip na sarili. Madali lamang kasi para sa ating magkamali sa ganoong pag-iisip.

Tayo bilang mga tagapagpakilos ay may kakayahang makita ang isang tao at makipag-ugnayan rito. Ang ating sentro ay ang pamayanan, isang samahan pangkalahatan, na hindi mo makikita sa anyong-kabuuan nito at kung saan kailangan kang makipag-ugnayan sa lahat ng bumubuo nito. Upang maging matagumpay sa pagbibigay-lakas ng pamayanan, kailangang maintidihan mo ang naturalesa ng samahan nito, ng kalagayan nito sa isang lipunan.

Mahalaga rin na malaman mo ang kaugnayan na nangingibabaw sa pagitan ng tao o mga tao at ng pamayanan at lipunan. Habang ang web site na ito ay pinipilit na gawing simple at madali ang mga kaisipan at paniniwala ukol sa tao at pamayanan, at binibigyang-halaga ang mga praktikal na alituntunin, pamamaraan at kasanayan, hinihikayat rin dito ang malaman ang agham ng sosyolohiya, ng kalikasan ng pamayanan bilang isang samahang pangkalahatan, at ng sosyolohikal na pagtingin. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito, maaaring makagawa ng higit at mainam na pagpapakilos ng pamayanan.

Tandaan, datapwat, na ang sosoyolohikal na agham ay hindi madalas na tumpak sa pag-aakala kung ihahambing sa agham ng mga kemikal o dili kaya ay ng agham ng astronomiya. Ito ay sa kadahilanang maraming maaaring makaapekto sa kalalabasan ng isang pangkalahatang pagbabago. Lalo pa itong naging mahirap dahil bilang isang samahang panlipunan, halimbawa ng pamayanan o kaya ay isang NGO, ito ay hindi mo agad makikita at makaka-ugnayan.

Gayon pa man, kailangan mo pa ring bigyan ng mithiin ang sarili mo sa pag-alam pa sa pangkalahatang pagtingin at ibayong pagsasanay ng kagalingan sa pag-unawa ng mga bahagi ng lipunan. Ito ay iyong magagawa kapag iyong nakita ang mga indikasyon, katulad ng pag-uugali ng mga tao, ng panglipunan at ekonomiyang mga statistiko o bilang, mga pangyayari at mga bagay na demograpiya.

Upang matulungan ka rito, mayroong dalawang modulo na na nagsasaad ng labing-anim na bahagi ng pagbibigay-lakas. Ang isa ay nakatuon lagi sa kakayanang umunlad ng isang samahan (katulad ng NGO o CBO), ang ang isa ay nakatuon lamang sa pagsusukat ng mga pagbabago o paglago (o kaya ay ng pagbaba ng bilang) sa kakayanan ng pamayanan.

Ang mga labing-anim na bahagi, karamihan ay hindi nakikita maliban sa pag-aninag sa mga katangian ng mga tao, ay maaaring makatulong sa iyo upang makita ng detalyado at maingat ang proseso ng pagbibigay-lakas bilang isang pangkalahatang proseso.

Bakit Pagsali?

Ang pagbibigay-lakas ng isang pamayanan ay hindi isang bagay na magagawa mo sa pamayanan na yaon. Sa kadahilanang ang proseso ng pagbibigay-lakas, o ang pagpapalago ng kakayanan, ay isang prosesong pangkalahatan. Ito ay isang bagay na kailangang pagdaan ng isang pamayanan. Kahit ang bawat kasapi ng isang pamayanan, bilang isang mamamayanan, ay hindi makapagpapalago ng kanilang pamayanan. Ito ay isang proseso ng pagpapalago ng pamayanan sa kabuuan, sa kaloob-looban. Parang isang organismo na may buhay (super organism o kaya ay isang pangkalahatang-organismo).

Ang pagpipilit ng pagpapalago, katulad ng pagpipilit na mabago ang pangkalahatan, ay matatawag na pagkalahatang pagtatatag o social engineering. At ito ay may mga kinalalabasan na malayo sa iyong inaasahan.

Ang ating pamamaraan ay ang mapagalaw ang isang pamayanan upang kumilos. Maaari nating matawag ang pagkilos na iyon bilang isang "proyekto." Sa paggawa ng isang proyekto, ang pamayanan ay maaaring maging mas may-lakas at may kakayanang magpalago ng kakayanan. Ang pagkilos na ginawa nito ay ang pagsasanay upang maging malakas.

Ating nabanggit sa itaas na ang mga tao ay kailangang makibaka upang maging malakas. Ang pinakapayak na pamamaraan ng isang tagapag-kilos sa pamayanan ay ang unang pag-alam kung ano ang nais ng isang pamayanan sa kabuuan. Tapos ay ang paggiya sa mga ito sa pakikibaka upang makamit ang inaaasam.

Ang isang taga-labas ng pamayanan ay hindi maaaring magpasya kung ano ang kagustuhan ng isang pamayanan. Ang mga kasapi mismo ng pamayanan ang dapat na magkaisa sa kung ano ang pinaka-nais nila sa lahat ng inaasam. Iyang ang isa sa maraming mga dahilan kung bakit dapat nilang makilahok sa paggawa ng pasya; na ang paglahok ay kailangan unang-una sa pag-alam kung ano ang pinaka-nais nila sa lahat.

Ang pagpapalitan ng mga opinyon upang makabuo ng mga ideya sa mga magtitipon ay isa sa maraming mga paraan na itinuturo dito na maaaring makatulong sa iyo upang mailabas kung ano ang una sa listahan ng mga kailangan ng isang pamayanan. Kapag nagawa ng tama, ito ay isang proseso na aalam ng pasya ng mas karamihan, hindi sa gusto lamang ng iilan, o kaya ay ang kagustuhan lamang ng naghaharing iilan.

Pagkatapos ay ang stratehiya ng pagpapasya. Ito ang ang pag-alam kung ano ang daan na tatahakin upang makamit ang mithiin. Muli, maraming mga daan sa pagpili ng mga stratehiya. Ngunit ang mas pagkatawan nito sa kung ano ang nais ng mga kasapi ng isang pamayanan ay ang nagbibigay rito ng balidong-nais. Ang paglahok ng mga kasapi ay mahalaga sa ikatatagumpay ng layunin.

Anuman ang proyekto, ito ay may mga pumapasok na bagay at mayroong lumalabas rin naman. Ang mga pumapasok ay ang mga bagay na magagamit para sa proyekto.

Ang lumalabas naman ay ang layunin kapag nakamit na. Maaaring ang ibang mga pumapasok na bagay ay manggagaling sa tao na nagbibigay ng tulong, katulad ng gobyerno. Ngunit ang pamayanan mismo, ang mga kasapi nito ang dapat na magbigay rin na kanilang mga sakripisyo para sa proyekto. , aming isinisuhestiyon na sila ay magbigay rin ng maitutulong sa mga bagay na pumapasok para sa proyekto.

Ang pagbabantay sa proyekto ay mahalagang bahagi ngunit madalas na ito ay nakakalimutang gawin. Ang pamayanan ay dapat na makibahagi rin sa pagbabantay sa proyekto.

Hindi dapat iasa na lamang sa mga taga-labas ng pamayanan na nagtataguyod ng proyekto ang pagbabantay ─ nag-aambag o nagsasagawa ─ ang pag-alam kung gumagana ba ang proyekto ayon sa plano.

Sa pagtakbo ng pagpapatupad ng proyekto, kailangang makilala at malaman ng mga kasapi ng pamayanan ang anumang kagalingan na wala sila. Ang mga kagalingang ito ay may gamit sa pagpapatakbo ng proyekto. Katulad halimbawa ng ukol sa accounting, sa pabibigay ng tamang mga ulat o kaya ay mga kasanayan sa mga bagay na teknikal.

Kung magagawa mong matulungan ang mga kasapi ng pamayanan na makapagsanay sa mga kagalingang ito, masasabi na ang pagsasanay ay may paglahok rin. Ang mga tao ay pinakamainam na natututosa "paggawa o pagkilos" kaysa sa pakikinig o panonod lamang ng mga aralin na itinuturo ng tagapag-sanay.

Ang pagsasanay sa pamamagitan ng paglahok ay ipinapahayag sa kabuuan ng proseso ng pagbibigay-lakas. Sa paglahok, nagaambag ito ng mas lalong kalakasan.

Pambansang Kaunlaran:

Nuong dekada singkwenta at sisenta (at pagkalipas pa noon) ay kinakitaan ng paghinto ng mga pagkasakop sa maraming bansa. Tumaas rin ang pag-asa na matutugunan ang paghinto ng kahirapan sa pamamagitan ng pagiging malakas ng mga bansang ito upang makatayo sa sarili nilang mga paa.

Ngunit ang kinalabasan ng katotohanan ay kabaligtaran. Ang pag-asam na mahihinto na ang kahirapan ay napalitan ng pagkadismaya at ang maraming mga tao ay lalo pang naghirap. Maraming mga makasaysayang dahilan sa paghihirap na ito. Isa na ang pagkakaroon ng pag-iisip na mas mainam pa ang panahon noong sila ay nasasakop pa ng ibang bansa. Ang mga multi-national na kumpanya ng mga bansa ang siyang higit na yumayaman at lumalakas kaysa sa mga bansang ito. Lalo na ang globasisasyon ng mga kulturang pang-negosyo, kakapusan ng kaalaman at kagalingan ng mga pinuno ng mga bansa at marami pang iba ang mga nakakaapekto sa lalong paghihirap ng mga dating-nasakop na mga bansa.

Lahat tayo ay kanya-kanyang paboritong kaisipan.

Sa Mga Dahilan ng Kahirapan, ating pinaghihiwalay ang (1) epekto ng kasaysayan at (2) mga dahilan na nakakaapekto sa paglala ng suliranin ng kahirapan na nanatili. Ito ay may praktikal na gamit. Hindi na tayo makakabalik pa sa kasaysayan ay baguhin pa ang mga nangyari na.

Maaari nating makita ang mga kasalukuyang mga dahilan, at magkaroon ng impluwensiya, gaano man kaliit, sa mga ito. Ang pagsasanay ng web site na ito ay nakatuon unang-una na sa tagapag-kilos ng pamayanan (at sa kanyang tagapangasiwa, taga-plano, at tagapangasiwa ng kabuuan ng proyekto.).

Sa larangan ng matunog na pag-iisip, ating binabanggit ang, "Pag-iisip na pangdaigdigan, pagkilos sa lokal na pamamaraan o Think globally, act locally." Ito ay maaari ring gamitin dito.

Papaano tayo makakapag-ambag upang lalong lumakas, makatayo sa sailing mga paa, may kasarinlan ang isang bansa? Kung ang isang bansa ay malakas, may kakayanang tumayo sa kanyang sariling mga paa, at may maaasahang mga pamayanan, ito ay mas lalong lumalakas.

Ikaw bilang isang tagapag-kilos, ay hindi maaari (sapamamagitan ng iyong gawa) direktang makapagpabago ng katauhan ng isang bansa. Ngunit maaari kang makapag-ambag sa isa o dalawnag pamayanan upang sila ay lumakas. Sa pamamagitan ng ganitong pamamahagi ng pamamaraan sa iba, ay maaari kang makapag-palakas ng iba pang pamayanan sa hindi-direktang pamamamaan.

Ikaw rin ay maaari na makaimpluwensiya sa mga mambabatas at kagawaran ng pamahalaan sa mga paraang makakatulong sa kapaligiran na nagsusulong at sumusuporta sa mga pamayanan upang sa lalong ikalalakas ng kanilang sarili. Habang maraming pamayanan ang lumalakas, lalong lumalakas ang buong bansa.

Isinulat noon ni Joseph Marie de Maistre, "Toute nation a le gouvernement qu'elle merite" (Ang lahat ng bansa ay mayroong pamahalaan na nababagay sa kanila) Lettres et Opuscules Inedits (vol. I, letter 53), na minsan ay maling ibinabatay sa dating pangalawang Pangulong Thomas Jefferson ng Estados Unidos. Kung ikaw ay kikilos ng husto upang magkaroon ng isang lipunan na nais mo, ikaw ay tumutulong na rin sa pagkamit ng isang pamahalaan na nauukol sa iyo.

Ang isang panbansang kaunlaran ay hindi nakukuha sa pangangarap lamang o dili kaya ay sa pag-uusap lamang. Ito ay kinalalabasan ng daan-daan at libo-libong maliit na pagbabago. Mga pagbabago na nakatuon sa paghihirap at pagkilos ng mga tao upang makamit ang iisang hangarin.

Ikaw ay maaaring kasama nila, at ang web site na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga kagamitan upang magamit mo sa pagkilos ng pagpapaunlad ng isang bansa.

Piliin ang pinakamahusay at lalo pang paigtingin ito:

Ang isang positibong pananaw na may kasamang pag-asa at pasang-ayon sa patuloy na pagsubok ay hindi lamang mga luho sa gawaing ito. Sila ay mga kailangan.

Walang sino man, walang pamayanan, walang lipunan, na perpekto. Lahat tayo ay nagkakamali. Kung ikaw ay magbibigay ng panahon at lakas sa pagpuna, ikaw ay nagpapalaki lamang ng mali na iyong pinupuna ngunit hindi ng pagtatama nito

Makakakilala ka ng mga tao na mangangako ngunit mabibigo. Mga tao na hindi tumutupad ng kanilang obligasyon sa isang usapan. Mga tao na nagsisinungaling at nandadaya. Mga tao na walang-silbi, hindi maaasahan at walang sigurado. Mga tao na hindi tapat at nanliligaw. Simula nung ikaw ay ipinanganak, walang nangako sa iyo na magiging patas ang buhay sa iyo. Ganyan talaga ang buhay dito sa mundo.

Upang magtagumpay sa gawaing ito, ikaw ay dapat magkaroon ng positibong pananaw sa pag-uugali, at marapat na tanggapin mo na ang pagkakamali ay hindi basta maiiwasan. Dapat rin na handa kaSa patuloy na pagtatangka," kahit na ikaw ay nabibigo. Upang makuha ang galing ng isang tao, kailangan mong makita ang kanilang kahinaan ngunit hindi mo na dapat pang banggitin ito sa kanila. kailngan mong makilala ang kanilang kalakasan at mga naabot na at kailangan mong banggitin ito sa kanila.

Patuloy na manalig sa kalakasan ng isang tao, hindi sa kaniyang kahinaan.

Sa Katapusang-Hatol:

Bakit kailangang tulungan ang pamayanan na lumakas? Ang mundo ay mas lalong magiging mabuting lugar na tirhan; ang kahirapan ay mababawasan; ang pagkilos upang magawa ang mga ito ay isa ng makahulugang pagpupursige. Ano ang mga paraan pagbibigay-lakas? Ang pagbibigay dahil sa awa )pagbigay ng mga bagay na libre) ay nagpapahina sa mga pamayanan.

Mas magiging malakas ang mga pamayanan kung alam nila at napagdesisyunan kung ano ang kanilang nais, at sila ay kumikilos (nagsasanay) upang makamit ito. Anong mga pamayanan ang iyong pipiliin upang magabayan at matulungan upang makatayo sa kanilang mga sarili?

Piliin iyung mas nangangailangan, iyung makikita mo na pinakamahirap, iyung halos walang kakayanan, at iyung halos walang kapangyarihan. Bakit ang kahirapan at kasaganahan ay hindi lamang basta maikakabit sa mga tao? Dahil ang kahirapan ay pangkalahatang problema kaya ito ay nangangailangan ng sagot na pangkalahatan.

Ang kaunlaran ay hindi magaganap kung hindi nito maaapektuhan ang buong pamayanan. Bakit kailngang makilahok ng mga tao sa pamayanan sa pagpapaunlad? Kung wala ang kanilang paglahok, walang pangkalahatang kaunlaran, at anuman ang nakuhang kaunlaran ay mawawala rin sa katagalan.

Bakit hindi kumilos para sa ikauunlad ng bansa? Habang ang pamayanan ay lumakakas, sila ay nag-aambag tungo sa pambansang kaunlaran. Ikaw bilang isang tagapag-kilos ay maaaring kumilos at tumulong sa pamayanan upang lumakas. Sa isang bada, ang pakikipag-uganayan sa isang buong bansa ay hindi praktikal.

Papaano naman iyung mga kabiguan, mga hindi tapat na tao at iyung mga mandarayang nilalang? Ang isang positibong hakbang ay siyang kailangan para sa gawain sa pamayanan; tanggapin ang mga kabiguan at magpatuloy ng hindi dalahin ang mga ito; tanggapin na lahat tayo ay nagkakamali kung kaya iwasan ang mga puna at manalig lamang sa kalakasan.

Ang iyong gawain ay may dangal at mahalaga, kahit na ito ay hindi nababanggit.

––»«––

Isang lugar ng pagsasanay:


Isang lugar ng pagsasanay

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan