Tweet Mga Salin
Català |
BALANGKASpara sa Kurikulum ng Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidadni Phil Bartle, PhDisinalin ni May M. VirolaSangunian ng' TagapagsanayAng balangkas para sa kurikulum ng pagsasanay na iminumungkahi dito ay nakatutok sa pagbababa ng kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapalakas o paglinang ng kakayahan sa mga komunidad na mababa ang kita sa pagpaplano at pamamahala ng mga komunal na pasilidad ng pamayanan at mga serbisyo, ang kanilang pagyari, operasyon at pagmementena. Ang mga materyales ay maaaring gawin sa lebel na rehiyonal o sub-rehiyonal, na akma sa kultura ng bawat rehiyon. At sa bawat bansa, at sa bawat distrito ng operasyon sa bansa, ang mga materyales ay dapat isalin sa karaniwang lengwahe, at palitan para mailarawan ang lokal na kultura. Layunin ng Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidad Ang pagsasanay na ito ay isang pagsasanay para sa aksyon, halimbawa, pagpapakilos (pagpaplano o pag-oorganisa ng mga grupo para maging mas epektibo), hindi lamang para sa pagsasalin ng kakayahan o para magbigay ng impormasyon sa mga grupo ng indibidwal. Hindi na kinakailangang bigyang diin na ang pagsasanay, bilang isang pamamaraan ng pagpapalakas sa mga komunidad na mababa ang kita, para sa pagbababa ng kahirapan, para sa pagtataguyod ng pakikilahok na pangkomunidad, para sa praktikal na suporta sa demokratisasyon at desentralisasyon, halimbawa, para sa pagpapakilos, ay di hamak na iba sa pagsasalin lamang ng impormasyon at kakayahan sa mga nagsasanay. Ito ay hindi isang tradisyonal na pagsasanay. Ang ganitong uri ng pormalisasyon at institusyunalisasyon ng pagsasanay ay maaaring maghatid ng panganib ng emaskulasyon ng pagsasanay, ng pagbibigay diin sa pagsasalin ng kakayahan sa halip na tumutok sa pagpapalakas, mobilisasyon at ng aspeto ng pagtatatag ng pagsasanay. Sa ganitong paraan ang pagsasanay sa pamamahala ay nilinang para sa pagpapalakas ng kapasidad para makapagdulot ng pagbabago sa pinakamataas at gitnang lebel ng pamamahala ng mga korporasyong tuwirang gumagawa ng kita. Ito ay iniba dito, at kasama ng mga pamamaraan ng pag-oorganisa ng mga unyong pangkalakalan, para sa layunin ng pagpapakilos o mobilisasyon at pagpapalakas ng kapasidad ng mga komunidad na mababa ang kita na magtulong-tulong at makibahagi sa pagkamit ng mga pagbabago. Tignan: Pagpapakilala sa Pagsasanay sa Pamamahala para sa Komunidad at Pamamaraan ng Pagbibigay Kakayahan o Pagsasakapangyarihan. Bawat pakete ay dapat naglalaman ng mga sumusunod: Ang pakete ay naglalaman ng mga gamit para sa pagsasanay, para sa tagapagsanay at sa mga kalahok, na layong maipabatid ang materyal ng maayos.
Mga Paksa ng Pagsasanay: Habang karamihan ng mga pinal na kurikulum ay nagtataglay ng mga paksang pinili ayon sa mga kondition at pangangailangan ng isang lugar, ang mga sumusunod ay listahan ng mga paksa na sa palagay namin ay dapat maging sentro ng pagsasanay:
Ang sumusunod na sektyon ay nagsasaad ng maaring nilalaman ng bawat isa sa mga paksang ito. Pagsasanay para sa Pagpapalakas ng Komunidad Para sa tagapasilita at tagapagsanay Magkataliwas na suposisyon: Ang layunin ng pagsasanay na ito ay hindi lamang ang pagpapasa ng impormasyon at pagsasalin ng kakayahan sa mga indibidwal. Ang pagsasanay ay isang gamit sa pagpapakilos, para mapabuti ang tiwala at sigla, para itaas ang lebel ng kaalaman (na ang mga miyembro ng komunidad ay kinakailangan na tanggapin na lamang kung ano man ang ibigay ng tadhana), para pagtatatag o muling pagtatatag ng komunidad bilang isang CBO, para ang mga miyembro ng komunidad ay mas maging malalim ang kanilang kaalaman ng kanilang sitwasyon, ng mga nais ng komunidad, ng kanilang kakayahan at mga potensyal na yaman, at magkaroon ng kakayahang gumawa ng sarili nilang pagtataya ng kanilang mga limitasyon. Mga Kakayahang Pangpagsasanay para Mapabuti ang Organisasyon. Pamamaraan ng pagtutulot at pagbibigay tiwala, sigla, at kaugaliang tumututok sa pag-uumpisa ng komunidad na kumilos para sa kanilang kinabukasan. Ang importansya ng mga pamamaraan at layunin ng pagsasanay na sensitibo sa kasarian. Ang importansya ng mga aksyong pangkomunidad na ayon sa kalikasan. Akma sa teknolohiya. Pagganyak. Pagpapasilita hindi pagprepresinta. Paano iibahin ang mga manwal ng pagsasanay at mga pamamaraan ayon sa uri ng kalahok (mga opisyal, lider, squatter sa siyudad, ekspertong teknikal, tagabarrio, mga marunong bumasa at sumulat, mga hindi marunong bumasa at sumulat, kalalakihan, kababaihan,mga may kapansanan, mga walang kapansanan, iba't ibang grupong etniko, ibat't ibang idelohiya). Ang gamit ng mga kwento, mga tula, sayaw, musika, dula pagganap ng karakter, manika at alternatibong pamamaraan ng komunikasyon. Mga kwento para hikayatin ang mga tao na tulungan ang sarili, para magplano, ang maging positibo. Tignan: Hanbuk para sa mga Tagapagpakilos. Mga Prinsipyo at Pamamaraan ng Pagpapalakas ng Komunidad. Mga Pamamaraan ng Pagtutulot Para sa mga Lider, Teknokrat, at Opisyal Katangian ng "Pamamaraang" probisyon: bilang manipestasyon ng elitismo at pagmamataas; bilang pamamaraan na walang halaga sa pagkuha ng boto, pagsulong ng karera at rekognisyong propesyonal; bilang isang gawain na tumataguyod sa pagtangkilik sa komunidad at sa ganito nagpapatuloy ang kahirapan at pagkawalang bahala. Bakit ang mga lider, opisyal, at teknokrat ay maaaring makaramdam ng pagbabanta mula sa pagbibigay kakayahan at pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng mga komunidad. Paano ang pagtutulot ay maging isang paraan ng pagpapabuti ng karerang politikal ng mga lider, makatulong sa propesyonal na pagsulong ng mga ekspertong teknikal, at isulong ang karera ng mga opisyal. Pamamaraan ng pagbibigay buhay sosyal para sa mga lider, ekspertong teknikal at opisyal. Tignan: Paghahanda ng Papeles para sa Patakaran ng Paglilinang ng Komunidad. Gabay: Pagpapakilos ng mga Grupong Pangkomunidad: Pagpapakilos ng mga Grupong Pangkomunidad. Pamamaraan ng Pagbibigay-Buhay Sosyal. Paano magtatag ng komunidad na nakikilahok sa sarili nitong pag-unlad. Pagtawag ng mga pulong pangkomunidad. Ang pakikilahok ng lahat, hindi lamang ng iilan, ng miyembro ng komunidad. Ang importansya ng kasarian. Mga grupong bulnerable. Prinsipyo (halimbawa "Ang mga tao ay mas madaling magbigay ng tulong sa mga taong may kakayahang tulungan ang sarili"). Ang papel ng paghahati-hati ng pagkain. Mga Kwento at anekdota para sa pagpapakilos ng mga grupo. Mga Pamalit na Pamamaraan ng Komunikasyong Pangkomunidad. Ang suliranin ng pagkakahati-hati ng komunidad. Ano ang "Nagkakaisang Pagtatatag", at paano ito gagawin? Pagtatahas ng kaalaman pero hindi ng mga ekspektasyon. Walang mga pangako. Paglalahad at pagbabahagi ng mga karanasan sa ibang mga tagapagkilos at tagabigay-buhay. Tignan: Nagkakaisang Pagtatatag. Pagpapaliwanag na ang mga desisyong pangkomunidad ay nangangailangan ng isang komunidad na nagkakaisa. Pagtatatag ng CBO: Para sa mga Manggagawa sa Komunidad. Ano ang dapat gawin matapos ang lahat ng mga pulong pangkomunidad. Paghahanap ng mga proseso sa pagpili at paghalal na akma sa kultura. Siguraduhin na ang eksekutib ng CBO ay ang tunay na napili ng komunidad. Ang mga tagapangasiwang CBO bilang mga mapagkakatiwalang alagad ng komunidad, hindi bilang mga lider o tagabigay lamang ng opinyon. Pagtatag sa mga eksekyutib para gawin ang trabaho: epektibo hindi estado. Ang halaga ng pag-ako ng responsibilidad at hayag na pamamahala. Tignan: Pagtatatag hango sa Pagsasanay. Pagtatatag para sa pagdidisisyon o para sa paggawa ng aksyon. Pagtataya ng mga Yaman ng Komunidad: Para sa mga CBO Ang makatotohanang pagtataya ay dapat manguna sa pagpaplano. Ano ang meron sa komunidad? Nasaan ang mga ito? Paano magagamit ang mga ito ng epektibo (pagkilos)? Ano ang mga balakid? Ano ang mga pinakakailangan ng komunidad? Paggawa ng Mapa para sa pagdidisisyong pangkomunidad. Paglalagay ng halaga sa mga libreng manggagawamga may kakayahan, walang kakayahan, at gawaing pamamahala). Tignan: Pagtataya ng Sitwasyon ng Komunidad Imbentaryo ng Komunidad at Mapa. Pagtukoy ng mga Prayoridad ng Komunidad: Para sa mga CBO at tapagpakilos na nagtatatag ng mga CBO. Ano ang dapat gawin kung ang ibang tao ay nais gumawa ng isang bagay at ang iba naman ay nais ding gumawa ng iba? Sino ang pipili? "Nagkakaisang Pagtatatag" Balik-Tanaw Mga pangangailangan ng komunidad kontra sa mga kagustuhan ng komunidad; sino ang pipili? Mga Pamamaraan ng ¨¨Brainstorming¨¨ para sa pagpapakilos ng mga grupo. Tignan: Pamamaraan ng ¨¨Brainstorming¨¨. Para makakuha ng mga malikhaing pasya galing sa grupo. Pagpaplano ng Proyektong Pangkomunidad: Para sa mga CBO. Paano magdisenyo at magplano ng proyektong pangkomunidad. Brainstorming, ulit, para sa pagdidisisyon ng grupo. Mga Elemento ng Isang Lohikal na Disenyo ng Proyekto (ang problema, ang layon, mga nais makamit, mga rekurso o yaman, mga balakid, mga posibleng stratehiya, mga piniling stratehiya, mga kontribusyon ng mga tao, mga materyales na kailangan, ang lupa, mga kagamitan na kailangan, transportasyon, ang plano sa trabaho, halaga ng gastos, sino ang gagawa sa ano at kailan, mga suplemental na materyales para sa apendiks). Tignan: Disenyo ng Proyekto. Paano ididisenyo and isang proyektong pangkomunidad. Paano Magsulat ng Epektibong mga Mungkahi: Para sa mga CBO, NGO at lokal na awtoridad. Epektibo, hindi marikit, mga mungkahi. Ano ang nais na epekto? Inkorporasyon ng disenyo ng proyekto sa epektibong mungkahi. Mga Kabanata ng Mungkahi Mga mungkahi bilang mga pamamaraan ng paglilikom ng laang gugol. Ang halaga ng pagkakaroon ng maraming maykaloob at pagkukunan ng mga kailangan. Mahalaga din para sa mga lider ng distrito at administrador, para mapagtaya ang mga mungkhi mula sa mga CBO. Tignan: Pagsulat ng Mungkahi. Paano makakuha ng pera mula sa mga organisasyong maykaloob. at Mga Kabanata ng Mungkahi para sa Proyektong Pangkomunidad. Handout sa Pagsasanay. Paglilikom ng Laang Gugol Para sa mga CBO at NGO Paano makakuha ng mga laang gugol at iba pang kailanga. Ang komunidad mismo bilang pinakamahalagang maykaloob. Dalawang salitang lubos na mahalaga "Salamat po." Siguraduhing ipagbigay alam sa mga maykaloob ang progresso. Iwasan ang siraan ng loob (hindi lahat ng tinawag ay maaring magkaloob). Panghihikayat (ang halaga ng tagalikom ng laang gugol). Ang halaga ng reputasyon (matapat, malinaw na pamamahala, etika, akmang layon, pagiging epektibo). Ilang mga tulong para sa paglilikom ng laang gugol. Iba't ibang pamamaraan para sa iba't ibang mapagkukunan. Ilang mga pamamaraan. Tignan: Pagkuha ng mga Kailangan. Mga pamamaraan na maaaring gamitin ng mga organisasyong pangkumunidad para makakuha ng mga kailangan para sa mga proyekto. Pagpaplano sa Distrito at Pakikilahok ng Komunidad Para sa mga Lider at Opisyal Pagsasanay sa Pamamahala para sa mga lider at opisyal ng distrito. Ang halaga ng pagpaplano ("Kung lumagpak sa pagpaplano, ang plano ay lalagpak." "Kung hindi mo alam kung saan ka pupunta, kahit aling daan ay magsisilbi."). Ang "Kabaligtaran" paraan ng pagpaplano: umpisahan sa dulo (ang nais makamit) at tapusin sa umpisa (ano na ang gagawin at sa aling pagkasunod-sunod). Ang halaga ng pagsasangkot sa mga planong pangkomunidad at mga proyektong pangkomunidad sa mga planong pangdistrito. Ang paraan ng pagtutulot, at kung paano ito ibabagay sa pagpaplano at pamamahalang pangdistrito. Pagbibigay ng proaktibong liderato at koordinasyon para sa internasyonal at nasyonal na NGO na nagtatrabaho sa larangan. Komunikasyon sa at galing sa mga CBO. Mga Pamamaraan ng Paggawa ng Desisyon hango sa Pakikilahok Tignan: Gabay sa Paghahanda ng Plano ng Trabaho. Para sa pagsulat ng 3 or 6 na buwang plano ng trabaho. Pangkomunidad na Pamamahala ng mga Tao: Para sa lahat ng aktor at mga may interest Habang ang pamamahala ay nangangahulugan ng paglalagay ng tamang yaman sa tamang lugar sa tamang oras; ang mga tao ay higit pa sa kayamanan at mga input. Sila din ang dahilan kung bakit tayo nagbibigay ng kalakasang pangkomunidad. Espesyal na katangian ng mga tao bilang kayamanan ng komunidad. Ang pamamahal ng may bayad at walang bayad na trabaho. Trabahong pangkomunidad at katapatan sa komunidad. Pagkilala at pagpapahalaga: ang halaga ng pakilala ng komunidad sa mga donasyon, lalu na sa mga boluntaryong donasyon ng gawaing komunal Sensitibidad sa mga iba pang obligasyon: trabaho, pamilya, tahanan, libing, pagdiriwang, mga ritwal at seremonyas. Pagbawi ng Gastos: Para sa mga Opisyal at Eksekyutib ng CBO. Ang pagsulat ng Mungkahi at iba pang uri ng pormolaryo ng pagllikom ng laang gugol ay maaaring makatulong sa pagbubuo ng pasilidad sa komunidad, pero paano ang gastos sa operasyon at pagmementena at mga pagkukumpuni? Isang bayad. Bayad sa bawat gamit. Bayad ng residente. Pagbibigay ng nasyonal at pangdistritong pondo para sa mga komunidad para sa pagmementena ng mga pasilidad. Tignan: Pakuha ng Yaman o ng mga Kailangan. Mga pamamaraan para sa mga organisasyong pangkomunidad na maaaring gamitin sa pagkuha ng mga kailangan para sa mga proyekto. Pamamahagi o Paghahati-hati ng Kita Para sa mga Opisyal at Eksekyutib ng CBO Ang desentralisasyon ng pagkokolekta ng kita at pamamahagi. Mga legal na implikasyon. Ang halaga ng pagla-lobby sa lebel na nasyonal at politikal. Paano makakapagbahagi ang mga kalinangang pangkomunidad sa nasyonal na desisyon ng pagdedesentralisasyon ng pamamahagi ng kita. Pagsusukat sa kaseryosohan ng gobyerno base sa mga regulasyon at karaniwang paraan ng pamamahagi ng pondo sa mga distrito at komunidad. Pagsusubaybay ng Komunidad: Para sa mga CBO at Tagabigay-Buhay Kung nais manatili sa ¨¨on track¨¨, dapat lamang na makita kung saan ka patutungo. Ang pagkakaiba ng pagsubaybay at pagtataya. Ang pag-unlad ay hindi nangangahulugan ng kung ano ang mga aktibidades; kung di ito ay nangangahulugan kung gaano na tayo kalapit sa mga pinlanong layunin. Bakit kailangan na ang mga layunin ay nasusukat at maaaring maberipika, at hindi lang mga kabuuang ideya or layunin. Tandaan na ang komunidad ang pinakamahalagang mayloob sa ano mang proyektong pangkomunidad, at dapat pagtuunan ng pagsusubaybay. Tignan: Pagsubaybay. Mga Prinsipyo at pamamaraan para sa manggagawa. Pagsulat ng Ulat: Para sa mga Eksekyutib ng CBO at Tagapagpakilos Ang isang magandang ulat ng progreso ay ang pinaka-epertibong paraan ng pagsasabi ng "Salamat Po." Pag-uulat ng progreso, hindi lamang ng mga aktibidades (ang ibig sabihin ng progreso ay alin sa mga layunin ang natamo na). Gumawa ng ulat para sa mga magbabasa; ang mga maykaloob ang pag-uukulan ng pansin bilang mga magbabasa, at ang komunidad bilang pinakamahalagang tagapagkaloob. Ang ulat ay isang mekanismo ng malinaw na pamamahala. Ang halaga ng madalas na pag-uulat, at pamamahagi ng mga ulat sa lahat na may karapatn na malaman kung ano ang ginagawa para mabuo ang proyektong pangkomunidad. Tignan: Paggawang Ulat para sa mga Koordinator ng Distrito Mga Prinsipyo at gabay, Pagsulat ng Ulat para sa mga Tagapagpakilos Nilinang bilang tugon sa mga pulong kasama ang mga tagapagpakilos. Pagsusulat ng Ulat Binibigyang pansin ang "Bakit?" "Ano?" "Paano?" at mga gabay sa paggawa ng mas magandang ulat, at Isang Modelo ng Ulat Isang pahinang handout; isang istrukturang magagamit sa pagsualt ng ulat. Iba pang Materyales sa Pagsasanay: Ang listahan sa itaas ay hindi tiyak o pinal. Ito ay base sa mga pangangailangan na natukoy sa Uganda para sa programang CMP. Kung ang isang bahagi ng materyal sa pagsasanay ay kailangan linangin para sa rehiyonal na programa bilang suporta sa mga programa ng bansa, ang mga paksa ay kailangang linangin pa at ibahin (at maaaring magdagdag pa ng iba) matapos at habang nagkakaroon ng diyalogo kasama ang mga programang pambansa, mga tagapagpakilos, mga lokal na lider at opisyal, at mga miymebro ng komunidad. Tignan: Pagsasanay para sa Pagbibigay Lakas. Isang Pamamaraan ng Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidad. Lagom; Ang Pangangailangan ng Proseso Ang listahan sa itaas ng mga paglalarawan ay hindi kompleto, isang pagkakamali ang mangarap buo ng isang kompletong listahan. Ang pagpapalakas ng komunidad, hango sa pagdadagdag ng kanilang kapasidad para pamahalain ang sarili, ay isang proseso, hindi pagbabago ng may tiyak ng katapusan. Bawat komunidad, sa iba't ibang lebel ng kalakasan at demokratikong partisipasyon, ay galing sa iba't ibang kultura, kasaysayan at pinaggalingang sosyal, ay may roong ibat't ibang lebel at uri ng ekonomiya at pangangailangan. Ang mga pamamaraan ng pamamagitan ay magkakaiba rin. Para maging epektibo at akma ang proseso ng pagpapalakas, ito ay dapat sensitibo sa iba't iba at pabago-bagong pangangailangan, at madaling baguhin upang ibagay sa pagkaiba-iba. Ang demokratikong pagpapalakas ay nangangailangan ng konteksto at proseso: ang konteksto ng pagtutulot at pasilitasyon (na kayang gawin mismo ng mga tao at kaya ding gumawa ng sarili nilang desisyong pangkomunidad), at isang proseso ng pagbabagong panglipunan. Walang minsan lang para sa lahat na solution. (ano mang solusyon ngayon at dito ay maaaring maging isa na namang problema sa doon at bukas). ––»«––Pagtatahas ng Kamalayan © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pamamaraan ng Pagsasanay |