Mga Pagsasalin-wika:
Akan |
Mga pinakamahalalgang salita na nagsisimula sa letra Gsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen Genetiano, May M Virola, Lonela BloxomGALIT Ang pinakamapanganib na emosyon sa ating gawain ay ang galit. –– Paano ito sugpuin. Bilang mga tao, tayo ay may mga emosyon, at ang galit ay isa lamang sa mga ito. OK lang ang magalit; ito ay bahagi ng ating pagiging tao. Hindi dapat tayo ma-guilty o mahiya na tayo ay nakakaramdam ng galit. Ang galit ay normal na emosyon ng tao. Dapat nating tanggapin ito kapang tahyo ay nagagalit. Kung paano tayo kumilos kapag tayo ay galit, gayon man, ay may epekto sa ating mga gawain, kung tayo man ay tagapagpakilos ng komunidad, taga-koordina ng mga boluntaryo, nangangasiwa ng mga manggagawa. Kung ang kliyente, boluntaryo, maggagawa o miyembro ng komunidad ay nagkamali, lalo na kung ito ay makakaapekto sa mga layunin, halimbawa, tayo ay natutuksong ipakita ang ating galit, kung kailan ito mismo ang tamang oras para ipakita na tayo ay kalmado at malamig ang ulo. Kapag nakikita natin ang iba na nakagagawa ng mga pagkakamali na nakakaepekto sa nais nating makamit, dapat nating kilalanin na ito ay nakakapagpagalit sa atin at responsibilidad mo na kontrolin ito. Ang pinakamabisang agad gawin ay maglakad-lakad tayo. Kung walang sapat na oras, kahit papaano ay siguraduhing pumunta ka sa kabilang silid na hindi ipinapakita ang iyong galit, at hayaang mapukaw ito doon, na hindi nakikita ng ,ga taong nakapagpagalit sa atin. Pagkatapos, kapag nakontrol na ang ating galit, mas epektibo nating mahaharap ang kung ano man ang nagbungsod ng ating galit. Kung ito ay isang pagkakamali ng kliyente, boluntaryo, manggagawa o miyembro ng komunidad, maaari tayong gumawa ng aksyon gaya ng inilalarawan ng salitang, Pagkakamali. Ang aksyong ito ay magiging epektibo lamang kung tayo ay mahinahon at malamig ang ulo. العربيّة:غضب, বাংলা : রাগ, Català: ira, Deutsch: wut, Ελληνικά: Θυμός, English: anger, ire, choler, Español: Ira, Euskera: Haserrea, Filipino/Tagalog: galit, Français: colère, Galego: anoxo, Italiano: collera, 日本語: 怒り, Kiswahili: hasira, Malay: Kemarahan, Português: ira, Română: furie, Tiên Việt: sự tức giận, తెలుగు: ఆవేశము, 中文 (Zhōngwén): 怒气──»«──Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring, sumulat sa amin.Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |