Pangunahing Pahina
 Pagsisimula




Mga Salin:

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Euskara
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Русский
>తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAG-OORGANISA PARA SA KALAKASAN

Pagpapalawak ng Kapasidad sa Pamamagitan ng Pag-oorganisa

ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Lina G. Cosico


Training Handout

Ipaghalimbawa na pare-pareho ang situwasyon sa mga komunidad, ang antas ng pagkakaorganisa nito ang makakatukoy sa lakas nito.

Maraming bagay ang nakaaambag sa kalakasan ng komunidad, kapasidad, o pagbibigay kapangyarihan, pero ang dapat intindihin ng mobiliser ay ang "organisasyon."

Kung patas ang mga bagay-bagay sa mga komunidad, ang antas at bisa ng organisasyon ang magbibigay lakas sa isang grupo, ahensiya o komunidad.

Gamitin nating halimbawa ang basketball team. Kung may dalawang basketball team na parehong dami ng manlalaro, magkatumbas sa galing, kondisyong pisikal at teknolohiya (halimbawa, kalidad ng sapatos), patas sila. Sabihin nating ang isang team ay hindi organisado; walang dibisyon ng trabaho, walang koordinasyon, walang istrukturang sosyal. Ang isa naman ay organisado, mayroong coach na sinusunod, may malinaw na katungkulan para sa depensa, sentro, guwardiya, at iba pang dibisyon ng trabaho o katungkulan.

Kung pare-pareho ang situwasyon, ang antas ng pagkakaorganisa ng isang samahan ang makakatukoy sa lakas nito. Ang mga manlalaro ay may kanya-kanyang papel at nag-eensayong sama-sama para may "team work" ( halimbawa, pagpapasa ng bola). Sa kasong ito, madaling makita na ang pangalawang team ay mas malakas at mas may kapasidad kaysa sa una, maski na pareho pa ang kanilang mga katangian.

Ang mas mabuting organisasyon ay nagbibigay bunga ng mas mabuting kapasidad. Ganoon din sa buong lipunan.

Tingnan natin ang halimbawang ito ( hindi para sa kasaysayan nito kundi para sa prinsipyong panlipunan). Noong ika-16 hanggang ika-17 siglo ay mabilis na lumawak ang teritoryo ng mga Akan sa kanlurang Africa ng kanilang sakupin ang mga Guan. Ang antas ng teknolohiya (pati na ang mga armas) ay halos pareho, gaya ng iba pang bagay.

Ang pagkakaiba ay ang mga Guan ay "patrilinieal" (binabase ang pinagmulang angkan sa ama) at kalat ang mga angkan, samantalang ang mga Akan ay "matrilineal" (binabase ang pinagmulang angkan sa ina) na kung saan ay may organisasyon at pagtutulong-tulong ang iba't-ibang angkan at nakatira sa mga bayan-bayanang may sentrong autoridad. Ang bawat angkan ay may kanya-kanyang katungkulan sa panahon ng giyera ( unahan, kaliwa, kanan, likod).

Katulad din ng pag-oorganisa ng basketball team, at isinaalang-alang na pareho ang mga teknolohiya, kakayahan, atbp., ang mas organisadong sistema (gaya ng Akan na kung saan ay ang mga Ashanti ang pinakahuwaran) ang mananaig.

Ang punto para sa iyo bilang mobiliser ay tulungan ang iyong grupo na isapuso't isip ang pag-oorganisa upang maging mas epektibo at marating ang layuning mapalakas ang komunidad, lalo na iyong may mababang kita.

Hindi ka bumubuo ng Organisasyong Batay sa Komunidad (OBK) para mayron lang nito o tinutulungan silang pumili ng puno, bise, sekretarya at tesorero para mayroon silang magagandang titulo. Tinutulungan mo silang mag-organisa, pagbutihin ang pag-oorganisa, o baguhin ang organisasyon para magkaroon ng mas epektibong aksiyon tungo sa pagkakaroon nila ng lakas at kapangyarihan. Ang mas maayos na organisasyon ay nagbubunga ng mas magaling na kakayahan at kapangyarihan.

Mayroon pang ibang modulo dito na gagabay sa iyong pag-oorganisa. Lagi mong tandaan kung bakit ka nag-oorganisa ( tungo saan?) at hayaan mo ang iyong grupo na maging partner o katambal mo sa marangal na adhikain- ang pagbibigay kapangyarihan sa mga komunidad na may mababang kita.

––»«––

Pag-oorganisa ng Komunidad


Pag-oorganisa ng Komunidad

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsisimula