Pangunahing Pahina
 Pagssasaayos




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
Română
Русский
తెలుగు /Telugu
ไทย / Thai
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

DISENYO NG PROYEKTO, PROPOSISYON, PANLABAS NA MAPAGKUKUNANG-YAMAN

Ang Pag-disenyo ng Isang Proyekto at Pagkalap ng Mapagkukunang-yaman Para Dito

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maureen Genetiano


Manwal sa Pagsasanay

Sa pagtulong sa isang komunidad upang makapamili o makapag-desisyon para sa mga detalye ng kanilang napiling proyekto, kailangan mong timbangin ang maaaring pagkuha ng maraming tulong mula sa labas, na siyang mag-uudyok sa kanila na maging pala-asa at magpatuloy ng kahirapan,kabaligtaran sa pag-asa nila sa mga panloob na tulong at pagkukunang-yaman (bagama't mahirap), na gagabay sa kanila upang maging mas matatag at umasa sa sarili nilang kakayahan.

Tandaan na ang iyong gawain ay labanan ang ugaling umaasa, kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay natututong umasa sa tulong mula sa labas upang mapaunlad ang komunidad. Mariin mong ituro sa kanila ang pag-asa ng komunidad sa sarili nitong kakayahan (kung saan ang komunidad ay umaasa sa sarili nitong mapagkukunang-yaman).

Kung ang komunidad ay pumili ng napakamahal na proyekto, at hindi nila kayang abutin ang kinakailangang pondo, paalalahanan mo sila na tingnan ang realidad at maging praktikal (huwag umasa sa mga tulong mula sa labas).

Ang isang proposisyon ay isang pakiusap para sa pondo mula sa isang maaaring maging donante. Ang pinakamabuting proposisyon ay naka-disenyo tulad ng isang disenyo ng proyekto, na siyang nagsisilbing batayan ng isang donante kung bakit karapat-dapat itong magbigay ng pondo. Ang parehong proyekto ng plano sa pagkilos ay siya ring batayan sa pag-sumite sa mataas na antas ng gobyerno upang maabot o magamit ang mga ipinagkaloob na pondo.

Huwag mong gawin ang dapat na gawain ng isang komite, kahit gustung-gusto mo itong gawin. Ang ehekutibo ay dapat matuto sa pamamagitan ng paggawa. Ang mga miyembro ng komite na hindi marunong magbasa at magsulat ay nararapat na kasali sa paghahanda, maayos na naipapaliwanag at napapaintindi sa kanila ang bawat linya at salita.

Ang disenyo ng isang proyekto ay maaaring gamitin bilang isang proposisyon sa pagkalap ng mga pondo mula sa labas. Ito ang nararapat gamitin upang makuha ang pagpayag o konsensus ng buong komunidad upang gawin ang isang proyekto. Ito na rin mismo ang magsisilbing proposisyon. Maaaring kakailanganin ito ng mga tagapamahala ng distrito; at mas nararapat na bigyan sila ng kopya nito.

Ang kahalagahan ng disenyo ng proyekto, katulad na rin ng pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman, ay upang masagot ng maayos Ang Apat na Mahalagang Katanungan, (ano ang ating mithiin, ano ang mayroon tayo, paano natin gagamitin kung anong mayroon tayo upang makamit ang ating mga mithiin, at ano ang mangyayari kapag nagawa natin ito). Ito ang iyong responsibildad, bilang tagapagpakilos,na talakayin ang apat na mahahalagang katanungang ito kasama ang ehekutibo, ilagay ang mga ito sa mahahalagang konteksto, at isaayos ang mga kasagutan sa isang pormal na dokumento na isusulat ng ehekutibo.

Kung pinag-uusapan ang tungkol sa pagkukunang-yaman, malimit mong maririnig sa mga miyembro ng ehekutibo na ang komunidad ay walang sapat na pondo. Maaaring magkaroon ng pagkiling na umasa na lamang sa iisang panlabas na donante. Ang pag-asa sa iisang pagkukunang-yaman ay nagpapatindi ng pagiging bulnerable, na nagpapahina rin ng lakas at kapangyarihan ng isang komunidad. Sa pagpupunyagi, ang mga miyembro ng komunidad ay maaaring makapangalap at makaipon ng maraming pagkukunang-yaman at kakayahan mula sa napakarami at iba't ibang panggagalingan. Tingnan sa Pagkalap ng Mapagkukunang-yaman.

Ang isang tagapagpakilos ay hindi dapat magdidikta sa komunidad na ang lahat ng ito ay dapat manggagaling sa komunidad mismo. Bagkus, maaari mong banggitin ang lahat ng ito, at tanungin ang mga miyembro ng komunidad kung anu-ano ang mga bagay na kayang ibigay ng komunidad.

Ang mga sumusunod ay ang maaaring panggalingan ng mga suporta:
  • Mga donasyon: pera, lupa, gusali, mga kagamitan at makinarya, na ipinagkaloob ng mga taong gustong tumulong sa komunidad. (Kinikilala at pinasasalamatan tuwing may mga pagpupulong na pampubliko)
  • Komersiyal: regalo mula sa mga kompanya at iba't ibang negosyo na gustong ipangalakal ang kanilang mga produkto at tumulong sa komunidad. (Kinikilala at pinasasalamatan tuwing may mga pagpupulong na pampubliko)
  • Kumunal na Gawain o Bayanihan: oras at paggawa na ibinibigay ng mga miyembro ng komunidad, kung saan ang iba ay hindi nangangailangan ng dalubhasa (sa pagtatabas ng mga damo, pagse-semento), ang iba naman ay eksperto (sa pagka-karpentero, pagma-mason), mga pagpupulong, pagpa-plano, pamamahala
  • Agrikultural: ang mga magsasaka ay maaaring magbigay ng pagkain para sa proyekto:
    • para sa mga kalahok sa komunal na paggawa para sa proyekto, o kaya naman
    • para sa ehekutibong komite upang maipagbili ang mga ito at makapagkalap ng pondo mula sa benta upang gamitin para sa nasabing proyeto
  • Pagkain: ang mga taong siyang naghahanda ng mga pagkain at inumin sa mga miyembro ng komunidad sa mga komunal na araw ng paggawa
  • Mga Kontribusyon at Bayad: para sa mga pahulugan, kooperatiba o iba pang mga proyektong pang-pinansiyal, kontribusyon mula sa lahat ng mga miyembro; mga bayad sa serbisyo, katulad ng pag-igib o pagkuha ng tubig
  • Pang-gobyerno: mga bahaging pondo mula sa sentral, distrito o lokal na gobyerno. Ang mga panggagalingan nito ay katulad ng komite ng pakikilahok sa pag-unlad ng distrito
  • Mga Organisasyong Hindi Pang-gobyerno o Non Governmental Organizations (NGOs): mga lokal na organisasyon sa loob ng komunidad, mga simbahan, mga NGOs mula sa labas ngunit may lokal na operasyon
  • Hindi Nagpapakilalang mga Donante: mga taong tumutulong ngunit ayaw silang makilala.

Ang listahang ito ay hindi kumpleto. Humingi ng mga suhestiyon mula sa mga miyembro ng komunidad sa panahon ng talakayan at pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman (at hindi lamang sa mga pinuno).

Tingnan sa Mga Pondo para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa pagkalap ng mapagkukunang-yaman na magagamit para sa mga proyekto ng isang komunidad.

––»«––

Kontribusyon ng Komunidad:


Kontribusyon ng Komunidad

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 15.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagssasaayos