Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSASAAYOS PARA SA PAGKILOSMga Tungkulin at Responsibilidadni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen GenetianoManwal sa PagsasanayAng isang grupo ay maaaring maisaayos sa iba't ibang kaparaanan para sa iba't ibang layunin; hanapin ang pinakamabuting pagsasaayos ng organisasyon para sa mabisang pagkilos ng isang komunidad.Maraming tao ang hindi naiisiip ang iba't ibang uri ng pagsasaayos para sa iba't ibang layunin, na gawa ng isang tagapagpakilos.
Ang dalawang pinakamahalagang uri sa website na ito ay ang mga:
Kapag tinulungan mo ang komunidad na makabuo ng isang ehekutibong komite, ikaw ay nagsasaayos para sa paggawa ng desisyon ng isang komunidad. Ngayon, kapag kasama mo ang komunidad upang magdesisyon kung sino ang gagawa ng mga bagay-bagay (tulad sa isang proyekto), ikaw ay nagsasaayos para sa isang pagkilos. Tingnan sa Pagsasaayos sa Pamamagitan ng Pagsasanay. Datapwat maaring magkaroon ng pagkakapatong-patong, ang pagsasaayos ng pagkilos ay kailangang makahanap ang mga taong gagawa ng mga partikular na gawain. Ang hakbang na ito ay napakahalaga. Kapag natukoy na ang isang gawain (tulad ng pagbi-biyahe ng mga yero sa lugar ng gawain), ito ay hindi dapat iiwan lamang ng basta sa buong grupo. Maaaring hindi matapos ang isang gawain dahil ang lahat ay mag-iisip na responsibilidad ito ng bawat isa. Ang malaking bahagi ng mga gawain ay hindi dapat hawak ng iisang tao lamang, tulad ng tagapangulo ng isang ehekutibo. Mahalaga na ang maraming mga gawain at responsibilidad ay nakahati-hati sa maraming miyembro ng komunidad (lalo na sa mga taong hindi bahagi ng ehekutibo) . Bigyang-diin ang kahalagahan ng malawakang partisipasyon at kontribusyon ng mga miyembro ng komunidad. Siguraduhin na kapag ang isang gawain ay itinalaga sa isang tao, ito ay alam ng lahat, at kapag hindi ito natapos sa takdang panahon, ang taong ito ay maaaring ipatawag at panagutin ng komunidad. Ang pagkilos ng komunidad (na tinulungan mong mapadali) ay kailangang hindi kusa at biglaan. Nararapat na ito'y naisaayos ng husto. ––»«––Workshop; Training for Action: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagssasaayos |